CHAPTER 3
What makes love more exciting? It's when two people fight even in a smallest thing but they get to understand each other in everything.
~
I slowly opened my eyes only to find out na nasa ibang kwarto ako. Ibang kwarto? Napabalikwas ako ng wala sa oras. Nasaan ba ako? Nasapok ko pa ang ulo ko habang inaalala kung paano ako napunta rito.
"Hitting your head when you woke up? You look crazy." Mabilis na nabaling ang atensyon ko sa taong nagsalita. Nanlaki ang dalawa kong mata.
It was Axis! Crap. So, I am not dreaming? You're not dreaming Yasha because it was real. Your real nightmare. Ugh!
I narrowed my eyes on him. He was leaning on the window frame close to the bed with his arms crossed.
Wait nga! As far as I remember sa couch ako natulog ah? And don't tell me he's watching me the whole time while I'm asleep? Why do I suddenly felt unconscious to myself?
"Get up there woman." Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita ito.
"Talaga. After this, I am going home." I blurted.
"Good."
"And I'm hoping I won't ever meet you again." I emphasized each words.
"Much better. It's as if I wanted to meet you as well." He replied. Naikuyom ko na lang ang mga palad ko sa sobrang inis.
"GET OUT YOU STUPID IDIOT!" I shouted at the top of my lungs. Inis na inis na talaga ako sa kanya.
Lumapit ito sa akin at bahagya pang yumuko para magkapantay kami ng ulo. Napasuksok na lang ako sa may headboard.
"As far as I remember, this is my room woman. So if there's someone who should go out, I think it should be you." Then he smirked at me. Pinilit kong kontrolin ang sarili ko bago ko pa masapak ang lalaking 'to.
"Fine! Isaksak mo sa baga mo 'tong kwarto mo!" Padabog akong tumayo at umalis sa kama niya pero bago pa ako makalayo, may ibinulong pa siya sa akin na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.
"Easy there baby. You're too damn hot." He playfully teased. I disgustedly rolled my eyes on him bago ako tuluyang lumabas.
Gosh! Nakakaubos siya ng pasensya!
Nang makababa ako ay naabutan ko sina Tita Ally at Tito Fordee sa dining table.
"Don't tell me you already made our soon to be grandchildren?" Nanlaki ang dalawa kong mata sa tanong ng parents ni Axis and I secretly cursed myself dahil suot-suot ko nga pala ang white shirt niya. Oh crap!
"We're still on the process Mom and Dad." Mas lalong nag-init ang dugo ko nang marinig ko ang boses niya sa likod ko.
If it wasn't because of his parents, baka tuluyan ko na talaga siyang nasapak.
They invited us to take breakfast with them kaya hindi na ako nakatanggi pa. We're back to scenario again like what happened yesterday. Ipinipilit na naman nilang fiancee ako ng anak nila kahit hindi naman talaga. Gosh! Suko na ako. Ayaw talaga nilang maniwala sa akin.
"Where do you live? Or where should I drop you?" Nandito ako ulit sa kotse ni Axis and definitely he was told to bring me home safe by his parents.
"Sweet Havens." I simply answered. It was the condo where I stay at. He started driving his car heading our way there.
"You're still stupid but thanks anyway." Pagkalabas ko ng kotse niya ay nagtuluy-tuloy na ako sa unit ko.
I texted Aishi na hindi muna ako makakapunta sa resto. I'm not in the mood. Really not in the mood.
I went inside my CR and take a bath. After that, I lay down on my bed. Feeling ko, sobrang pagod ng katawan ko or maybe na-stressed lang ako sa kung anong nangyayari sa akin ngayon.
I tried to open my account awhile ago but I can't log in. Ayaw talaga. I know someone hacked it. Argh! Kaya yung second account ko na lang ang inopen ko. Tumambad sa akin yung news na puro about sa akin and with that Axis guy. It was full of random comments.
It's really stressing the hell out of me!
Sa sobrang stressed ko kaiisip 'don, nakatulog ako. Nagising lang ako nung may kumakatok sa pintuan ko. Ayoko sanang tumayo kaso ayaw talaga tumigil ng kung sino man yung kumakatok kaya inis akong umalis sa higaan ko.
Kainis naman. At sino namang dadalaw sa akin dito? Si Aishi? Then she should at least inform me, right?
"Sandali." Medyo malakas kong sabi. Nasa hagdan na ako nung marinig kong mas lalong lumakas yung katok.
"Sandali lang." Kainis lang. Hindi ba 'to marunong maghintay? Hindi ba niya alam kung sinong napeperwisyo niya?
"SANDALI NGA LANG SABI E. HINDI KA BA MAKAINTIN---Mom, Dad." Natigilan ako. What are they doing here?
Sa pagkakaalam ko, never pa nila akong dinadalaw rito because I was the one who pays visit them on the mansion, why so sudden?
They sat on the couch. Tumungo ako ng kitchen at kumuha ng maiinom.
"Mom, Dad, why did you suddenly---"
"When do you plan telling us the truth?" My mom cut me.
"Tell you what?"
"My God Yasha Reese Heuson! Hindi mo man lang ba sasabihin sa amin ng Daddy mo na may karelasyon ka at engaged na kayong dalawa?" Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga.
Here we go again!
"Mom, Dad, pati ba naman kayo?" Inis kong tanong sa kanila. "Look, whatever you have heard, whatever you have read, whatever you have seen, whatever article it is, those news about me is just a pure misinformation, misunderstanding, a misinterpretation. So definitely, that was just a fake news." Bored kong sabi at napasandal sa pader.
Lumapit si Mommy sa akin and, "Argh Mom! You don't have to hit me on my head!" Reklamo ko nung tuktukan niya ako sa ulo.
"How can we believe you? You have so many pictures together with that guy." Nanlaki ang dalawa kong mata nang ipakita sa akin ni Mommy ang picture na hinatid ako ni Axis dito sa condo kaninang umaga.
H'wag mong sabihing may sumusunod na sa akin ngayon? Argh! This is one hella pain in the ass!
"MOMMY, HINDI NGA TOTOO 'YAN!"
"Tone down your voice Yasha Reese Heuson." Suway sa akin ni Daddy. Kainis lang!
"Dad, hindi naman kasi talaga totoo yun e." My voice was almost pleading. Why they can't believe in me?
"Anak, ang sa amin lang ng Daddy mo, wala namang masama e." Humina na ang tono ni Mommy tapos nilapitan niya ako at pinaupo sa couch. "I will be more glad hearing that you're engaged already. You're not getting any younger Yasha. You need to settle down yourself now." Napapikit na lang ako ng mata.
"Mommy you know me. I have no time to think about my lovelife. And for Pete's sake, I just turned 25 last month. I am still busy with my modeling career, with the showbiz industry and in the restaurant. So please believe me this time, I am not engaged and I am not going to marry someone I do not know." Nasapo ko na lang ulit ang ulo ko nang tuktukan iyon ni Mommy.
"Mommy, I told you not to hit my head!" Reklamo ko na naman. Why does she keeps hitting my head?
"Tinago niyo na nga sa amin ng fiance mo yung relasyon niyo, pati ba naman sa engagement niyo, itatanggi mo?" Tanong niya na naman ulit. Darn! Paulit-ulit na lang.
"MOMMY, HINDI KO NGA FIANCE ANG STUPID IDIOT NA YUN!" Pagpipilit ko sa kanila.
"Now you're calling him stupid idiot?" Mom arc her brows.
"So, mas kakampihan niyo pa ang lalaking yun, Mom?" Hindi ako pinakinggan ni Mommy at Daddy.
Bigla na lang silang tumayo at walang lingon-lingon silang umalis. Tapos nung nasa may pintuan na sila, tsaka pa lang nila ako nilingon.
Gosh!
"Anyway sweetie, I want to meet your fiance as soon as possible." Then they went outside.
Napabuga na lang ako ng malalim na hininga at tamad kong itinapon ang sarili ko sa couch.
I can't believe this! I really can't believe this!
I'M wearing a simple sleeveless dress and paired it with a wedge. I'm going to visit my restaurant. Nai-stress lang kasi ako sa condo. I used my own car heading my way there. As usual, marami na namang customers. I named my restaurant using my second name 'Reese'.
Pumasok na ako roon at halos magbulung-bulungan ang mga customers. They were talking about the news again. What would I expect? Tipid na lamang akong ngumiti at tuluy-tuloy na pumasok.
"Good afternoon Ma'am Reese." The cook, waiter and waitress greeted me. They used to call me Reese here not Yasha.
"Good afternoon." I greeted back and smiled at them.
Tumungo ako sa cubicle ko at umupo doon. I don't have my own office here. Sinadya ko talagang cubicle lang para makita ko yung mga customers mismo.
"Oh you're back. How's life?" Tila nang-aasar na tanong ni Aishi.
"What do you think?" I asked back.
"Stressed?" Then she laugh hard. Napatungo na lang ako sa table ko at bumuntong hininga.
"Hey Yash. Hindi mo ba kilala kung sino yung fiance mo?" Agad akong tumingala sa kanya at sinamaan siya ng tingin nang mapansin kong nakangisi siya.
Wow! Parang nung isang araw lang, nag-aalala siya tapos ngayon, bakit parang nang-aasar at nananadya siya sa mga tanong niya?
"No. And why the hell would I care?" Muli na naman siyang tumawa. She's acting strange, isn't she?
"Well, he's Axis Ford Averion, one of the youngest bachelors in town and he owns the Averion Company which is---"
"I don't care." I cut her.
"Wala ka man lang bang balak kilalanin kung sino ang mapapangasawa mo?"
"AISHI JOANNA!" Malakas kong sigaw sa kanya at halos lahat ng mga customers ay napatingin sa gawi namin pero siya ay tawa lang ng tawa. Argh!
"Will you please stop?" Mahina pero may diin ang pagkakatanong ko sa kanya. "Look, I am so busy with my own life to think about other people's lives, so the hell I care who he was?" Inis kong tanong. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko na.
"Fine." Sagot na lang nito.
Muli akong tumungo sa table ko at ipinikit ang mga mata ko. Halos magtetrenta minutos na akong nakatungo sa table ko nang marinig ko ang biglaang bulung-bulungan ng mga tao.
"Oh, speaking of." Saad ni Aishi at ramdam kong nakatayo siya malapit sa gilid ng cubicle ko.
"Kyaaah! I guess the news is legit."
"Is he here to visit her?"
"How sweet of him."
Sa sobrang curious ko dahil sa mga naririnig ko, umayos ako ng upo at naningkit ang mga mata ko nang mapansin yung taong papalapit sa isang table malapit sa kinaroroonan ko.
Of all restaurants, bakit dito pa?
Umupo siya roon sa bakanteng table at kaagad naman na lumapit si Jenna upang ibigay sa kanya ang menu list.
"I wanted to talk to the owner." He said to Jenna enough for me to hear it. And why's that?
"Wait Sir, I am going to call Ma'am Reese." Jenna excused herself at nilapitan ako. Magsasalita sana ito pero inunahan ko na siya.
"I heard it." I told her at tumungo na ako sa table niya. Yes, it was Axis. Agh!
"What the hell do you want?" I asked him as I sat on the chair in front of him.
"You?" His eyes widened. Napairap na lang ako ng mata. Narinig ko siyang tumikhim.
"I didn't know that you own this resto." He said as he roam his eyes in the whole place.
"Now that you already knew that I own it, does my resto has something to do with you?" With his mere presence here, nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko. Lumapit siya sa akin at itinapat niya ang ulo niya sa bandang tenga ko at may ibinulong.
"Relax there woman." Then he smirked at me.
"Kyaaaaah! Totoo nga. Legit talaga yung balita."
"Bagay sila."
"They look so lovely together."
Gusto kong masuka sa mga naririnig ko and minutes after, I just heard a flash coming from different cellphones and cameras. Argh!
Wala sa sariling hinila ko si Axis papunta sa likod ng restaurant para makaiwas sa mga tao. For sure dudumugin na naman kami ng mga 'yon kapag may nagkalat na namang pictures sa social media.
Marahas kong binitawan ang kamay niya nang makalabas na kami.
"You stupid idiot! I am telling you, fix the mess you did as soon as possible!" I growled at him.
"Why fake news is so big deal to you?" Napabuga na lang ako ng hangin sa sobrang inis.
"Because that news could ruin my own life and my privacy!" I shouted at him. "Listen okay? Bukas na bukas, I will schedule a live interview with you and let's tell everyone that what they thought about us is just a fake news and nothing more. You understand?" Mahaba kong paliwanag pero hindi ito sumagot.
"WOULD YOU PLEASE ANSWER ME?!"
"Yes Ma'am." Natatawa nitong sagot na tipong nang-aasar pa.
Gustuhin ko man siyang singhalan ulit, pinigilan ko na lang ang sarili ko. Sa huli, napahinga ako ng maluwag. At least we will be able to clean this mess tomorrow. What a relief.
Pabalik na sana kami sa loob nang biglang lumabas din si Aishi na nakangisi pa.
"I guess you're too late guys." She stated, grinning victoriously habang nilalaro niya ang cellphone sa kamay niya. Nangunot ang noo ko.
"What do you mean?" Instead of answering me, she handed me her phone and then she played a live interview.
Nanlaki ang dalawa kong mata at napahigpit ang hawak ko sa cellphone niya habang pinapanood ang video.
Pakiramdam ko nagsitaasan ang mga dugo sa mukha ko sa sobrang frustration. Argh! Why on the gorgeous earth could this thing happened?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro