CHAPTER 10
After having a phone call with Aishi, I continued browsing my phone the whole time na nasa loob ako ng office ni Axis. As in super boring. Kung nasa resto lang sana ako, hindi pa nasayang yung oras ko. Nakakainis kasi e. Kung bakit pa kasi dinala niya ako rito. Aish!
Humiga ako sa sofa niya at ipinatong yung paa ko sa may backrest at prenteng kinakalikot ang cellphone ko.
"Would you please sit erect?" Suway sa akin ni Axis.
"Anong akala mo sa akin? Bata? Maka-sit erect ka dyan e." Pagsasagot ko sa kanya.
"You are really something woman." He told me, sounded pissed.
Ang sama pa ng tingin sa akin. Salubong na naman ang kilay niya. Tss. Parang bakla. Hindi ko siya pinakinggan ulit. Bahala nga siya dyan! As if!
I am still browsing my phone nang biglang may pumasok sa office ni Axis. A group of guys wearing all tux clothes.
"Hey man!"
"Yow! How's life man?"
"Doing company stuffs again?"
Nilingon ko kung sino yung mga dumating. Sobrang ingay nila. Tatlo pa man din silang mga lalaki.
"Whoah whoah there. Who's this gorgeous lady here?" Tanong nung chinito sa kanya nang mapansin siguro nila ako. Binalik ko lang ulit ang tingin sa cellphone ko. As if I care who are they.
"Nawala lang kami ng halos isang buwan, may chick ka na agad." At nagtawanan silang lahat.
"I am not a chick. Hindi ako anak ng manok. Gusto mong masapok Kenneth?" Inis kong singhal sa kanya.
"Whoah. So you know this gorgeous lady Kenneth?" Tanong nung lalaking matangkad at tumango naman si Kenneth.
Kenneth was my cousin, unluckily. At ngayon ko lang nalaman na magkakilala sila ni Axis. Hindi ko sila inintindi at hindi na sila pinakinggan sa kung anuman ang pinag-uusapan nila. Bahala sila dyan. May sarili akong mundo dito. H'wag lang nila akong pakialaman.
"Eyes up Marky." Medyo may diin ang pagkakasabi ni Axis no'n kaya napalingon ako sa kanila.
Nakatingin siya roon sa matangkad na lalaki. So, he must be Marky? Tapos biglang nalipat ang tingin ni Axis sa akin.
"And you woman, would you please sit properly? You're not inside your room to sit that way!" Suway niya sa akin.
"Ano na naman? Nananahimik ako rito e!" I hissed.
"I said eyes the fuck up Marky!" Sigaw niya na namang muli.
Tinignan ko yung Marky at nasa direksyon ko yung tingin niya. Nung tinignan ko naman si Axis, akala mo kakainin niya ng buhay si Marky sa tinging ibinibigay nito.
Ano bang problema niya at naninigaw siya bigla? Tapos si Kenneth at yung chinitong lalaki, tumatawa lang sa kanilang pwesto.
Padabog na tumayo si Axis sa swivel chair niya at nagulat na lang ako sa ginawa niya.
"What the? Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya nung binuhat niya ako bigla tapos pinaupo niya ako sa sofa. Inis niyang inalis yung coat niya at itinakip niya iyon sa may binti ko.
"I told you to sit properly. Minamanyak ka ni Marky." Mabilis kong pinagdikit ang legs ko.
Anak ng! Don't tell me this Marky guy was the casanova among their group? Nakasuot pa man din ako ng maikling short lang. Tss.
"I am just appreciating the nice view Axis." At humagalpak ng tawa yung Marky. Napangiwi na lang ako. Boys will always be boys. Argh!
"Fuck you! Get out!" Malakas niyang sigaw sa kanila.
"Relax Mr. Averion." Pang-aasar nung Marky sa kanya. "You're so possessive." At nagtawanan pa silang magkakaibigan.
Minutes after, umalis din yung tatlo. So, kaming dalawa na lang ulit ni Axis ang naiwan at hanggang ngayon, ang sama pa rin ng tingin niya sa akin.
"Ano?"
"Tss." Yun lamang ang tanging nasambit niya. Bakit ba ang bilis niyang mairita? Agh! Tumayo ako at kinuha yung bag ko.
"I'm gonna out. Pupunta ako sa resto." Sabi ko sa kanya. Teka nga, kailangan ko pa ba talagang magpaalam sa kanya? Hays.
Ibinalik ko sa kanya ang coat niya. Lalabas na sana ako pero nagulat na lang ako nang nasa tabi ko siya bigla.
"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya kaso hindi niya ako sinagot.
Bigla niya na lang akong hinawakan sa kamay kaya bahagya akong nahila. Bakit ba ang hilig niyang bigla-bigla na lang manghihila?
Pagkababa namin sa elevator, halos lahat ng mga employees dito sa kompanya ay napapatingin sa amin and as usual nagbubulung-bulungan na naman sila. Pinapasok ako ni Axis sa kotse niya at pinagdrive niya ako papuntang resto.
"Dito na ako." Saad ko sa kanya at lumabas na sa kotse niya kaso pati siya ay lumabas din at mas inunahan pa ako papasok ng resto ko.
"Oh Sir, sabi sa inyo h'wag mo ng ibalik si Ma'am Reese e." Salubong sa amin ni Honeyleth at narinig ko ang tawanan ng mga customers.
"Umayos ka Honeyleth." Tila nagbabanta kong saad sa kanya.
"Sus! Si Ma'am kunyari pa, e sweet-sweetan naman kayo ni Sir Axis." Aniya pa. Napaikot na lang ako ng mata. Tss. Dumiretso ako sa table ko at inilagay yung bag ko roon.
"Where's Aishi?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko pa kasi nakikita ang babaeng yun simula nung dumating ako rito.
"Umalis po si Ma'am Aishi. Babalik din daw po maya-maya." Sagot sa akin ni Jenna. Saan naman nagpunta ang babaeng yun?
Naupo ako sa swivel chair na nasa harap ng table ko. Kaso itong si Axis, humila ng isang upuan at umupo rin sa tabi ko. I almost forgot, nandito pala siya. Aish!
"What are you doing here? Bumalik ka na nga sa kompanya mo!" Singhal ko sa kanya.
I took one folder that was place on top of my table at ini-scan iyon. Naglalaman iyon ng mga importanteng impormasyon na may kinalaman sa iba't ibang branches pa ng resto ko.
"No. I'll stay here with you." Aniya at ginawa pa niyang unan ang kaliwa niyang braso tapos yung mukha niya ay nakaharap sa direksyon ko.
Napabuntong-hininga na lang ako. Bahala siya dyan. Ayokong makipagkontrahan sa kanya ngayon. Ang hirap pa man din niyang talunin lalo na kapag kinokontra mo siya.
Tinignan ko si Axis at nakapikit na ang kanyang mga mata.
Shemay! Bakit ang gwapo niya kapag nakapikit? Tss. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Napailing ako at bumalik ulit sa folder na pinagkakaabalahan ko.
"Oh my God! Ang gwapo ng kasama ni Ma'am Aishi!" Rinig na rinig ko ang tinis ng boses ni Honeyleth kaya naman ay napatingin ako sa may entrance at ganun na lamang ang panlalaki ng dalawa kong mata.
"Darrel!" Mabilis akong tumayo at tumakbo upang salubungin siya na kulang na lang ay itapon ko ang sarili ko sa kanya. Mahigpit niya rin akong niyakap pabalik.
"You missed me that much, huh?" He teased at hindi niya pa rin kinakalas ang yakap.
"Sinabi mo pa." Ani Aishi na nasa likod ni Darrel. Kinalas ko ang pagkakayakap ko kay Darrel at hinampas siya sa kanyang braso.
"Hindi mo ako ininform na pupunta ka rito!"
"It won't be a surprise if I told you." Dahilan niya at ngumiti sa akin. Kunsabagay nga naman. Niyakap niya akong muli hanggang sa bumaba ang kamay niya sa baywang ko.
"Let's sit there." Aniya at pinanghila ako ng upuan sa may bakanteng table. Kaagad din na may inihaing pagkain si Aishi sa table namin.
"I was just gone for two years and now your restaurant really did well." Komento niya kaya napangiti na lamang ako.
"Oo naman." I agreed to him. Nung umalis kasi siya, ongoing pa yung pagpapatayo nitong restaurant ko.
Masaya kaming nagkwentuhan ni Darrel. Tapos nagulat na lamang ako nang may padabog na naglakad sa likod ko.
"I'm going." Walang kabuhay-buhay na sabi ni Axis at hindi man lang ako nilingon. Basta tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng resto.
Napangiwi ako. Kanina lang ayaw umalis e. Bahala nga siya!
Patuloy kaming nagkwentuhan ni Darrel. Pagkatapos ay inaya niya akong pumunta sa mall. Um-oo naman ako since wala naman akong ginagawa rito. And I really wanna catch things up from him.
Sumakay kami sa kotse niya. Tapos nang makarating kami sa mall, kung anu-anong pinamili niya sa akin. Bigla nga kaming dinagsa ng mga tao habang namimili kami e. I mean, yung mga fans ng love team namin ni Darrel - YashRel Fandom. May mga nagshiship pa rin pala sa love team namin hanggang ngayon.
"Uh, Darrel, narinig mo na ba yung offer ng CineMaxx?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah. I heard ikaw ang lead role 'don?" He asked back.
"Hm." Tumango ako. "Well, to be honest, ayoko sanang kunin yung offer but when Aishi told me na ikaw ang leading man, then I guess there's no reason for me to not accept the offer, right?" Tumawa siya at bigla na lang akong pinitik sa noo.
"Ang sabihin mo namiss mo lang ako." Puno ng kasiguraduhan na sabi niya.
"Hindi ah!" Tanggi ko kaya pinitik niya ako ulit sa noo.
Napapout na lang ako. That's what always he does sa tuwing tinatanggi ko ang isang bagay sa kanya.
"Then let's accept the offer. Let's bring back the YashRel." He said and we both laughed.
Pagkatapos naming magmiryenda sa isang food court, he insisted na ihatid ako sa unit ko kaya hindi na ako tumanggi.
"So, dito ka pa rin pala nakatira hanggang ngayon?"
"Yeah. I've been leaving here since college tsaka ayokong iwan 'tong unit ko." I answered. Ayoko rin kasing tumira sa mansion. Masyadong boring dun.
"Make yourself at home Darrel. I'll make you cookies." Sabi ko sa kanya at dumiretso sa kitchen kaso nakasunod din pala siya sa akin.
"I'll help you." Presinta niya kaya hindi na ako tumanggi pa.
I was the one mixing all the ingredients tapos siya naman ang naglalagay ng mga namixed na ingredients sa cookie sheet tapos dinidiretso niya na yun sa oven.
After baking, we waited for it na lumamig tapos tumungo na kami sa living room. I turned on the TV at nagkwentuhan kaming muli habang kinakain yung cookies na binake namin.
Well, he just told me what he did when he was still in States. Nagbakasyon lang daw siya roon, then may kumuha rin sa kanya as a model doon pero temporary lang since two years lang ang stay niya roon.
Sa sobrang dami ng pinagkwentuhan naming dalawa ni Darrel, hindi na namin namalayan ang oras na gabi na pala.
I offered him to eat dinner with me kaso tumanggi siya dahil busog pa naman daw siya. Ang dami na kasi naming kinain. Kumain kami sa resto, tapos nung nasa mall kami and then yung cookies na ginawa namin.
"I'm going home. Always lock your unit okay?" I nodded from what he said tapos ay hinalikan niya ako sa pisngi na hindi naman na bago sa akin. He always does that when we part ways.
"And uh, I heard from Aishi that you're flying tomorrow to Paris. I will pick you up, ihahatid kita sa airport." Tumango na lamang ako at tsaka siya tuluyang umalis.
Isinara ko na yung pintuan at bumalik sa salas. Nagpatuloy ako sa panonood at nilantakan yung tira naming cookies.
Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto.
"Why did you came back Darrel? May nakalimutan ka bang---Axis." Agad kong sabi at napatayo na lamang nang makitang si Axis pala yun.
Anong ginagawa niya rito? Gabi na ah? And why he's still wearing his business suit? Kakauwi niya lang ba?
"Anong ginagawa mo rito?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya.
"You let that guy stay here tapos ako hindi pwede?" May bakas ng inis ang tono niya. Is he referring to Darrel? "At kailan ka pa nagpapasok ng lalaki sa unit mo?"
"Darrel is an exemption. He's one of my closest friend that's why." Dahilan ko. Tsaka madalas namang pumunta si Darrel dito nung college pa lang namin. Ano bang problema niya roon?
"So am I not allowed because we're not that close like what you had with that guy?" Napakamot na lang ako ng batok. Tss. Eto na naman siya. Ayaw niya na namang magpatalo.
"Pwede ba?!" Inis akong naupo sa couch. "Tsaka ano bang ginagawa mo rito? You're even wearing your business suit! E kung magpalit ka kaya muna no?" Hindi siya sumagot bagkus bigla na lamang siyang nahiga sa long couch.
"Axis, ano ba?"
"I'm tired. Let me rest for awhile." Nakita ko na lamang na ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Napabuntong-hininga ako.
Teka, kumain na ba 'tong lalaking 'to? Ganito ba talaga oras ng uwian niya pagkagaling niya ng kompanya niya? Masyado naman yatang late? Mag-e-eight na ng gabi e.
Natuktok ko na lang ang ulo ko.
Bakit ko ba iniisip yun?
"Bahala ka nga r'yan!" Singhal ko sa kanya. Iniwan ko siya sa salas at nagtungo na ako sa kwarto ko.
I turned off the lights dahil gusto ko ng matulog. I closed my eyes pero mukha ni Axis ang nabubungaran ko. Pilit ko siyang inaalis sa isip ko pero ayaw mawala. Nagpa-iba-iba na ako ng posisyon para lang makatulog pero hindi ako dinadalaw ng antok.
Letche!
Inis akong tumayo sa kama ko. In-on ko ulit ang ilaw at dumiretso ako sa isang cabinet. Kinuha ko yung isa pang kumot dun bago ako dumiretso sa baba. Napabuntong-hininga ako nang makita si Axis. I know he's already in his deep sleep dahil nag-s-snore na siya tapos ay nakabaluktot ang katawan niya. Haaays.
Lumapit ako sa kanya at inalis yung sapatos niya. I even remove his coat bago ko siya kinumutan. I looked at him. I know and I admit that he's handsome but why did he look more handsome even when he's asleep?
Gosh! Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Kung anu-ano na lang ang mga sinasabi ko. Argh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro