Confess
Magkakalayo ang poste ng mga ilaw na siyang nagtatanglaw sa mangilan-ngilang sasakyang nagdaraan. Sa gilid ng kalsada ay nakatigil ang sasakyan ni Nicky. Sila naman ni Olive ay nanatili lang sa loob at nakaupo. Katahimikan ang pumapagitan sa kanila.
"Nicholas."
Napahawak nang mahigpit si Nicky sa manibela ng kotse nang marinig si Olive sa pagbigkas ng tunay niyang pangalan. Nilaliman niya ang paghugot ng paghinga bago hinarap ang dalaga.
"Biyang..."
Lumabi si Olive. Iniiwas niya ang tingin sa binata. Halo-halo ang emosyon na kaniyang nadarama.
"I just knew about it the first time I went to your house. Noong makita ko 'yung picture mo noong bata ka pa, nagkaroon ako ng kutob na baka ikaw ang kababata kong si Biyang. But I give the benefit of the doubt. Baka kasi kamukha mo lang. Pero..."
Pinukulan ni Olive ng sulyap ang binata, kita ang interes sa mga mata niya.
"Pero mas lumakas 'yung pakiramdam ko noong napag-usapan natin sa dinner table—"
"Yung bopis na paboritong-paborito mo. Na niluluto ni Lola Gets sa tuwing dinadala kita sa bahay!" may ngiting sabi ni Olive.
Napatawa si Nicky dahil doon. Kahit papaano ay gumaan na ang atmospera sa pagitan nilang dalawa.
"Seventeen years na ang nakakalipas pero sariwa pa rin 'yung mga alaalang 'yun."
Muli ay nilukob sila ng katahimikan.
Kaagad binawi ni Olive ang kamay sa binata. "Hindi mo ako kinumusta. Hindi ka rin dumalaw-dalaw."
"I'm sorry, Biy— I mean, Olive. I'm at fault for not doing that. Ipinadala ako ni Dad sa States to continue my studies at lalo akong nawalan ng pagkakataong makibalita."
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Olive. "I'm glad to meet you again, Nicholas."
Ipinungay ng dalaga ang mga mata. "Noong araw na hinabol ko ang bola mo, natagalan ako sa pagkuha noon dahil sa daloy ng tubig sa ilog. 'Yun nga lang, hindi ko napansin na masyado na pala akong napalayo sa pinaglalaruan natin kaya natagalan ako pagbalik."
"Bumalik ka?"
Tumango si Olive. "Oo, kaso noong nandoon na ako, bigla akong nahiya magpakita kasi marami na ang tao ang nandoon kaya nagtago muna ako sa taas ng puno ng sampaloc. Nakita ko pa nga 'yung daddy mo na sinundo ka eh."
Nicky looked at Olive. "I lived in pain during that seventeen years thinking that you're gone." He held Olive's hand and put it on his lips. "But I'm not blaming you. Maybe, I'll do the same kung ako 'yung humabol sa bola. What matters now is I know you're alive."
"I'm sorry." Guilt was shown in Olive's eyes. Hindi niya lubos-maisip na ganoon ang pinagdaanan ni Nicholas sa loob ng mga panahong iyon.
"Let's call it a night. Ihatid mo na ako. Balikan mo na 'yung fiancee mo."
Nicky sensed a crack on Olive's voice when she said that.
"I won't."
Olive crossed her arms. "Iuwi mo na ako."
"Ayoko."
"Sabing iuwi mo na ako e. Bumalik ka na sa fiancee mo." Unti-unti nang tumataas ang boses ni Olive. Balak lang sana niyang ilihis ang usapan nila ni Nicky para hindi siya malukob ng konsensya sa hindi pagpapakita noon. Pero nang mabanggit niya ang 'fiancee' ng kaharap ay hindi niya mapigilang makaramdam ng inis.
"Are you jealous?"
"No!" Napasigaw na ang dalaga sa puntong iyon. Olive smirked at him. "Nagagalit ako. I feel betrayed. You're someone else's fiance p-pero... you're fucking me."
Sa puntong iyon ay may mga luha nang bumabagtas sa pisngi ng dalaga.
"Shhh..." Nicky wiped her face with a piece of tissue. "Let me explain, baby."
Umiling-iling ang dalaga. "A-Ano pa ba ang dapat mong i-explain? You even said that you like me tapos ganito pala ang malalaman ko? Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko?"
Agad binuksan ni Olive ang pinto at lumabas doon. Umupo lang siya sa may hood ng kotse para magpakalma.
Sinundan agad siya ni Nicky at ngayon ay nakaupo na rin ito sa tabi ng dalaga.
"Totoo ang sinabi kong gusto kita. At gustong-gusto na kita. Even before I knew that you are Biyang. At nang malaman kong ikaw ang kababata ko, mas lalong tumindi ang nararamdaman ko sa 'yo." Nicky held Olive's arms. "Ikaw ang kababatang tinutukoy ko na minahal ko. Ikaw lang, Biyang. Ikaw lang."
"P-Pero ikakasal ka na." Umiwas ng tingin si Olive sa binata.
"Listen, baby." Nicky held her chin to make her look at him. "It's a fixed marriage."
Olive blinked her eyes rapidly while looking at him. "F-Fixed marriage?"
Nicky nodded. "At gusto kong tumakas, Olive. Tulungan mo ako."
"P-Paano?"
He held her hands. "Magtanan tayo."
"Ano?" Napasigaw si Olive dahil sa sinabi ni Nicky. "H-Hindi biro 'yan."
"I'm serious."
Lumupaypay ang mga balikat ni Olive. "Masyado nang nakakapagod ang gabing ito. T-Tara na."
♡♡♡
Inihatid ni Nicky ang dalaga. Nang akma nang bubuksan ni Olive ang pinto ay pinigilan siya ng binata.
"Aalis ako bukas." Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Kailangan kong magpakalayo para hindi ako ipakasal ni Dad. I'll wait for you."
"I-I'm sorry, Nicky." Tuluyan nang lumabas si Olive at walang lingon-likod na pinasok ang bahay.
Sumandal siya sa pinto. Makalipas ang limang minuto ay narinig na niya ang pagbuhay ng makina ng sasakyan ng binata at humarurot na ito palayo.
Diretso nang tinungo ni Olive ang kuwarto at kahit hindi pa nakapagbibihis ay sumalampak na siya sa kama.
"Ahhh... ang sakit ng ulo ko!" Sinapo niya ang noo niya at pinalo-palo. "Nicky... Nicholas? Ang tagal ko nang nakakasama si Nicky pero bakit 'di ko naisip alamin ang tunay niyang pangalan? Haaaay..."
Dumapa siya sa kama. Pilit tinitimbang ang mga nangyayari at maaari pang mangyari.
Totoo ngang hindi madaling pumayag sa pinaplano ni Nicky. Ngayon pang kailangan niyang ayusin ang performance sa trabaho dahil sa nakabinbin niyang promotion. Ang pag-aaral ng mga kapatid niya. Ang pangarap niya.
Pero sa kabila noon ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang lalaki. Matapos ang lahat ng nalaman niya ngayong gabi, may isang kakaibang emosyong umuusbong sa kaibuturan ng damdamin niya na alam niyang hindi lang isang paghanga.
Nakatulog ang dalaga na ang imahe ng binata ang huling nasa isip niya.
♡♡♡
Mag-aalas singko na ng umaga. Patapos nang mag-impake si Nicky ng kaniyang mga gamit. Ngayon ay huling maleta na ang inaayos niya.
Sandali siyang umupo patalikod sa pinto at itinigil muna ang pag-aayos. Muli niyang binalikan sa alaala ang naging takbo ng pag-uusap nila ng kaniyang ama.
"Nahihibang ka na talaga, Nicholas. Bakit mo dinala ang babaeng 'yun sa pamamahay ko?!"
"She has a name. It's Olive. And can you please make it pass, Dad? Birthday ko ngayon," mahinahong sabi ni Nicky.
"Isa kang suwail!" Isang sampiga ang dumapo sa pisngi ng binata. "Binibigyan mo pa ako ng kahihiyan sa harap ng kumpare ko... at sa harap ng mapapangasawa mo!"
"Dad, I'm sorry." Iyon lang ang tanging nasabi ni Nicky.
"Ihatid mo na ang babaeng iyon at bumalik ka rito. Kailangan n'yo nang makasal ni Georgina sa lalong madaling panahon."
"Dad, no..."
"You'll lose everything. The CEO position, this condo. Your town house, your car. And your bar."
Napatiim-bagang si Nicky. "Not the bar, Dad. Dugo at pawis ko ang puhunan doon. Ni sentimo hindi ako nanghingi sa 'yo para maipatayo 'yun."
"I said, everything."
"Sige, Dad. Kung hindi ko kayo mapipigilan, wala akong magagawa." Tinalikuran niya ang ama niya ngunit nagsalita muna siya. "Pero hindi ninyo rin ako mapipigilan sa desisyon ko."
"Nicky!"
Mabibigat ang hakbang ang ginawa ni Nicky palayo sa kaniyang ama.
♡♡♡
"Ayaw talagang magpatalo ni Dad kahit kailan." Umiling-iling si Nicky. Kinuha ang cellphone at may id-in-ial na numero.
"Yes, bro. Sige. Ipapaayos ko na lang sa secretary ko ang lahat. Yes. Oo, sige. I'll send my bank details para mai-deposit mo na ang downpayment. Salamat."
Napangiti si Nicky. Umaayon sa kaniya ang plano niya. Nang malaman kasi niyang maaaring manganib ang bar sa kamay ng ama niya ay naisip niyang ipagbili na lang ito sa kaibigan niyang si Brian. Agad naman itong pumayag sa deal ni Nicky lalo pa at bar din ang line of business ng binata.
Ang pagbebentahan naman ni Nicky ay gagamitin niyang panimula sa bagong buhay. Gamay na niya ang mundo ng negosyo kaya alam niyang hindi siya mahihirapang magsimula ulit sa umpisa.
Itinuloy na niya ang pag-iimpake at ngayon ay ilang aklat naman ang sinimulan niyang ipasok sa maleta.
Napangiti siya nang mahawakan ang Kama Sutra – ito ang librong hiniram ni Olive sa kaniya.
Agad nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang huling pag-uusap nila ng dalaga.
"Ang tanga-tanga ko. Bakit ko ba siya in-offer-an no'n? Imposible talagang papayag siya lalo na at hindi madaling iwan ang buhay niya rito."
Nicky looked at his phone and browsed his gallery. Tiningnan niya ang pictures nila ni Olive na kinuhanan noong nasa floating cottage sila.
"Aayusin ko ang lahat, baby. Babalikan kita."
Nasa ganoon siyang posisyon nang may kumatok sa pinto. Ito na yata 'yung tinawagan niyang service na tutulong sa pagbababa ng mga gamit niya kaya hindi na siya lumingon pa.
"Pasok." Pinagkasya na ni Nicky ang natitira pang libro sa huling maletang inaayos niya. "Nandiyan lang sa may bungad 'yung ibang maleta, pakisuyo na lang sa kots—"
Napatigil sa pag-iimpake si Nicky nang may yumakap sa kaniya mula sa likuran.
"H-huh?"
Nicky could feel the breathe coming from the person hugging him from behind.
"Nicky."
Agad na lumingon ang binata nang makilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Baby..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro