Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Birthday

"Ayan, ang gorgeous mo na lalo!" Taylor said as she did her final touch of make up to her sister-in-law, Olive.

Tiningnan ni Olive ang mukha niya sa salamin at unti-unti siyang ngumiti. "Ang galing mo talagang mag-make up, Ate Taylor." Binalingan niya ang hipag at hinawakan ang kamay nito. "Salamat."

"Naku, wala pa 'to sa ginawa mo para kay Ayume, Olive." Isa-isa nang inilagay ni Taylor ang mga gamit sa make up kit niya. "Baka kahit araw-araw kitang make up-an sa loob ng sampung taon e kulang pa 'yun para mabayaran namin 'yung pinampagamot ng anak ko."

"Si ate talaga, kung makapagsalita e para namang others." Olive chuckled while pressing a tissue on the tip of her nose that starts sweating. "Wag lang kayong makakalimot 'pag nasa America na kayo nina kuya. Lagi kayong tatawag sa Pinas ha? Yun lang 'yung hinihiling ko."

Ngumiti si Taylor na noo'y isinasara na ang make up kit na hawak. "Siyempre naman."

Nilapitan siya ng babae. "But still, kung gusto mo pa ring i-reconsider 'yung offer ko na tumira sa 'min sa Connecticut, i-chat mo lang ako ha? Our house is always open for you. At saka puwedeng-puwede ka rin sa real estate do'n. Madali kang makakaipon kasi dollars ang komisyon."

"That deal is too hard too refuse, ate." Olive laid down her hand with the tissue. "But I have an unfinished business here." She blushed after saying that.

Tiningnan siya ni Taylor sa repleksiyon niya sa salamin. "Was it about a guy?"

Napatingin si Olive sa hipag. Nang magtama ang tingin nila ay mas lalo siyang namula.

Nagpipigil naman ng tawa si Taylor nang makita ang reaksiyon ng dalaga. "I knew it." Umayos siya ng pagsandal sa lamesa at nag-cross arms. "So... is he a hottie?"

Olive beamed a wider smile. She nodded.

Naihawak ni Taylor ang mga palad sa kaniyang pisngi. Kinilig sa sagot ng hipag.

And then there's a sudden pause between them for five seconds.

"Ate?"

"Hmmm?"

"Paano mo nasabing Kuya Jerico is the one?"

Taylor walked behind Olive. Napatingin sa kisame kapagkuwan. "Hmmm? When I first saw him, I instantly felt a connection with him. 'Yung tipong... Ang gaan-gaan agad ng loob ko sa kaniya. 'Yung feeling kong makakapalagayan ko agad siya ng loob. Parang magic ang lahat."

Lumapit si Taylor kay Olive at hinawakan sa braso. "If you feel that with the guy, 'wag mo nang pakawalan." She winked at her.

Isang tipid na ngiti ang isinukli ni Olive.

"Ate, nand'yan na si Kuya Nicky." Kojie said while knocking at Olive's room.

"O, sige. Bababa na ako agad." Dali-daling kinuha ni Olive ang pouch at isang kahon na may lasong pula. Agad siyang bumaba kasunod ang hipag.

"Sorry, medyo napatagal ang pagbaba ko."

Napatayo si Nicky nang makababa ang dalaga.

He's wearing a navy-coloured suit, partnering it with a white button-up shirt inside, and a cap-toe leather Oxford shoes for his footwear.

"So he's the hottie guy," bulong ni Taylor kay Olive na noo'y tinitingnan ang binata mula ulo hanggang paa.

Tumango-tango naman si Olive.

Matapos ipakilala ng dalaga ang hipag sa bagong dating ay agad nang umakyat muli si Taylor. Ngayon ay dalawa na lang sina Olive at Nicky sa sala.

"You're gorgeous."

"Thank you. Ikaw rin naman." Olive handed over her gift to Nicky. "Happy birthday."

"Salamat, baby." He smiled while opening the gift. Olive remained standing while watching him. Wala sa regalo ang focus niya. Dahil ang tingin niya ay na kay Nicky mismo.

She still thinks of what Taylor said earlier. Na kung paano ito nag-react nang unang makita niya ang kuya niya ay gano'n din siya kay Nicky noon.

Para bang may blender sa loob ng kaniyang sikmura na parang humahalukay roon. Ngayon ay naguguluhan na siya sa nararamdaman sa binata.

"L'Eau d'Issey Pour Homme Fraiche Issey Miyake." Nicky said while reading the label. He opened the perfume bottle and sprayed a little to his pulse and neck. "Ang bango. Ang galing mong pumili." He walked towards Olive, close enough that Olive can sniff the perfume coming from Nicky.

Olive touches the ends of her hair while biting her lower lip. Ang kaninang kaguluhan sa damdamin ay napalitan ng nag-aalab na pakiramdam!

"Are you sure you want to go to the party?" Nicky leaned to her and whispered. "I can take you somewhere else." Sadya niyang pina-sexy ang tinig kung kaya napapikit ang dalaga.

"Nicky..." Inilagay ni Olive ang mga kamay sa dibdib ng binata. Humugot siya ng malalim na paghinga sabay sinalubong ang titig nito. "I really love to.... but.. ayokong masayang ang pinaghirapang make up ni Ate Taylor."

She held his right hand. "Let's go!"

Nicky chortled and let himself be taken away by Olive.

♡♡♡

"We're here." Nicky held Olive's hand while assisting her to step off from the car.

"Oh, akala ko may party?" Olive looked around. Nasa labas sila ng isang malaking mansion na may pool at malawak na hardin sa harap. Ito ang bahay ng mga magulang ng binata.

"Meron." Nicky held her left hand. "Tara."

Nagpatianod ang dalaga sa lalaki. Dumaan sila sa gilid ng mansion at bumungad sa kanila ang isa pang garden na mas maliit kumpara sa hardin sa harap.

Pumunta sila sa isang bahagi noon na maraming vines ng iba't ibang klase ng bulaklak. Humakbang si Nicky palapit doon at hinawi ang isang parte ng vines. To Olive's surprise, bumungad sa kanila ang isang pinto na hindi mo mahihinuha na pinto dahil naka-camouflage ito sa mga tanim na halaman.

"A secret passage."

"Yep." Pinihit ni Nicky doorknob at agad din naman itong bumukas. Sumalubong sa kanila ang pop music na hindi pa ganoon kalakasan. "Welcome to Byrne's Underground Bar."

Agad naglakad ang dalawa sa madilim na hallway na nasisinagan lamang ng malamlam na ilaw.

May kapilyahang naisip ang dalaga. Naglakbay ang isang kamay niya patungo sa gitna ng lalaki kung kaya napatigil ito paglalakad.

"Uhm..." Nicky groaned. His breath becomes heavier.

Nanatili lang ang kamay roon ni Olive habang dinarama ang unti-unting paggising ng naroon. Nang sa tingin niya ay nagtagumpay siya sa pagbulabog ng 'mahimbing nitong pagkakatulog' ay saka niya lang ito pinakawalan.

"Baby!" Nagmaktol si Nicky na walang nagawa kung hindi sundan ang dalagang nagpapahabol.

♡♡♡

"Kian, Shane, Brian, Mark. She's Olive," pagpapakilala ni Nicky sa dalaga sa kaniyang mga kaibigan. "Olive, they are my friends. College friends."

Isa-isang kinamayan ni Olive ang mga binata.

"Pleased to meet you, Olive," saad ni Shane, ang leader ng grupo.

"We got to go, bros. Enjoy lang kayo." Nicky pat the shoulders of his friends.

"Oh, bakit natin sila iniwan?" Nilingon ni Olive ang mga kaibigan ni Nicky.

"Alam na nila 'yun. Pag may kasamang chix ang isa sa amin, talagang hindi na namin 'yun pinipilit sumama." Nicky held her hand. "Let's walk around."

Halos lahat ng kasalubong nila ay binabati si Nicky. May ilan pang babae na masyadong malapit sa binata. 'Yung iba ay humahalik pa sa pisngi ng binata at ang iba pa ay humahaplos sa tiyan at dibdib nito.

Nakakaramdam ng inis si Olive kaya pasimple niyang ikinukuyom ang palad niya.

"Sino 'yung mga 'yun?" she curiously asked Nicky.

"Ah, wala. Mga anak ng business partners ni dad." Nicky turned his gaze to her. "Selos ka ba?"

Olive loosened her grip to Nicky's hand. "Selos? Bakit naman ako magseselos? Sino ba ako para magselos? Bakit ako magseselos sa paghaplos ng mga babaeng 'yun sa tiyan mo? At may pahalik-halik pa? Hindi ako nagseselos, okay?"

Nicky slowly nod, controlling his laughter. "Okay, hindi ka nga nagseselos." Muli niyang hinawakan ang kamay ni Olive at ngayon ay mas mahigpit ito.

♡♡♡

Pumunta sila sa may kalagitnaan ng bar. They joined the sea of people dancing to the tune of modern music. Pawang naka-gown at suit din ang mga ito.

Nang mapagod sila ay pumunta naman ang dalawa sa mini pantry para kumuha ng light meal. Nang makatapos ay muli silang bumalik sa dance floor para makisayaw.

♡♡♡

Nagtatawanan ang dalawa nang may pumukaw sa kanilang atensiyon.

"Nicky?"

Parehas silang napalingon sa nagsalita.

"Georgina..."

Humakbang papalapit ito. Tinitigan si Nicky at matapos ay kay Olive naman napunta ang tingin. Mas matagal. Nakakailang ang mga titig na iyon kaya walang nagawa si Olive kung hindi ang bumitiw kay Nicky.

Muling ibinaling ni Georgina ang tingin sa binata. "Kanina pa kami naghihintay ni dad sa 'yo."

Tanging palitan lang ng titig ang namagitan sa kanilang tatlo.

"Nicky, anak." Mommy ni Nicky ang nagsalita. Kasama nito ang asawang si Mr. Byrne at ang mga magulang ni Georgina na sina Mr. and Mrs. Ahern. Napatigil ang mga ito sa pagsasalita habang naglalakad.

Nicky swallowed the lump in his throat while exchanging gazes with his dad who's now walking towards them.

"My son." Nakasuot ang mga kamay nito sa bulsa ng coat na suot. Lumalim ang gatla nito sa noo habang tinitingnan ang anak pati ang kasama nito na bago sa kanyang paningin.

"Kanina pa nandito ang fiancee mo." Diniinan nito ang salitang 'fiancee'.

Lumawig ang ngiti sa mga labi ni Georgina samantalang lumikot naman ang mga mata ni Olive. Si Nicky ay nanatiling nakatingin sa ama.

"Dad, I'm with Biyang."

Gulat ang rumehistro sa mukha ng lahat. Ngunit ang pinakanagulat ay si Olive.

Puno ng pag-aalala ang mukha ni Nicky na noo'y nakatingin lang sa dalaga. Hinawakan ng binata ang isang kamay nito at pinisil.

Namumula na sa pigil na galit ang mukha ni Mr. Byrne. "Can I have a minute with you, son?"

Seryosong tinitigan ni Nicky ang dalagang si Olive. "Stay here, don't go. I'll explain later."

Nang makasigurong hindi aalis ang dalaga ay saka lang sumama si Nicky sa ama.

♡♡♡

Umupo muna si Olive sa stool sa may bar counter. Ina-absorb pa rin niya ang mga sinabi kanina ni Nicky.

Tinawag siya nito sa kaniyang palayaw. Palayaw na itinigil na niyang gamitin mula nang magkahiwalay sila ng kababata niyang si Nicholas. Para sa kaniya, espesyal ang palayaw na iyon at tanging si Nicholas lang ang gusto niyang tumawag sa kaniya noon.

Napahawak si Olive sa kaniyang braso. Napakunot ang noo sa pag-iisip. "Hindi kaya..."

"Olive, we have to go."

Naudlot ang pagmumuni-muni ni Olive nang hawakan ni Nicky ang kaniyang palapulsuhan. Tinitigan niya ito. Titig na punong-puno ng mga katanungan.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. We have to leave this place now."

They headed to the secret passage where they entered earlier.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro