Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50


Taylor's POV

Monday. Ngayon pala ako papasok. Last week dalawang araw lang ako nakapasok eh.

Kinakabahan ako sa mga profs. Ko. Nag-usap naman kami ni kuya at nag plano. Una kaylangan naming mag set ng spycam. sa kwarto nila. Ang problema kung pano namin ilalagay mga 'yon.

Pangalawa mag hanap ng kung ano pwedeng gamitin laban sakaniya. Something weird and creep.

Pangatlo mag hire ng private investigators at ditectives. Sabi nila sila na daw ang bahala basta umakto lang kaming normal na parang walang nalalaman. Para sakin madali lang 'yon pero yung wala akong gagawin? Hindi naman ata pwede 'yon. Ano tutunganga ako? Mag hihintay ng grasya?

Sa galit kong to imposibleng manahimik at mag hintay lang ako sa tabi pero tama din sila na kaylangan umakto ako ng normal, kami ni kuya. Pwedeng gamitin nila kaming dalawa ni kuya laban kay mommy at pwedw niya ring gamitin si mommy laban samin ni kuya.

Hindi ko alam kung ano o pano ang takbo ng utak niya. Hindi ko alam kung anong intensyon nila. Obsessed? Malamang ganon na nga. Ang desperado niya para gawin mga bagay na yo'n sa taong mahal niya para lang makasama niya. How pathetic!

"Taylor may nag eexcuse sayo uulitin ko nanaman ba?" Prof voice snap me back. Pre-accupied na utak ko.

Tumayo ako "Sorry po. Excuse me" sabay labas ko.

Nangmakita ko kung sino 'yon babalik na sana ako sa loob pero hinawakan niya ako. Ang kapal ng mukhang hawakan ako.

"Quin... Dean ask me to call you on her office." Nangunot noo akong humarap sakaniya.

"Kaibigan ko si Luis pero wala pa naman siyang sinasabi. At kung meron man bakit sayo pa ipapasabi?" Taas kilay ko.

"Ammm maybe because Im the one who's there, not Luis? Nandon narin ako kaya ako na naatasan. May problema ba?"

"Wala naman. Sige umalis kana. Pupunta ako do'n mamayang lunch" papasok sa sana ako ng hinawakan nanaman niya ako.

"Ah Quin dito na ako mag-aaral, Naka transfer ako lastweek pa." pansin ko 'yon sa Uniform na suot mo. Hindi ako Stupid! At anong pake ko? Ano din naman pumasok sa isip niya at nag transfer? Don't tell me dahil sakin? Im done with him. Im done with you kyle!

"Okay."

"Ako din nautusang tumulong sayo sa paghahabol ng mga na missed mo" Oo nga ang dami ko ng na missed.

Grabehan naman kasi tong University na to. Kulang nalang paanakin kami ng sangkaterbang activities, exam, quiz at projects araw-araw. May mga galit sa studyante.

Ayaw ko sana kaso sino tutulong sakin? Wala naman akong close na parehas kong Course bukod kay Archy. Si Emma naman isang Class ko lang siya ka blockmate. Wala naman akong maasahan kay Archy. Alam ko matalino siya pero ang tamad sa activities.

"Sige. Hintayin mo nalang ako ng Lunch" hinila ko na kamay ko at pumasok sa room.

Napatingin ako sa desk ni Archy sa tabi ko. San kaya siya? Bakit hindi aiya pumasok? Nakakamiss din pala yung stupid na yon.

Nang matapos ang class at may 1hour vacant ako. Sakto gutom ako. May oras pa ako para mag break.

Umupo ako sa gilid ng Cafeteria habang kumakain.

"Hoy babae! San ka galing!!?" Halos mabingi ako sa sigaw ng kung sino man at halos malaglag ako sa gulat.

"Uh?" Tumingala ako at nakita ko don ang the girls na nakapametwang.

"We miss youuuu!" Sigaw sila sabay yakap sakin. Kakapusin ako ng hangin sakanila. Parang hindi nila ako nakita ng 1taon kung makayakap eh.

"San ka ba kasi galing?" Upo sa tabi ko ni Emma.

"Oo nga! Ba't di ka nag papasabi!" Sabay subo ng fries ni jen.

"Akala namin uuwi kana ng korea eh" Jinky.

"Ang lungkot kaya namin dahil sa maling akalang yon!" Jessa

"Oo nga! Nasa isang bubong tayo pero hindi mo man lang ako sinabihan?" Charise.

"May problema ba Girl?" Jen.

"You can open to us." Jinky.

Wala.. wala akong balak sabihin sainyo.

"Wala naman" pag mamaang-maangan ko sabay subo ulit ng sandwich ko. Nakatanggap tuloy ako ng tuloy tuloy na kutos sakanila. "Aray namaaaan!" Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit non ah. Physicalan naba to? Pinag tawanan lang nila ako at sabay-sabay sumigaw ng 'IMISSYOU!'.

"I miss you more girls."

"Naturingan kang leader namin tapos papabayaan mo kami?" Taas kilay ni jinky.

"Oo nga! Hindi ko ipapasa yung korona ko sayo para lang mag lihim samin no" Gatong naman ni Emma.

"Sorry." Yan lang ang pwede kong masabi, Sa ngayon.

They all took a deep breath. Sorry talaga.

"Okay.. Maybe you need space" Jen.

Napatango si Jessa. "We will give you time to get ready. Kung kelan pwede mo nang sabihin"

"Just Remember Girl, Better or worst we were just here for you" napangiti ako sakanila. I am so lucky to have them.

"Hahayaan ka na muna namin.... Sa ngayon, sa susunod na mag tatanong kami dapat sasabihin mo na okay?" Tumango ako kay jen.

"Thank you girls for understanding me"

"Sus! Para 'yon lang eh"

"GROUPHUGGG!" Sigaw nila. At nag grouphug nga kami.

"Oy Ano yan !? Ano yan !? Heart to heath talks?" Boses ni Kevin 'yon alam ko.

Kumalas kami sa yakap. Halos lumuwa mata nila sa gulat ng makita ako. Except kay kuya kasi alam niya. Wala ata si Archy?

"Taylor?"

"TAAAAAYLOOOOOR!" Uh-ohhh! Lalayo sana ako pero huli na. Pinag agawan na nila akong yakapin. At pinaulanan ng mga tanong,.

"Hoy san ka galing ah!?"
"Akala namin sa korea kana ulit eh!"
"Bat di ka ng papasabi?"
"Akala ko ba Bestfriend tayo?"
"Sa maling akala na 'yon may nagpapaka patapon na ang buhay."

Sa huling narinig ko 'yon lang nakakuha ng atensyon ko. Napa 'huh?' Nalang ako pero sumagot lang sila ng 'wala yon'

Nagkwento sila saglit sakin at gaya kanina wala akong sinasabi sakanila. Dahil 30minutes lang vacant ko kaylangan ko ng mag class.

Nairaos ko naman kahit papano. Huli ako sa lesson kaya wala na akong maintindihan at walang maisagot sa mga activities. Si Archy kasi. Kung nandito sana siya edi natulungan niya ako.

Nasan ba kasin 'yon?

LUNCH.

May 15minutes na akong nag hihinatay  pero wala namang kyle ang dumating. I guess pupunta akong dean ng mag-isa. Okay lang naman hindi 'yon bigdeal. Ang problema yung mga na missed ko. Kanino ako papatulong?

Habang nag lalakad sa hallway natigilan ako ng makitang makakasalubong ko si Archy may kasabang babae inaakbayan niya. Napatingin siya sa gawi ko at mukhang nagulat. Nakita ko pa yung pag biglas niya ng pangalan ko.

Lalapit na sana siya pero natigilan siya ng may kumalabit sakin. Nangunot noo kong humarap kay kyle. Hingal na hingal siya.

"S-sorry... Galing pa akong 6building eh sa 5floor sira pa namab elevator kaya ayon tumakbo nalang ako" okay. Hindi ko kaylangan ng explanation mo.

"Eh bat ka kasi tumakbo? Tss Stupid!" Kinuha ko yung panyo sa bag ko at ipinunas yo'n sa noo niya nung nakita ko siyang nagulat natauhan akong mali pala yung ginagaawa ko. Napairap ako at abot sakaniya nung panyo. "Mag punas ka."

Nagpunas siya agad ng pawis. "Let go?" Tumango nalang ako. "Let me carry your bag" Hindi pa ako pumapayag hinablot na niya.

"Kyle!" Habol ko sakaniya. Siya naman tawa ng tawa habang tumatakbo. Lakas ng topak.

>>>>
Archy's POV

Putakteng punyeta talaga naman oh!

Bakit sila mag kasama? Talagang pinunasan pa niya ng letsheng pawis yung pesteng ugok na yon!? At yung pesteng ugok namab na yon bubuhatin pa yung bag ni taylor? Hindi niya ba kayang buhatin 'yon!?

"Hey babe are you listening?" This slut slap me back,

"Mmm yea. Nasan na ule tayo?"

"Wanna have fun tonight? Im free" then she wink as if im attractive. Like hell? Walang wala siya sa kalingkingan ni taylor eh. Pasalamat siy badtrip ako ngayon.

"Okay sure.." Kainis. Kainis. Kainis. Bwisit! Langya naman! Hanggang isip ko nag mumura pa ako.

Pano nalang kami mag sasama ni taylor sa langit pag namatay na kami kung panay mura nalang lumalabas sakin in and out.

Bwisit kasing kyle 'yon.

Isa pa tong si Taylor ang tagal kong nag antay sa mga reply niya wala man lang nireplyan tapos malalaman ko pupunta silang korea? Tae akala ko don na siya ulit titira. Nagpakalugmok nanaman ako sa alak dahil sa maling akala.

Tapos ngayon dadating ulit siya? And worst with kyle? What the real fvck is going on!? Sila na ba ulit?

"You're not listening naman babe eehh!" Pag papabebe naman ng babaeng to sabay kapit nanaman sa braso ko.

"Excuse me." Sabi ko sabay alis ng kamay niya sa braso ko.

Sa bwisit ko ni hindi ako umattend ng class ngayon. Tapos madadagdagan nanaman yung bwisit ko kay kyle.

San naman sila pupunta? Bakit nga sila mag kasama? Akala ko ba ayaw na ni taylor? Eh bakit sila magkasama? Putakte! Paulit-ulit ako wala namang masasagot sa mga tanong ko eh. Letshe maka yosi nga muna.

At dahil tinatamad akong umakyat sa Rooftop pumunta nalang akong backyard garden para mag yosi. Wala namang tao dito eh. Nag sindi agad ako. Dito ko nalang ibubuntong yung inis ko.

Kakadalwang hits ko palang nang makita ko si kyle at taylor na magkasama sa isang bench. Ang daming papers, Notebooks, at etc. sa table. Anong gagawin nila? Bakit sila lang? Date with the school supplies ba ang trip nila? Bwisit kung ano ano naiisip ko. Nababaliw na ko.

Pinatay ko agad yung yosi ko at umalis. Sinadya kong dumaan sa harapan nila. Si taylor tinignan lang niya ako tsaka itinuloy yung ginagawa niya eto naman letsheng hinayupak na bwisit na engkanto na halimaw nagawa pang ngumisi akala mo naman bagay niya, tss! Sarap tadyakan papuntang mars para hindi na mang gulo.

>>>>

"Yoo! Laki ng problema natin ah?" Umupo si tanda sa harapan ko tsaka kumuha ng beer sa bucket.

Tumabi sakaniya si Kevin "Ano bang bago dyan? Simula noong umalis kayo ni taylor ganyan na yan eh"

Umupo naman sa gilid si Jason at jake. "Hindi rin...Mas malaki problema niya ngayon eh" tawa-tawa pa ni jake.

"Kung yung mukha niya nung nakaraan mild mild lang ngayon tignan niyo! Dude you look messed!" Duro pa sakin ni Luis.

Umupo sa tabi ko si Rex. "So? Anong problema natin?"

"Wala...wala akong problema kaya manahimik kayo! Wala naman akong prinoproblema bukod sa pesteng kyle na yon! Letche!"

"Ayowwwn! Ang isda nga naman nahuhuli sa sariling bibig" Luis.

"So anong problema mo kay kyle?" Tanong ni tanda.

"Ako alam ko..." taas kamay ni jason.

Bago siya mag salita inunahan na siya ni Jake. "Nakita namin kanina si bespren taylor at kyle na magkasama"

"Ayowwwn na ngaaaa! Ano resbakan na natin?" Nagyabang nanaman si Kevs. Yan tuloy naka tanggap ng kutos.

"So? Ano namang nagawa niyang pag lugmok mo ng alak sakanila?" Tanong ni Luis.

"Stop asking."

"Okay...Sabi mo eh... Then don't ask me too" pang aasar pa niya, as if may itatanong ako. Wala naman.  "Alam ko pa naman bakit sila mag kasama ngayon..." Sabay lagok ng alak. Letche isa pa to.

Eh ano ngayon kung alam niya?

Processing....

"Fvck!? Bakit?" Nabuga pa nila yung mga alak na nasa bunganga nila sa sigaw ko.

"Hoy Archy umayos ka nga!" Duro sakin ni Tanda.

"OA ka rin eh. Kung maka sigaw ka jan akala mo naman may ninanakaw sayo!" Gatong pa ni Rex.

"Lower your voice. Huwag Excited" Ano bang pinag sasabi netong kevin na to? Ako Excited? Of course not! Curious ako! Curious! Ang layo ng deperensya ng dalawang 'yon!

"Just tell me Luis. 'Cause it's freaking driving me crazy! Im so confused!"

"Woah.. Okay..Okay.. Relaaaxx." At kumalma nga ako.

"Madami siyang missed lesson and some school stuff so si kyle ang nautusan na mang guide sakaniya at tumulong." Seriously? Luis? Pachill chill ka lang diyan? Bag di mo ginawan ng paraan!? Bwisit!

"At bago ka mag reklamo na wala akong ginawa meron, Madami na akong nagawa kay taylor pero hindi naman pwedeng lahat i hold ko. Malilintikan lang ako kay dad mamaya sabihin pa niyang babae ko si taylor." Oo nga. Sabi ko nga may ginawa ka.

Bakit naman kasi hindi nalang ako?

Bakit si kyle pa?

Bwisit aayusin ko to! Dapat ako yung kasama niya at hindi si kyle.

________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro