Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Love is when you start worrying about one person.

~

[Yasha! Where the hell are you?!] Sigaw ni Aishi sa kabilang linya. She's back to her dragon mood again. Dahil nga may photoshoot kami ngayong araw at late na naman ako kaya ayan napapagalitan na naman ako.

"Makasigaw naman 'to. Oo na, on the way na ako." Sagot ko sa kanya habang hinahanap yung pair ng sandals ko. Kalalabas ko pa lang kasi sa CR at katatapos ko pa lang talagang maligo.

[Make sure you are really on the way. Ikaw pa naman yung taong laging sinasabing on the way na samantalang baka kasalukuyan ka pa lang nagpeprepare ng sarili mo.] Mahaba at pabalang niyang usal. Napaikot na lang ako ng mata.

"Oo nga! Palabas na ako ng condo." Pagsisinungaling ko at naupo sa harap ng vanity mirror.

[Fine! I'll wait you here.] Nang matapos ang phone call ay tsaka ko mabilis na inayusan ang sarili ko.

I took my phone and my sling bag bago ako lumabas ng unit ko. Tatalakan na naman ako panigurado ni Aishi. Ito yung ayaw ko kapag may shoot e. Dahil siya ang boss sa aming dalawa ngayon, hindi ko siya magawang kontrahin. Argh!

Mabilis akong bumaba sa basement at sumakay ng kotse ko. Malapit na ako sa entrance nang biglang tumigil ang kotse. Gosh! Anong problema nito?

Bumaba ako at tinignan kung may sira iyon pero wala naman. Huli ko ng maalala na hindi pala ako nagpalagay ng gas kahapon. Nasapok ko na lang ang ulo ko. Kainis naman! Ba't hindi ko man lang napansin na paubos na ang gas ko?

Napalingon ako sa likod nang biglang may bumusina roon. Napabuga na lang ako ng hininga nang muling bumusina yung sasakyan. Ilang beses ring tumunog ang cellphone ko kaya napaikot na lang ako ng mata. Paniguradong si Aishi 'yon at malamang sa malamang, papagalitan niya na naman ako.

"You're blocking the driveway woman." Napairap na lang ako ng mata nang mabosesan ko kung sino yung nagsalita. Sa dinami-rami ng tao, kailangan si Axis pa talaga? Ha?

Napapikit ako ng mata bago ko siya hinarap.

"Blame the car. It's not working." I told him. Nakita ko siyang umiling at naroon sa ekspresyon niya na pinipigilan niya lang ang mainis.

"Where are you going? I'll take you there." Napaawang ang mga labi ko at tinignan siya ng mabuti.

Is he volunteering? And he thinks sasakay ako sa kotse niya?

"Excuse me? You think I will ride on your car again? Thanks but no thanks." Pabalang kong sabi. Nakita ko pang nag-igting ang kanyang panga.

Hindi ko na lamang siya pinansin tsaka ko kinuha ang mga gamit sa loob ng kotse ko at nagtuluy-tuloy sa paglalakad.

My phone rings for the nth time pero ipinasok ko na lang iyon sa sling bag ko. It's Aishi for sure. Aish!

Napapadyak na lang ako ng paa nang makalabas ako sa main gate ng Sweet Havens. Kainis! Kung hindi lang dahil sa nangyari kagabi, baka sasakay pa ako sa kotse ni Axis.

Nahihiya ako e. Letse! Naalala ko yung nangyari kagabi! Kung hindi ka ba naman kasi assuming e! Kontra ng isip ko. Fine! Malay ko ba kung stalker ko siya!

Inalis ko yun sa isip ko. There's nothing to be ashamed of Yasha! Hindi mo kasalanan kung bakit inakala mong stalker siya. Tama! Tama!

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ilang beses na namang tumunog ang cellphone ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin iyon.

"On the way na nga ako. Traffic lang talaga." Palusot ko kay Aishi.

[You're making excuses again Yasha Reese Heuson! Go to studio now! We're about to start the shoot!] Malakas na sigaw ni Aishi. I just rolled my eyes at nagpatuloy muli sa paglalakad.

On the way na nga e.

"I'll be there in---" Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang malakas na busina ng mga sasakyan at naramdaman ko na lamang ang pagyakap ng isang tao mula sa likuran ko kasabay ng pagkabitaw ko sa hawak kong cellphone at ang sumunod na nangyari ay ang nagpagulong-gulong kami sa daan.

Naging mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko na lamang ang hapdi at kirot sa kaliwang braso ko pati sa balakang ko. Iminulat ko ang mga mata ko at ang ulap ang tangi kong nakikita. I moved my head at naramdaman kong nakaunan ang ulo ko sa isang braso.

Napadaing na lang ako sa sobrang sakit. Then I heard another voice that groans in pain. Nabaling ang atensyon ko sa boses na iyon at nanlaki ang dalawa kong mata. Dumagundong bigla sa kaba ang dibdib ko.

Shit. Si Axis.

Pinilit kong itinukod ang kanang braso ko sa semento kahit nahihirapan ako. I want to check on him. I want to make sure he's okay. Tinignan ko siya. His eyes were closed at alam kong tinitiis niya lang din ang sakit at hapdi na natamo niya.

"Hey stup---Axis, a-are you okay?" Nag-aalala kong tanong sa kanya subalit tanging daing niya lamang ang narinig ko. There's blood on the side of his forehead.

Shit! I don't know what to do.

Tinulungan ko siyang makabangon but my elbow was too hurt that I couldn't able to help him.

May mga taong lumapit sa amin at inakay kami patayo pagkatapos ay isinakay kami sa taxi. Dinala nila kami sa malapit na hospital at agad kaming inasikaso ng mga nurses. Sa magkabilang kwarto kami dinala kaya hindi ko nakikita kung kamusta na ang lagay ni Axis.

The nurse cleaned me up. I got bruises below my shoulder and nothing more pero masakit ang balakang ko at ang isa kong tuhod dahil sa gumulong-gulong kami sa kalsada kanina.

Naipikit ko ang mata ko nang linisan ng nurse ang sugat sa braso ko. Gosh! I was so damn clumsy! While talking to Aishi at the other line awhile ago, I didn't notice na may mga sasakyan pala. Muntik pa tuloy akong mabangga. Buti na lang nahila ako ni Axis.

Wait, kamusta na kaya ang lagay niya? I know he was too hurt more than I was.

Matapos akong lagyan ng bandage sa may bandang braso ko ay nagmadali akong lumabas.

"Ma'am! Bawal pa po kayong lumabas!" Suway nung nurse pero wala akong pakialam. Paika-ika akong lumabas sa kwartong iyon habang nakahawak sa balakang ko.

I need to see Axis. I'm worried about him.

"Nurse, where's Axis? Where is his room?" Tanong ko sa nakasalubong kong nurse pero nakatitig lang siya ng diretso sa akin at para bang hindi siya naniniwala na nasa harapan niya ako.

Umiling ako at nagtuloy na lang sa paglalakad. May mga nurses pang tumigil sa paglalakad nang makita nila ako.

"Oh my! Si Miss Yasha."

"Gosh! Ang ganda niya sa personal no? No wonder why she's a supermodel."

I shook my head again dahil sa mga bulung-bulungan nila at nilapitan yung isang nurse na kalalabas sa isang private room.

"Excuse me? Do you know where's Axis' room? I really need to see him and to check if he's okay." Natahimik ito saglit habang nakatitig sa akin ng diretso.

Nabalik lang siya sa huwisyo nang bahagya siyang yugyugin ng isa pang nurse na kalalabas lang din.

"Miss Yasha?" Hindi makapaniwalang tanong nito. She cleared her throat at bahagya siyang umayos ng tayo. "How are you related to Mr. Axis Ford Averion?" The nurse asked me back na siyang ikinatahimik ko.

I looked at the nurse and she was waiting for my response.

"I'm...I'm..." What to say? "Ah. Kakilala ko po siya. Y-yeah, I know him." Argh! What kind of answer is that Yasha?

"I am sorry Miss Yasha pero kabilin-bilinan po nina Mr. and Mrs. Averion na h'wag daw pong magpapapasok ng kung sinu-sino." Sabi nito sa akin. "Sorry po. Excuse me po Miss Yasha." She added at tumungo sa harapan ko pagkatapos ay dumiretso na ito sa paglalakad palayo sa akin.

Napapikit ako ng mata. I was really damn worried about him and I really wanna see him. Agh! Napabuga ako ng hininga at hinabol yung nurse kahit na nahihirapan ako.

"Please let me in. I'm..." Should I tell them? Bahala na nga. "I'm Axis' fiancee." Sagot ko na siyang ikinatahimik nilang lahat maging iyong mga taong naglalakad sa hallway.

"OMG! Sabi na e. Engaged na talaga silang dalawa."

"Kyaaaah, Miss Yasha speak up."

"Oh my God. So totoo nga talaga yung news."

Nakagat ko ng mariin ang pang-ibabang labi ko. Tama bang sinabi ko pa yun? Nakita ko na lamang na nginitian ako nung nurse.

"Sunod po kayo sa akin Miss Yasha." Nakangiti nitong saad at wala sa sariling sumunod na lamang ako sa kanya. Pumasok kami sa loob ng isang pribadong kwarto kung saan lumabas ang nurse kanina.

"Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo." Sabi nito sa akin at tuluyan na siyang lumabas. Tumango na lamang ako hanggang sa narinig ko na lamang ang pagsara ng pintuan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa nasabing kwarto at nakita ko si Axis na nakaupo sa hospital bed na nakatingin sa may bintana. May nakapatong na unan sa may lap niya at doon niya ipinatong ang braso niyang may sugat. Definitely, nasira ang bandang kaliwang braso ng suit na suot niya kanina at tanging long sleeve shirt na lang ang suot niya which is may punit din. Napakagat akong muli sa ibabang labi ko nang makita ang hitsura niya.

He got bruises on his shoulder down to his elbow. Naging kulay violet iyon dahil nagmistulang nabalatan ang braso niya and there's also a bandage at the left side of his forehead.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya.

"Hey, y-you okay?" I ask out. Napatingin siya sa akin at tinignan ako ng maigi.

"How about you? Are you okay?" He asks back instead of answering me.

"I'm okay." I heave a sigh. "Does it hurt? Don't lie because I know it does." I told him and I looked directly into his eyes. I got the chance to look at him clearly.

May mga sugat at gasgas din pala sa kanang braso niya. I even check his face. May mga gasgas din siyang natamo. Konti lang naman iyon pero halata pa rin dahil maputi at makinis ang mukha niya.

I feel like hating myself. I know it's all my fault this time. I let out a deep sigh again.

"Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Mahina kong tanong sa kanya.

"I'm trying to save you." Mahina niya ring sambit. Napatingin ako sa kisame pagkatapos ay tinignan ko ulit siya.

"Pero sana hindi mo na lang ako nilapitan! You should at least shout at me to stop from walking!" I couldn't help but to raise my tone. Tumaas ang sulok ng kanyang labi na para bang hindi siya naniniwala sa inaasta ko.

"Is that your way of appreciating what I did?" I could sense the irritation on his voice already. "Why don't you just say thank you instead of shouting me?"

"I am not shouting you because I didn't appreciate what you did! Damn it! I am shouting you because I am so freakin' worried about you!" Nakita ko ang pag-awang ng labi niya katulad ko.

Huli ko ng mapagpanto kung ano yung sinabi ko at natahimik kami pareho. Aish!

I bit my lower lip at iniiwas ko yung tingin ko.

"Ah, l-lalabas lang ako. I'll...buy you f-foods." Naiilang at nahihiya kong sabi at mabilis na lumabas. Napadaing pa ako ng masagi ang braso ko sa pintuan. Shit. Masakit.

"Hey, are you okay?" I heard him asked.

"I am." I answered without looking at him at tuluyan ko ng isinara ang pintuan. Napasandal ako roon at napapikit ako ng mata. Natampal ko na lamang ang aking ulo.

What have you done Yasha? Aren't you thinking of what words you are going to say?

Muli kong nasapok ng ilang beses ang ulo ko at nagpapadyak sa kinatatayuan ko. Damn! Damn!

Iminulat ko ang aking mga mata at mas lalo akong tinubuan ng hiya sa katawan nang mapansing ang daming nakatingin sa akin.

Argh! What a shameful action Yasha!

I tried to smile on them at dahan-dahan akong yumuko at umalis doon. Nakahinga lamang ako ng maluwang nang makalabas ako sa hospital.

Haaaay!

I bought fruits for Axis. Buti na lamang naisuksok ko yung wallet sa cardigan ko. Pero yung sling bag at cellphone ko ay nabitawan ko kanina nang muntikan na akong mabangga.

Mabilis akong bumalik sa hospital upang dalhin kay Axis yung prutas na pinamili ko. Good thing, medyo okay na ang paglalakad ko. I opened his room pero wala siya roon. Tanging dalawang nurse lamang ang nadatnan ko.

"Where's Ax?" I ask them.

"Yun nga dapat po Miss Yasha ang itatanong namin. Pagpasok po kasi namin dito, wala na siya." The nurse answered. "Meron pa nga po yung cellphone niya rito pati yung suit na suot niya kanina." She added.

Napakislot na lang ako ng sentido. Alam naman niyang kagagamot lang sa kanya e! He's not yet okay! Aish! And where does that stupid idiot go?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro