Unexpected
"Tangina niyo, magsigising na kayong dalawa!" bungad ko kina Mateo at Kino nang pumasok ako sa loob ng kwarto ni Mateo. Anong kwarto 'to? Napakakalat. "Pota, binagyo ba dito?!"
Sinubukan kong maglakad sa sandamakmak na papel na nakakalat sa sahig. Hindi ko na ring maiwasang tapakan 'yong iba at sagabal talaga sa daan. Buong gabi na naman ba sila gumawa ng kanta? Puro tula ang nakikita kong nakasulat sa mga papel.
I heard Mateo, who was lying on the ground, groaning in annoyance. "Ugh...May naririnig na naman akong demonyo," he muttered but it was loud enough for me to hear. He turned himself to his other side, away from me. Aba?
"Oo, welcome to impyerno, gago," I replied, slightly kicking the side of his waist. Mas lalo lang siyang nagreklamo dahil sa 'king pagsipa ng kanyang bewang. "Tumayo na nga kayo! Alas singko na, mga betlog. Kailangan nating pumunta sa venue at exactly 7 pm. Dali!" I urged, pulling off the blankets that were wrapped around Mateo. Humakbang ako palapit sa kama niya para gawin din iyon kay Kino.
"So noisy," lamang ang kanyang sinabi bago muling ibalik sa kanyang katawan ang kumot at natulog muli. Mukhang biglaan sumagi sa isip niya ang aking sinabi nang bigla siyang umupo nang tuwid, mga kilay nakasalubong. "What time did you say it was?"
"Alas singko," madiin kong pagsabi na siyang nakakuha ng paglaki ng mata ni Kino.
"Fuck," pagmura niya habang dali-daling tumayo sa kama. "Fucking wake up, Mat. Late na tayo." Seriousness was evident in his voice. Hindi na siyang nag-abalang yugyugin ang katawan ni Mat at nauna na siyang lumabas ng kwarto para ayusin ang kanyang sarili. Nagising na lamang siya no'ng aksidenteng natapakan ni Kino ang kanyang braso.
"That hurt, what the fuck?" Mat complained, finally getting up. His palms found the part Kino had stepped on, guarding it.
"Serves you right!" Kino's voice resonated in the room. Napangisi na lang ako sa kanyang sagot. Ayan napapala ng mga late gumising.
"Eto na nga e. Babangon na."
Mabuti na lang at mabibilis kumilos ang dalawa kapag kinakailangan. Alam nila na ayaw ko sa lahat ang maging late sa mga gig namin. Lalo na't ngayon na lang kami uli tutugtog sa public. It took me back to senior high school days. Mga panahong malaya kaming tumutugtog.
Nakaupo ako sa sofa ng sala ni Mateo, nakapatong ang isang binti sa kabila kong hita. Tiningan ko ang aking relo para malaman kung ilang oras na lang ang natitira. Baka ri'y traffic papunta roon sa venue. "30 minutes!" sigaw ko. Nang wala akong narinig na sagot mula sa kanila'y napabuntong-hininga na lang ako. Isinandal ko ang aking ulo sa headrest ng sofa. How much more time will they take? Nakabihis na sila ah.
"No need to be so bossy, Niko," pagbati ni Kino nang lumabas siya ng kwarto, kinakabit ang kanyang itim na relo sa kanyang pupulsuhan. Nakapalit na rin ang mga pajamas niyang suot kanina. He was wearing his usual black polo, sleeves drawn up to his elbows. Naka tuck-in 'to sa kanyang black na trousers. Wala na bang ibang damit 'to at puro na lang black? "Mat's coming out soon. May tumawag lang sa kanya."
Sa kanyang pagsabi no'n ay saktong lumabas na nga si Mateo, suot ang kanyang tank top at flannel na nakatali sa kanyang bewang. Nakakatawa lang isipin na iba iba kami ng vibe ng aming pananamit. Para sa gig namin ngayo'y nakasuot ako ng putingt-shirt sa loob, terno ng puti kong long-sleeve na polo at khaki pants. Halata sa 'ming tatlo kung sino ang mahilig magsuot ng mga makikintab na kulay pagdating sa damit.
Bitbit niya rin sa kanyang likod ang case ng gitarang gamit namin. Hawak naman ng isa niyang kamay ang amplifier. "Done na po, boss Niko. Let's go."
"Whose car we'll be using?" tanong ni Kino nang magsimula kaming maglakad palabas.
Nilabas ko ang susi ng kotse mula saking bulsa. "Akin na. Para hindi na rin ako bumalik dito pagtapos ng gig natin."
"Nice info," pag-asar ni Mateo. Minataan ko lamang siya at patuloy naglakad kung saan naka-park ang aking kotse. I didn't bother spouting my retort since it would only be a waste of time. May soundcheck pa kami sa loob ng cafe at anong oras na!
"Fucking slow down, bro," ani ni Kino na nakaupo sa shotgun seat. Kulang na lang ay kunin na niya ang manibela sa 'kin at siya na ang magmaneho. "We have plenty of time. Chill out."
"Ang weak mo naman kung sa tingin mong mabilis na 'to. I'm not even at 120," sagot ko. "At least I don't drive under the influence while with a fling. 'Kala mo hindi mo ginawa 'yon kay Adi?"
Narinig ko ang pagtawa ni Mateo sa likod. "Gago, foul."
Kino clicked his tongue. "Hindi naman na naulit 'yon, okay? Besides, I don't plan to. Delikado. Baka ano pa mangyari sa baby ko."
Nagkunwari akong nasuka. "Baby ko, ampota." Disgursting shet?
"'Di ko kasalanang ikaw 'yung mas clingy sa inyo ni Lexi."
"Pre, you should've seen how Lexi acts toward him. Laging minumura," Mateo unnecessarily added, resisting his urge to laugh. Parang wrong choice na naging close 'yung dalawa. Lagi akong pinipikon.
"Baka nakakalimutan niyong kotse ko 'tong sinasakyan natin. What if ibaba ko kayo?" banta ko.
"Yeah, you do that. Sinong tutugtog mamaya?" pabalik na asar ni Mateo.
"Acapella, gano'n..." mahina kong sagot dahil alam kong wala akong extra na gitara kung sakaling ituloy kong ibaba sila sa gitna ng highway. Syempre, wala rin naman akong balak na gawin 'yon. Anghel kaya ako!
Lumipas ang kalahating oras at nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Kung tutuusin, hindi siya malayo mula sa subdivision nina Kino. Ang inakala kong traffic papunta roon ay nagkatotoo. I knew I should've woken them up earlier.
Napadpad kami sa isang beach resort na ngayon ko lang nabisita. May ganito pala rito? It was filled with trees that it made it refreshing to be in. Idagdag mo pa ang hangin na pumalibot sa lugar.
"Nagdala pala sana ako ng pang swimming..." I mumbled, unknowingly.
Sa likod kami dumaan ng venue. 'Yon din ang sabi samin ni Yza, isa sa mga organizer ng event. Doon kami manggagaling bago kami ipakilala sa mga customers sa loob. Siya rin ang nag-ayos ng gig na mangyayari mamaya. Hindi ko matandaan kung anong okasyon ang mayroon at kinausap kaming tumugtog. To be honest, I didn't expect someone would remember us, RASCALz.
I hope the other two would still be proud of us. It would surely be a sight see. Sadly, hindi sila makakapunta. 'Yung isa, nasa ibang bansa at ang isa nama'y may kailangan puntahan na mas importante.
Rinig ko ang anunsyo ng emcee nang malapit na kami sa party hall sa loob ng resort, kung saan nakadalo ang mga bisita. Doon ko lamang natanto na birthday party pala ito.
"Stay put. Wait niyo na lang 'yung signal ng emcee," Yza instructed. "Tataas din 'tong curtains nang kusa."
"And with that, a special guest came to see our lovely debutant! It was a band that she truly loved. I bet you'd be ecstatic to know it's their first time playing after their disbandment! Ladies and gents, let's all welcome, RASCALz!"
"Go. Goodluck." utos ni Yza habang tinulak nang onti ang aking likod at naglakad palayo.
In every second that passed, I felt my heart skip a beat. It seemed like the curtains were so slow to rise; it took forever in my eyes. O baka sadyang kinakabahan lang ako't nae-excite.
Rinig ko ang pagtili ng debutant sa kanyang upuang mala-reyna. "OMG?" aniya sa gitna ng kanyang mga hiyaw. It was a surreal feeling to see people cheering for us as we enter. Ngayon na lang ako nakaramdam nang ganito. Hindi lang ang debutant ang nakakakilala sa 'min, pati na rin ang ibang guest na nakaupo sa harap namin. Nilabas ng iba ang kanilang phone para kumuha ng litrato namin. What marked me the most was the excitement plastered on their face.
Kino's strum echoed in the place as he started the song. Naisipan naming kantahan ang debut song namin sa araw na 'to. Ngayon na lang kami uli nakatugtog sa maraming madla. And what way would it make it more special? To play the song that started everything.
It gave me a nostalgic feeling. Alam kong hindi lang ako nakaramdam no'n. In every lyric I sing, every strum that echoed around the hall, every chant from the guests who were singing along as we perform, all of it brought me happiness I couldn't explain. My heart was full.
Kakaiba pa rin ang ginagawa sa 'kin ng musika. It just sucked I had to give it up.
Applause from the audience was heard as we finished. I was handed the mic after our performance. We did our usual introduction. The one we used to do when we were still complete. "Grabe...We were honestly shocked someone called us to play at a party. I thought we have been forgotten by now since our disbandment. We stopped making music na rin because, well, life happened. Kaya it is really really an honor for us to be here. To celebrate this special day with our lovely debutant!" Just when I said that, I heard another squeal from the birthday girl kaya nama'y napatawa ako nang onti. "Ang lively ni birthday girl, oo. Grabe ang energy!" Nakatanggap ako ng tawa galing sa madla matapos no'n.
Ibinalik ko ang mic sa emcee dahil mukhang may sasabihin pa siya bago kami magsimulang tumugtog. "Before the band starts, do you have any message for your idols?" tanong ng emcee kay birthday girl. Tumingin ako sa 'king likod upang malaman kung anong pangalan niya. It was Hunness.
Her words were incoherent at first. Probably because it hadn't sunk in that we were in front of her, playing at her birthday. "Uh...Teka...Fan na fan niyo po talaga ako kaya grabe rin 'yung saya ko ngayon. I know that it's my birthday, but I just want to greet Kuya Niko a happy birthday!" She faced the audience. "Birthday twinnie ko po siya!"
With that, people sang me a happy birthday. Kino and Mateo even accompanied with their guitars in hand. It was the least I wanted to happen. Nakalimutan ko na nga ring birthday ko ngayon dahil sa sobrang excitement kong tumugtog.
Bumalik ang mic sa 'kin. "Thank you..." mahina kong sabi dahil sa hiya. Hindi pa rin ako sanay.
"Ay, ayan. Nahiya na si Niko," komento ng emcee na siyang nakakuha ng tawa mula sa 'min. "I heard may isa pang may birthday rito?" And at that moment, several people pointed to a man wearing a black coat over a white polo. His lips formed a shy smile when people acknowledged the fact it was his birthday too. May kahati pa pala ako.
He looked oddly familiar. "Si Kuya Ace po! Patayuin niyo nga po 'yan!" sagot ni Hunness, ang kanyang boses ay puno ng pang-aasar. Pati 'yong pangalan familiar. Nakita ko na ba siya noon?
Kinantahan din namin siya ng 'happy birthday' gamit ang aming mga dalang gitara. Hindi mawala ang ngisi sa kanyang mga labi no'ng oras na 'yon. I wasn't sure why I sensed bad vibes around him. He had this exquisite vibe that made it hard to approach someone like him. O baka masyado lang akong judgmental. Baka nga.
Matapos no'n ay tumugtog pa kami ng iilang kanta na aming ginawa. Songs that were became people's favorite from the time we we're still active. It made me miss those days.
Tumugtog din kami ng isang unreleased song. It was supposed to be our next single however, that incident happened. To think we would be able to play that song with everything being okay than before. It wouldn't even cross my mind. Akala ko 'yon na 'yung huli.
It was dinner time after all that singing and talking with people. Pauwi na sana kami ngunit bigla kaming hinila ng mom ni Hunness, sinasabing sumama na kami't kumain. Hindi na rin ako kumuha nang marami dahil nahiya na rin ako. Gayundin ang ginawa nina Kino at Mateo. No'ng maubos na namin ang aming kinain ay bumalik kami sa hall para ayusin ang mga instrumentong ginamit namin. Ngunit medyo natagalan kami dahil may mga ibang bisita pa ang kumausap sa 'min para magpa-picture. I felt like a celebrity that time. Hinding hindi ko talaga inakalang matatandaan pa kami ng mga tao. I wasn't even expecting us to be that big.
"Hey, that's my case," Kino noticed as he pointed to the one I was holding. I muttered a sorry before exchanging the guitar case I had in my hand. Habang nag-aayos kami'y napansin kong hindi makapigil ng ngiti si Mateo.
"Creepy mo, tol. Anong ngiti yan," pag-asar ko.
"Inamo. Ang saya ko lang ngayon. Bawal maging masaya?"
"Sinabi ko lang naman na ang creepy."
Kino excused himself from us when Adi called. Nang malapit na naming itago ang huling gitara na aming dala'y may biglang lumapit sa 'min.
"Ace, I told you to just drop it!" I heard a feminine voice from afar, seemingly chasing someone. Tumingin ako sa direksyon ng boses na 'yon at do'n ko nakitang lumalakad palapit sa amin ang lalakeng kinantahan namin ng 'happy birthday'. Kami ba kikitain nito?
"Hey, excuse me. You're Niko, right?" unang bati sa 'min ng lalake–Ace was his name I heard. Bagay sa aura niya.
Teka...
Nagkunot ang aking noo. "Oh? Hindi ba ikaw 'yung umagaw ng show namin noon?" I realized. It wasn't only Ace that was taken aback but also Mat. Kita kong nanlaki ang mata niya nangg bigla niya maalala 'yong nangyari sa isang cafe na aming tinugtugan no'ng senior high palang kami.
"You could've said showdown, but yeah. Ako nga. How could you forget?" he replied, hands on his chest acting offended. "Eh pagkakatanda ko mas magaling pa ako no'n sa 'yo?"
The girl beside him was just as confused as the people eyeing our talk within the hall. "Magkakilala na kayo?" tanong niya.
"Actually, hindi ko po talaga siya kilala. Epal lang po siya noon sa show namin. Bida bida kasi."
"Oh, come on. Just admit I stole the show. Besides, kayo 'yung nagpavolunteer no'n diba? I just took the chance," sagot naman ni Ace habang nagkibit-balikat. Kita mo, napakayabang pa rin.
"Senior high pa po ako no'n. I greatly improved, if you don't know."
Tumaas ang kanyang kilay, "Oh? Shall we see? Gusto mo ba ng part 2 ng showdown natin?"
Well, this was unexpected. Pero magpapatalo ba ako?
I don't think so.
"Game on."
--------
A/N:
Ace Gonzaga from Check-list of Love by rai_nismm meets Niko Guerrera from Love Beneath Lies! Birthday twinnies crossover hihi. Check her special chapter for the continuation of this chapter!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro