Chapter 55
Taylor's POV.
Buti nalang napagbigyan kami ngayon. Wholeday kaming excuse para sa practice aba dapat lang. maski ang Sevenist ganon din. Kahit hindi naman sila sasayaw. Kasi pasok na sila diba?
Balak naming mag practice nalang sa bahay nila Archy. Ang gusto kasi namin walang makakaalam ng sasayawin namin. Syempre pag Nag practice ka sa school makikita na nila yung steps at music niyo. Ganon pa naman minsan ang tao. Mga walang originality.
Wow? Coming from me?
Parang galing naman samin yung sasayawin namin eh gagayahin nga lang namin yung nasa tiktok eh.
"I Really miss you ate" yumakap ulit sakin si Archea. Kanina pa to paulit-ulit eh. Wala pa kaming ginagawa ngayon. Yung Girls naki swimming sa pool nila Archy habang yung boys nag lalaro ng kung ano don sa sala.
Nandito ako ngayon sa kusina nila. Tinutulungan namin ni Archea yung yaya nila para gumawa ng meryenda. Oh diba? Epek? Meryenda agad wala pa kaming ginagawa.
Papetiks-petiks lang sila eh, well pati boys wala pang kaIdea-idea kung anong sasayawin namin. Makikita nila mamaya. Mag clecleaning kami ngayon ng step at mag iisip ng costume namin bukas.
"I miss you to Archea" Ngumiti siya ng malapad.
"Gusto ka na daw makita ni Grandma ate. Gusto mo pasyalin natin?"
Umiling ako "may practice pa kami. Pwedeng sa Saturday nalang?" Tumango naman siya at nag 'okay'.
Tinapos nanamin yung ginagawa namin at dumeretsyo ng pool area. Tinawag nalang ni Archea sila kuya don.
"Wow!" Sabi ni Jinky sabay kuha ng brownies.
"Hala! Wag niyo kaming ubusan!" Pag mamaktol naman ni jake yan tuloy nakutusan nanaman. Pisikalan silang mag trotropa eh. Kahit kami naman pero hindi ganon kalakas. Sila kasi halos masubsub na sa lupa sa lakas eh,
"Parang kang batang nauubusan!" Bulyaw naman ni Jason.
"Hep! Bago kayo mag away uunahan ko na kayo! Tumigil!" Napatigil naman sila ni Rex. Good job rex.
Umupo si Rex sa tabi ni Charise. Nako tung dalawang to. Nakaka inggit :( Chos!
"Anong costume natin?" Tanong ni Jen. Ako din nag iisip pero wala akobg maisip eh.
"What if tube and short short?" Napailing ang boys kay jessa.
"Crop top?" Emma.
"No" boys.
"Jacket and leggings?" Charise.
"Baduy!"
"Denim short tapos plain T-shirt?" Jen.
"Too lame"
"Two piece?" Jinky.
"Are you out of your mind!?"
"What if we cut the shirts. Parang pulubi?" Jessa ulit.
"Masyado ng common. Baka mamaya pareparehas kayo,"
Napabuntong hininga nalang kami. Lahat ata ayaw nila eh.
"What if Jersey?" Tanong ko at biglang napatango sila at oo ng oo.
"Tama! Yung Jersey namin suotin niyo!" Suggest ni Luis. Napatango naman ako.
"That would be great." Sambit ko.
"How about the lower?" Tanong ni Jessa.
"Shorts nalang" Kako sabay subo ng brownies.
"No! Masyadong expose sa skin!" Napatingin naman ako kay Archy. Ang OA yung iba nga jan hubad hubad eh.
"Okay yon" Taas kilay ko sakaniya. Tumingin siya sakin at sinamaan ng tingin. "Bakit may angal?"
"Meron! Pano pag manyakin kayo don!" Grabe sungit. Redtide ba niya?
"Eh bakit si Megan di mo pag sabihan ? Mas sigurado pang mas maikli susuutin nila" Irap ko. Natigilan siya, Oh ano ka ngayon? Psh.
"Hindi nga pwede sabi eh!" Hala parang bata.
"Bakit ikaw ba mag susuot? Kami naman eh ano bang pronoproblema mo!" Taas kilay ko sakaniya.
"Baka nga maraming manyak don! Ang kulit!"
Napatayo ako "Ikaw ang makulit! Ano ngayon pag maraming manyak don? Bakit wala ba kayong magagawa? Ang dami niyo hindi niyo kaya?" Umiwas siya ng tinggin.
"Basta ayoko!" Aba sino ka ba? Hindi naman ikaw yung sasayaw eh!
"Eh anong gusto mo? Pj? Pantalon?" Sarcastic kong sabi.
"Aish!" Oh tapos ngayon wala kang masabi? Ih! Asar kang kumag ka!
"Hayaan mo na Archy." Ayown! May nag salita din. Salamat rex.
"Yess!" Sigaw nila Emma.
"Okay. Jersey. Short. And white shoe" Lahat naman sila tumango.
"Ano kakain nalang tayo dito? Wala pa kayong nagagawamg step." Singit ni Luis. Nagkatinginan kaming lahat. Oo nga pala hindi pa nila alam.
"Paturo niyo kay Aj yung danceroom" Sabi ni Archy sabay napamulsa at umalis. Psh. Bilis mag tampo —.—
**
At nag pasama nga kami kay Aj sa Dance room nila. Ang lawak sa loob at may malaking mirror para mapanood mo yung sarili mong sumasayaw. Mayganto din sa mansion namin kaso mas malaki lang to kung ikukumpara samin.
Nagsimula kaming sumayaw at gumawa ng Piramid.
Ako
Emma Charise
Jessa Jennelle Jinky
Ganyan Formation namin. Nahirapan kami kay Jinky. Hindi niya magawa ng maayos yung 'woah' na sikat ngayon. Kahit talaga magaling ka meron at meron ka paring bagay na hindi magawa.
Well mukhang walang pag asa kasi nag kakainisan na kaming lahat sa pag turo ng 'woah' Panay ang sigaw ni Jessa na madali lang si jinky naman 'eh hindi ko nga kaya eh' kaya bago pa lumala yung alitan nag break muna kami.
Tumabi ako kay jessa. "Don't judge her. May mga bagay talagang hindi na kayang gawin kahit anong galing mo" Napabuntong hininga siya.
"I just want this to be perfect gusto kong makapasok sa Dansing."
"Gusto mo makapasok? O gusto mong matalo sina Megan? Ang dali mong basahin" Napa iwas siya ng tinggin. "Alam mo kahit hindi tayo makapasok Okay lang yon. Ang importante Okay tayong lahat walang nag aaway. Tignan mo sa simpleng step nagagalit ka sakaniya eh nakita mo bang binigay niya na yung best niya pero hindi talaga niya maperfect."
She sigh. "I know. I judge her. Gustong gusto ko kasing matalo sina Megan. Sorry"
"Im not the one who needs yupr sorry" kindat ko at umalis na don. Tinawag ko muna sina Charise, Jen at Emma para lumabas muna.
"Grabe bakit ganto ngayon si Jessa? Kawawa si Jinky" Iling iling ni Jen.
"Hayaan niyo na maayos din nila yon. Nasa likuran naman si Jinky kaya hindi na yon mahahalata" Sabi ni Charise.
"Tapos na kayo? Bilis naman?" Napatingin kami kay Kevin.
"Not yet. Nag aaway yung dalawa eh" sagot ni emma.
"Ano pa bang bago? Lagi naman eh" Hinampas tuliy siya ni Emma.
"Yung totoong away. Stupid!"
"Oh galit kana naman babe.."
"Ish! Babe your face! Ayusin mo muna yang buhay mo bago mo ako ibabe babe jan!"
"Pag maayos naba tayo na?" Taas kilay pa ni Kevin. Natawa nalang ako ng mahina sa itsura nila.
"Hmmmm. Oo" Sabi ni Emma at umalis. Literal namang natigilan si Kevin nag tawanan tulot kami nila Charise.
"Next time pag mag jojoke ka dapat handa ka sa isasagot sayo" Kindat ni Jen saka umalis.
"Good luck!" Tinapik tapik ko yung likuran niya at tuluyan nang pumasok sa Dance room. Okay na sila. Pwede na kaming mag simula.
LUNCH<
Lunch na. Wala kaming nagagawa kasi nauuna yung tawanan namin. Wala kaming matatapos neto. Ano gagawin namin bukas tatawa din sa haran ng mga judge? Mamaya palayasin kami kakaakyat palang namin eh.
Kahit anong sigaw ko hindi parin sila maki cooperate wow ha! Ako din naman nakikitawa eh. Panong hindi lahat ng galaw mo tatawanan nila. Mga pasaway.
Inaasar kasi nila si Jinky sa woah niya. Basta nandon na kami banda hindi na nila mapigilan tatawa nanaman. Lahat ng mata nila naka tutuk kay Jinky. Kaya ngayon hindi malinis,linis yung steps namin.
Ang gugulo nila. Ni hindi pa nila nakikita yung katawan nilang sumasayaw sa kaharap naming mirror eh. Lahat talaga naka tinggin kay jinky. Walang mag yayare kung wala akong gagawin. Kaya ngayong lunch wala ako ni isa kinakausap sakanila.
Nagpanggap akong badtrip na. Napansin ko yung palihim na pag siko ni Kuya kay Archy. As if naman alam niya. Ang tahimik kaming kumakain ngayon. Napatingin ako kila Jinky na bgayon nag duduruan nangunot noo ko. They're talking mentally.
"Ah Okay ka lang taylor?" Lakas loob na tanong ni Luis. Tumango lang ako at hindi nag salita. Kumain lang ako ng kumain.
"Ano bang nangyare?" Tanong ni Rex.
"Sila kasi tawa ng tawa!" Duro ni Jinky kila Emma.
"Hala bat kami! Ikaw kaya lagi ka nag papatawa" Sagot ni Jessa. Halata pang nag pipigil sila ng tawa.
"Sige na tumawa na kayo. Tawagin niyo ko pag tapos na kayo" Tumayo ako at lumabas muna sa mansion nila. Narinig ko pa yung duduruan nila bago ako makalabas.
Nasa Poolside ulit ako. Mas maganda dito tumambay tahimik.
"May problema ba?" Sulpot ni Archy sa tabi ko.
"Wala naman" sabi ko.
"Bakit ganyan ka?" Sa totoo lang kanina ko pa pinipigilan yung tawa ko kaya ngayon natawa na ako. "Ngayon tatawa ka din? Yung totoo anong trip niyo?"
"Hahaha hindi kasi.. Nag papanggap lang ako para umayos sila hindi maki cooperate eh." Bahagya naman siyang natawa nf mahina tsaka ginulo yung buhok ko.
"Silly you. Nice acting" Kindat pa niya kaya yan tuloy yung puso ko nanaman. Masyado kasing pa fall. Ampts!
"Kaya nga gusto kong itry mag artista eh" Sagot ko.
Natahimik kami pareho maya-maya nag salita ulit siya.
"What if I court you Taylor? Would you give me a chance?" Para akong natigilan na yelo sa mga narinig ko. Dahan dahan akong tumingin sakaniya.
"W-What d-did y-you just say?" Waah! Nautal ako! Nakakahiyaaa! >__<
Napa facepalm siya at tumayo agad. "Nothing. Forget it" Tapos nag lakad na siya paalis.
Tama ba yung narinig ko? O baka nag kamali lang ako ng rinig? Imposible namang manliligaw siya eh May girlfriend siya diba? Baka nga nag kamali lang ako ng rinig.
Umayos na ako at bumalik sa loob. This time nakicooperate na sila. Nilalambing pa nila ako. Ang galing ko daw sumayaw sus! Baka bola lang nila kasi may kasalanan sila na alam nila na hindi namab hahaha gets niyo,
Habang nag cleacleaning kami bg steps ako yung tumigil at pinanood sila. Hindi naman sa galing na galing na ako sa sarili ko pero alam kong malinis ako sumayaw. Nasa harap pa naman ako. Ako yung titignan nila.
Nung huli naman ako lang yung pinanood nila. Naka rinig nanaman ako ng samu't saring bola galing sakanila.
Inabot na kami ng gabi. Hindi namin namamalayan yung Oras. Yung mga boys hindi man lang nagkatin ng oras para tignan o panoorin kami. Nakakatampo din pala? Hehe.
Nangmatapos kami ng dinner napag pasyahan naming magsiuwi na. Dahil sa wala kotse ni Charise siya na nag drive nung akin at ihahatid ako ng Archy.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Minsan napapatingin ako sakaniya. Meron yung side saking nag sasabing tama yung narinig ko at meron namang nag sasabing mali lang rinig ko.
Naiinis ako sa sarili ko kasi mas nangingibabaw yung pag assume kong tama ako ng rinig. Kahit hindi naman dapat. Normal lang siguro to kasi may gusto ako sakaniya tapos siya May girlfriend.
"Wait me tomorrow. I will fetch you" Sabi niya nung nasa tapat na kami ng bahay.
"Hindi mo susunduin si Megan?" Napabuntong hininga siya.
"Kelan ko pa sinundo babaeng yon!?" Nagtaka naman ako. Lagi ko kayang nag kikitang sabay sila pumasok. Ginawa pa kong bulag.
"Ahm lagi?" Totoo naman eh.
"Aish! She's just forcing me. Of course I don't but I need to." Kahit naguguluhan ako tumango nalang ako. Ayoko na dagdagan yung iniisip ko.
"S-sige. Sunduin mo nalang ako" Pagkasabi ko non lumabas na ako ng kotse niya. "Bye" kaway ko. Tumango lang siya at nag drive na paalis. Hindi man lang ako tinignan.
May parang kumurot sa puso ko ng maramdaman ko yung coldness niya. Hindi na ako mag tataka.
Nung una lagi akong nag tataka kung bakit.
What is this? Slowmo?
Why I am feeling this?
This is so weird, what is this?
Odd feeling?
Ayoko mang aminin pero ang saya ko pag kasama ko siya. Ang bilis pa ng Oras. May something sakaniyang nagustuhan ko. Lahat ng weird feeling na nang yayare sakin noon, ngayon naiintindihan ko na.
Ang problema sa taong may ibang girlfriend pa ako nag kagusto.
Destiny... Nag sisimula kananamang pahirapan ako.
Cupid... Kaylangan ba sa taong hindi ako gusto mo ipana yung akin?
Mag asawa nga kayong dalawa. Panay kayo mali. Laging mali.
________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro