Chapter 40
Taylor's POV
Kasalukuyang akong palabas ng room namin.Pano iniwan ako ng letsheng bestfriend kuno ko. Walang hiya.
"Girls meron daw si Aj dito" Na overheard ko naman sa ka blockmate kong nasa harap kong naglalakad tatlo sila.
"Really? Bakit kaya?" Sabi naman nung nasa gitna.
"Imposible namang dahil kay simon.Balita ko totally moved-on na daw siya"
"Oo nga.Baka naman bibisitain kuya niya?"
"Gosh! Ang gaganda't ang gwagwapo ng lahi nila.. Palahi din kaya tayo?"
"Tumigil ka nga! May girlfriend na yon"
Hindi ko na sila pinansin at inunahan sila. Hindi ko naman kilala sino pinag uusapan nila eh. Tsaka kahit kilala ko wala akong pake. Bat ba ang hilig kasu ng mga pilipino makeelam sa buhay ng may buhay? Syempre kasali ako don pero alam ko parin naman limitasyon ko.
"AAAAAAATEEEEEEE!" Napatalon pa ko sa gulat...Pinag tawanan lang niya ako sabay yakap. "I miss you ateeeee!" Sino na ulit to? Ano na ulit pangalan? Arian? Aris? Ar? Ar? Archea! Tama tama! Archea.
"Oh napadala ka archea?" Sabi ko ng bumitaw na siya sa pag kakayakap.
"Kasi naman si kuya ayaw sumama sakin kaya ako ngayon walang kasama..." parang batang nag tatatadyak-tadyak.Cute ^.^
"Oh tapos?" Sinimangutan lang niya ako.
"Samahan moko ate pleaseeeeeeeeee!" Niyugyug pa niya ko. Hihihihi! Ang cute talaga niya.
"Oo na.San ba?"
"Yeeeeeyyyy! Sa Clark Airline.Tara na ate" hihilain na niya sana ako ng may tumawag sakaniya.
"Hello?.....Oh kuya....Bakit masama?....Yah! Bat kaba sumisigaw!?.... Ayaw mo sumama eh di nag hanap ako ng makakasama.....Bakit? Bawal? Hindi naman si simon pinunta ko dito eh....Kaibigan nga eh!.... nakwento ko na siya sayo...Yah! Bahala ka! Bye!" Binulsa niya agad yung cellphone niya..Hinarap niya ko tsaka ngumiti ng pagkalaki-laki. "tara ate?" Tumango lang ako at hinila na niya ako. Grabe makahatak batang to! Kala mo nanghihila lang ng cart eh *face palm*
"Anong gagawin natin sa Airport?" Tanong ko habang nag byabyahe.Iniwan ko na kotse ko don.Nag paalam narin ako kay kuya na baka malate ako ng uwi.
"Susunduin natin sila grandma at grandpa...Si kuya kasi ang arte.Ayaw sumama. Bahala siya!" Nag pout pa. Lalaki lang ako hinalikan ko na siguro siya. Hahaha ~__~ ano bang iniisip ko?
"Hayaan mo na...Sinamahan naman kita..Bakit? Tamad ba kuya mo?" Aw! Masyado bang personal yung tanong ko? Dapat pala hindi na.
"Oo tamad 'yon! Jerk kasi siya. Tsaka hindi 'yon ang dahilan bakit hindi siya sumama ngayon...Dahil yon sa hindi sila magkasundo nila grandma..Pano? Ang tigas kasi ng ulo. Ang sarap tadyakan!" Natawa naman ako ng mahina. Siya ba talaga ading? O siya yung ate? Grabe mag salita eh.
"San ba galing Grandma at Grandpa mo?" Tanong ko.
"Germany ate" oh. Natry ko na don mga 2months dahil sa business ni daddy. May kakaunti naman akong alam tungkol sa culture nila don.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga bagay-bagay na gusto namin. Gusto daw niya mag shopping next time kasama ako. Nakakatuwa siyang kasama. Ang dami naming similarity. Mga bagay na parehas naming gusto. Magkasundo nga kami sa lahat ng bagay eh. Nakakatuwa kasi para siyang bata oh well kahit ako naman pero mas nakakatuwa pala pag nakita mo sa iba yung pagka childish. Para siyang grade-6 mag-isip HAHAHA! Hanggang sa paghihintay namin sa Airport nag kwentuhan lang kami nang nagkwentuhan. Hanggang sa makita na niya sila lola niya.
"GRANDMAAAA! GRANDPAAAAA!" Sigaw niya sabay lapit sa dalawang matanda. Kahit matanda na maganda't gwapo parin sila. Grabe nung mga kabataan siguri nila habulin sila. Kaso mukhang mga strikto nakakatakot. Nahihiya na nga akong lumapit eh.
"Iha" Inisa-isa ni Archang yumakap sa nga lola't lolo niya. Mukhang close na close sila. Si Archea naman talon ng talon sa tuwa. Nakalimutan na nga ata niyang kasama niya ako. Sa lakas ng bunganga niya pinag titinginan na kami pero wala parin siyang pake. Pansin ko din na halos lahat ng dadaan na mga nagtratrabaho dito nag bobow sakanila.
"Who is she?" Tanong nung lola niya. Yan na ang Taray ng lola niyo. Aalis nalang ata ako. Nakakatakot eh.
"Oh...She's Quin grandma, grandpa.. Ate Quin My Grandma and Grandpa" Lumapit ako tsaka nakipag shakehands at beso-beso sa lola niya habang hinalikan ko sa pisnge lolo nila.
Mali yung ginawa ko. Tsaka mo lang pala yon gagawin pag close kayo. Eh kakakilala lang namin. Nako baka magalit si Lola ni Archea sakin dahil hinalikan ko sa pisge yung asawa niya. Mukha pa namang masungit.
"Your friend is nice iha..She knows how to greet in german. How are you iha?" Tanong sakin nung grandma nila. Kakapusin ata ako ng hangin dahil sa kaba.
"Maayos po... kayo po kamusta ang germany? Nakakastress po ba?" Nako ang tanga ko talaga! Hindi ko sila close pero kung maka Tanong ako dinaig ko pa ata si Archea.
Natawa sila ng mahina. "You're right iha... Nakakastress nga don. Buti nalang napag pasyahan naming umuwi para naman makapag pahinga" sabi ni lolo. Habang naglalakad kami papuntang kotse.
"Ako na po" Volunteer kong magbuhat ng handbag ni lola. Nung una parang ayaw niya pero nung huli binigay din niya tsaka ngumiti.
"You're such a nice lady" She said. Nako lalaki na ata tenga ko dito.
Ngumiti lang ako. "Mabuti nga po nakauwi kayo..Hindi naman po mauubos agad pera niyo kaya Okay din naman po siguro mag relax muna" napangiti sila sa sinabi ko.
Pumunta kaming isang 5star restaurant para kumain. Nagkwentuhan silang mag lololo't mag lolola. Hinayaan ko muna silang mag bonding pero nadadamay ako sa tawanan nila. Kahit din ako minsan nag bibiro. Sana ganito nalang si Grandma. Siya kasi mukhang mabait pero ubod ng sungit buti nalang meron su grandpa para ipagtanggol ako pag napapagalitan pero mas madalas na maunder kay lola kaya kahit siya nag gagalit-galitan narin.
Para parin silang mga nasa 30's kung maka tawa at makabiro. The way they act. Hindi mo maiisip na matanda na sila. Ang hehealthy ng katawan. Lalo na si lola grabe laging mag poise ang galaw.
"Nga pala where's jix?" Tanong ni lolo.
"Ahmmm.... Busy po kasi lolo eh. Lalo ngayon laging may ginagawa sa univ. nila" sagot naman ni Archea.Hindi siya magaling mag sinungaling. Namumula siya eh.
"You're hiding him again. That kid! Kelan ba titino yang kuya mo? I wanna talk to him. Sabihin mo pumunta siya ng mansion kung hindi icucut ko lahat ng allowance niya" Awoo! Nakakatakot magalit yung lolo niya.
"At anong ginagawa niya? Seems like that's more important than us" Sabi naman ng lola niya.
"A-ahh hindi po sa ganon Grandma. Hayaan niyo po sasabihin ko mamaya" Sabi ulit ni Archea.
Tumayo na si lolo "thats good. Let's go honey..We need to take a rest. Bukas na kayo mamasyal ng apo mo o sa weekends. Mga amigas mo na muna unahin mo para sa weekends family date lang" Seryosong sabi niya at lumabas na.
Nagkwentuhan parin sila ng nagkwentuhan hanggang sa makarating kaming Mansion nila..Ang gandaaa.... Wow! Wow na wow! Halos lahat ng gilid may ilaw.
Tapos yung garage nila puno ng magaganda at mamahaling kotse grabe nagagamit nila lahat yan? Yung garden nila parang mag enchanted forest sa ganda. Ang daming flowers na colorful. Lahat ng servants naka pila. Ganyan talaga pag bagong datin yung may-ari.
Pinapasok muna nila ako. Nagpalit muna sila lolo't lola.. Habang naiwan kami ni Archea sa sala. Kanina niya a sinasabing huwag akong kabahan. Medyo lang naman. Lumala lang nung nagalit si grandpa niya.
Maya-maya lumabas narin sila.
"Gusto niyo bang dito na kayo mag dinner? Mag kwentuhan muna tayo habang hinihintay si Jix" sabi ni Grandma.
Umiling ako agad "Sorry Grandma but I need to go. My family might worried about me." Sabi ko.
"Ganon ba? Sayang naman ilalakad sana kita kay jix baka sakaling tumino" Natigilan naman ako sa sinabi ni grandpa.
"Grandpa...Baka mailang siya" suway ni Archea.
"Bakit? Masama ba? Baka nga magtino yung kuya mo dahil kay Quin" tumawa pa silang dalawa geez! Mukha silang bata.
"Grandpa! Grandma!" Suway ulit ni Archea.
"Okay..Wait me here quin" sabi ni Grandma at umalis muna.
"So ano uuwi kana?" Tanong ni grandpa sakin. Ngumiti ako't tumango. "Gusto mo sumama sa weekends?"
"Wow! Thats a great idea grandpa! Sama ka daw ate" Archea giggled.
"Nako wag na archea...Nakakahiya family date 'yon nalakahiyang magpakita sa mga relatives niyo"
"Don't mind them iha. Ako naman ang nagsunggest non" sabi ulit ni Grandpa.
"Yiiiiih! Im so excited naaa! Ano ate? Sige na payag kana! Pleaseeeeeeee!" Yan nanaman yang please nayan eh. Nakakahatak. Napangiti ako't tumango kaya naman nag tatatalon at nag sisisigay ni Archea napagalitan tuloy kay grandpa. "ops sorry..Im just excited hihihihi!"
"Quin. I bought this from Germany... This is for you, for being such a nice lady" nakababa na pala si Grandma.
Inabutan niya ko ng bag wow!
Isang Mouawad hand bag. Grabe ang mahal neto...
"Wow" I murmur.
Grandma chuckled "That's all is for you..Gamitin mo yan sa Saturday"
Napakunot noo ako. 'All' daw ba? Ibig sabihin may laman pa to? Binuksan ko at hindi nga ako nag kamali. May 1set make-up kit ,chocolates, Cookies and a Blue cocktail dress.
"Omoo! Thank you poo" Sa tuwa ko napayakap ako kay Grandma aalis na sana ako pero niyakap niya ako pabalik at tinapik-tapik pa.
"Your welcome iha.. Sige na mauwi kana. Basta sa Saturday ah?"
"Opo" napangiti ako.
"Ingat ka apo" sabi ni grandpa.
Ngumiti ako't lumapit "Kayo din po grandpa" Humalik ulit ako sa pisge. At naki pag beso-beso kay Grandma.
We bid our goodbyes and thank you to each other.
Hinatid ako ni Arche sa driver nila.
"Sorry ate hindi na kita mahahatid ah? Papahatid nalang kita sa driver namin.."
"Okay lang..Ikaw naman...Sige una na ako ha?"
She smiled and hugged me "Thank you ulit ateee! Next time ulitt" she giggled.
"Welcome. Bye archea." I wave so she did. Nakangiti pang kumaway kaway at nagtatatalon pabalik ng mansion.
Nakakatuwa naman sila. ^.^
Sana ganyan din sila grandma at grandpa..
Ah mali.
Sana ganyan din yung pamilya ko 💔
___________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro