Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46


Archy's POV

"She's here" Sabi nung Emcee at nag patugtug nang korning kanta.

Nakakarindi. Nakaka inis! Nakaka bwisit!

"Relax dude. Just Go with the flow"

"I hope that she's aware about my attitude" I smirk. Tumalikod ako sa harap para hindi ko na makita kung sino yon. Bwisit.

"This can't be so real" I heard Austin Murmur. Tiniganan ko silang lahat. Nganga sila? Totoo? Maganda ba?

Ang lakas pa ng palakpakan at sigawan kaya mas naiinis ako.

"Jason batukan mo nga ako. Totoo ba nakikita ko?" Agad binatukan ni Jason si jake. "Sh*t! It's Fvcking real!"

"Alam namin! Nakikita namin" sabi naman ni Rex na nakatingin parin sa harap. "Archy you really need to see this"

At dahil confuse ako napabuntong hininga ako at humarap.

O____O

Ganito ko na ba siya ka miss para makita siya sa harapan?

Totoo ba tong nakikita ko?

She came.

She came for me.

Akala ko hindi na talaga siya pupunta pero pumunta parin siya.

Lalapit na ako ng may makabunggo sakaniyang tumatakbong babae mula sa likod. Don't tell me eto yung babaeng ipapakilala sakin nila Grandma? Pwee! Binungo pa niya yung taong gusto ko ang kapal din pala ng mukha niya.

Agad tumakbo sila Grandma at Aj kay Taylor.

"Iha Are you okay?" Tanong ni Grandma kay taylor.

Humarao agad ako sa babaeng nakabungo kay taylor "Sh*t bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!?" Sigaw ko sakaniya.

"So-sorry po" naka bow lang siya. Kung di lang to babae nasapak ko na.

Humarap ako kay taylor na ngayoy parang gulat na gulat. Ba't ba siya nagugulat? Inalalayan ko siyang tumayo.

"Aj bring chair here" tumnago siya at agad tumakbo. "Thank you for coming." Sabi ko kay taylor at ngumiti pero mukhang wala siya sa sarili "Are you okay?"

"Kuya eto oh" inayos agad ni Aj yung upuan at don pinaupo si Taylor.

"I told you. He's going to like her" I heard grandma said. Hindi ko naman siya maintindihan kaya hindi ko na siya pinansin.

"Hey are you okay?" Hindi parin siya sumasagot. "Im going to kiss you if you won't answer me" at parang bumalik siya sa katinuan dahil don.

"Am I dreaming?"

I chuckled "Ofcourse not." Ginulo ko yung buhok niya bago tinignan yung tuhod niya. Mag gasgas siya. Kinuha ko yung panyong nakabulsa sakin at dinampi dampi sa sugat niya.

"Bakit ang clumsy mo? Naturingan ka pa namang Amazona" Hinampas niya ako "Oh bakit nanaman?"

"Amazona your face. Alis nga jan!" Tsaka siya tumayo. Ngayon na ang tamang oras.

Bago siya makaalis hinila ko siya para mayakap tsaka bumulong dahil mukhang nagulat "Girlfriend kita ngayong araw diba?" then she sigh and hug me back.

"I miss you" talagang nilakasan ko yon para marinig nila grandma. Nakaramdam ako ng kurot.

"Wait..." kumalas ako sa yakap. "Why are you here?" Nangunot noo ako. What do she mean? Hindi ba ako pinunta niya dito?

"Why I am here? Because it's our family reunion" napatakip siya ng bunganga at tumingin kila Grandma.

Ako din napatingin at lahat sila mukhang gulat. Tama ganyan nga. Magulat kayo,

"Im so sorry Grandma.. I didn't mean to disappoint you... I try to explain to Archea that I already have a boyfriend but she didn't listen.. Im really really sorry." Ano? Anong pinag sasabi niya? Bat niya kinakausap si Grandma?

"Wait... iha... Do you know him?" Tanong ni Grandpa. Napatingin ako kay Taylor ang dahan dahang tumango. Kitang kita sakaniya ang hiya.

Hinawakan ko agad yung kamay niya at itunaas 'yon. Kinuha ko yung mic sa Emcee.

"Everyone listen to me....I just want to introduce you Taylor, Her name was Quin Taylor Smith.. She is my girlfriend" Then they All clapped.

"What are you doing" bulong ni taylor. Hinigpitan ko lang pagkakahawak ko sakaniya at humarap kay granda.

"Grandma, Grandpa at Aj. Siya yung sinasabi ko kaninang hinihintay ko,"

"Grandma? Grandpa? Aj?" Napatingin ulit ako kay taylor, bakit ba lutang siya ngayon? Kulang ba siya sa tulog?

"Wait... Do you mean...Quin is your girlfriend" napatango ako kay Grandma.

"Siya din ba yung dahilan kanin bakit ka nalate ate?" Tanong ni Aj. Nangunot noo ako at humarap kay Taylor.

"Ganito po kasi yon. Ahmm. Pano ba. Hahabol po sana ako kay Archy kanina kaso hindi na po ako naka abot kasi unalis na sila. Kaya sumunod nalang po ako sainyo grandma.." nakabow parin siya.

"What do you mean?" Napaharap siya sakin. "Sino ba pinunta mo dito?" Kunot noo kong tanong.

"Ahh kasi Archy pinilut lang talaga ako ni Archea na humarap... Kaso...Kaso.. hindi ko din alam eh. Wala akong maintindihan"

"Sagutin mo nalang ako. Sino nga pinunta mo dito?" Ngayon naka eye to eye kami. Ibig niyang sabihin hindi ako? Eh sino? May iba siyang pinuntahan? Ano? Hindi ko maintindihan!

"Hmmm. Ji..jim...jix? Oo jix. Jix daw sabi nila." Hindi ko alam kung pano pero bigla akong natawa sakaniya kayakinunutan niya ako ng noo. "What are you laughing for?" Umayos naman ako pero pinipigilan parin yung tawa ko.

"Jix? Are you referring to me?" Natawa nanaman ako.

"Ikaw si jix?" Napatakip siya ng bunganga kaya mas lalo akong natawa. "Ibig sabihin? Aish" she sigh.

I can't help but to laugh at her. She's so cute. Unexpected yung nangyari saming dalawa. Talagang hindi mo aakalain. Siya yung sinasabi nila Grandma? Yung kinakainisan ko na sinasabi ko? Eh eto yung taong gusto ko eh.

"Tawagin mo nalang ako pag tapos kanang tumawa ah" Irap niya sabay talikod. Umayos naman ako ng tayo at napangiting umiling-iling.

I pulled her again and hug her. "Girlfriend kita ngayon araw diba?" Nakaramdam nanaman ako ng hampas.

"Oy tama na yan! Gumawa na kayo ng live show" Basag trip nila Rex. Kainis. Yumayakap pa ako eh. Baka hindi na ako maka ulit.

Wala naman akong pake kung pinapanood nila kami eh. Ewan ko lang kay Taylor, I looked at her.

She's blushing again. So Cute.

"Quin iha..Tara don ipapakilala kita sa mga amigas ko" Hila sakaniya ni Grandma.

"Woah tol! Si Taylor ba yung sinasabi ng Grandma mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni kevin.

"Opo kuya. Si Ate Quin nga." Sabat ni Aj. Ginulo ko agad yung buhok niya.

"I owe you one aj" I wink at her, alam kong hindi niya yun nagets pero hayaan mo na.

"I can't believe it" sabi naman ni jason. Kahit din naman ako hindi makapaniwala eh.

"Oy ikaw archy! Bat mo pinakilala yung kapatid ko bilang Girlfriend mo!?" Kinutusan siya agad nila rex. "aray! Ano bang problema niyo!?"

"Eh anong masama? Don din naman pupunta yun pag nag tapat na siya. Diba Archy?" Pang aasar ni Kevin,

"Shut up!"

"Psh! Wag mong sabihing natotorpe ka?" Nagtawanan sila.

Kaya bago pa ako mainis at maubusan ng pasensya nilayasan ko na sila. "Tss!"

Pumunta muna ako sa side at humingi ng wine. Pinapanood ko lang sila grandma at taylor.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako natuwa kay Grandma. Nakakatuwang ipinapakilala niya si taylor bilang Girlfriend ko ang sarap sa pakiramdam.

Nangmedyo magtagal na mukhang pagod na si taylor habang si Grandma tuwang-tuwa. Kawawa naman yung prinsesa ko. Pinapagod ng retired queen.

Pumunta agad ako sa pwesto nila at hinawakan si taylor. "Excuse me. Kukunin ko na siya" pagkasabi ko non nagtilian naman sila. Grabe isipin mo? Matatanda nag titilian pa? Nakakatawa.

"Thank you. Grabe ang hyper ng lola mo" Natawa ako sa pagkakasabi niya ng lola.

"Are you tired?" Tanong ko at tumango naman siya. "Do you wanna eat?"

"No. I just want to sit" Hinila ko siya sa labas para makapunta sa side beach. "Pagod na ako tapos kakaladkarin mo pa ako?" Binagalan ko agad yung paglakad ko, Nakalimutan ko pagod na pala siya.

"Tara don" turo ko sa may cottage. Pumunta nga kami don at umupo,

Hinayaan ko muna siyang makapag pahinga hanggang sa mag salita siya. "Hindi mag sink in sa utak ko yung mga nangyare"

I chuckled "Ako nga din hindi makapaniwala eh"

"So ako din pala ipapakilala sayo ni Grandma so what's the use na magpanggap pa tayo?" Tanong niya.

"Hayaan mo na. Mas okay nang alam nilang May Girlfriend ako para naman hindi nanaman sila maghanap ng kung sino-sinong babae jan." I sigh.

"Bakit mo ako pinakilala sa kanilang lahat bilang Girlfriend mo?"

"Para nga alam nilang May Girlfriend ako. Kulit"

"Pano pag tapos na tong araw na to? Edi hindi na tayo no'n pano mo eexplain,"

"Leave it to me. For now let's just pretend as one."

"What's your whole name?" Tanong na naman niya.

"Boyfriend mo ko tapos hindi mo alam?" Hinampas naman niya ako. Namumula nanaman siya. "Archy jix Clark."

"Sainyo ba yung Clark Airline? Yung pinag sunduan namin kina Grandma?" Tumango ako. "Bakit jix tawag nila sayo?"

"Ewan ko din eh."

She chuckled. Oh god. That's heaven. Angel sound. "Sanay na ako sa Archy pero mukhang mas maganda yung jix"

"Then call me jix" I wink.

"Huwag ka ngang kumikindat jan!" Sita niya. D-mn it! Nakaka adik kang babae ka. Ang sarap mong asarin para mamula ka nanaman.

"Bakit gwapo naman ah?"

"Ish!" Hinampas nanaman ako, Amazona nga.

"Kamusta yang tuhod mo?"

"Its fine. Tara lakad tayo" At nakaramdam nanaman ako ng koryente nung hilain niya ako.

Nagkwentuhan kami ng nag kwentuhan habang nag lalakad sa tabing dagat. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganto, Yung kasama mo yung taong gusto mo.

Nagtawanan kami sa mga nangyari samin. Nag aasaran at nag kukulitan. Mukhang pinanindigan talaga siya maging Girlfriend ko ngayong araw.

Sana hindi na matapos ang araw na to. Sana ganito nalang tayo palagi taylor. Sana akin ka nalang. Sana tayo nalang.

Umupo kami sa gilid ng magpakita na yung sunset. Ang tagal din pala naming nag kwentuhan, Ang bilis ng Oras. Nakakalungkot isipin na matatapos na ang araw. Ibig sabihin balik Bestfriend nalang ulit kami. Balik dati.

"Ang ganda ng sunset no?" Napatingin ako sakaniya,

"Oo maganda nga." Magandang maganda ka taylor.

Humarap siya sakin at nangunot noo "Maganda ka jan eh sakin ka nakatingin, Sa sunset ka nga tumingin!" Natawa ako ng mahina sa inasal niya.

"Eh sa totoong maganda ka eh" Umiwas agad siya ng tingin. Ilang beses naba siyang nag blush? Parang amg sarap ulit-ulitin,

"Paano pag nalaman nilang fake lang tayo?" Sumeryoso, Hindi yun mangyayare kasi tutuparin ko naman na maging tayo. Mag iipon lang muna ako ng lakas ng loob at Mag hihintay ng tamang oras.

"Hindi 'yon mang yayari, Trust me"

"Trust me your face! Hindi namang pwedeng mag panggap tayo habang buhay" kaya nga tototohanin natin eh.

"Ako nang bahala don" She sigh.

Nagulat ako ng sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. "Pwede bang ganito muna ako? Napagod ako eh" Napatango ako at napangiti.

Ang sarap sa pakiramdam magkaron ng Girlfriend. Hindi ko maexplain yung ganitong saya. Yung ganitong pakiramdam.

It was an something odd feeling that I can't explain, I can't understand, All I know is Im happy and inlove.

Sana tayo nalang talaga. Dibale. Hinayin mo lang taylor, Daratung tayo sa panahon na yan.

___________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro