Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 69


Taylor's POV

Dalawang araw na simula nung sinabi ni Archy kila Grandma na boyfriend ko siya. Taee! Kabado ako non pero the heck! Sa bilis ng tibok ng puso ko feeling ko hihimatayin ako ng wala sa oras.

But the truth is...

Keneleg ekeeee!

Yawaaaa! Ang landi ko na! Lintek na Archy kasi yan! Hindi naman ako ganito dati eh. Nagiging pabebe na tulog ako >__< pero okay lang kung siya yung dahilan. ^__^

Fvck! Diko keri kalandian ko!

"HOY! Ngingiti-ngiti ka nanaman" Napahawak naman ako sa dibdib ko ng gulatin ako ni Emma.

"Inspired eh. Hayaan niyo na" Sabay sipsip sa straw ng tea ni Jennelle.

"Inspired? Eh mukang nababaliw na eh! Ngingiti mag isa" Sinamaan ko naman ng tingin si Charise.


"Yaaah! You all have your own love life! So why talking about mine! Ish!"

"Oh! Tignan niyo napikon na" turo pa sakin ni Jinky.

"Korek! Kala mo naman kaaway tayo kung maka react" Arte pa ni Jessa.

Ako nanaman nakita nila.

"Hoy! Hoy! Hoy! Kayo ah! Akala niyo ba hindi ko napapansin!? Ako lagi pinag tritripan niyo hah! Hinahayaan ko na nga lang kayo eh! Pero huwag namang lagi~ pwedeng may day off?" Irap ko sakanila pero di lang nila ako pinansin. —,— Lakas maka snob.

"Ikaw Charise! Pinansin ba kita kita paglagi kayong nag aaway ni Rex? Nung isang araw lang yon ah! Kahit pansin ko na simula nung una hindi ko kayo pinansin kasi privacy niyo 'yon! LQ niyo 'yon! You should fix your arguments together. Kabago-bago niyo ganyan na kayo. What more pag nag asawa na kayo?" Turo ko sananiya at nang hindi siya maka sagot tumingin naman ako kay Jennelle.

"At ikaw bookworm! Akala mo diko pansin na nagkakamabutihan na talaga kayo nang for real ni Luis? Hindi ko nga kayo inaasar para hindi kayo mailang pero pag dating sakin grabehan ang asaran. Kulang nalang mangamatis na ako sa pula pag tatawanan niyo pa! Kayo pang dalawa ang pinaka malakas ang tawa."

"At kayo!" Turo ko din kila jessa at jinky. "Puro kayo away! Minsan ko lang kayo sermonan! Pero pag dating sakin kakikita niyo palang pinapagtripan niyo na! Para kayong jason at jake! Kung hindi sila,kayo naman ang pasimuno. Kakaupo ko palang, ngumiti lang, nag blush lang, or whatsoever man yan ako agad nakikita niyo! Hindi ba pwedeng sila den!? Si Charise,Jennelle o si Emma! O kaya yung mga boyfriend niyo din!"

"Isa ka pa!" Tinaasan ko pa ng kilay si Emma. "Mahal mo si kevin pero ayaw mo parin siyang sagutin! Bakit? Kasi babaero padin? Well may point ka. Pero cyst! Can't you see? He's changing... He's doing his best for it,for you~ Why dont you help him change? Mahirap talikuran yung mga nakasanayan mong mag-isa. Kaylangan mo ng tulog ng iba!"

At nang wala ni isa ang makasagot at panay ang iwas ng tingin napa buntong hininga ako.

"If I smile,Let me... kaylangan ba sasabihin ko pa yung rason kung bakit? Eh pano pag sinabi kong kinikilig ako. Eh di inasar niyo nanaman ako? Aish!" Kamot ulo ko nalang sabay kain ng spag.

Wala din namang namamansin sakin. Kumain nalang ako ng kamain. Bahala na nga sila jan. Mag titigan nalang silang lima.

Nang matapos akong kumain nag paalam narin ako at pumuntang next class ko. Kumain lang ako namiss ko na si Archy.

Pano nasanay akong najan siya palagi.
Nakakatakot din baka isang iglap mawala siya tapos malukmok ako dahil sanay akong meron siya.

Mag kakasabay silang nag lunch ngayon nila kuya. Nag night out pa nga sila minsan muntanga. Lagi kaya. Ano bang meron sa alak? Umiinom naman ako pero hindi ako na adik. Nako nakoo! Mga lasingero kasi.

"Pst!" Yugyug ko kay Archy ng makarating ako sa seat namin. Pano natutulog pa ata.

Dahan-dahan niyang inangat ulo niya tsaka ngumiti ng matamlay sakin. "Nandito kana pala." Umayos siya ng upo at tumingin sa harap. Nagtaka naman ako.

"Okay ka lang?" Humarap ako sakaniya pero umiwas lang ng tingin.

"Okay lang naman Bakit?" Eh bakit di ka makatingin sakin? Kumag na to.

"May problema ba?" At sa wakas tinignan na niya ako sa mata. Ang tamlay niya. Pati mga mata niya ang tatamlay.

"Wala naman, bakit?" Hindi ako kumbinsido kaya tumayo ako at humarap sakaniya. Wala na kong pake kung punag titinginan nila kami. Sanay na ko niyan. Wala oa namang prof eh.

"Anong wala! Ang tamlay mo kaya!" Pumameywang ako sa harap niya. Siya naman natawa ng mahina at naubo. Sabi na nga ba eh.

Agad kong sinapo yung ulo niya.

O____O


A-ang init niya.

Hinampas ko siya ng mahina. "Yan ah! May lagnat kana~"

"Uh?" Sinapo naman niya ulo niya. "Oo nga ang init nga hehe" napa facepalm nalang ako. Pati ba namab sakit niya hindi niya napapansin? Ganon na ba kabusy buhay niya?

"Tara! Iuuwi nalang kita!" Hila ko sakaniya pero nagmatigas.

"Ayoko. Baka ma detention ka" nagpout pa. Ang cute.

"Eh ano ngayon? May sakit ka diba? Alika na!" Hinila ko ulit siya. Sakto namang paparating na yung prof kaya nag paalam naman na ako kaya pumayag din. Wala na pala akong magiging problema eh.

Ako na nagdrive papuntang mansion nila. Siya naman natulog lang. Napapailing nalang ako. Nag paalalay ako sa ibang yaya niya para alalayan siyang umakyat pero tumangi naman tong kupal na to. Aish! Tigas ng ulo. —.—

Pagpasok naman na pag pasok naming kwarto niya nahiga na siya. Binaba ko muna temp. Ng AC para hindi siya lamigin.

Naghanap din ako ng pampalit niya tsaka pinag luto yung mga yaya niya ng lugaw or something may sabaw.

"Jix." Tawag ko ng mahina sakaniya. Hindi siya sumagot. Hinawakan ko ule siya ang init niya.

Kumuha ako ng bimbo at warm water para papunas. Pahirapan na alis ko yung polo niya. Nanginginig kasi ako.

Nakita ko na abs niya pero ngayon kabado talaga ako. >_< Aish! Bakit ba? May sakit siya diba? Hindi to kalandian! Boset!

Inalis ko na namga yung poli niya tsaka ko siya pinunasan sa braso niya. Napalunok ako ng paulit-ulit ng pupunasan ko na yung abs niya.

Tumingin ako sakaniya. Ang himbing ng tulog niya. Napatingin ulit ako sa Abs niya.

*Lunok*

Ano ba taylor! Umayos ka nga!

Napapikit ako ng ilapit ko yung bimpo sa abs niya. Nakapikit din ako ng pupunasan ko na yon.

Waaaaah! Bakit ba ako nangingig? Parang na kong tangaaa! —.—

Nagulat ako ng may mainit na bagay na humawak sa kamay ko habang pinupunasan yung mga pandesal niya.

Napabukas naman ako ng mga mata at nakita ko si Archy matanlay na nakangiti sakin.

"Ako nalang... Baka ilangin ka." Kukunin niya sana yung bimpo pero nilayo ko.

"A-ako na.." Pinunasan ko na ulit siya. Napapikit nalang siya. Hindu na siya nakipag talo. Pinunasan ko naman yung muka niya.

Napatitig nanaman ako. Para siyang anghel pero pag gising muka namang dragon.

Napapangiti nalang ako sa naiisip ko. Umiling ako tsaka ko tinapos ginagawa ko. Pinag palit ko na siya.

Bumalik na siya sa tulog kaya ako pumunta sa baba para kunin yung lugaw at gamot bago siya matulog.

"Jix kain ka muna" yugyug ko sakaniya. Dahan-dahan niyang munulat mata niya tsaka siya ngumiti. Kahit ang tamlay ng mga yon ang lakas ng dating sakin. Bakit kaya?

Umayos siya at umupo. Sumandal sa headboards ng kama niya. Ako naman iniihipan yung lugaw kasi mainit.

"Say aah" sabi ko sabay subo sakaniya. Kahit pag nganga ang tamlay niya. Ano ba yan! Hindi ako sanay na hindi siya makulit.

Matapos ko siyang pakainin pinainom ko naman siya ng gamot.

"Here." Abot ko sakaniya ng baso at gamot.

"Ayoko" sabi niya sabay talikod. Ano siya baby? Ayaw sa gamot? Psh!

"Umayos ka! Lalayasan talaga kita dito!" Para naman siyang flash, Biglang umupo at kinuha yung mga hawak ko tsaka yun ininom. Natawa nalang ako ng mahina sa inasal niya. Ayaw niya ko umalis ^.^

"Happy?" Tumango naman ako habang naka ngiti. Humiga nadin siya at nag kumot.

Inayos ko yung mga nagamit tsaka naupo sa tabi niya.

"Bakit kapa pumasok?"

"I don't know that I'm sick" sabi niya sabay yakap sa bewang ko. Hinawi hawi ko naman yung buhok niya na parang bata.

"Kung alam mo ba aabsent ka?" Hindi siya nakasagot. Napangiti ako. "See? Kahit alam mo papasok ka padin. Ganon katigas ulo mo"

"Tss. I want to see you everyday." Mahinahon pero halata ang inis sa boses niya. Napangiti naman ako.

"Jix. I also wants to see you everyday. Pero kung may sakit ka maintindihan kita." Mas lalo namang humigpit yung yakap niya sakin. Bumaba ako ng konti at hinalikan siya sa noo.

"Sleep now jix. Get well" pero nagulat ako nag yakapin niya ako dahilan para pamahiga ako sa tabi niya.

"You're my medicine so please stay here. Let's stay like this until I get better okay?" Lumakas nanaman kabog ng puso ko. Ang tamlay niya. Kawawa naman Archy ko.

Ngumiti ako at yumakap pabalik sakaniya. "Okay then let's stay like this"

Nakahiga ako sa braso niya habang naka yakap sa bewang ko yung isang kamay niya. Ang Romantic tuloy tignan. Baka pag gising namin langgamin kami pareho:


"Thank you love. I love you"

"You're always welcome jix. Sleep now" I loved you too.

_________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro