Chapter 54
Taylor's POV
Nasa feild kami ngayon. Excuse lahat ng may balak sumali para maka practice. Hanggang bukas nalang ang practice pano kaya namin magagawa yon? Kung sabagay pag pipilian lang naman pero hindi ba dapat give your best? Pano ka kukunin kung tatammlay tamlay ka? Ang laki ng Univ. Nato imposibleng walang dancer dito.
Nangmakarinig ako ng hiyawan napa takip nalang ako ng tenga. Hindi ba sila nag sasawa? Kaylangan ba araw-araw? Eh sa araw-araw naman nilang nakikita ang Sevenist eh ang korny talaga.
Mga Igno.
"Yo! Hanonaaa~" Aba energetic si Jake at Jason ngayon ah. I mean araw-araw pala. Tumabi ulit silang dalawa sakin as usual. Mag seselos daw sila pag may ibang lalaking tumabi sakin —.— mga abno.
"So anong sasayawin niyo?" Tanong ni Luis. Napayuko kaming girls. Ano nga ba? Buti yung iba nag prapractice na kami nag iisip palang.
Mahirap pa naman gumawa ng step. Napag kasunduan naming huwag na kumuha ng Choreographer since meron kami ni Archy. Marunong din pala siyang gumawa ng step kanina ko lang nalaman. Ako din eh dati sa korea hahaha skl.
"Don't tell me wala pa kayo naisip?" Napaiwas kami ng tingin kay kuya.
"So tama si tanda? Wala pa kayong sasayawin?" Dahan dahan kaming tumango kay Rex. Nakakahiya. Para kaming tanga dito.
"Kasi si Jinky! Sabi ko hiphop kaso ayaw niya!" Saba't ni Jessa.
"Ako lang ba? Parang ang baduy nga non eh!"
"Hindi naman lahat ng hiphop baduy! Sadyang ikaw yung baduy!" Hays. Yan nanaman nag aaway nanaman. Isunod mo na sila jake at jason.
"Alam mo jessa tama si jinky. Pangit ang hiphop" Singit ni Jason.
"What!? Ang baduy non! Ang baduy niyo mag isip!" Sino pa nga ba? Edi si Jake.
"Nagsalita ang hindi. Ikaw kasi ignorante ganon!" Napailing nalang ako sa apat na ngayo'y nag tatalo talo. Sa araw-araw na ganyan wala na ni isa samin ang mag aaksaya ng pras para patigulin sila. Ipaglalaban at ipag lalaban parin nila yung awayan nila eh.
"What if remix?" Suggest ko sabay takip ng mukha. I've never try that before. Panay hiphop talaga ang sinasayaw ko.
"Oo nga!" Napataas tingin ko kay Charise. May umoo na sakin.
"Yes. That would be fun!" Dagdag pa ni Emma.
"No... You can't do that. May klase parin kayo ng hapon. Umaga lang ang practice niyo at pagkatapos lang ng klase at hanggang bukas nalang ang practice" Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Kevin. Tama siya. Hanggang bukas lang. mag kukulang kami sa Oras. Remix? Medyo mahirap yon. Kasi may time na slowmo, hataw, freestyle parang bipolar kumbaga. Paiba iba ng style yung step kaya mas nakakapagod at mahirap imemorize. Your dance step should be better and clean.
"May tiktok kayo?" Out of the blue na tanong ni Jen. Nakutusan tuloy siya. "Aray naman Emma!" Daing niya.
"Eh ang syunga mo eh! Naturingan kapa namang bookworm. May problema pa tayo dito yang tiktok pa iniisip mo!"
"Yan naging tiktok cancer nadin." Dagdag pa ni Luis kaya nag tawanan sila.
Inisip ko ng mabuti at biglang May light bulb sa utak ko sabay napangiti at tumingin kay jen. Napatingin siya sakin at mukhang aalam niyang nagets ko siya. Tumayo agad kami dalawa at nag tilian.
"You're so smart jennelle!" Puri ko sakaniya habang yakap-yakap parin kami at nag tititili.
"I know right. YIIII!" Tatalo talon pa kaming dalawa. Matalino nga talaga siya.
"Ehem ehem!" Natigilan kami sa pekeng pag ubo nila.
"Can you two tell us whats with you?" Rex.
"Solo flight lang sila" jake.
"Tanga! Pag solo mag isa! Duet flight yan!" Jason.
"Ang tanga niyong dalawa Anong duet flight naman!? Mga bobo!" Kevin.
"Kayo pag di kayo tumigil pag uuntugin ko kayong lahat!" Kuya.
"Tumigil na kayo. Nag ka Idea naba kayo ?" Tanong ni Archy at tumango naman kami ni Jen.
"May tiktok kayo?" Tanong ko at nakarinig ako ng malalakas ng buntong hininga nila at umiwas ng tingin. Napaface palm pa si Rex.
"Ano bang meron sa tiktok?" Tanong ni Jinky,
"Aish! Sumagot nalang kayo!" Sigaw ko at mukhang nagulat naman sila at isa-isang tumango.
"Aware kayo sa mga trending dance steps ngayon sa tiktok? What if we used them?" Natigilan si Emma. Medyo matagal bago ng sink-in sa utak nila yung sinabi ni Jennelle.
"Omo! Tama! Tama! Ang galing niyoooo!" Sigaw ni Emma.
"Yah! I like it!" At nag tilian na din sila. Mga late reactions.
"Gets niyo?" Tanong ni Kuya kila Archy at isaisang umiling.
"Hindi eh. Tara alis nalang tayo?" Aya ni Rex. Bahala kayo! Umalis kayo kung gusto niyo.
At ang kakapal nga ng mukha nagsilayasan na nga ang mga tukmol. Mga walang kwentang kasama. Mga slow!
"So anong uunahin natin don?" Tanong ni Charise,
"Kahit ano. Memories niyo ba?" Tanong ni Jen.
"Ako? Lahat memories ko no! Ako pa? Im always updated" Tili pa ni Jessa.
"Me too!" Memories nila lahat? Ako nalang hindi? Sus! Madali lang naman imemorise nga yon.
"Sa tiktok pwedeng lame ka sumayaw pero sa friday kaylangan hataw. We should give our best." Napatango sila sa sinabi ko.
"So wala na tayong problema sa steps. Ang problema nalang ay yung pagkakasunod-sunod at ng costume natin" Napatango naman kami kay Jen.
"So pano pag kakasunod-sunod?" At nag simula na nga muna kaming mag plano para sa pag kakasunod-sunod ng kanta.
Nahirapan kami kasi kaylangan yung mga nasa una is yung mga lame lang tapos yung mga nasa mag huli is yung mga hataw talaga. Binago din namin yung ibang steps. Buti nalang yung mga alam ko yung mga napili nila.
Ang mangyayare sa friday ay parang totoong dance compit talaga siya. Walang klase. Tapos yung dean isang gov, at isang bakla ang judge namin. Ang yaman talaga ng school nato. Kumuha ng Ng Governor na judge.
Nang matapos kami ng Lunch kami agad para makapasok kami this afternoon. Baliktan diba? Dapat sa umaga klase tapos sa hapon ang practice para tuloy-tuloy na. Parang tanga tuloy. Mapapagod ka sa practice tapos anoy pawis kang papasok. Psh! Lakas ng trip nila.
Wala sila kuya sa Cafeteria at sa Rooftop. Narinig lang namin sa kung kaninong chismosa na nasa basketball court daw sila. Wala namang laro bakit sila nandon? Hindi na kami pumunta don at dumeretsyo kain. Pero si Charise gusto pa daw makita yung boyfriend niya bago pumasok kaya pinagbigyan nila. Bumili din sila ng tag iisang bottled water para sakanila. Ako dalawa. Para kay kuya at Archy.
Nang makarating kami sa Court nahirapan kaming pumasok pano siksikan. Iba talaga pag sikat. Pagawa kaya ako ng sarili kong court tapos don sila mag basketball? Tapos papaticket ako lahat ng papasok. Nako yayaman ako non. ^.^ Hahaha! Joke.
"YAAAAH! ARCHY!"
"ANG GALING MO AUSTIN!"
"GO JASON AND JAKE!"
"FAFA LUIS!"
"ILOVEYOU KEVIN!"
"ANAKAN MO NA KO REX!"
Natigilan sa pag lalakad si Charise at humarap sa babaeng sumigaw para kay Rex. Nako si Charise selosa pa naman.
"What did you just say?" Ayan na ang taray ng lola niyo!
"What? Are you talking to me?" Awe! Ang lande! Sarap ipalapa sa aso.
"Yes."
"Oh? Ano sinabi ko? Do you need my pardon? Ahehehe! Sabi ko buntisin na ako ni Rex. Is there a problem?" Ang taray pa. Kala mo maganda muka namang tuod tss.
"Ah ganon!" Susugurin pala sana ni Charise pero pinigilan agad ni Emma. Humarap ako sa babaeng tuod na malanding makati tsaka tinaasan ng kilay.
"Excuse me? Why? Do you want to get pregnant!? I can hire some guy for you if you want" Nangunot nok niyang napatingin sakin.
"Hire? Fvck! Kung mag papabuntis man ako isa lang sa mga Sevenist at hindi kung sinong random guy jan"
Natawa naman ako. "Rex? But he's already taken now. Oh I mean they~ all are taken now. So If I were you, You should know your limits. Alam mo bang marunong mangalbo si Charise pag alam niyang nilalandi ng kung sinong linta yung boyfriend niya? Ohh! Goodluck nalang sayo sa mga susunod na araw" I wink. Parang nag uusok na yung ilong niya sa galit pero hindi ko na pinansin at sinimulang mag lakad.
Naupo kami sa pinaka malapit na bench kila Archy para agad nila kaming makita. Friendly game lang ata to pero ang daming nanonood. Ang ikinagulat ko sa lahat kasama si Kyle sa kalaban nila. Seriously? Baka mamaya pisikalan na to.
Habang nanonood kami napansin ko nanaman si Megan sa kabilang bench na todo hiyaw. May mga hawak din silang bottled water. Nako pag nagkataong sakaniya lumapit si Archy mapapahiya ako. Pano yung hawak ko dalawa. Para sakanila ni Kuya.
Hanggang ngayon hindi ko parib alam kung ano si Archy at Megan. Ang alam ko lang simula nung nakita ko silang mag kasama si Sila. Oo Sila. Yung mag girlfriend at boyfriend ganon. Ewan ko. Hindi naman nakwekwento ni Archy sakin si Megan. Madalas pag tinatanong ko si megan lagi soyang nag chachange topic. Kinakahiya ba niya si megan? Nako ang ganda pa naman b*tch nga lang >_<
Ng matapos ang laro nila tumayo agad kami nila Emma. Sinigawan nalang namin sila. Napatingin ako kay Kuya papunta siya dito samin pati naman si Archy. Makakahinga na sana ako ng maayos kasi hindi ako mapapahiya ng hilain siya ni Megan para bigyan ng tubig at pinunasan ng pawis.
Hindi ko alam kung bakit pero parang napapaso yung mata ko pag nakikita ko sila. Tapos nakakainis pa yung mga ngiti ni Megan sakin.
"Kuya oh." Abot ko kay kuya ng isang tubig.
He smile and messed up my hair. "Thank you little sis. Akala ko walang mag bibigay sakin eh" Tumawa kaming dalawa.
Napatingin ulit ako sa gawi nila Archy. Napadiin hawak ko sa tubig na hawak ko. Useless na to. Pinapaypayan siya ng mga alipores ni Megan habang pinupunasan ng paulit ulit ni megan yung pawis niya kahit wala naman na. Psh! Tapos yung kumag naman enjoy na enjoy pa. Nala sitting prente. Tss. Kabanas.
"May tubig kapa? Nauuhaw kasi ako eh" Nagulat ako ng biglang lumutang si Kyle sa harap ko. Bigla nga ba? O kanina pa siya jan? Pano ang sama ng tingin ko sa kabilang bench.
"Eto oh" Inabot ko sakaniya. Okay na rin. At least hindi ako napahiya.
"Tara don Quin." Aya niya sakin sa isa pang bench nandon yung iba niyang kasama tumango ako tsaka niya naman ako hinila. Todo taktak yung pawis niya.
Nang makarating kami don binati ako ng mga kasama niya at ganon din ako. Tumingi ako kay kyle.
"Wala ka bang towel na dala? Pawis na pawis kana oh" Ngumiti lang siya.
"Nakalimutan ko eh. Pero Okay lang malakas naman ako." Hinampas ko nga siya kaya naman natawa. Imbis mga 'aray' tumawa pa. Weird.
"Anong okay lang ka jan! Eh pano pag natuyuan ka ng pawis edu nag kasakit kapa! Stupid. Alinga dito!" Hinila ko siya palapit sakin at kinuha yung towel sa bag ko.
Natigilan siya ng pinunasan ko yung noo niya. Sa taas niya kaylangan ko pang tingalain. Problema sa mga basketball player ang tatangkad.
Habang nag pupunas ng pawis niya napatingin ako sa mukha niya nagulat nalang ako ng naka titig pala siya sakin. Pinitik ko yung noo niya.
"Huwag kang tumitig! Matutunaw ako!" Tumawa lang siya.
"Pano ang ganda mo." Umirap nalang ako sa bola niya at patuloy na nag pupunas sa noo niyang pawis na pawis.
"Talikod bilis!" Utos ko at tumalikod nga. Nilagay ko yung towel sa likod niya at tsaka tinaptap. "Ayan okay na" nakangiti kong sabi.
"Salamat nanay!" Bigla nalang ako natawa sa nanay na sinabi niya. Ayan tuloy nagtawanan na kaming lahat sa bench nila.
Habang nagtawanan napa tingin ako kila kuya na ngayon ang sama ng tingin sakin. Palihim akong napa lunok. Nako lagot ako neto.
Nagulat nalang nang may biglang humila sa wrist ko.
"Let's go" Sabi niya. Aba? Siya pa galit? Ako kaya tong bumili ng tubig niya tapos makikipag harutab don! Ano bang pake ko?
"Teka bro." Biglang hila naman ni Kyle sa kabilang wrist ko. Bumilis agad yung tibok ng puso ko sa scene na nangyayare ngayon.
Nagkumpulan yung tao. Kasama nadon sila Kuya,Emma at Megan na ngayon ang sama sama ng tingin sakin. Halos patayin ako sa sakit eh.
"We gotta go" Hihilain nanaman ako ni Archy tapos hinila ako pabalik ni Kyle.
"Bakit? Nag uusap pa kami dito eh" Parehas na ang sama ng tingin nilang dalawa sa isat-isa. Nakakatakot sila. May balak pa ata silang punitin yung katawan ko. Baka mamaya mamahay dugo pa yung mga kamay ko sa higpit ng hawak nila eh.
"Don't.touch.her." Natigilan ako sa pagdiin ng salita ni Archy. Galit na galit siya. Bakit siya ganyan? Ang OA ah.
"Why should I?" Kyle smirked.
"Because shes my d-mn girlfriend you asshole!" Parang kaming tatlo lang ang tao dito. Ang sama ng tensyong namamagitan sakanila. Kung si Kyle naiintindihan ko pero si Archy? Why he is acting this way? He's so weird. Oh no. He's odd.
"Hey mga dude. Stop pulling her. You're just hurting her" Nakahinga naman ako ng magsalita si Rex. Linuwangan agad ni Archy yung kamay ko pero hindi parin niya binibitawan.
"Remove your dirty hands out of my girl" nag init bigla yung pisnge ko.
"S-sorry kyle" parang may sariling utak yung bunganga ko at katawan ng hilain ko yung kamay ko kay kyle. Napayuko nalang siya. Naawa ako pero hindi dapat.
Hinila na ako ni Archy paalis sa lugar na 'yon. Maski hiyawan ay hindi ko na marinig dahil sa utak kong gulong gulo na.
Ano bang meron kay Archy? Ano bang nangyayare? Bakit parang hindi ko alam?
And then it hits me....
I already like him..
________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro