Preparation
"Here's our classroom, Daddy!" Hila-hila ni Nico ang kamay ng kanyang ama palapit sa isang pinto na may pintang kulay sky blue. Sa may bandang gitna ay may nakasabit doon na "Welcome" na may disenyong paruparo at bulaklak.
Nakakadalawang katok pa lamang si Nicky ay bumukas na ito. Tumambad sa kanilang mag-ama ang sa tingin niya ay guro ng anak na nasa trenta mahigit ang edad. Kulay blonde ang buhok na may katamtamang taas.
Matapos magpakilala ay nag-iwan ng ilang paalala si Nicky sa guro. Nang masigurong nakapasok na ang anak sa classroom ay saka lang siya umalis para bumalik sa parking lot.
"Kumusta ang paghahatid mo kay Nico?" bungad ni Olive pagkapasok ni Nicky sa kotse.
Hindi nila pinasabay sa school bus ang anak ngayong araw. Napagkasunduan kasi nilang ihatid ito para ma-expose si Nicky sa kinasanayang buhay ng anak.
"Ayun. Sobrang ligaya ng anak natin." Hindi maipinta ang ngiti sa labi ni Nicky sa sandaling iyon. "Parang ayoko pa ngang umalis eh. Gusto ko siyang bantayan."
"I know." Tipid na ngumiti si Olive habang nakatuon ang pansin sa harap. "Alam kong sabik kang magpakaama kay Nico."
"Nico... Talagang isinunod mo sa pangalan ko." Kuminang ang mga mata ni Nicky habang nakahawak sa manibela.
Isang nakakailang na katahimikan ang pumagitna sa kanila. Binasag din naman iyon kaagad ni Nicky.
"Tara na?"
"Saan?"
Isinuksok ng binata ang susi sa ignition ng kotse. "Sa Bridal Trousseau." Kinindatan niya si Olive at saka pinaharurot ang sasakyan.
♡♡♡
Paunti-unti man ang pagbagsak ng niyebe sa paligid ay sapat na iyon para makakilos nang normal ang mga tao. Ramdam na rin ang diwa ng Pasko pagkat kaliwa't kanang mga establisyimento ang pinakukulay ng Christmas decor. Mas pinaliliwanag ang mga iyon ng makukulay na Christmas lights.
Paroon at parito ang mga taong naglalakad, na kahit halata sa mga mukha ang pagkaginaw ay natatabunan iyon ng pagkagiliw. Everyone's favorite season of the year is winter - the exact season that is perfect for Christmas which will be coming in three weeks.
There are people making castles and snowman from a snowpack. People who are joyfully throwing snowballs to each other and there are people trying to balance on the ground while wearing roller skates.
Lalo pang dama ang espiritu ng Pasko dahil sa pumapailanlang na awiting "I saw Mommy Kissing Santa Claus" mula sa bridal shop na nasa malapit lang.
Iyan ang tanawing nasa harap nina Nicky at Olive habang nakaupo sila sa loob ng sasakyan.
"Let's go," kaswal na sabi ni Nicky habang nag-a-unbuckle ng seatbelt.
Para bang walang narinig si Olive. Nanatili lang siyang nakatanaw sa bridal shop.
"Olive..."
Humugot ng malalim na paghinga ang dalaga.
"Do we really have to do this?" Ang pagpunta sa bridal shop ang tinutukoy niya.
"Yup."
"Puwede naman akong magsuot ng casual dress. May all-white pa naman ako sa closet. Isang beses ko lang 'yung naisuot. At saka huwag na nating bonggahan. Court wedding lang naman kas-"
Naudlot ang pagsasalita ni Olive nang ipihit ni Nicky ang ulo niya paharap. Walang ano-ano'y siniil siya nito ng halik.
Isang pamilyar na pakiramdam ang umusbod sa dibdib ng dalaga. Pakiramdam na wari ba ay may samu't saring Christmas lights ang sumisindi at nagpapailaw sa palibot ng kanyang puso. Na wari bang ang lamig na tumatakip roon sa matagal na panahon ay tulad ng niyebe sa lupa na nalaglagan ng nagbabagang apoy. Natutunaw. Nawawala.
Bumalik siya sa wisyo nang maramdaman niya ang pagkilos ng mga labi ng binata na nakadikit sa kanya.
Hindi. Hindi puwedeng ang pader na matagal niyang binuo ay mawasak sa loob lang ng ilang segundo.
Napasinghap siya at ginamit ang dalawang kamay para itulak ang binata.
"What do you think you're doing?" pagalit na sabi ni Olive. Sinalubong niya ang titig ng nangungusap na mga mata ni Nicky. Hindi niya alam na isa iyong pagkakamali dahil ikalulunod niya pala iyon. Nalulunod siya sa mga titig nito na lumalampas hanggang kaibuturan ng kanyang puso.
Ilang segundo pa ang lumipas at nanatili lang sa ganoong kalagayan ang dalawa. Ni isa sa kanila ay ayaw bumitiw. Na para bang kuntento na sila sa ganoon na lang.
For a moment, the lost years seems to be forgotten. They just let their souls talk which their shut lips couldn't do.
Napukaw ang kanilang atensiyon dahil sa pagkatok sa labas ng pinto. Dagling nataranta ang dalawa at umayos ng puwesto.
Nicky rolled down the window.
"Mr. Byrne?" saad ng isang babae na empleyado ng Bridal Trousseau base sa ID na naka-clip sa may kanang dibdib nito.
"Yes I am. We'll follow in a minute."
Malugod na tumango ang babae at agad na umalis.
Ngayon ay muling naiwan ang dalawa. An awkward atmosphere enveloped the car.
"That is not just a court wedding, Olive," may diin ngunit may halong lambing na saad ni Nicky. "That is our wedding. And I want it to be special."
Parang may kamay na humipo sa puso ni Olive at hinele-hele ito.
Lumabas na si Nicky sa kotse at agad itong dumako sa may side ni Olive para pagbuksan ito. "Shall we?" Inalok ni Nicky ang kanang kamay. "Or else? Hahalika-"
"Eto na." Agad iniabot ni Olive ang kamay sa binata. Binawi rin naman niya agad iyon pagkatayo niya sa paglabas niya ng kotse.
Inismiran ni Olive si Nicky at nagpatiuna na papunta sa loob ng bridal shop.
Naplasteran ng ngiti sa mukha si Nicky. Sinundan niya ng tingin ang dalaga. Mayamaya ay sumunod na rin siya.
♡♡♡
"This ball gown wedding dress has a vintage corset style," ani ng store attendant na nag-aassist sa dalawa. "A tulle overlay tops the Dutch scalloped lace skirt and a removable balloon sleeves complete the look."
Tumango-tango si Nicky habang nakamasid sa ipinepresentang bridal gown ng babae.
"Olive, what do you think?" Nilingon niya ang dalaga. Noon niya napansing may pinagmamasdan itong isang design na nakasuot sa isang mannequin.
Hindi napansin ng dalaga ang pagtawag ni Nicky dahil masyado siyang abala sa pagkilatis ng damit.
"Olive?" muling pagtawag ni Nicky sa dalaga.
Napabitiw si Olive sa laylayan ng damit saka tinapunan ng tingin ang damit na hawak ng store attendant. Tiningnan iyon mula laylayan hanggang neckline. "T-That's elegant." Muling ibinalik ni Olive ang tingin sa damit na kanina ay kinikilatis. Isang segundo lang 'yun dahil muli niyang tiningnan ang dress na hawak ng attendant. "How much is that?"
"$5,000.00, Ms. Barcelo," nakangiting sagot ng atendant. "I'll give a ten percent discount. $4,500.00. That's the last price."
Hindi naman naitago ni Olive ang gulat. Napahawak siya sa dibdib. "Don't you have dresses which cost lesser than $1,000? That's all I can aff-"
Nicky cut her off. He faced the attendant. "I'll pay for the dress." Hinapit niya sa beywang si Olive dahilan para uminit ang mukha ng dalaga na parang lalagnatin. "I just want to make my bride wear what she wants on our wedding day."
Bumitiw sa pagkakahawak ang binata. Nilapitan nito ang damit na kanina'y kinikilatis ni Olive. Tiningnan iyon at hinaplos. "I believe it fits her well. Can she try?"
Agad tumango ang attendant at pinuntahan ang display.
Nilapitan naman ni Olive ang binata at binulungan.
"$10,000 'yun. Ang mahal."
Nicky placed his forefinger on Olive's lips. "Do you want me to kiss you again?"
Shock is drawn on Olive's face. Mas minabuti na lang niyang itikom ang bibig para hindi ituloy ni Nicky ang binabalak.
♡♡♡
Dalawampung minuto nang naghihintay si Nicky sa may labas ng fitting room. Kanina pa rin siya pahid nang pahid ng panyo sa mukha kahit hindi naman siya pinapawisan.
Hindi rin niya mabilang kung nakakailang sulyap na siya sa nakasaradong pinto. Ang tangi niyang alam ay nasasabik siyang makita si Olive na nakasuot ng damit-pangkasal.
"First look jitters, Sir? pagpukaw ng pansin ng store attendant.
Umangat ang sulok ng labi ni Nicky. "It seems so."
Hindi pa nakatatagal ang paglawig ng ngiti niya nang pukawin ng atensiyon niya ng pagbukas ng fitting room.
And there he saw Olive, wearing a spaghetti strap white wedding dress, with almost 4,500 opal beads and crystal stones, with layered skirt that is finished with horsehair trim, giving the appearance of crisp ruffles.
Kusang umangat sa pagkakaupo ang kanyang balakang mula sa upuan upang bigyang-pugay ang nilalang na wari ba ay bumaba mula sa kalangitan.
His eyes didn't leave her, afraid that if he did miss a second to look, he'll lose her from his sight.
"Uy, Nicky." Ikinaway-kaway ni Olive ang palad sa tapat ng mata ni Nicky. Halos hindi na kasi ito kumukurap.
Pagkatapos ng limang segundo e saka lang natauhan ang binata kaya ilang beses niyang iminulat-pikit ang mga mata.
"Tinatanong kita kanina pa. Sabi ko, para kasing maluwag o sikip na hindi ko mawari. Ano ang sa tingin mo?"
Umiling-iling si Nicky. "No." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng dalaga. "You look drop dead gorgeous!"
Olive showed an unconvinced look. "Weh?"
"It seems like this dress was tailored for you. It suits you perfectly!"
Pilit itinatago ni Olive ang pagngiti sa pamamagitan ng pag-ismid. Pero aaminin niya sa sarili niya na sobrang naapektuhan siya sa compliment ni Nicky. Nagtatalo ang isip at puso niya. Sabi ng puso niya, kinikilig siya. Sabi naman ng isip niya, normal response lang daw 'yun sa papuri.
Bumaling si Nicky sa store attendant at agad-agad siyang nagpa-assist sa counter. Ilang minuto pa ay bitbit na niya ang isang malaking paperbag na kinalalamnan ng wedding dress ni Olive.
♡♡♡
Binabaybay na ng dalawa ang daan palayo sa bridal shop.
"Ikaw, hindi ka ba titingin ng tuxedo o suit?" tanong ni Olive sa binata habang nakatanaw siya sa tanawin sa labas.
"Hindi na. I'll just visit Michael Cinco's physical store in the Philippines," saad ni Nicky na tutok sa pagda-drive.
"Philippines? So uuwi ka?" kaswal na tanong ni Olive pero sa loob-loob niya ay naroon ang pangamba at kuryosidad.
Aalis si Nicky. Maiiwan kaming mag-ina rito.
"Babalik ako. Trust me."
Napahawak nang mahigpit si Olive sa seatbelt. "Ayan na naman tayo sa trust me, trust me na 'yan." Halata na ang iritasyon sa boses niya. "Trust you? What a joke!"
"Teka, alam ko na ito e." Binagalan ni Nicky ang pagpapatakbo sa sasakyan. "Nabasa ko na 'to sa Wattpad. Sasabihin mo, 'Stop the car!' tapos ititigil ko ang sasakyan. Lalabas ka at padabog mong isasara 'yung pinto. Siyempre matataranta ako kaya dali-dali kong i-a-unbuckle itong seatbelt saka hahabulin kita. Pag nahabol na kita, yayakapin kita mula sa likod sabay bulong ng 'Baby, let's talk."
"Hindi ako nakikipagbiruan!" Tumaas ang tinig ni Olive. "Stop the car!"
Nagpalinga-linga si Nicky sa paligid. Walang kabahayan. Paniguradong malamig sa labas lalo pa at hindi tumitigil ang pagbagsak ng niyebe. Hindi niya puwedeng hayaang mag-walk out si Olive sa estado ng lugar.
"Alright." He sighed. "I'll stop the car. But not here." Sumeryoso ang mukha ni Nicky.
"Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo ako!"
"In my mansion." Kinindatan ng binata si Olive sabay pihit sa accelerator ng sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro