CHAPTER 8
Wala pang limang minuto ay nakita ko na ang isang itim na Subaru Forester na nakaparada sa harap ng resto ko.
The car looks familiar. W-wait? Kay Axis 'to ah? Ito yung ginamit niya kanina.
Nangunot ang noo ko and I was right. Si Axis nga. Lumabas siya ng kotse niya and he went inside my resto. Taas noo pa siya kung maglakad na akala mo ay sumali sa isang fashion model at halos lahat ng mga babaeng customer ay napapatingin sa kanya. Idagdag mo pang nakabusiness suit pa siya which makes him more dashing.
And wait? Did he really came here to pick me up like what he has texted me? Huminto siya sa harap ko at ngumiti ngunit kinunutan ko lamang siya ng noo.
"What are you doing here?" Nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kanya.
"I have texted you, haven't I?" Cool niyang saad habang nakasuksok pa sa magkabila niyang bulsa ang mga kamay niya.
Napabuga na lang ako ng hangin. Meanwhile, I heard giggles at my back. Lumingon ako roon sa likod ko only to find out na mga tauhan ko pala ang mga 'yon na tila kinikilig pa. Argh!
"So? Pumayag ba ako?"
"That's right. You didn't agreed and you didn't even stop me so might as well think that it was okay with you that's why I came here." Nakangisi niyang tugon.
What the?
Bigla niya na lang akong hinila at inakbayan.
"Can I borrow your boss for the mean time?" Tila humihingi pa siya ng permiso sa mga tauhan ko.
Pinanlakihan ko silang lahat ng mata pero pasaway talaga si Honeyleth.
"Of course naman Sir. Kahit h'wag niyo na pong ibalik si Ma'am Reese." Sagot nito at nagtawanan pa silang lahat.
Lagot ka sa akin mamaya Honeyleth! Argh!
"Alright." Tapos bigla na lang akong hinawakan ni Axis sa kamay at hinila palabas.
Ghad! Nakatakong kaya ako! Hindi ba siya makaramdam? Kung makahila naman. Palibhasa hindi siya ang nakatakong!
Pinagbuksan niya ako ng pintuan pero bahagya niya akong tinulak paupo. Can't he at least be gentle? Argh! Stupid idiot!
Nagmadali niyang pinaandar ang kotse niya. At saan niya naman ako dadalhin?
"Hoy! Saan mo ba ako dadalhin at anong balak mong gawin sa akin?" Inis kong tanong sa kanya. Nilingon niya ako at ngumisi ng nakakaasar.
"Kidnap for ransom." Humagalpak siya ng tawa kaya hinampas ko sa kanya yung dala kong bag.
"Umayos ka nga!" Bulyaw ko rito.
"Relax, alright?" At tumigil siya sa pagtawa. "Naubusan ako ng stock sa condo." Walang kwenta niyang saad.
"Oh tapos?" I arc my brows.
"Buy me food stocks and such." Pinanlisikan ko siya ng mata.
"Are you serious? Gagawin mo pa akong katulong mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"You owe me your life woman, don't you?" He look at me and smiled devilishly. "It's just a little favor coming from your savior. Can't you do it for him?" Tila nangongonsensya pa ang tono niya. Napaikot na lang ako ng mata.
"Fine!" As if I have a choice, right? This stupid idiot is really a pain in the ass.
Inihinto niya ang kotse niya sa isang mall at sabay kaming lumabas ng kotse niya. Er. Asa naman akong pagbubuksan niya ako ng pinto diba?
Sabay kaming naglakad papasok sa mall and everyone is looking at us. Who wouldn't? This guy beside me was wearing a business suit and he was dashingly walking. Ako naman nakasuot ng long knitted dress at nakatakong pa.
Alam mo yung para kaming dumalo sa isang formal occasion at magkadate kaming dalawa and it so happened na napadaan kami dito sa mall.
W-whoah there. Did I just say date? Gosh! What am I thinking again? Nasapok ko na lang ang ulo ko.
"Doing your mannerism again, huh?" Nang-iinis niyang tanong.
"Pake mo ba?"
"I'm just worried about your head okay? The more you hit your head, the more it will get hurt." Lumapit siya sa akin at may ibinulong. "And the more you do that, people would really think you're crazy." I felt my blood runs upward my face.
"Agh! You stupid idiot!" Muli kong hinampas sa kanya ang bag ko pero inilagan niya lang iyon habang tumatawa pa.
"Guys! Si Miss Yasha!"
"Tara, papicture tayo dali!"
Rinig kong bulungan ng grupo ng mga kababaihan.
"Excuse me po. Miss Yasha, pwede pong papicture?" Ani ng isang babae.
"Oh sure." Mabilis naman silang tumabi sa akin.
Nagtuturuan pa silang magbabarkada kung sino ang magpipicture. Dahil sa may naisip akong kalokohan, kinuha ko sa kanila ang phone nila at tinignan si Axis.
"Ax, would you please?" I make a puppy eyes on him. Sure he knows what I mean.
Nakita kong umigting ang kanyang panga. Lihim na lang akong natawa nang kunin niya sa akin ang cellphone. Akala mo ha!
Mas lalong dumami pa ang nagpapicture sa akin at sa hitsura ni Axis, alam kong nababanas na siya. Siya lang naman kasi ang ginagawa kong photographer namin.
Nung may lumapit pang grupo ng mga kabataan, bigla na lang akong hinila ni Axis sa tabi niya.
"Stop it now guys. You're ruining our date." Saad niya sa kanilang lahat at napaawang na lang ang aking labi. Hinawakan niya akong muli at hinila palayo sa kanilang lahat.
Ang bilis niya talagang mainis. Lol. Pumasok kami sa supermarket. Kumuha siya ng isang push cart at ibinigay yun sa akin.
"Baka kasi nakalimutan mo na kung bakit tayo nagpunta rito. You know, you owe your life to me." Pang-iinis niya and he's making me pissed already.
Argh! Kung hindi niya lang ako iniligtas e!
Bawat nakikita kong pwedeng ilagay sa ref at pwedeng pangstock ay nilalagay ko sa cart. Bahala siya dyan! As if naman na ako ang magbabayad. Naiinis ako sa kanya e!
"Done." I told him nang makita ko siya. Tinignan niya ang laman ng cart at kulang na lang ay umusok ang ilong niya.
"Seriously woman?" Frustrated niyang tanong. Tinignan ko rin yung laman ng cart.
"What's wrong? Pwede namang pangstock yan ah." Dahilan ko.
"Yeah right but you think, mabubusog ako dyan?" Salubong na ang dalawa niyang kilay.
"Kung ayaw mo e 'di akin na lang. Ibigay mo sa akin, for sure hindi yan masasayang."
"Bring them back woman or else---"
"Fine!" Pagpuputol ko sa anumang sasabihin niya at mabilis akong lumayo sa kanya.
Kasalanan ko ba kung ang mga inilagay ko sa cart e mga marshmallows, chocolates, mga drinks, junk foods at iba pa? This is what he got from pissing me off. Argh! Kung hindi niya lang talaga ako iniligtas, I won't bring them back all. Kainis.
Ibinalik ko lahat ng mga kinuha ko at pinalitan yun ng mga pagkaing siguradong mabubusog siya. Kumuha ako ng tig-iisang kilong isda, manok, karne ng baboy, mga processed foods, spices at kung anu-ano pa.
What am I to him? Instant yaya?
"Oh. Baka naman mabubusog ka na nyan!" Inis kong sabi sa kanya. Itinulak ko pa ang cart sa kanya, pasalamat siya at nahawakan niya iyon agad.
He paid all of those to the cashier at inutusan niya na lang ang bagger na dalhin iyon sa kotse niya.
"Are you hungry?"
"Buti naman nakaramdam ka." Pabalang kong sabi and I just heard him chuckle.
Madilim na kasi. Umalis kami sa resto ng mga 3:30pm at mag-aalas sais na ng gabi. Naubos ang oras dahil sa nagtatalo kami sa kakapamili ng pangstock niya sa condo niya.
Sinabi kong sa food court na lang kami kakain. Medyo malayo pa kasi ang resto rito sa pwesto namin.
Naupo ako sa may bakanteng table. Si Axis ang umorder ng pagkain. Buti naman! Masakit na kaya paa ko.
Umalis ako saglit dun at nilapitan yung jewelry shop. Tumingin-tingin ako dun sa mga earrings at bracelets na nakadisplay.
"Miss Yasha?" Napalingon ako dun sa tumawag sa akin.
"Yes?"
"Sabi na pare. Si Miss Yasha 'to e!" Rinig kong sabi niya sa kasama niya.
"Pwede po bang makapagpapicture sayo?" Paalam nung lalaking blonde ang buhok.
"Oh sure." Pumagilid kami sa area'ng hindi nadadaanan masyado ng mga tao.
Tumabi sa akin yung kasama nung blonde guy at siya ang unang nakipagpapicture sa akin. Sumunod naman yung blonde guy na tumawag sa akin kanina. Nagulat pa nga ako nang bigla niya akong akbayan pero iwinalang bahala ko na lamang.
"Thanks Miss Yasha. You're one of a kind celebrity." Sabi nila sa akin at ngumiti ako sa kanila.
Tumuloy na ako roon sa jewelry shop pero nagulat na lamang ako nung may isang kamay ang lumapat sa pisngi ko. It happened so fast at nakatagilid pa rin ang ulo ko hanggang ngayon.
"You bitch! Mang-aagaw ka!" Sigaw bigla nung babae.
"Babe, what are doing? Why did you slap her?" Tanong nung blonde guy at nilapitan yung babaeng sumampal bigla sa akin.
The girl has the look. She's a petite. Mukha naman siyang mabait tignan pero hindi ko alam kung bakit bigla niya na lang akong sinampal.
"Babe-hin mo ang mukha mo! At kinakampihan mo pa talaga ang babaeng yan ha? Sa mismong anniversary ka pa talaga natin nagloko Jayvee!" Malakas na sigaw nung babae rito sa blonde guy.
So, kaya ako sinampal nitong babae dahil inakala niyang niloloko siya nung boyfriend niya which is itong blonde guy na 'to?
"You misinterpreted it Miss. I am not ruining your relationship okay?" Pagtatama ko sa kanya.
"You shut up! Mang-aagaw ka!" Bulyaw niya sa akin. Bigla niya na lang akong nilapitan at sinabunutan.
What the hell?
"Genny, stop it!" Awat sa kanya nung boyfriend niya.
Nagulat pa ako ng sampalin niya akong muli. Grabe! Nakakadalawa na 'tong payatot na babaeng 'to ah!
"GENNY!" Awat niyang muli at mabilis akong inilayo nitong Jayvee kay Genny. Gosh! Ang dami na rin palang nanonood sa amin.
"I'm sorry Miss Yasha." Paghihingi nung blonde guy ng paumanhin sa akin. Tumango lang ako sa kanya upang malaman niyang okay lang ako.
"So, you're saying sorry to her tapos sa akin hindi?" Sigaw na naman nung Genny sa kanya.
Nakakakunsimi naman kung girlfriend mo ang payatot na babaeng 'to. Ang bilis niyang magconclude e.
Tinignan niya ako ng sobrang sama.
"You bitch!" I heard her say at sasampalin niya na naman sana ako.
"Dare to lay a finger on her and you will regret it." Hindi ko naramdaman ang sampal na inaasahan ko dahil napatigil at nanatiling nasa ere ang kamay nung Genny nung may magsalita sa likuran ko.
Napatingin na lamang ako sa likod ko at nakita kong nakatayo si Axis doon. Unti-unti siyang lumapit sa akin at inayos yung nagulo kong buhok.
"Is slapping her twice isn't enough for you?" Seryoso niyang tanong dun sa babae. Nakakatakot naman magsalita ng seryoso 'tong si Axis. "Stop jumping into conclusions Miss. Otherwise, you are the one who will take the consequences and always watch your words." Nasa boses niya ang pagkaawtoridad.
"Wala siyang inaagaw dahil hindi naman siya mukhang mang-aagaw." Dagdag pa ni Axis at nakita kong napalunok na lamang yung babae.
"Don't you know who she is? She is Yasha Reese Heuson." Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga taong nasa paligid namin na kanina pang nanonood.
"She's getting married so why the hell would she ruin your relationship?" Anong ikakasal ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Baliw ba siya?
"And this woman you are saying a bitch is my fiancee. Do you heard me?" Sabi niya dahilan ng pag-awang ng labi ko. "This woman is my fiancee." May diin pang saad niya.
Hinawakan niya ako bigla sa kamay at hinila niya na lamang ako palayo roon.
Tila naging tuod ako dahil hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Nanatili lang ang mga mata ko sa kamay naming magkahawak at pakiramdam ko ay kaming dalawa lamang ang tao rito sa mall.
Did... Did he just say that I am his fiancee? I don't know but my heart suddenly thumps so fast.
Gosh! Why on the gorgeous earth would my heart beats so damn fast like this?
"Are you alright?" Tanong sa akin ni Axis at hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa parking lot.
"What I did was the right thing to do. Kadikit na ng pangalan mo ang pangalan ko and I guess, you are really my responsibility right now." Mahaba niyang sabi pero parang hindi iyon rumerehistro sa utak ko at hindi ko mapangalanan itong nararamdaman ko.
Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at hindi ko magawang iiwas sa kanya ang tingin ko.
Ilang beses naman na niyang hinawakan ako sa kamay pero yung kanina, pakiramdamam ko napapaso ang balat ko sa kanya.
And him? Saying that I am his fiancee? Yes, I've heard from all the news saying that I am Axis' fiancee pero yung sa kanya mismo manggaling ang salitang iyon, bakit parang iba ang epekto nun sa akin? Bakit parang iba sa pakiramdam? At bakit parang sobra-sobra naman ang pagkabog nitong dibdib ko?
Gosh! Ano ba 'to? Bakit ba nangyayari sa akin 'to? At bakit ko ba nararamdaman 'to?
Dear heart, paki-explain naman oh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro