Cheque
Nakaupo sa harap ng hapag-kainan ngayon si Olive. Pigil siyang tumatawa habang pinagmamasdan ang hawak na isang piraso ng saging.
"I wonder what Nicky is doing right now."
Dahan-dahan niyang binalatan ang hawak at nang magawa iyon ay tinitigan niya ito.
"Hay. Hindi ko talaga kaya 'yung sina-suggest ni Gianna. Pero— Hayst. Bahala na!"
Isinubo niya nang buo ang saging at nanlaki ang mga mata niya nang sumagad ang dulo nito sa lalamunan.
"T-Tu—" Pilit niyang inabot ang pitsel sa ibabaw ng lamesa. "Tubig!"
Nang makapagpuno ng baso ay hinigit muna niya 'yung ibang parte ng saging na kaya niyang maabot at ang natira ay itinulak ng tubig na ininom niya.
Habol-habol ang paghinga niya nang sa wakas ay mapunta nang matiwasay ang saging sa sikmura niya.
"Muntik na akong mamatay roon ah." Lumingon siya sa paligid. "Buti na lang mag-isa ako rito. Nakakahiya kung may makakita ng mga pinaggagawa ko."
Napatawa siya. Pero agad din iyong napalitan ng pag-aalala. Kahit papaano kasi ay gusto niyang iparamdam kay Nicky ang ginagawa nitong pagpapaligaya sa kaniya gamit ang sariling bibig at dila. She wants to reciprocate it by doing the same that's why she's trying to learn how to do it step by step.
"Olive! May delivery ka."
Pinagpag ng dalaga ang mga kamay sa laylayan ng blusa at pagkatapos ay lumabas na.
♡♡♡
"Ano kaya ito?" Katabi ng dalaga ang nakatatandang kapatid sa couch habang nakatingin sa brown envelope.
"Buksan mo na, Olive."
Ganoon nga ang ginawa ng dalaga. Nang mabuksan niya ang hawak ay hindi maipinta ang mukha niya at ng kapatid niya nang matantong isang tseke pala ito.
Kalakip noon ay isang sulat.
Ms. Barcelo,
As what was previously stated in our contract, this serves as your paycheck for modelling our latest product – Alluring White Soap with Snail Extracts.
For any questions and concerns, you can contact us via e-mail.
Alluring Executives
"Ang laki ng halaga ng tseke na ito, Olive!" hindi makapaniwalang sabi ni Jerico. Dalawang daang libong piso kasi ang nilalaman ng tseke.
Tipid na ngiti ang naging tugon ng dalaga. Ginagap niya ang kamay ng kapatid at inilagay roon ang tseke.
"Kuya, itabi mo na 'yan. Pandagdag sa pang-transplant ni Ayume."
Umiling-iling ang kaniyang kapatid. "Hindi, Olive. Pinagpaguran mo 'yan." Ibinalik ni Jerico ang tseke sa kamay ng kapatid. "Nagpadala naman ang Ate Taylor mo ng may kalakihang halaga para sa anak namin. Gusto na nga sanang umuwi para bantayan si Ayume kaso nanghihinayang din sa gigs niya sa Amerika. Kaliwa't kanan daw ang offers sa kaniya. Ang katwiran e mas mapapadali ang pag-iipon niya." Inakbayan ni Jerico si Olive.
"Saka na-approve na ang loan ko sa GSIS. P500,000.00 rin 'yun. Magso-solicit na lang ako sa PCSO pati na rin sa mga opisina ng mayor at governor pandagdag."
"Pero, kuya..."
"Ginawa mo na ang lahat para sa amin, Olive. Mula pa noong gr-um-aduate ka puro na lang kami ang inisip mo. Eh paano naman ang sarili mo, 'di ba?"
Katahimikan ang namagitan sa kanila. "Sige ka, kabibigay mo sa amin baka masanay na kami niyan ng ate mo. Baka tamarin na kaming kumayod kasi nand'yan ka naman eh."
Inginuso ni Olive ang bibig. "Kuya naman eh!"
"Biro lang bunso!" Ginulo-gulo ni Jerico ang buhok ng kapatid. "O sige na. Nasa Google Meet na 'yung mga estudyante ko. Panay na ang kacha-chat." Tiningnan ni Jerico ang tseke sa kamay ng kapatid. "Yang tseke, sa 'yo na 'yan. Okay?"
Sumuko na sa pangungumbinsi ang dalaga. Sinundan niya lang ng tingin ang kuya niyang paakyat ng hagdan.
♡♡♡
Naibagsak ni Nicky ang mga kamay sa ibabaw ng table sa condo niya. "Arrange Marriage? Tama ba ang narinig ko?"
"Yes, son. And we want to make it happen the soonest bago pa namin i-turn over ang kumpanya sa 'yo."
Mapaklang tawa ang pinakawalan ni Nicky. Naglakad siya patungo sa bintana at itinukod doon ang dalawang kamay. "2021 na nagpapaniwala pa kayo sa arrange marriage, Dad? Ano 'to, Wattpad? Tapos tatanggalan ninyo ako ng mana? Itatakwil n'yo ako bilang anak? Ipagkakait ninyo sa akin ang posisyon bilang CEO ng Alluring Essentials? You'll cut my credit cards? Fine, then, go! Do what you want. Pero hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko mahal!"
"Son..." Si Mrs. Byrne ang nagsalita, ang ina ni Nicky. "Ginagawa lang namin ito para sa—"
"Para sa akin, Mom?" Sa puntong iyon ay hinarap na ni Nicky ang ina. "I can live without the company and without the inheritance. Pinag-aral ninyo ako para itaguyod ang sarili ko and I can assure you I can do that."
Naihilamos ni Nicky ang kamay sa mukha. "Hindi ako puwedeng magpakasal hangga't hindi ko nakukumpirmang buhay si Biyang."
Dumapo ang mabigat na palad ni Mr. Byrne sa pisngi ng anak. "Hibang ka na! Patuloy kang nagpapakaulol sa babaeng matagal nang patay! Labimpitong taon na ang nakaraan! Get back to your senses."
"Hindi patay si Biyang, Dad. I-I can feel it. A-And I think I already saw her. I-I'm not just.... I'm not just sure." Yumuko si Nicky pagkasabi niyon.
Nagsisipaglabasan na ang mga ugat sa gilid ng sentido nito. Sinabayan pa iyon ng pamumula.
"Ang pamilya Ahern ang nag-ahon sa atin sa hirap. Sila lang ang nandiyan noong mga panahong walang-wala tayo. Ngayon, may simpleng kahilingan ang kumpare ko. Iyon ay ang hingin ang mga kamay mo dahil ikaw ang napusuan ng anak nilang si Georgina. Kailangan natin silang pagbigyan! Utang natin sa kanila ang kung ano man ang mayroon tayo, Nicholas!"
"Dad, hindi simpleng bagay ang pagpapakasal. Hindi 'yan parang bahay-bahayan na 'pag umayaw na ang isa, uwian na. Hindi gano'n 'yun."
Tinatagan ni Nicky ang pagtayo sa harap ng ama. "Kung utang lang pala ang pinoproblema ninyo Dad, bakit hindi n'yo na lang sila bayaran ng sampu o dalawampung mil—"
Sa pagkakataong ito ay isang suntok naman ang dumapo sa pisngi ni Nicky. Sa lakas noon ay napahiga ang binata sa carpeted floor.
Tinungo ni Mr. Byrne ang entrance door ng condo unit ni Nicky. Bago niya ito buksan ay nagsalita muna siya. "Pauwi sa bansa ang pamilya Ahern sa isang linggo. Ipakikilala kita. Sa ayaw mo at sa gusto, magpapakasal ka sa nag-iisang anak nilang si Georgina."
Tuluyan nang lumabas ang matanda nang walang lingon-likod.
"I have to go, son." Hinagkan siya ng ina sa pisngi. "You have to think of it. Future ng company natin ang nakasalalay rito."
Napailing-iling na lang si Nicky habang tinatanaw ang mga magulang na palabas ng condo unit niya. "Hindi ba naituro sa Management class nina Dad kung paano patakbuhin ang isang negosyo without putting their child into an arranged marriage?" Idinako niya ang tingin sa diploma niyang nakakabit sa dingding.
Certificate of Masters of Business Administration Major in Management
is hereby presented to
Nicholas Bernard James Adam Byrne Jr.
by Harvard University
♡♡♡
Nakahiga si Nicky sa malambot niyang kama. Nakatulala lamang sa kisameng nasa tapat niya.
Mayamaya pa ay tumagilid naman siya at bedside table naman ang tinitigan niya.
"Could it really be her?"
"Si Biyang at si Olive ay iisa?"
Muli siyang tumagilid sa kabilang banda. Ngayon ay tuluyan nang lumilis ang kumot na nakatakip sa hubad niyang katawan.
Ganyan talaga siya. Hubad kung matulog. Wala naman kasi siyang inaalala lalo pa at mag-isa lang siyang naninirahan sa condo. Parehas din ang ginagawa niya kapag napapadalaw sa town house niya sa Tagaytay.
Nasapo ng lalaki ang noo.
"Malaki ang tsansiya na siya ang kababata ko lalo pa at nabanggit na Nicholas ang pangalan ng kababata niya. Isa pa ay kamukhang-kamukha ni Biyang ang larawan ni Olive noong bata pa siya."
Tumaob naman ang binata. "Kailangan kong kumpirmahin ang lahat para masiguro kung siya nga si Biyang. Sa ngayon, iiwasan ko muna si Olive ng ilang araw para makapag-isip nang maayos."
Nang sabihin niya 'yun ay tumunog ang cellphone niya. Nang iangat niya ito ay nakita niya ang pangalan ni Olive.
Namuo ang pagtatalo sa utak niya kung sasagutin ba o hindi ang tawag. Nanaig ang huli kaya kinansela niya ang tawag ng dalaga saka it-in-urn off ang cellphone.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro