Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day Off

"Nag-take ng day off ang isang Olivia Barcelo? That's a miracle!" palatak ni Gianna.

Tipid na ngumiti si Olive. Kapagkuwa'y naglagay ng ilang lata ng flakes 'n oil sa push cart. "I need a couple of days to clear things on my head, Gi."

"You should have done that before. Masyado kang nag-o-overwork. Ayaw kong maging ulila sa bestfriend 'noh?"

Napapailing na napapangiti sa amusement si Olive. "Well, I appreciate that, Gi. You're the best bestfriend ever."

Nasa Tindahang Pilipino ang magkaibigan. Ito ang itinuturing nilang girl bonding na bibihira lang mangyari.

Gianna also migrated in the US when she and her husband decided to settle down. Nauna lang ng ilang buwan si Olive.

"Mommy, mommy." A four-year old little girl pulled the hem of Gianna's dress. It's Kelly, Gianna's daughter.

"Yes baby?"

"Nico and I want to go to the chocolate's corner. Can we?"

Tumingin muna si Gianna kay Olive. Ngumiti lang nang malapad ang huli, hudyat na wala itong pagtutol sa nire-request ng batang babae.

"Alright." Pinisil ni Gianna ang pisngi ng anak. "Just make sure not to go anywhere. We'll not keep you out of sight, okay?"

"We'll do, Mom. Thank you!" Noon di'y hinawakan ni Kelly ang kamay ng kaibigang si Nico.

"Be careful, Nico and Kelly. You two might trip over!" pahabol na sigaw ni Olive.

Napatawa ang magkaibigan habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak na umiindak pa papunta sa inaasam na chocolate corner. For those kids, they consider it as a safe haven.

"Anlaki na rin ni Kelly, 'no?" saad ni Olive habang nakatanaw sa dalawang bata.

Tumango si Gianna. "Baka hindi natin namamalayan e dalaga't binata na ang mga anak natin." Naglagay siya ng Argentina corned beef sa push cart. "Let's go to the Women's Care corner."

Magkatulong nilang itinulak ang pinaglagyan ng mga bibilhin. Sinimulan na ni Olive ang pagkuha ng ilang piraso ng Dove Soap.

"Kailan kayo babalik sa New York?"

Gianna shrugged her shoulders. "I don't know. Maybe in two weeks or a month? It really depends on my husband's scope of work."

"Medyo matagal pa pala. We still got a lot of time to catch up. Bibihira na lang tayong magtagpo lalo pa at magkaiba ang states na tinitirhan natin." Olive chuckled.

"Sus, ikaw lang naman ang hinihintay ko, girl. Ilang beses na ba kitang niyayang lumabas mula nang dumating kami sa Connecticut?" Gianna jokingly said.

Itinaas ni Olive ang dalawang kamay at inilagay ang mga iyon sa baywang. "Eh paano naman kasi, you always tell me na may irereto kang lalaki for me. Alam mo namang wala akong time sa ganiyan eh." Olive looked at her son in a distance. "My son is my priority."

"I'm just giving some recommendations, Olive. You know how much I wanted to see you happy. When Nico turns 18, he'll leave you. You know America."

Natatawang-naiiling lamang si Olive sa kaibigan.

"Are you still not dating because of him?"

Napatigil si Olive sa pag-amoy sa tester ng eau de toilette na naka-display. Tinitimbang ang isasagot sa kaibigan.

Wala mang binanggit na pangalan si  Gianna ay iisang tao lang ang naiisip ni Olive sa tanong na iyon.

Olive tilted her head to face her bestfriend. "Of course not."

"You said so." Gianna arched her eyebrows with an unconvinced look.

Nagtitingin-tingin pa sila sa women's corner sa loob ng ilang saglit.

"Ohh, may display na pala sila nito?"

Out of curiosity ay napalingon si Olive sa nakita ng kaibigan. Hawak-hawak nito ang isang pamilyar na packaging.

Napanganga si Olive sa nakita. Nagsunod-sunod ang pagtambol ng puso niya.

"They released the Alluring White Soap with snail extracts again... with your face on it."

Kumuha si Olive ng isang sample ng sabon. Tunay ngang ito 'yung sabon na ini-model niya five years ago. Ganoon pa rin ito but the packaging was innovated a bit.

"Based on your reaction I know you're not aware. Is it even legal?" may pagtatakhang tanong ni Gianna.

"I believe it is," Olive answered. "I can still clearly recall the contract." Kumuha si Olive ng ilang piraso. "Hayaan mo na."

"Fine. Kung sabagay, dapat matuwa pa ako kasi nakabuyangyang na naman ang face ng bestfriend ko sa buong mundo. Hindi na ako magugulat na may magpapirma na sa 'yo ng autograph one of these days," saad ni Gianna na pumunta naman sa men's corner. "Dito muna ako, girl. Ipipili ko si hubby ng essentials niya."

"Go lang. Namimili pa rin naman ako ng shade ng lipstick. Pudpod na 'yung ginagamit ko," sagot ni Olive na noo'y nagpapahid ng tester sa may pulso niya. "Alin kaya ang bibilhin ko, red or pin—"

Naantala ang pagpili niya sa pagtili ni Gianna. Sa taranta ay inilagay na niya parehas ang lipstick sa push cart.

"Gi, bakit?" Olive hurriedly went to her screaming friend.

"Look."

Para bang napugto ang paghinga niya nang makita ang tinutukoy ng kaibigan.

Alluring Essential's Men Facial Wash

Natuod si Olive sa kinatatayuan.

Alluring Essentials has always targeted women as their market.

Surprisingly, it's different this time.

Dahil maging kalalakihan ay ibinilang na rin pala ng naturang kumpanya sa hilera ng kanilang marketing niche.

But that is not what bothers Olive.

Dahil ang nagpapabagabag sa kanya ay ang modelo ng naturang facial wash.

At kung paanong sa sabay na pagkakataon ay ni-release ang facial wash na may litrato ng modelo

At ng sabong iminodelo niya limang taon na ang nakaraan!

Kumuha siya ng isang facial wash at matamang tiningnan ang larawan sa packaging.

How could she ever forget this man?

For a short term they've been together, she already know every details of his face.

Medyo nag-iba lang ngayon dahil medyo nag-mature na ito.

Pero taglay pa rin nito ang kaguwapuhan. Kaguwapuhan na nagpahumaling sa kaniya noon.

She looked intently at his flashing smile.

The smile that seems to be pictured intentionally for her to look at.

She gazed upon the model's eyes.

At para namang ibinabalik ng larawan ang pagtitig na iyon.

Pagtitig na para bang sumusuot at naglalakbay sa bawat ugat sa kaniyang katawan.

"Are you good, Olive?" Naputol ang daloy ng isip niya nang kawitan ni Gianna ang braso niya.

"Of course!" Pilit pinasigla ni Olive ang boses, iniiwasang mabasag iyon.

Muling ibinaling ni Gianna ang tingin sa produktong nasa harap nila. "Model na rin pala siya ng kumpanya nila."

Hindi iyon kataka-taka para kay Olive. Pihado siyang muling napasakamay ni Nicky ang CEO position matapos ang kanilang paghihiwalay ng landas. And what she has overheard, Alluring Essentials became one of the top companies in the country mula nang i-take over ni Nicky ang kumpanya. And that's it. Ayaw na niyang alamin pa ang ibang detalye tungkol sa kumpanyang iyon. Cause it always reminds her of the decision that Nicky made the last time they saw each other.

"Good for him," sabi ni Olive.

Inobserbahan ni Gianna ang kaibigan. Wala siyang kasiguraduhan kung wala ba talagang ekspresiyon ang kaibigan o ikinukubli lang nito ang tunay na nararamdaman. Kung ano man iyon ay hindi niya alam.

Nagsimula nang humakbang palayo si Olive sa estante ng facial wash. "Tara na, medyo napapalayo na tayo sa chocolate corner. Balikan na natin ang mga junakis natin."

♡♡♡

"Baby, what did you do?" Olive worriedly asked Nico who is munching a piece of Chooey Choco. And based on the empty packagings on the floor, he already ate five.

"It's okay, Aunt Olive. A guy already paid for these chocolates!" Kelly happily answered as she showed her half-eaten Snickers.

"Guy? Who's guy is it?"

Kelly shrugs her shoulders. "I don't know, Aunt Olive. But he's handsome,  has a blonde hair, blue eyes, and nice set of teeth just like Nico!" She giggled after saying that.

Biglang kinutuban si Olive. "W-Where is he?"

Kelly shook her head. "He left after he paid for our snacks."

Tipid na ngumiti si Olive. Pinukulan ng pansin ang anak na busy pa rin sa kinakaing chocolate. "Next time baby, please decline if a stranger offers you any sweets or toys. We may not know if he is a bad guy. Just tell mommy if you want something and I'll buy it for you, okay?"

Nico nod his head in agreement.

♡♡♡

Maayos na nagpaalam sa isa't isa ang magkaibigan pagkabayad sa mga pinamili. Bumalik na rin agad si Gianna sa AirBnb na tinutuluyan pero bago 'yun ay nangako itong dadalaw sa bahay ng kaibigan bago tuluyang umuwi sa permanente nitong tirahan sa New York.

Si Olive naman ay dumiretso na sa sariling bahay. Wala naman siyang ibang pupuntahan. Bukod pa roon, Nico is sleeping as a rock at the backseat. Gusto na niyang ilipat ito sa komportableng kama.

♡♡♡

Nang maigarahe ang kotse ay lumipat muna siya sa backseat habang iniintay ang pagbaba ng Kuya Jerico niya. Nagpresenta kasi ito na buhatin si Nico paakyat sa kuwarto.

Hinaplos niya ang malambot na pisngi ng anak.

"You got the color of your daddy's hair and eyes. Pero 'di hamak na mas kamukha mo ako!" Olive chuckled. Inilapit niya ang mukha sa bumbunan ng anak at banayad na hinagkan iyon.

Bahagyang kumibot ang anak ngunit patuloy pa rin ito sa pagtulog. "Patawarin mo ako anak, hindi kita mabibigyan ng buong pamilya. Pamilyado na ang.. ang daddy mo." Napasinghap si Olive. "I love you."

"I love you too, Mommy."

Napatalon ang puso ni Olive nang sumagot ang kaniyang anak. Noong una ay nakadama siya ng kaba pero nawaglit agad iyon. Kampante siya na hindi naunawaan ng anak ang kaniyang sinabi. Hindi pa gaanong pamilyar si Nico sa mga salitang Tagalog.

"Nagba-bonding moments ang mag-ina, ah?" Napukaw ang atensiyon nila nang may magsalita sa 'di kalayuan. Si Jerico.

"Let me lift you, bud." Nagpasintabi si Jerico sa kapatid para mabuhat nang maayos si Nico na bagama't gising ay mapupungay ang mga mata.

Sinundan ni Olive ng tanaw ang magtiyuhin papasok ng bahay at mayamaya ay sumunod na rin siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro