Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Big News

Kapansin-pansin ang hindi maawat na pagngiti ni Olive nang lumabas siya sa pintuan.

Muli niyang pinukulan ng sulyap ang pasilidad na pinanggalingan niya sabay himas sa kaniyang tiyan.

"Sigurado akong matutuwa si Nicky sa ibabalita ko." Muli niyang binuksan ang brown envelope na kanina pa niya tangan. Kinuha niya roon ang isang parang notebook na may nakaimprentang "Under 5". Nakasingit doon ang dalawang pirasong papel na kinasusulatan ng preskripsiyon sa kaniya ng doktor.

"Miss, pakisuyo naman ng isang banig ng Caltrate Plus saka isang banig din ng Folicard."

Tumango-tango ang pharmacy assistant na noo'y binasa rin ang nakasaad sa papel.

Napatingin si Olive sa may istante, kapagkuwa'y  napangiti sa nakita. "Samahan n’yo na rin ng isang kahon ng Enfamama."

Masaya niyang inabot ang mga pinamili.

Nakaramdam siya ng ligaya nang silipin niya ang laman ng eco bag na hawak.

Muli niyang binalikan ng tanaw ang nangyari kaninang umaga.

Alas otso na ng umaga nang magising si Olive. Para bang kaybigat ng katawan niya at hirap na hirap siyang iangat ito.

Tinangka niyang bumangon pero nahilo lang siya nang iangat niya ang ulo.

Gusto niya sanang tawagin si Nicky pero naalala niyang nakaalis na nga pala ito kaninang madaling-araw papuntang Maynila. Aasikasuhin nito ang kontrata sa bago nitong kasosyong restaurants.

Walang nagawa si Olive kung 'di magpalipas ng hilo sa higaan.

♡♡♡

"Miss Barcelo, you're seven weeks pregnant. Congratulations."

Halos sumayad ang panga ni Olive sa sahig sa pagkabigla. "Talaga, Doc?"

Ngiting-ngiting tumango ang doktora. "Tingnan natin kung may heartbeat na ang baby n’yo, misis."

Nagpatianod lamang si Olive sa doktora para sa vaginal ultrasound.

Nang maramdaman ang aparato papasok sa kaniyang kaselanan ay napaigik siya.

I wish it's you, Nicky.

Pinigilan ni Olive ang mapahagikhik dahil sa kapilyahang naiisip. Nag-focus na lang siya sa monitor at aparatong nasa tabi nila.

"Do you hear that, Olive? That's your baby."

Nakisabay ang malakas na pagtibok ng puso ni Olive sa tunog na nagmumula sa aparato. Para bang iisa ang ritmo ng puso nila ng anak niya sa sinapupunan.  Musika ito sa pandinig niya.

"A-Anak ko." Hindi na napigilan ni Olive ang pagbagsak ng luha sa pisngi niya. Ang luhang sumisimbolo sa labis na kasiyahan.

♡♡♡

Napatigil sa pagbabalik-tanaw si Olive nang may bumusina sa kaniyang likuran. Halos matumba pa siya ngunit mabuti at naibalanse niya ang katawan.

Ang namumuong inis ay napalitan ng pagkagulat nang tumambad sa kaniya kung sino ang lulan ng sasakyang hinudyatan siya.

Nanigas na parang yelo ang kaniyang mukha habang nakatitig sa taong ilang hakbang lamang ang layo sa kaniya.

♡♡♡

Sa may sulok ng pamosong restaurant sa bayan ay naroon ang dalawang pigura ng tao na kung titingnan ay may seryosong pinag-uusapan.

Nanatili lang na nakatungo si Olive. Hindi ginagalaw ang pagkain.

"Hija, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Ibinaba ng kaharap ni Olive ang kutsarang hawak. "Sampung milyong piso. Layuan mo ang anak ko."

Inilapag nito ang isang blangkong tseke sa ibabaw ng lamesa sa pagitan nila.

"P-Pasensiya na po, Mr. Byrne. Kahit gawin n'yo pong dalawampu o limampung milyong piso, mariin ko pong tatanggihan 'yan." Bahagyang itinulak ni Olive ang tseke pabalik sa kausap.

Dumilim ang anyo ng mukha ni Mr. Nicholas Byrne Sr.

"Mukhang hindi kita makukumbinsi, hija." Mr. Byrne leaned forward a bit. "Ano ba ang tunay mong intensiyon sa anak ko?"

Kumuyom ang mga palad ni Olive ngunit lingid iyon sa kaalaman ng matanda 'pagkat itinatago niya ang mga iyon sa ilalim ng lamesa.

Matamang tinitigan ni Olive ang kaharap. "M-Mahal ko po ang anak ninyo. Mahal na mahal ko po siya. Siya at.. at ang magiging anak namin."

Iniiwas ni Olive ang tingin sa kausap.

Nagliwanag ang mukha ni Mr. Byrne nang marinig ang huling sinabi ni Olive ngunit agad din iyong nawala. Makailang beses siyang lumagok bago nagsalita.

"I have a proposal." Sinimsim nito ang wine na hawak. "I'll give you a huge amount. 'Yung limampung milyong piso? I'll double it. Ibigay mo lang ang magiging apo namin pero lalayo ka sa anak ko at hinding-hindi ka na magpapakita sa kaniya kahit kailan."

Marahang hinablot ni Olive ang eco bag na dala-dala sabay tayo sa kinauupuan. "Mawalang-galang na po. Nirerespeto ko po kayo bilang tatay ng taong mahal ko at bilang lolo ng magiging anak ko ngunit hindi ko po kayang tiisin na yurakan ninyo ang dignidad ko bilang babae. Hindi n'yo po ako mabibili ng anumang halaga. Pasensiya na po."

Akmang tatalikod si Olive nang magsalita si Mr. Byrne.

"I heard your siblings are doing well in school." He grinned evily. "Sayang naman kung matatapon 'yung pinag-aralan nila dahil lang sa  kahambugan ng ate nila."

Matapang na hinarap ni Olive ang kausap. "Huwag n'yong pakikialaman ni dadaitian kahit isang daliri ang mga kapatid ko kundi ako ang makakalaban ninyo."

Mr. Byrne laughed mockingly in response. Tumayo ito at nilapitan ang nag-aalalang dalaga. "I am giving you time to think, hija."

Pagkatapos ay iniwan na niya ang dalaga na noo'y nagpupuyos ang damdamin.

♡♡♡

Alas sais na ng gabi nang makauwi si Olive. Napabalik kasi siya nang wala sa oras sa clinic ng gynecologist niya. Sumakit ang puson niya matapos ang engkuwentro nila ng ama ni Nicky.

Mabuti na lang ay wala namang naging epekto iyon sa anak nila ni Nicky. Niresetahan na lang siya ng doktora ng pampakapit at inabisuhan din siya nito na iwasang isipin ang mga nakaka-stress na bagay.

Hindi siya mapakali kahit nakaupo siya sa komportableng upuan. Tinawagan niya ang mga kapatid via video chat.

"Hello, ate!" Kumaway-kaway sina Kojie at Marck sa kanilang ate. Halata sa mukha ng mga ito ang kasabikan sa presensiya ng ate. "We miss you!"

Parang natunaw ang puso ni Olive sa sinabi ni Marck. Minsan lang kasi na maging showy ang mga ito pagdating sa affection bilang kapatid. "Kumusta kayo?"

"Okay na okay, ate. Eto, dean's lister ulit!" pagmamalaki ni Marck. Nasa ikatlong taon na ito sa kursong Tourism.

"Ako, ate. Running for cumlaude!" Si Kojie ang nagsalita. HRM naman ang kinukuha nito at nasa huling taon na ng pag-aaral. "Attend ka sa graduation ko ha?"

Pilit siniglahan ni Olive ang boses. Itinatago ang nadaramang kaba. "Oo naman! Ako kaya ang representative nina nanay at tatay. Hindi ako p'wedeng mawala 'no?"

"Yes!" Nag-apir sina Marck at Kojie.

Nang matapos ang pag-uusap usap nila ay muling isinandal ni Olive ang likod sa upuan.

Hindi biro ang igapang sa pag-aaral ang kanilang mga kapatid. Mula nang mawala ang mga magulang nila ay nagtulungan na sila ng Kuya Jerico niya para makapagtapos ang mga bunso nila. Hindi madali. Gapang kung gapang ngunit nakaya naman nila. Kaunti na lang at makakahinga na rin sila nang maluwag.

Muli na namang nilukob ng pangamba ang puso niya. Muling inalala ang pagbabanta ni Mr. Byrne.

Hindi siya makapapayag sa kung anuman ang binabalak ng matanda. Kailangan niyang harapin iyon... kasama si Nicky.

"Sasabihin ko kay Nicky ang tungkol sa pag-uusap namin ng kaniyang daddy. We need to plan and work together without compromising the education of my siblings."

Tinatagan ni Olive ang sarili. Buo na ang desisyon niya.

Narinig niya ang pag-ingit ng main door. Iisang tao lang ang naiisip niyang pumasok doon.

"Baby!"

Lakad-takbong sinalubong ng dalaga ang nobyo. Pinuluputan niya agad ito ng yakap sa batok sabay pupog ng halik sa mukha nito.

"I miss you, baby." Nicky gave her a forehead kiss.

"I miss you too." Tinitigan ni Olive ang mukha ng kasintahan. Inobserbahan. "What's wrong with my super handsome and sexy boyfriend? Parang ang tamlay mo. What happened in Manila?"

Lumaglag ang mga balikat ni Nicky. "My clients backed out. I tried to persuade them pero ayaw na talaga nila." Pasalampak na umupo si Nicky sa sofa. "Ngayon, may paparating na huli. Hindi ko alam kung saan iaangkat ang mga 'yun." Ang tinutukoy ni Nicky ay ang mga lamang-dagat. "Hindi ako makapag-isip nang maayos, baby. I think I need to rest."

"I know, baby." Hinagod-hagod ni Olive ang likod  ng nobyo. "Pero hindi kita papayagang matulog nang walang laman ang tiyan mo. I cooked bopis for you."

Napuno ng enerhiya ang katawan ni Nicky. "Talaga, baby?"

Masiglang tumango si Olive at noon di'y iginiya niya ang binata patungo sa lamesa.

♡♡♡

"The best talaga ang bopis mo, baby. Kuhang-kuha mo 'yung luto ni Lola Gets!" Walang natira ni isang kanin sa pinggan ni Nicky.

"Of course. Matagal ko talagang inaral 'yung ingredients niyan. Ikaw ang inspirasyon ko."

"I'm pleasured to hear that," sagot ni Nicky.

They intertwined their fingers on the table while romantically staring at each other.

Kinapa ni Olive ang sarili. Tinitimbang kung nararapat na ba niyang sabihin sa nobyo ang pagbubuntis niya. Nang makahugot ng lakas ng loob ay pinisil niya ang palad ni Nicky.

"Baby, I got news for y—"

She was cut off when Nicky's phone rang. Hindi naikaila kay Olive ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng nobyo.

"Ano?" Nicky's voice pitched as if he was thrilled with what he heard from the other line.

♡♡♡

"Sir, pasensiya na po." Iniabot ng tumatayong leader ang mga susi ng jeep kay Nicky.

Tiningnan ng binata ang mga susi sa palad. "Bakit naman biglaan? Give me a valid reason please?" tanong niya. "Mang Jojo? Mang Ricky? Mang Randy? Can someone speak up?"

Nagkatinginan nang makahulugan ang drivers. "P-Pasensiya na, sir."

"Okay. Kung 'yan ang gusto ninyo, I respect your decision. Basta, kung sakali mang magbago ang isip n'yo, puntahan n'yo lang ako rito ha?"

Alinlangang tumango ang mga ito at pagkatapos ay matiwasay na nagpaalam sa magnobyo.

Napapailing na lang si Nicky. Halata ang disappointment sa kaniyang mukha.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula kay Olive. "It's okay, baby. It's okay."

Gumaan ang loob ni Nicky. "Many things happened today but what is important is I still have you at the end of the day." He raised Olive's chin and reached for her soft lips. "Mawala na ang lahat, huwag ka lang."

May namuong luha sa gilid ng mga mata ni Olive. She was caught off guard by his words. Never did she imagine that the time will come that she will fall into his spoken thoughts. Na kung noo'y sa bawat pag-usal ng salita mula sa bibig ng lalaki ay nag-iinit ang katawan niya, ngayon nama'y ang puso na niya ang umiinit. Naglalagablab. Sumisilab sa pagmamahal.

"Oh, I love you, Nicky."

"I love you more than you love me, baby." Nicky gave her another smack on the lips. He gave a meaningful look at Olive's eyes. Tinging punong-puno ng pagmamahal.

"By the way, what were you trying to tell me earlier, baby?"

Olive shook her head hesitantly. "W-Wala. It's not that important." Kumawit siya sa matipunong brasong lalaki. "Let's go inside. Let's discuss what to do with the fishes that's supposed to be brought to Manila. Isinandal ni Olive ang ulo sa balikat ng nobyo. "I have a plan."

"Ako rin. May plano sa isda." Bumulong si Nicky kay Olive. "Specifically sa tilapia."

Siniko ng dalaga ang binata. "Ayan ka na naman!" Laughter filled the house as they lock the main door.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro