Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Taylor's POV

"San ka mag lulunch?" Tanong ni Archy habang nag aayos ng bag.

I shrugged  "Ewan. May practice daw aa cheerdance sila Emma eh kasabay nila yung mga teammates nila." Sabay ayos ko ng bag at sinimulang maglakad,Sumunod naman siya.

"Sabay tayo?" Taas baba kilay pa. Humarap ako sakaniya tsaka ngumiti.

"Your treat?" He smile and nodded. "Wieehh! Let's go!" Hila ko sakaniya. Natawa naman siya ng mahina.

Ibis sa Cafeteria lumabas kami para kumain sa Jollibee.. Sana pala di na kami dito. Nakakabitin eh. Nakakahiya namang humirit pa ng kanin kaya kahit tanungin niya ako hindi ako ng hindi kahit ang totoo.Gusto ko pa talaga >__<

"So what's your plan this weekends?" Tanong niya.

"Ahmmm" I put my index finger on my chin like Im thinking something.. Ah naalala ko na. "May lakad kami ng friend ko" nangunot noo naman siya.

"Sino 'yon?"

"Basta..Bakit?" Sabay subo ng kanin.

"Basta...Sama ka nalang samin ? Kasama sila Tanda ayaw mo?" Umiling-iling ako.

"Nope. Naka Oo na ko sa friend ko eh. Maybe nexttime" Subo ko ulit.

"Sino ba kasi 'yon?" Teka naiintriga ba to sa kaibigan ko? Si Archea lang yon eh. Kahit naman sabihin ko hindi din naman niya kilala so wala namang mang yayare.

"Basta nga kulit!" Uminom na ko ng Coke since tapos nako sa rice. Sa fries na ko wooo! My favorite part!

Isinawsaw ko yung fries sa float sabay subo. Ughs! Heaveeeeeeen! ^.^ this is lige woaaah!

"Ish gross!" Arte naman neto.

"Masarap kaya,try mo?" Umiling-iling lang siya at umayo na ng upo. "Edi panoorin mo ko" benelatan ko lang siya at nagsawsaw ulit....Waaah! Yummyyy

Kinakain ko narin pati fries niya parang wlaang balak galawin eh sayang naman hehe ^_^ Napatingin ulit ako sakaniya. Nagulat ako ng makita kong nakatitig pala siya sakin habang naka ngiti. Omoo! May dumi ba ko sa mukha? Or matakaw ba ko masyado sa harap niya? Nawala ba yung poise ko? Aish katangahan nanaman Taylor! *Face palm*

He chuckled "Where did you get that idea huh?"

"Eto? Hindi mo alam? Baka naman ipinanganak ka nung unang panahon at di mo alam to. Try mo magtanong sa iba. Psh! Tagal ng uso neto" sabay subo ulit. Napatingin nanaman ako sakaniya. Wala namang magagawa yung mga titig niya eh. Kung gusto iya di sabihin niya diba?

Nagsawsaw ulit ako at lumapit sakaniya.

His eyebrows raise  "What do you up to?" I smile mischievously  "Don't do it taylor. Im warning you" Sus! Ako tinakot? B*tch please.

"Say aaaaaaaaah!" Lapit ko sakaniya nung fries.

"No way!" Aish! Ang arte neto.

"Ah na kasi!" Ang daya naman kasi.

"Bakit ba? Eh ayo-ammhmmm" huli na nasubo ko na HAHAHA.

"Hep! Don't try to spit it!" Duro ko sakaniya. Wala din siyang nagawa kundi ngumuya. Good boy, HAHAHA! Pinanood ko lang reaksyon niya nung una masuka-suka pero nung huli okay naman yung itsura niya. "How is it?"

"Hmm it's nice" Sabi lang niya.

"See? Masarap sabi ko eh..Oh eto pa" sabay subo ulit. At dahil hindi ako kontento ako na mismo bumili ulit ng fries at sunday. Kung sa Rice nahihiya ako dito hindi. Wala akong hiya!

"May dragon ka ba jan sa tiyan?" Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya natawa siya ng mahina.

"Shut up! Bilis kain" Subo ko ulit ng fries sakaniya. Ngayon mag katabi na kami. Nag mukha pa ata akong yaya kasi ako na sumusubo sakaniya. Ano daw 'yon? Ang Weird diba? Pero ako naman nag insist. Ang gulo.

Nang matapos kami bumalik agad kami ng Univ. At dahil wala pang prof. Kinuha muna niya yung gitara ng isang ka blockmate namin at nag strum. Nag guiguitar din pala siya? Good for him. Dagdag pogipoints yan. Girls love music right? Music is our comfort zone<3

"Marunong ka diba?" Tanong niya pero umiwas ako ng tingin. Wala ako sa mood.

"Mahahaba kuku ko" sabi ko sabay pakita ng mga kuku ko.

"Tara putulan natin." Inilayo ko agad yung kamay ko sakaniya. Taas baba kilay niya habang naka-ngiti.

"Ayoko nga! Umupo ka nga nga ng maayos mamaya meron na yung prof. Ibalik mo na yan" utos ko.Tumawa lang siya ng mahina at tumango-tango tapos parang boss kung maka 'oy gitara mo!' Siya na nanghiram siya pa may mood mang ganon. How rude! Pano ko ba to naging Bestfriend?

"Ang rude mo!"

"So?"

"Anong so? So your face! Bawasan mo nga nakakabanas kaya"

"Bakit ko 'yon gagawin? Kasi inutos mo?"

"Tss! Of course not! It's for your own benefits! Ano akala mo mabubuhay ka hanggang pagtanda jan sa kajerkan mo?" Taas kilay kong tanong at nag cross arms.

"Woah! Easy! You're talking about my future. Nanay naba kita? And  Atleast I know my limitations dear.." limitations mo mukha mo! Tigas ng ulo. Ano bang mapapala ko jan? Ano ako nanay? Sermonan siya? Iwwzz!

Buti nalang dumating na 'ying prof namin. Basta etong class na to grabe magpahirap ng students niya. May pa surprise surprise Exam pang nalalaman. Buti nalang talaga matalino ako Sisiw lang yun.

"Binasa mo ba?" Ano akala niya hindi?

"Ano ba sa tingin mo?"

"Malay ko enimini mynimo mo lang pala yon!.." Hinampas ko.   "Ouch bat ang hilig ko mang hampas?"

"Trip ko lang" tumawa ako ng mahina.

"Nakakasakit kaya yang trip mo." Benelatan ko lang ulit siya at nakinig na ulit sa prof.

V A C A N T !

"Punta akong Rooftop sama ka?" Bat ba parang bata to? Kaylangan bang ipapaalam niya lahat ng gagawin niya? Ganto ba to makipag Bestfriend ? Umiling iling lang ako at tinalikuran na siya para makaalis na. Pupunta akong field kasi nandon sila emma ng biglabiglang sumulpot sina Jason at Jake.

"Hi Tayloooor!" Sabay nilang bati, napangiti ako.

"Hi." Sumabay sila sakin sa paglalakad. Inakbayak ako agad ni Jake pero inalis agad ni Jason.

"Hands off dude!"

"Eh? Inggit ka lang kamo!"

"Ulul! Chansing ka lang kamo!"

"Sus! Parang akbay lang eh anong problem don? Bestfriend naman kami eh... Diba Taylor?" Parang batang tanong ni jake.

"Alam ko na style mo oy! Ako din naman Bestfriend niya ah.. Hindi naman ako nang aakbay. Ikaw kasi literal na manyak" Natatawang sabi nanaman ni jason.

Hinayaan ko silang magtalo hanggang makarating kami ng feild. Hindi ba napapagod bunganga nila sa kaaaway?

Maya't maya bago ako makarating sa bench nila Emma kinawayan nila ako. Sakto namang may lalaking bigla-bigla sumusulpot sa harap ko. Nakangiti siya at may hawak na bouquet flower. Para san yan?

Kinunutan ko siya ng noo. "Excuse me?"

"Hoy ano yan!?" Sulpot naman ni jake

"Oo nga! At sino kang kumag ka!?" Dagdag naman ni jake.

Ngumiti lang siya sakin at inabot yon "Para daw po sainyo Miss.Quin" ano daw? Sabi niya 'daw' so ibig sabihin hindi sakaniya galing. Tapos 'Quin' means Close ko 'yon.

Napatingin naman ako sa bouquet at inabot ko na din. "kanino galing?"

"Ah.. Nasa notes daw po" Sabay takbo paalis.

Bubuksan ko na sana pero inuunahan ako nila Jason kaya sinamaan ko sila ng tingin at pinauna sa bench nila emma.

Binuksan ko yung note at agad akong napangiti. Ang ganda pala ng Hand writing niya. Ang kulit talaga ng batang 'yon.

To: Ate ganda Quinyyy

Tomorrow we have a date.. yieeeh! Im so excited! I miss you atee ^.^  I'll pick you up tomorrow after your class okay? Babushh!

Call me. 0977 *** ****

     From:Archea

___________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro