Pictorial
"Nakakapagod. Wala na akong energy!"
Isinandal ni Olive ang ulo sa headrest ng sasakyan ni Nicky.
"Magmeryenda ka muna, Olive." Iniabot ni Nicky ang isang sandwich at lemon juice sa dalaga. "You look really tired."
"Thanks." Agad na kumagat ang dalaga sa tinapay na ibinigay ng kasama. "Imagine? Isang sabon lang 'yun pero eight hours ang inabot ng photoshoot? Ang hirap kitain ng pera!"
Galing sila sa photoshoot ng bagong labas na sabon ng kumpanya ni Nicky. Napapayag na kasi siya nito na maging model. Bukod kasi sa kikita siya rito ay subok na niya ang mga product line ng kompanya ng binata kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa na pumayag sa alok nito.
Nicky chuckled softly. "But you know what? You did great. Parang dati ka nang nagmomodelo. Hindi nahirapan ang camera men na hanapin ang anggulo mo. "
Napatigil sa pagnguya ang dalaga dahil sa pagtitig ni Nicky sa kaniya. May kung anong mainit na temperatura ang lumabas sa pisngi niya.
Hindi siya sanay na makarinig ng compliments.
Kumurba ang labi niya pataas. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang binata.
"Alluring White Soap with Snail Extracts will definitely be a hit once the poster is released."
He leaned closer to Olive. "Ang ganda kasi ng bagong model namin eh."
"Sus. Bolero ka ha?" Inilapit ni Olive ang mukha sa lalaki kaya ngayo'y gadangkal na lang ang layo nila sa isa't isa. "May hihingin ka na namang pabor 'no?" She seductively looks at him.
Umiling-iling ang binata. "What I'm telling is true, Olive. It's an honest compliment." Pinisil ni Nicky ang braso ng dalaga. Tiningnan niya ito nang mataman. "I'll bring you home."
"Home? Hindi ba muna tayo magha-hang out?"
"I know you miss my body a lot pero pagod ka. You need to take a rest."
"Uy, kapal ha?" Siniko niya ang lalaki habang nagpipigil ng tawa. "Sige na. Ihatid mo na ako."
♡♡♡
"Ipara mo na lang dito."
Itinigil ni Nicky ang sasakyan sa tapat ng bahay na dalawa ang palapag.
"Thank you sa paghatid, Nicky."
Tumango-tango lang ang lalaki. Nakapokus ang atensiyon niya sa bahay ni Olive.
"Ang ironic 'noh?"
Napatingin si Nicky sa dalaga nang magsalita ito. "Nagbebenta ako ng magagandang bahay pero hindi ako makabili ng mga gano'n."
Napabuntong-hininga siya. "Pero ipinapangako ko. Maibenta ko lang 'yung project ko, iaalis ko sila rito."
"Actually, Olive. I can see nothing wrong with your house. Sementado, dalawa ang palapag at de-tiles. May sliding window."
Muling tumingin ang binata sa labas nito. "And I can't imagine na sa gitna ng siyudad ay may ganito pa palang bahay na may tanim na ornaments sa labas. Ang preskong tingnan."
Napatalon ang puso ni Olive. Kanina kasi ay alanganin pa siyang magpahatid mismo sa harap ng bahay nila dahil sa itsura nito pero ngayon e nawala lahat ng iyon. Tama ang lalaki. Sementado nga ang bahay nila ngunit pakiramdam niya'y kung ikukumpara sa mga ibinebenta niyang unit ay walang-wala ito.
"Oh, Olive. May bisita ka pala." Ang Kuya Jerico niya ang nagsalita.
"Kuya..."
"Tol, Jerico nga pala." Inilahad ng lalaki ang palad kay Nicky. "Kapatid ako ni Olive."
"Nice to meet you, 'tol. Nicky nga pala." Tumingin ang binata kay Olive. "Kaibigan ni Olive."
Namaywang si Jerico habang sinisipat ang bagong dating. "Ahhh, kaibigan lang pala. Akala ko syota ka niya."
"Kuya!"
"Biro lang!" Ginulo-gulo ni Jerico ang buhok ng kapatid. "O sige na. Pumasok na kayo. Tamang-tama kasi nagluto ako ng bopis." Binalingan nito si Nicky. "Dito ka na kumain. Mag-iinom tayo pagkatapos."
"Ayos!" Nakipag-apir ang binata sa kapatid ni Olive. Matapos ay magkaakbay ang dalawa na pumasok sa loob ng bahay.
"Inom? Anong— Oy. Hintayin ninyo ako!" Walang nagawa si Olive kundi habulin sina Nicky at Jerico.
♡♡♡
"Uy, Nicky. Tara kakain na."
"Ah sige. Susunod na ako." Kinindatan ng lalaki ang dalaga.
Nang masigurong nakabalik na sa dining room si Olive ay muling sinulyapan ni Nicky ang nakakuwadradong larawan. Litrato iyon ng isang batang babaeng nasa sampu ang edad. May itim na buhok at payat na pangangatawan.
"Kojic, halika," pagkuha ni Nicky sa atensiyon ng lalaking nasa disi y nuwebe ang edad.
Kakamot-kamot naman itong lumapit sa binata. "Kuya, Kojie po. Ginawa n’yo po akong sabon eh."
Napatawa si Nicky na noo'y umakbay sa nakababatang kapatid ni Olive. "Biro lang."
Napatawa naman ang lalaki. "Bakit po pala?"
"Sino itong batang ito?"
"Si Ate Olive po."
Tumango-tango lang ang lalaki. "Sige na. Kumain na tayo."
Isang sulyap ang ipinukol ni Nicky sa larawan bago dumiretso sa hapag-kainan.
♡♡♡
"Oh, 'tol. Ito pa."
"Salamat, 'tol." Maganang inabot ni Nicky mula kay Jerico ang bowl na may bopis. "Grabe. Paboritong-paborito ko 'to."
"Paborito?" tanong ni Olive na noo'y sinasandukan ng pagkain si Ayume.
Tango lang ang isinagot ni Nicky na hindi maabala sa pagkain. "Para kang 'yung kakilala ko. Gustong-gusto rin ang bopis."
Napatigil sa pagkain ang lalaki. Ipinihit ang ulo papunta sa dako ni Olive. "Sino?"
Umiling-iling lang ang tinanong. "Long lost friend. Hindi mo naman kilala."
"Kaya lagi 'yang nagre-request si Olive ng bopis e kasi naaalala 'yung kaibigan niyang 'yun. Sobrang lapit kasi nila sa isa't isa," sabad ni Jerico.
"Kumusta na kaya siya?" Napatingin si Olive sa ceiling.
"Kahit ipa-KMJS pa natin 'yun, ate, malabo pa sa malabo na mahanap natin 'yun. E andami-raming Nicholas sa mundo," ani Marck.
Napaubo si Nicky. Napatingin naman sa kaniya sina Olive at ang pamilya nito.
Dali-daling inabutan ni Olive ng isang baso ng tubig ang binata.
"Sorry. Sunod-sunod kasi ang subo ko. Ang sarap eh!"
Tuloy-tuloy na hinagod ni Olive ang likod ng katabi.
"Alam mo, ate. Bagay kayo," saad ni Marck na noo'y nakatingin sa dalawa.
Sa pagkakataong ito ay si Olive naman ang nasamid. "H-Hoy, babae ka. Wag kang magsalita ng ganiyan sa harap ng bisita ko. Nakakahiya."
Nag-make face lang ang dalagita sa kaniyang ate.
"Oh siya. Tapusin na natin 'tong pagkain. Gusto ko nang patagayin 'tong bisita natin," sabad ni Jerico.
"Ayos!"
Tumayo si Olive. "Tapos na akong kumain. Ako na ang magse-set up ng pag-iinuman ninyo."
♡♡♡
Mag-aala una na ng umaga ay lupaypay na sina Jerico at Kojie sa dami ng nainom. Si Nicky naman ay nakararamdam ng hilo pero nasa wisyo pa naman.
Pinagtulungan nina Nicky na ipasok ang dalawang kapatid ni Olive na lasing na lasing.
"Nilasing mo si Kuya. May pasok pa 'yun bukas." Umiling-iling ang dalaga. "Ikaw rin. Di ba sabi mo may meeting kayo?"
Tumango lang ang lalaki na noo'y nakasandal sa sofa.
Nameywang ang dalaga habang umiiling. "Sandali. I'll get a hot compress."
Naghanda ang dalaga ng maligamgam na tubig at face towel. Umakyat sandali para kumuha ng pamalit ng lalaki.
Nicky groaned.
"Masakit pa ba ang ulo mo?"
Marahang tumango ang lalaki habang nakapikit.
Pinunasan ng dalaga ng basang tuwalya ang braso, kamay, mukha, at leeg ng binata.
"Magbihis ka na sa CR. Amoy alak na 'tong damit mo." Kinuha ni Olive ang braso ni Nicky para alalayan ito patungong banyo.
Halos mabuwal siya pero pinilit niyang balansehin ang katawan.
"We're here." Iniabot ng dalaga ang malilinis na damit na hawak. "You can use this for the meantime. Kay kuya 'to. Isoli mo na lang."
"Thanks, baby." Wala sa sariling ginawaran ni Nicky ng halik ang dalaga sa leeg. Madali lang 'yun pero nagdulot ng kakaibang init sa buong katawan ni Olive.
"S-Sige na. Pumasok ka na at magbihis." Itinaboy ng dalaga si Nicky papasok sa banyo. Nang mapagtagumpayan niya 'yun ay napasandal siya sa pinto at mariing pumikit. Sunod-sunod ang hanging pinakawalan sa dibdib.
Wala pang limang minuto ay nakalabas na ang binata. Muli ay inalalayan ng dalaga ito patungo sa nag-iisang kuwarto na malapit sa sala. Ito ang nagsisilbing guest room nila. Ang ibang kuwarto ay nasa taas.
Nang makapasok sila sa kuwarto ay para bang lalong dumoble ang nararamdamang pag-aalab ni Olive. Idagdag pa roon ang init na nagmumula sa katawan ng lalaki dahil sa pagkalasing nito.
"Dito ka muna matulog, Nicky."
"Sleep with me, baby."
"Hindi puwede."
"I know." Hinapit siya ng lalaki. "I just want to hug you."
Nagugulumihanan man dahil sa sinabi ng lalaki ay pumayag na lang siya sa request nito.
Unti-unti nang bumigat ang talukap ng mga mata ng dalaga hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
Hindi niya alam na may mga matang nakamasid sa kaniyang malaanghel na mukha.
"Good night, Biyang."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro