Chapter 48
Taylor's POV
"Bilisan mo. Yung sundo mo nasa baba na." Sabay talikod ni kuya. Sundo? Sino namang susundo sakin?
Binilisan ko na kumilos at bumaba. Kumuha nalang ako ng sandwich at nagpaalam kina mommy at tito, Nauna na si Charise eh. Hanggang ngayon ang weird parin ni mommy. Bakit kaya?
Lumabas agad ako. Nagulat ako nang makita si Archy na nakasandal sa hood ng kotse niya habang naka cross feet pa. Ang aga-aga nag papacool nanaman.
"Ano nakain mo at sinundo moko?"
"Good Morning din.. Ano tara na?" Nag good morning ba ko? Bat ang layo ng sagot niya sa tanong ko.
"May kotse ako"
"Aish. Hop in" Pinag buksan niya ako ng pinto. Pumasok nalang din ako. Nakakatamad namang mag drive. Okay na rin my Driver na ako. HAHAHA >__<
Pumasok narin siya at nag drive "Nag breakfast kana?"
I frowned "Not yet.. pero okay lang May sandwich naman na ako" He raise his Eyebrows.
"Seriously? Sandwich? Are you trying to starve yourself?"
"Eh kasalanan mo kaya! Susunduin mo ako nang ganto kaaga. Nahiya naman ako sayo baka malansa ka kakahintay eh!" Mag tataray ko at tumingin nalang sa labas.
"Eat." Ang bossy naman. Ano ako aso? Eat? Sit? Ganon? Ish.
"Malelate na tayo"
"Take out" he said sarcastically.
"Fine"
Nang makarating kami ng jollibee nag drive-thru kami, Habang bumabyahe kumakain ako. Bilisan ko nga daw eh pano kung nabulunan ako kakamadali? —.— Tapos na pala siyang kumain. Buti nalang bago kami makarating sa univ. naubos ko na.
"Uy Jix parang gusto ko ng chocolates" Out if the blue kong sabi habang naglalakad papasok. Bigla kasi akong nacrave eh.
Nangunot noo niya. "Kakatapos mo lang kumain diba?" Tumango tango ako. "Takaw" bulong niya,
"Oy narinig ko 'yon!" Hampas ko pa.
"Bat ang hilig mo manakit? Child abuse ka na ah" natawa naman ako sa sinabi niya.
"Child abuse? Eh mukha ka ngang sugar daddy remember?" Natawa nanaman ako ng maalala yung nangyare sa probinsya. Namula agad siya. Hahaha pikon.
"A-" hindi na siya nag salita at tinikom nalang yung bibig. "Nga pala hindi ako makakapasok ngayon may aasikasuhin ako"
"Ano yon? Bakit di ka papasok? Importante ba yan?" Then he smile mischievously. He got me wrong.
"Uyy Concern siyaa." Pang aasar niya kaya tumigil ako at humarap sakaniya,
"Dream on jix. Dream on" Irap ko at Patuloy sa pag lalakad, Narinig ko pa siyang tumawa at hinabol ako.
"Aminin mo na kasi. Pakipot ka pa eh"
"Tumigil ka nga!"
"Ehh pakipot kapa. Sabihin mo lang naman 'jix im concern about you' ganon lang. Mahirap ba 'yon?"
"Syempre hindi. Tsaka eh ano ngayon kung san ka pupunta? Parang nag tatanong lang eh! Bwisit!" Binilisan ko maglakad pero hinawakan niya ko.
"Huwag kang mabilis. Ineenjoy ko pang kasabay ka eh" Tsaka ngumiti ng pagkalaki-laki. Imbis bagalan ko mas binilisan ko pa. "Oyy! Taylor! Pssst! Oy! Taylor..."
"What!?" Harap ko sakaniya. Ang lakas ng bunganga eh.
"Ahmm wala hehehe" Ish! Stupid!
"Akala ko ba may pupuntahan ka? Bakit kapa sumusunod?" Taas kilay ko.
"Ayoko kasi na galit ka sakin eh kaya mag sosorry muna ako" He smile widely. Naginit bigla yung pisnge ko.
"Okay na. Alis na!" Tumawa naman siya ng mahina.
"Joke lang. Kinilig ka nanaman."
"Kapal!"
"Oo na. Ihahatid lang kita." Hindi ko na siya pinansin hanggang maka pasok ako. Pinag titinginan na pala kami. Eto kasi sa daming pwedeng pag tripan ako pa.
Uupo na ako ng tinawag nanaman niya ako. "Taylor!"
Humarap ako "oh!?"
"Galit?"
"Hindi. Ano nga!?"
"Bye" Kumindat pa at nag flying kiss bago umalis.
"AYIIIEEE!" Sigaw ng mga ka blockmate ko. Kainis! Namumula na ata ako dito.
Habang nag klaklase kami ang daming nang aasar sakin. Pati prof. Ang dami din nilang tanong tungkol sa nangyare nung friday. Kami daw ba? Hindi ko na sinasagot. Hindi ko alam pano sabihin eh. Ayoko namang mag explain sakanila bakit sino ba sila?
Nangmatapos ko na lahat ng morning class ko dumeretsyo akong Cafeteria kila Emma. Hinanda ko na sarili ko sa mahabaang chikahan. At tama nga ako. Halos hindi ako makakain kasi ang gusto nila mag Kwento ako ng magkwento. Kwenento ko naman lahat sakanila simula nung Binuhat ako ni Archy hanggang sa kahapon.
Hindi din sila makapaniwala sa nangyare samin parang imposibleng mangyare ganon? Sabi pa sila 'destiny' daw panay pa ang mga tili nila. Ako naman halos mangamatis na. Binibigyan kasi nila ng malisiya yung mga bagay bagay.
Kahit sa afternoon class ko hindi rin pumasok si Archy. Nasan na ba yon? Bakit aabsent siya ng wholeday? Tapos ang dami pang activities nako. Maghahabol siya for sure.
Nangmatapos na lahat ng gagawin ko dumeretsyo akong Rooftop. Kompleto sila maliban kay Archy. San naman napadpad 'yon?
"Taylor oh" Mag inabot sakin si Rex na plastic.
Tinignan ko sa loob. Nag twinkle agad mga mata ko sa nakita ko pero nangunot din yung mga noo ko. "Ano to?"
"Chocolate?" Sarcastic na sagot sakin ni kuya kaya agad ko siyang binato ng kisses "thank you" pangiti ngiti pa.
"Alam ko! What I mean is kanino galing?"
"Sa boyfriend mo" sagot nanaman ni kuya. Nag init nanaman pisnge ko. Ako talaga trip nilang lahat.
"Nung isang araw pa yon kuya! At Fake! Fake boyfriend!" Irap ko pero pinag tawanan lang nila ako.
"Rex pasabi thank you." Sabi ko at umupo sa gilid para kumain.
"Bat di ikaw mag sabi? Boyfriend mo diba?" Taas babang kilay pa. Nangaasar talaga sila.
"Nasan ba kasi siya?"
"Nasa puso mo" sabay sabay nilang sabi. Kainis talaga! Bwisit! Nag tatanong nang maayos eh.
"Bahala kayo!" Hindi ko na sila pinansin at kumain nalang ng mag vibrate yung phone ko, May tumatawag. Sinagot ko agad.
[Hello?]
*[I miss you] Nabulunan ako agad. Butu nalang may tubig si Charise inabot niya sakin. Uminom muna ako at huminga.
[Anong trip mo? Balak mo ba akong patayin?]
*[Grabeng I miss you too yan ah... Gusto mo mag bike?] Nabuhayan ako sa sinabi niya.
[May bike ka?]
*[Nandito ako sa baba. Hihintayin kita] then he hang up. Lagi nalang malayo sagot niya sa mga tanong ko.
Nagpaalam muna ako kila kuya at Emma bago bumaba. Inasar nanaman ako ng mga 'yon. Naabutan ko si Archy na may hawak na bike. Napangiti ako. Isang bike lang yun. Ibigsabihin sasakay ako.
"Bago ako sumakay. San ka galing?" At bago pa niya bigyan ng malisya yung sinabi ko pinangunahan ko na "Hindi Ako Concern. Kaya ko tinatanong kasi tinanong ng mga prof. Kanina eh hindi mo sinabi sakin kung san kaya ayon! Hindi ko alam sasabihin ko"
"May pinagawa kasi yung dean sakin. Hayaan mo na naka Excuse naman ako." Nangunot noo ako.
"Bakit ikaw gagawa? Bakit hindi si Luis?" Eh ang alam ko si Luis naman may ari dito.
"Oo tama. Ang totoo kasi nag patulong lang sakin si Luis. Kahit siya naka Excuse siya ngayon araw" napatango nalang ako.
"Thank you sa chocolates" I smile.
He chuckled at ginulo yung buhok ko. "Let's go?" Tumango ako. Sumakay na siya. Aangkas na sana ako kaso yung bag niya sagabal.
"Akin na yang bag mo jix. Ako na mag bibitbit"
"Ayoko. Bilig sakay na nangawit na ko eh"
"Akin na nga muna yang bag mo! Sagabal sa pag upo ko yan eh" napabuntong hininga nalang siya at inabot sakin.
Nakangiti akong sumakay don.
"Okay na?" Tanong niya.
"Yes. Let's gooooo!" Sigaw ko. Pinag andar naman niya agaw. Waaaah! Nakakatuwa.
"Tarang park gusto mo?" Tanong niya habang nag pepedal parin.
"Sige" Masayang sagot ko.
Bago kami pumuntang park kung sansan pa niya nililibot. Kung ano-ano naman tinturo ko at tawa kami ng tawa. Halos mapaos narin ako kakasigaw.
Wala akong pake kung isipin nilang mukha akong bata ngayon. Last akong naka bike 10years old pa ako eh. Nakakamiss din pala. Yan tuloy nag mukha akong ignorante dito kakasigaw.
Nang makarating kaming park umupo muna kami sa bench.
"Hyper ah. Dahil ba yan sa chocolates?"
Tumawa ako "Siguro. Ahahaha nakaka miss eh" masayang sagot ko sabay sandal.
"Gusto mo Icecream?" Tumango ako. Bumili naman siya at bumalik din nung nakabili na.
"Thank youu" I smile. Habang kumakain nag kwekwentuhan din kami.
Okay aaminin ko na. Masaya din pala siyang kasama sa totoo lang. Akala ko nung una tahimik lang siya eh madaldal din pala. Sabi naman niya sakin sa taong close lang daw niya siya madaldal eh parang hindi naman. Pag magkakasama sila nila Rex panay mura lang naririnig ko sa bunganga niya.
Masarap sa feeling na meron kang Boy Bestfriend. Nakakatuwa kahit lagi kaming nag aasaran at bangayan mamaya, Okay nanaman kami,
Ang dami ko nang na kwento sakaniya pero siya parang wala pa sa kalahati yung mga na kwekwento niya pero Okay na rin. Kesa wala diba? Malay mo lahat ng Scene sa buhay niya mashadong personal.
Nang magdilim na Hinatid na niya ako. Matapos kong Mag Pasalamat at Mag paalam pumasok narin ako sa loob.
Nagbihis na ako at bumaba naabutan ko si mommy don na parang wala nanaman sa sarili. Umupo ako sa harap niya.
"Mommy are you okay? You're acting so weird lately"
"A-ako? Ahehehe wala to. Huwag mo na akong isipin kumain kana" tapos nilayasan nanaman ako. Basta mag tatanong ako umiiwas nalang siya palagi. Alam ko namang May problema siya. Pumunta akong poolside dahil alam kong don lagi tumatambay si tito at tama nga ako. Nandon siya umiinom ng beer. Umupo din ako sa harap niya.
"Oh iha? May kaylangan ka?" Ibinaba niya yung beer at umayos ng upo.
"Tito Stephen, Napapansin ko lang si mommy. Lagi siyang wala sa sarili. May problema po ba kayo?" Tanong ko bigla nalang sumeryoso mukha niya. So tama ako. May problema nga.
"Wala!... walang problema.. Iwan na kita" tsaka tumayo at umalis.
Busy ako sa pag-iisip kung ano mang pwedeng maging problema nila nang tumabi sakin si Charise.
"Ako din pansin ko din" Napatingin ako sakanya pero hindi siya nakatingin sakin. "parang may mali lagi kay mom. Hindi ko alam kung ano pero alam kong may mali talaga" napatango ako.
"Wala ka bang napapansing pinag aawayan nila?" Tanong ko.
Umiling siya. "Wala eh. Pero minsan naririnig ko silang nag sisigawan natatakot akong mag tanong kaya hinahayaan ko nalang. Grabe pa naman magalit si papa."
"What do you mean?"
"Ayoko mang aminin pero pag nagalit si papa iba siya. Nakakatakot. Parang hindi siya yung papa ko. Lahat gagawin niya para makuha yung gusto niya." Parang kinilabutan ako sa sinabi ni Charise. Hindu Magandang idea na nag tanong pa ako. Baka mailang ako pag mag kakaharap na kami.
"S-seryoso?"
"Oo. Huwag mo to sasabihin kahit kanino ah? At huwag ka sanang magalit pero may sasabihin ako." Kinakabahan ako sa tono ng boses niya. Tumango nalang ako kahit ayoko ng ituloy yung usapan namin.
"Minsan nakita ko nang sinampal ni papa si mom at sabi niya. 'Akin ka lang. akin!' Takot na takot ako non dahil first kong makita si papang ganon umiiyak non si mom gusto ko siyang lapitan pero pinangunahan ako ng takot..... Mahal ko si papa pero kung alam kong may ginagawa siyang mali. Hindi ako mag dadalawang isip na ipakulong siya" Halos kapusin ako sa hangin sa nga sinabi niya. "Taylor mangako kang hindi mo to ipag sasabi sa iba."
Bumuntong hininga ako "p-pangako Charise."
Hindi ko muna ipagsasabi sa ngayon. Kung takot ka Charise ako hindi. Wala siyang karapatan saktan ang nanay ko.
Umakyat na ako at halos mawalan ako ng malay sa narinig ko kay tito Stephen. Gusto ko siyang sugudin pero hindi ko kaya. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Sa mga pananalita ni tito doon ko na na intindihan si mom. It explains everything to me and it damns kills me!
"Tama na Stephen! Hindi ko na kaya pakiusap.."
"Umayos ka! Nakalimutan mo na ba usapan natin Grace!? Papatayin ko mga anak mo kung hindi karin magiging akin!"
___________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro