Chapter 11
Austin's POV
Pagkalabas na pagkalabas ni Taylor agad kong kwenelyo si Archy. Wala na kong pake elam kung siya man ang leader namin.
"Gago ka Arki!" Sigaw ko sa mukha niya. Agad ko siyang sinuntok.Kasabay non ang pagsigaw ng mga tao sa Cafeteria! Isa din sila mga gago! Pinag kaisahan nila kapatid ko!
"Awat na Austin" hinila ako agad ni jason at jake.
"Bitawan niyo ko! Lulumpuhin ko yang gagong yan!" Nag pupumiglas ako pero tatlo na silang naka hawak sakin kasama na nila si kevin.
Si Luis at Rex inaalalayan yung gagong to. Hindi panga nalulumpo eh!
Ang kapal ng mukha ilagay sa hunt list pangalan nang kapatid ko! Nang hindi ako tinatanong! Kung hindi ba naman siya hayop!? Nang gigigil ako p*ta!
"Ano bang problema mo!?" Galit na tanong niya
"Aba! Eh sa bobo ka pala eh! Nag tanong ka pa!!!" Wala na kong paki kung yung boses ko abot labas na sa lakas.
"Eh sa brat yang taylor na yan eh!"
"Anong sabi mo!!!?" Inawat nanaman ako ng tatlo.
"Tama na dude!" Hindi ko sila pinansin at nagpumiglas.Sinuntok ko nanaman si archy tsaka ulit nila ako hinila palayo sakaniya.
"Tama na pare!" Sabi nila.
"Bitawan niyo ko!" Sigaw ko pero hindi sila nakinig.
"Sa rooftop tayo pag usap!" Sabi ni rex.
Gustong gusto ko na siyang lumpuhin.Isa siyang malaking gago! Hayop siya! Ang kapal ng mukhang gantuhin yung kapatid ko!!
Hindi maalis sa mukha ko yung galit!
Nakikita ko parin yung mga nakakatakot na mukha ni taylor.
Anong nangyayare sa kapatid ko!? Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.
Ayaw ko mang aminin pero sa mga ngiti niya kanina para siyang nababaliw.
Ibang-iba na siya. Hindi ko pa siya nakitang ganto! Hindi ko tanggap na kaya yun gawin ng kapatid ko!
Mabait siya! Mabait!
Ibang iba na siya!
Jusko nag mamakaawa ako! Ibalik niyo sana yung dati kong kapatid! Para niyo nang awa!
Hindi ko na siya kilala.
Kapatid niya ko pero kahit ako hindi ko alam kung bakit siya nag kakaganto!
Nasa rooftop na kami.Nagsindi agad ako ng yosi para kumalma.
"Alam ko pare na galit ka. Sorry" kumalma ako.Hindi siya mahilig mag sorry.Minsan lang kaya alam kong totoo pero hindi non maalis yung galit ko.
"Alam mo bang pinag mukha mong tanga yung kapatid ko!? Ni hindi ko na siya kilala ng dahil don!!" Napa upo ako.Habang humihithit nanghihina ako. Hindi ko tanggap na kapatid ko kayang gawin ang mga bagay na yon.
"Alam ko.Sorry" mahina lang yung boses niya.Iniwan muna nila kaming dalawa dito para makapag usap pero bago sila umalis sinuguro nilang kalma na ako.
"Sana tinanong mo ko arki! Kapatid ko yun eh! Kapatid ko!" Sht p*ta naman eh! Naiyak ako! P*ta bakit? Hindi dapat ako umiiyak!
"Pasenya na talaga"
"Alam ko naman na siya pa lang yung nakakabara sayo! Alam kong first time mong mabara! Alam kong galit ka sakaniya! Alam kong hindi ka sanay! Alam kong hindi mo tanggap! Pero sana sinabi mo sakin diba? Hindi sa gantong paraan" kinalma ko muma yung sarili ko "Hindi ko na siya kilala arki!" P*ta yan na! Naiyak talaga ako!
"What do you mean?" Kunot noo niyang tanong.
"Hindi siya ganon Archy! Hindi siya ganon! Hindi siya yung taylor na kilala ko! Hindi na siya yung kapatid ko! Ano bang nang yayare sakaniya" bigla akong napaisip.Siya lang ang pwedeng maging dahilan nang pagigiling ganto ni Taylor! Wala na akong ibang sisisihin kundi siya! Mapapatay ko yung kumag na yon!
Sa pananakit niya sa kapatid ko lahat ng minahal namin kay taylor wala na! Walang wala na! Mapapatay ko talaga siya!
Napatayo ako napatingin sakin si Archy.
"Anong gagawin mo?"
"Pupunta akong korea! Papatayin ko si kyle!" Paalis na sana ako kaso pinigilan ako ni Archy.
"Tama na Austin! Kumalma ka muna!"
"Fvck! Pagnakita ko yung gagong yun ipapagiling ko talaga siya! Ang kapal ng mukha niyang baguhin yung kapatid ko!?" Napaupo ulit ako.Tumingala ako para mapigilan yunh luhang papatak na.
Umupo sa tabi ko si Archy..
"Tingin mo ba pag napatay mo siya babalik si taylor sa dati?" Napatingin ako sakaniya.
"Huh! Nagpapatawa kaba arki !? Syempre hindi! Pero maibabaling ko sakaniya lahat ng galit ko! Kayang kaya kong pumatay para sa kapatid ko!"
Hinawakan niya yung balikat ko.
"Wag mong dumihan yang magaganda mong kamay, Sige ka mag kaka kalyo na yan!" napangiti ako ng wala sa oras.
Bolero o Bolera lang talaga makakapag patahan sakin.
>>>>>>>
Taylor's POV
Nasa loob ako ngayon ng cubicle.Hindi para umihi kundi umiyak.
Ayoko ng ganto! Hindi dapat ako umiiyak! Malakas ako!
*splaaaaaaash*
Nabasa ako pero hindi lahat.
May nag saboy ng tubig sa kabilang cubicle.Nakapag palit nako pero mababasa ulit ako? Alam ko namang ako yung pakay nila nag kamali lang sila ng sinabuyan.
Lalabas na sana ako nang may sumigaw sa kabing cubicle.
"WHAT THE HELL!" Alam ko kung kaninong boses yon. Lumabas siya.
Nagtawanan sila sa labas.
"Anong bang problema mo megan!?" Sigaw niya
"Ikaw! Ikaw ang problema ko Charise! Akala mo ba hindi ko napapansin pagdikit mo sa Sevenist!? Hindi yun dahil sa kuya mo! Kundi dahil kay Rex!" Sigaw ni megan
"A-ano bang pinag sasabi niyo!!"
"Wag kang magmaang maangan pa Charise! Akin lang si Rex!" Hindi yun boses ni Megan.Isa siguro sa mga alipores niya.
"Sayong sayo lang..Hindi ko siya inaagaw! Isasak mo sa baga mo abby! Tabi nga!"
"Jan kalang!"
"Ouch!" Daing ni Charise
"Akala mo siguro hindi kita macocorner no? Dahil lang naman kay fafa austin kaya ako nag titimpi sayo!" Sigaw nung abby
"Pasalamat nga kami may malaking gulo sa Cafeteria eh! Hindi niya kami makikita dito" nagtawanan sila nang mga alipores niya
"Wag na kayong mag sayang ng oras! Wala naman kayong mapapala sakin eh! Tumabi nga kayo!" Sigaw ulit ni Charise.
"Aba talaga lumalaban ka ah!"
"Sorry ka nalang pero akin ka muna ngayon!" Sigaw nung abby.
"Aray!! Tama na!!! Aray ko!!!" Daing ni Charise.Rinig pa yung pag iyak niya.
"Bagay yan sayo!" Sigaw nung abby!
"Maligo ka muna!"
Hindi nako nakapag timpi Lumabas ako sa cubicle ko.
Lahat sila natigilan at napatingin sakin.
Tinignan ko si Charise umiiyak siya sa gilid at basang-basa.Nagagalit ako.
"Alam niyo bang galit ako sa mga taong pumapatol nang walang kalaban laban?" Pahinahon pero galit kong tanong
"Eh ano naman ngayon? Akala mo takot ako sayo dahil sa ginawa mo sa Cafeteria?" Taas kilang na tanong ni Megan..
"Oo nga! Tsaka niyakap kapa ni Austin! Sabi ko na nga ba malandi ka eh!" Sabi nung alipores niya.
Ngumisi ako sakanila. "Eh ano ngayon kung malandi ako? Takot ba kayo mawalan?" Naka ngiti kong tanong.
"Malandi ka talaga!" Sigaw nung ali.niya
"Sabi niyo eh"
"Lupet mo rin eh no? Kabago-bago mo nag sisimula ka ng panibagong pangalan!" Sigaw nung abby
"Pasikat!"
"Malandi!"
"Higad!"
"Sigee sabihin niyo na lahat...Takot lang kayo eh!" Nakangiti kong sabi.
Mas lalong nangunot noo ni megan kaya lumapit siya.
"Alam mo? Mas masaya pag dalawa ang laruan namin ngayon. Diba girls?" Tumawa pa sila.
"Korek!"
"Tumpak!"
"Oonga!"
"Ingudngud mo na yan megan!"
"Ganon ba? Sa tingin ko rin mag eenjoy kami ni Charise na ilampaso yang nga mukha niyo sa sahig pamunas sa binasa niyo" ngumiti ako tsaka lumapit kay megan "Ang ganda mo pa naman kaso mas maganda kang pamunas! pero kung aalis kayo papalampasin ko muna to! Kawawa ka naman eh!" Tumawa ako ng nakakaasar.
Usok! Usok nalang kulang para mag mukha na siyang dragon! Hahahaha! Nakakatuwa yung mukha nila.Takot sila alam ko! Tinatago lang nila yon.
"Sino ka naman para paalisin ako dito ah!?" Nanginginig na siya pero nakuha pa niyang mag taray.
"Sino ako? Ako lang naman si Taylor.Sa dami kong pera pwedeng pwede kong bilhin ang school na to para lang mapatalsik ka! Kayong lahat! Kaya bago pa ko maubusan ng pasensya umalis na kayo!!" Sa puntong yun napa atras sila. "ALIS!" Parang kabuteng nagtaakbuhan ang mga gaga! Tumawa lang ako Napatingin kay Charise. Hindi siya makatingin sakin ng deretsyo.
"S-salamat taylor" ngumiti ako sakaniya.
"Gusto mong Icecream?"
___________________________________
VOTE
COMMENT
FOLLOW
March 04 2020
C-11 > Updated
ENJOY READING BEE'S❣️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro