Needed
“Olive, puwede ka bang makausap?” Si Jerico ang nagsalita, ang kapatid ng dalaga.
“Oo naman, Kuya.”
Hinigit siya ng kuya niya patungong kusina. Huminga muna ito nang makailang ulit. Nariyang ipapasok ang dalawang kamay sa bulsa, ilalabas, at ipapasok ulit sabay buga ng hangin mula sa bibig.
Nakatingin lang ang dalaga sa kaniyang kapatid habang hinihintay itong magsalita.
“Ano.. kwan, kasi ano.. bunso. Manghihiram sana ako ng pang-dialysis ni Ayume.. Nakakahiya man per—”
Hindi na hinintay pa ni Olive na makatapos sa pagsasalita ang kuya niya. Kinuha niya agad ang sampung lilibuhin sa wallet niya. Hindi man lang niya pinatagal sa palad dahil ibinigay niya agad iyon sa kuya niya.
“Bunso, sobra-sobra na ’to.” Tangkang ibabalik ng kuya niya ang tatlong libong piso. “Hindi ko kayang bayaran ’yan.”
Pinisil ni Olive ang balikat ng nakatatanda niyang kapatid. “Hindi ko naman pinababayaran ’yan, Kuya....” Saglit na sinulyapan ng dalaga ang siyam na taong gulang na pamangkin sa sala. Nakaupo ito habang naglalaro ng tablet. “Pamangkin ko si Ayume. Hindi ko siya kailanman pagdaramutan.”
Patagong inihilamos ni Jerico ang isang kamay sa mukha para ikubli ang nagbabadyang luha.
“Salamat, Bunso.” Mahigpit niyang niyakap ang kapatid.
Gumanti ng yakap si Olive. “Huwag kang mag-alala, Kuya. Makakuha lang ako ng buyer ng biggest project ko, ipapa-kidney transplant agad natin si Ayume. Pangako ’yan.”
♡♡♡
Habang nakasakay sa jeep papuntang trabaho ay malayo ang nararating ng tingin ni Olive. Malalim ang kaniyang iniisip.
Higit singkuwenta mil na lang ang laman ng kaniyang bank account. Hindi niya alam kung ilang dialysis pa ng pamangkin ang pagkakasyahan ng pera niya. Bukod pa roon, kailangan din niya ng pera para sa pag-o-OJT ng mga kapatid niyang sina Kojie at Marck.
“Kailangan ko nang doblehin ang effort ko. Kailangan kong makabenta,” saad ni Olive sa sarili niya. “...lalo na ang property sa Ayala Alabang.”
Bawat property kasi na maibebenta niya ay may 3% commision siyang kikitain. Kaya kung maibenta niya ang property na tinutukoy niya ay laking kaginhawaan ang maidudulot nito sa pamilya niya.
Malayo ang nilalakbay ng isip niya nang mag-vibrate ang telepono niya. Si Patty iyon, ang boss niya.
“Ms. Barcelo, saan ka na?”
“Malapit na ako, boss.” Kumunot ang noo niya. Hindi pangkaraniwan ang tawagan siya nito. Her boss values her personal space at hangga’t hindi pa siya nakakapag-time in ay hindi ito nangingialam o nanghihimasok. This might be important. “Bakit po?”
Tumikhim si Mrs. Camingao sa kabilang linya. “Somebody wants to talk to you about the property in Ayala Alabang.”
Nabuhay ang lahat ng dugo sa katawan niya nang marinig ang sinabi ng boss.
“P-Po? Sino po? K-Kilala n'yo?”
“Mas magandang dito mo na malaman. The clients are in the lobby. Dumiretso ka na lang sa office ko. Papapasukin ko sila rito.”
Halos palitan na ni Olive ang driver sa pagpapaandar ng jeep makarating lang agad sa opisina.
Ito na ang big break na hinihintay niya. Ito na ang tamang pagkakataon para maiahon niya ang kaniyang pamilya.
♡♡♡
Nasa tapat na siya ng pinto ng opisina nila sa ikawalong palapag ng building. Huminga muna siya nang malalim. Sinigurong plantsado at hindi gusot ang damit na suot.
“Good mornin—”
Parang nawala ang lahat ng dugo sa mukha ni Olive nang magisnan ang dalawang nasa opisina ng boss niya.
“Oliv— I mean, Ms. Barcelo.”
Ano ang ginagawa ng lalaking ito rito? tanong ni Olive sa isip niya.
Tumingin si Olive sa kasama nitong babae. Nang magsalubong ang tingin nila ay yumukod ito at binati siya. “Magandang umaga, Ms. Barcelo.”
Napahigpit ang hawak ni Olive sa seradura ng pinto. Ang mga 'kliyente' na kaharap niya ay walang iba kundi sina Gino Revadulla — ang ex niya at ang asawa nitong si Roxanne Mondragon-Revadulla. Ang babaeng anak ng mga Mondragon na may-ari ng pinakamalaking pribadong ospital sa Biñan. Ang babaeng ipinalit ni Gino sa kaniya.
Para bang kinain niya ang lahat ng sinabi noong magkasama sila ni Nicky habang tinatanaw ang city lights. Iba-ibang emosyon ang nararamdaman niya ngayon.
“Ms. Barcelo, maupo ka muna.” Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa kaniya ng boss niya.
Ganoon nga ang ginawa niya. Kahit ano naman kasi ang pinagdaanan nila ay kailangan pa rin niyang pakitunguhan nang propesyonal ang mga bagong dating.
♡♡♡
Pagod na sumalampak sa couch si Olive. Kababalik lang niya sa opisina mula sa site viewing ng mansiyon kasama ang mag-asawa.
Binalikan niya ng tanaw ang pangyayari kanina.
“Its lot area is 580 sqm. Floor area is 900 sqm. Kung titingnan ninyo, this house has three storeys at meron ding basement sa baba. Pero hindi kayo mahihirapang umakyat-panaog kasi you can use the elevator.”
Lumapit si Olive sa tinutukoy. May pinindot siyang button na nagpabukas ng elevator door.
Pumasok sila sa loob at umakyat sa ikalawang palapag.
“It has seven bedrooms, not yet including two maid’s bedroom on the first floor.”
“Hon, I want to consider buying this house as soon as possible,” ani Roxanne na noo’y nakahilig sa dibdib ng asawa niya. Sumulyap ito sa parte ni Olive habang nakangiti. Hindi sigurado ang huli kung may bahid ba ’yung pagpaparunggit pero binalewala na lang niya. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay maibenta ang bahay. Her stupid heart’s emotion cannot feed her family nor it could pay the dialysis of her niece. Para sa pamilya niya, kaya niyang lunukin ang lahat. Pati ang pride niya.
“Uhm, maganda nga, Hon. Pero parang may mali eh,” saad ni Gino.
Palihim na ikinuyom ni Olive ang kamao niya.
“Hindi ko gusto ang kulay.” Pagkasabi niya noon ay diretso niyang tiningnan si Olive.
“Not to worry about that, Mr. Revadulla. We can change the color of your house based on your preference. Kasama na ’yun sa babayaran ninyo.”
“Oh, ’yun naman pala, Hon.” Inilingkis pa ni Roxanne ang kamay sa braso ng kabiyak. “Kuhanin na natin ’to. Sayang din kasi.”
♡♡♡
Bumalik sa wisyo si Olive nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Si Gianna ang pumasok.
“I brought you a cup of coffee. Alam kong sira ang araw mo ngayon.”
“Sinabi mo pa." Olive rolled her eyes while fixing her sitting position.
“Bar tayo mamaya? Pampaalis ng inis.”
“I really love to go. Kaso...” bumusangot si Gianna. “...imi-meet ko pa kasi ’yung clients ko.”
“Really? After office hours?”
Gianna giggled. “Guwapo siya.”
Mahinang tumango si Olive. “Alam na.”
“Sige na girl, I have to prepare pa. Bye.”
Natatawang-naiiling lang si Olive habang nakatanaw sa kaibigan. Napabuntong-hininga na lang siya. She needs a companion right now para sandaling limutin ang mga nangyari.
Napangisi siya nang may maisip siyang isang tao. Kinuha niya ang cellphone at t-in-ext ito.
Let’s meet later, Nicky.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro