CHAPTER 7
A/N: Naubusan ako ng sariling quotes. Haha. Comment kayo, baka pwede kong gamitin. :) Enjoy reading!
~
It's been a week since that accident happened. My arm is all okay now. It left a scar but I know soon maaalis din naman 'to. Yung photoshoot pala hindi na natuloy. Alalang-alala nga si Aishi e. Even our parents. Nalaman nila yun dahil naibalita yun sa breaking news the moment na nangyari yung accident.
They even interviewed us to know what really had happened but I told them that it happened unexpectedly. Wala rin namang may gusto sa nangyari. Ang importante ay okay na ako pati si Axis.
Some of my celebrity friends visited me at the mansion. May mga nagpadala rin ng mga messages sa akin. It's really an overwhelming on my part. Meron pa nga yung sobrang nag-alala nung malamang kasama ko si Axis. Netizens were so damn worried about us.
I wanted to thank them but sadly, I can't open my main account up until now. Hinayaan ko na lamang din iyon.
And speaking of Axis, hinayaan na lang din namin kung anong iisipin ng ibang tao sa amin. Ang importante, alam naming dalawa kung ano talaga ang totoo.
Lumabas ako ng condo at inilock yun pagkatapos. I'm starving. I didn't cook my food dahil tinatamad ako. Pagkalabas ko ng unit ko ay sakto namang lumabas din si Axis. You know, his unit was five doors away from mine. Tss.
Dumiretso ako ng elevator at hindi ko aakalaing dun din siya pupunta. Naiilang man ay ngumiti ako sa kanya.
"Where are you going?" Tanong ko sa kanya.
"I'm going to take dinner outside. I didn't cook food. Ikaw?" He asks back.
"Oh. I'm going to take my dinner outside, too." Tumawa ako ng mahina.
"Then let's go together."
"Huh?" Did I heard it right? Or am I just assuming things again? "Alright." Mabilis ko ring sagot kalaunan.
"How's your arm?" Hindi ko na naiwasang itanong iyon.
"Okay na." He simply answered.
"Patingin nga." Pagpipilit ko at hinila yung suot niyang hoodie.
"Wait woman okay? You're harassing me." Sinapok ko nga siya sa ulo niya. Harass his face!
"Patingin nga kasi! Isa!" Maawtoridad kong utos.
Buti na lamang at itinaas niya yung suot niya sa may bandang left arm niya at hindi na kumontra pa. I checked out his arm at wala sa sariling pinitik ko iyon.
"What the fuck?!" Reklamo niya.
"I am just checking if it's really okay." Tugon ko sa kanya.
"You are really something woman, you know." Inis niyang usal at binigyan pa ako ng death glare. Aish! Hindi na lamang ako nagsalita pa.
Mukhang okay naman na talaga yung braso niya. May naiwan ding scar katulad sa akin and I know for sure maaalis din naman yun.
Sabay kaming lumabas ng elevator at minabuti na lamang naming maglakad pareho. Walking distance lang din naman kasi yung pinakamalapit na resto sa Sweet Havens.
Medyo naiilang man na magkasama kami ngayon, hindi ko na lamang ipinahalata sa kanya iyon. He was just wearing a gray hoodie, a three-forth pants at nakatsinelas lamang siya but he still look handsome with that simple clothes.
Oh? Did I say he's handsome? I know he was, but what has gotten into me to observe what he looks like?
Nasapok ko na lamang ang ulo ko.
"Hitting your head again?" Axis teased at me.
"It's just my mannerism." Palusot ko.
"Then I guess you're mannerism was so cool, wasn't it?" At tumawa siya ng malakas. Sinamaan ko nga ng tingin.
Nang makarating kami sa restaurant ay pinauna niya ako habang nakasunod naman siya sa akin. Lumapit ang isang server sa amin at ibinigay ang menu list.
"What's yours?" Axis asks out of a sudden.
"Beefsteak. One and a half cup of rice. Vegetable salad and half cup of beef broth, too." I told him. Nangunot naman ang noo ko nang iclose niya ang menu.
"Aren't you going to order what's yours?" Nagtataka kong tanong sa kanya but he just smiled at me.
"Make her orders two, alright?" Baling niya sa server. Tumango naman ito bago siya umalis. I arc my brows on Axis. Gaya-gaya talaga.
Nang maiserve na ang mga inorder sa amin ay sabay kaming kumain ni Axis. Dinner with him? Uh, not bad though.
Pagkatapos naming kumain ay sabay rin kaming umalis doon. We walk silently. Then I just notice him walking from other direction.
"Oy Axis! Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Bigla kasi siyang umikot sa ibang direction at nagcross sa left lane.
Umikot ako roon upang sundan sana siya pero medyo naging mabilis ang pangyayari. Napapikit na lang ako ng mata nang makarinig ako ng mga busina ng sasakyan. Naramdaman ko na lang din na may humila sa kamay ko hanggang sa masubsob ako sa isang matigas na bagay.
My heart beats so damn fast.
"Hey, are you okay?" I just felt Axis' hand at my head na hinahaplos ang buhok ko.
"I a-am." Nanginginig ang boses ko dahil sa nangyari. I was panting so hard.
Kamuntikan na naman akong mabangga. I don't know how to calm down myself. I felt traumatized. Parang kailan lang nung muntik akong mabangga and now it happened again.
Nakasubsob pa rin ang ulo ko sa dibdib ni Axis and then he pulled me towards him.
"Damn woman! Would you please look at your left and right side before crossing the road?!" He scolded me right then but I remained quiet as I can.
I still can't move on. My hands were both trembling. I'm almost. What if... What if Axis wasn't here? What if he wasn't able to save me this time?
I just felt a pair of tears that roll down my face.
"Hey." Hinawakan ako ni Axis sa magkabila kong braso at narinig ko siyang napamura ng mahina. Naramdaman ko na lang din ang kamay niyang lumapat sa mukha ko.
"Stop crying. You're safe, okay? You're safe now." Then he tuck my hair at the back of my ears. "Let's go. I'll bring you home." At doon, naramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat ko at inakay ako sa paglalakad.
Parang wala sa sariling nagpatianod ako sa kanya. I don't know how to feel. Ang alam ko lang sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Para lang akong robot na inaalalayan ni Axis.
Ni hindi ko na rin namalayan na nakasakay na kami sa elevator. We went outside there after at nalaman ko na lang na nasa harap na kami ng unit ko.
Hiningi niya ang pass code ko at siya na ang pumindot nun upang mabuksan iyon.
"Yasha? Hey Yasha." Noon lamang ako natauhan.
"A-ah." Tugon ko at mabilis na pinunasan ang nakawalang luha sa mata ko.
"Don't think about it anymore, okay? You are safe." Pagpapagaan niya sa loob ko. Dahan-dahan akong tumango sa kanya.
"Get inside your room now and sleep." He told me. I smiled at him a bit.
Tumungo siya sa may pintuan at lalabas na sana pero tinawag ko siya. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. I know he was surprised for what I did but I owe him my life.
"Thanks Ax."
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Iminulat ko ang aking mga mata at napatingin sa wall clock. Mag-aalas-syete na pala.
Mabilis akong bumangon at dumiretso sa CR. Sinabay ko na rin ang pagligo.
I need to go to my restaurant today. I wanted to add some dishes on the menu list. I think of adding two chicken dishes, fish burrito and I wanna try grilled beefsteak with tomato sauce. Sounds weird, isn't it? Well, it tastes good. I had experimented it before pero ngayon ko lang naisipang idagdag sa menu list.
I stormed out my unit at bumaba na. Papasok na sana ako sa kotse ko pero may humintong itim na kotse sa gilid ko. Unti-unting bumaba yung tinted window ng kotse at bumungad sa harap ko si Axis.
He's wearing a business suit as always but today was different. I mean, ah basta. He looks more handsome today.
Argh! What am I saying?
"Hey woman! Wanna ride in? I'll drop you at your restaurant." Kinunutan ko ng noo si Axis at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako pumayag. Namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa tabi niya.
He started the engine. Prente lang siyang nakaupo habang nagdadrive. Agh! Bakit ba ako pumayag na makisabay sa kanya?
Like what he said, ibinaba niya nga ako sa may resto ko and I didn't know kung bakit lumabas din siya.
"Yasha wait. I wanna give you something." Nakakunot ang noo ko nang binuksan niya ang backseat at may kinuha doon.
"Here." He handed me a medium size paper bag.
"What's that?" Tanong ko habang hindi ko pa kinukuha yung paper bag sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at siya na ang kusang nag-abot nun sa akin.
"Your things. That was your sling bag and cellphone when the accident happened." Napatango na lamang ako. Akala ko nanakaw na 'to e. Papasok na sana ako sa resto ko pero hinarap ko siyang muli.
"Why did they gave you my things?" Naguguluhan kong tanong. These things are mine so definitely, dapat sa akin nila ibinigay, right?
"Masyado kasi akong gwapo para ipagkatiwala nila sa akin yung mga gamit mo." Then he chuckled. Hahampasin ko sana siya pero mabilis siyang nakailag.
"You are so full of yourself, aren't you?" I ask sarcastically.
"I am just being honest here woman." He smirked at mabilis ng pumasok sa kotse niya. Napabuga na lang ako ng hangin.
Edi ikaw na ang gwapo. Natampal ko na lang ang noo ko. What am I saying again? Argh!
Pumasok ako sa resto ko and I was greeted by many customers. Ang daming customers ngayon. Hindi magkandamayaw sila Aishi at ang iba kong tauhan sa kanilang gagawin.
Mabilis kong inilagay ang mga gamit sa cubicle ko at tinulungan sila. Hinarap ko na rin ang ibang customers to get their orders. Being a restauranteur, it's my responsibility to help them too. I am not just an owner of this resto. I can be their back up, too. Ayokong nakaupo lamang sa isang tabi. I will help them as much as I can.
"Whoah. Ang sakit ng likod ko." Usal ni Kris habang inuunat niya ang kanyang mga kamay.
It's already 3pm at hindi pa kami nakakapaglunch dahil sobrang dami ng customers.
"Guys, you need to take your lunch now. Wala naman na masyadong tao." Inutusan ko si Aishi at ang ibang chefs na maghain na. Alam ko kasing pagod na sila. Ayoko namang pagod na nga sila sa lagay na yan tapos wala pang laman ang tyan nila.
We ate altogether. Buti na nga lang medyo kumonti ang mga kumakain. Sa likod kami ng resto kumain. May pinagawa kasi akong kubo sa likod nun. Pinasadya ko talaga yun. Para bang tambayan na namin.
"I bet this grilled beefsteak Yash." Sabi sa akin ni Aishi. Naikwento ko na rin kasi sa kanila na balak kong magdagdag ng dishes.
Nung matapos kaming kumain, tinry kong gawin yung grilled beefsteak and it was surrounded by tomato sauce. Inihain ko yun sa kanila and surprisingly, nagustuhan naman nila kahit papaano.
"Ma'am Reese, pwede ka na rin po palang maging chef." Biro sa akin ni Honeyleth kaya nagtawanan kaming lahat.
Actually, I took Business Ad when I was in college. Hindi dahil sa yun ang gusto ng parents ko, it was my own decision, pero ayokong ihandle yung company ng parents ko. Para saan pa at nagkaroon ako ng Kuya diba? Tsaka I wanted to prove them that I can manage my own business and that's how my restaurant happened.
Si Kuya nga inaaway ako noon e. Edi dapat daw HRM na lang ang kinuha ko. Para saan daw yung pagkuha ko ng business ad kung hindi ko ihahandle yung company namin. Ayaw rin kasi nun ihandle ang company namin.
He's into arts. Pero wala siyang nagawa. Siya ang panganay e. Pero they made an agreement na five years na hahayaan nila si Kuya sa pagiging pintor niya sa ibang bansa. After five years, then he has no other choice but to manage the company.
Matagal kaming nagkwentuhan sa kubo. Hindi nga namin namalayan ang oras e.
"Hoy Yasha! Phone mo nagriring!" Sigaw ni Aishi sa loob.
I excused myself to them at bumalik sa loob. I took my phone at may nagmissed call. Eh? Unregistered number?
Maya-maya pa ay nagvibrate ang cellphone ko at nangunot ang noo ko sa mensaheng nakuha.
I'll pick you up right now.
-Ax.
Eh? Ax? Axis? Paano niya nalaman ang number ko? And why would he pick me up?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro