Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Thank you for supporting Aslan and Tatiana's story. I hope you enjoy their love story. Thank you and God Bless:)

**

Malaki na ang tiyan ni Tatiana at halos kabuwanan na rin niya. Anytime, she’s going to give birth with their first born.

Nasa kusina si Aslan, nagluluto ng tanghalian. Samantala, nasa hardin naman si Tatiana at wala ang tatlong mga bata dahil may pasok ang mga ito.

Mabuti na lamang at pinayagan silang lumipat at mag-enroll sa isang sikat na Unibersidad sa Manila at dahil na rin sa koneksyon ni Aslan kaya mabilis na nakapasok ang mga ito sa paaralan at nakahabol.

Payapa siyang naglalaro ng kung ano sa kaniyang cellphone nang makaramdam siya ng biglaang pagkirot ng kaniyang tiyan at tila nakaihi siya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi siya tumayo at tinawag ang pangalan ni Aslan.

“Aslan!” sigaw niya. “A-Aslan! My water bag just broke!” She shouted again.

Aslan panicked when he heard his fiancé shouting his name. Pinatay niya ang kaniyang niluluto at mabilis na tumakbo patungo sa hardin.

Natagpuan niya si Tatiana na hawak ang kaniyang tiyan at basa na rin ang kaniyang maternity dress.

“W-What happened, love?” nauutal na tanong niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Tatiana. “Tangina, manganganak na ako!” nahihirapang sigaw nito.

Tila napako sa kinatatayuan niya si Aslan. What Tatiana had said was still processing through his mind.

“M-Manganganak, manganganak ka na?!” gulat na gulat ang ekspresyon niya. “Shit! What should I do? Shit! Shit!” kinakabahan at natutulirong sambit niya.

Naging aligaga siya sa paligid, hindi niya alam kung ano ang uunahin niya. Bumalik lamang siya sa tamang wisyo nang pingutin ni Tatiana ang kaniyang tainga.

“Tangina mo! Hindi ko ilalabas itong anak mo kung tutunganga ka lang riyan!” inis na sigaw ni Tatiana kahit humihilab na ang kaniyang tiyan.

Napalunok si Aslan at mabilis na binuhat si Tatiana patungo sa kaniyang kotse. Maingat niya itong inilapag sa upuan bago umikot sa driver seat.

“’Yong gamit?! Hindi mo ba hinanda?!” inis na bulyaw ni Tatiana sa kaniya.

Itinuro niya ang backseat. “Kahapon pa nakahanda ang gamit.” Sagot niya at pinaandar ang kotse.

Nagkusang bumukas ang gate ng bahay kaya naman, maingat rin ang kaniyang pagmamaneho patungo sa hospital.

Mahigit kinse minutos lang ang kaniyang pag-drive at nakarating agad sila ng hospital. Ipinarada niya ang kotse sa harap at mabilis na umikot patungo sa passenger seat at binuhat si Tatiana.

“Nurse! Nurse! Manganganak na ang fiancé ko!” sigaw niya sa lobby.

Pinagpapawisan siya, kinakabahan ngunit pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. Dinaluhan agad sila ng Nurse at isinakay sa hospital bed at isinugod sa delivery room.

Pagpatak ng ala una ng tanghali, nagsimula na ang proseso ng panganganak ni Tatiana. Nasa tabi lang siya ni Aslan, hawak ang kaniyang kamay.

“Tangina mo, Lewis! Hinding-hindi ka na ulit makaka-isa sa akin!”

Umire si Tatiana dahil na rin sa utos sa kaniya ng Doctor.

“Ayos lang, love. As long as safe kayo ng anak natin.” Sinserong usal ni Aslan.

“Ire lang, misis, malapit na, nakikita ko na ang ulo ng bata.” Sambit ng OB.

Umire naman si Tatiana at mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Aslan. Halos bumaon na rin ang kuko nito ngunit hinayaan lamang ni Aslan dahil naisip niyang mas nahihirapan si Tatiana ngayon.

Isang malakas na ire ang lumabas sa bibig ni Tatiana, gayundin ang paglabas at pag-iyak ng kanilang anak.

Napangiti si Tatiana at hinaplos ang pisngi ng kaniyang anak bago ito linisan ng mga Nurse.

Pagkalipas ng dalawang oras na paghihintay ni Aslan, tinawag siya ng Nurse patungo sa nursery.

He checked his baby, he’s already clean. He also made sure that it’s his son. At nang makumpirma ay binuhat na niya ito.

“A-Anak ko…” bulalas ni Aslan nang makita ang kaniyang anak. “Ang guwapo naman ng anak ko.” Pagkausap nito at nilalaro ang kamay.

Nang makapasok siya sa loob ng pribadong silid ni Tatiana ay naupo siya sa tabi nito. Tulog pa si Tatiana dahil napagod ito sa panganganak kaya hinayaan na lamang niya.

Nilaro-laro niya ang kaniyang anak habang may ngiti sa kaniyang labi. Paglipas ng ilang minuto, bigla na lamang itong umiyak at naging aligaga si Aslan dahil hindi niya alam ang gagawin.

Inihele niya ang kaniyang anak ngunit ayaw pa rin itong tumigil.

“Tahan na, anak… magigising si Mommy mo,” sambit niya habang pinapatahan ito. “Narito naman si Daddy, hayaan muna natin si Mommy na magpahinga.” Malambing ang kaniyang boses.

Nagulat si Aslan nang magsalita si Tatiana sa likod kaya agad siyang humarap rito.

“Gutom na siya,” sabi ni Tatiana. “I’ll breast feed him.”

Iniabot ni Aslan si baby Asle kay Tatiana. Pinanood lamang niya ito habang pinapa-breast feed ito ni Tatiana.

“Are you okay, love? Do you feel something?” His tone was worried.

Tatiana looked at him and smiled. “I’m good, love.” She then looked at her son. “Ang guwapo naman ng anak ko,” bulalas niya.

Aslan smiled. “Guwapo kasi ang tatay,” he joked.

Tatiana rolled her eyes. “Ang yabang mo naman,” she laughed. “Have you called Ryan?”

Aslan nodded his head. “Yes, love. They’ll be here any moment.”

Tumabi si Aslan sa kaniyang mag-ina. Hinalikan niya ang noo ni Tatiana at nginitian ito.

“Thank you, love…” he whispered.

“Hmm, for what?”

“For giving me a chance to prove my better self and for giving me our son and also, for having you in my life.”

Natawa si Tatiana. “Sus! Ang drama mo, hindi ako sanay.” Biro pa niya.

“Masasanay ka rin, love. Because from now on, I am not the Aslan—the playboy you’ve met before. I am now a father, who will take responsibility.” He said, sincerely.

“The kids, I want to adopt them as my child.” Tatiana said out of nowhere.

Aslan sighed. “No worries, love. Nakakapit na ang apelyido ko sa kanila,” Aslan winked.

Nagtubig ang mata ni Tatiana. “I actually want a big family. Pakiramdam ko kompleto na ako kasi nariyan ka, narito si baby Asle at ang tatlong mga bata.”

“They are finally our kids, love…” Aslan cried too.

Tatiana was about to speak when the door opens and the three went in, happily.

“Mommy!” sigaw nilang tatlo.

Lumukob ang saya sa puso ni Tatiana nang tawagin siya ng mga ito bilang nanay nila. Wala siyang masabi, nakatulala lamang siya habang pinagmamasdan ang tatlo na masayang-masaya habang nilalaro ang bunsong kapatid nila.

“Are you happy, love?” Aslan asked, hugging her.

“I’m beyond happy and complete, love,” Tatiana replied as she looked at Aslan.  “How about you? Are you happy?”

Aslan nodded his head and pulled her closer to him and gently planted a soft kiss on her forehead down to her lips.

“Masaya ako, love. Masayang-masaya akong bubuo ng pamilya kasama ka, kasama ng mga anak natin.” Sambit niya, seryoso at puno ng galak sa tono nito.

Sa loob ng dalawang buwan, natapos rin ang preparasyon para sa kasal nila. Race is their ring bearer, best man naman ni Aslan si Trent at Radion na nagpumilit pa na pwedeng dalawa ang best man. Bridesmaid naman ni Tatiana ang best friend niya noon.

Their wedding was magical. It’s a red and black theme. It was aesthetic. Punong-puno ng tuwa ang puso ni Tatiana. Nag-uumapaw ang saya sa loob-loob niya.

Habang naglalakad patungo sa altar, patungo kay Aslan, hindi niya mapigilan ang lumuha.

Still, she couldn’t believe it. That their wedding was too magical and extravagant. Two months is not enough to prepare all of it but Aslan made her dream wedding.

“I, Aslan Yael Lewis, take you Tatiana Morgan to be my lawful wife, to have and to hold, to be contented and genuinely happy, I take you for the rest of my life.” Aslan said to her as he slid the ring in her finger.

The crowd cheered for him.

It was Tatiana’s turn to accept him as her lawful husband.

“I, Tatiana Morgan, accept you Aslan Yael as my lawful husband, to have and to hold, for richer or poorer, I’ll hold your hand and never let it slip. I take you for the rest of my lifetime.”

And the time has come that they are waiting for, their exchange of vows.

Tatiana started, her tears streamed down her face as Aslan wiped it.

“I’m a fool at first, didn’t know what love is. But when I met you, I didn’t know what had happen to me but I fell for you. I have flaws in life, I’m not perfect and not a wife material but here we are today, you’re marrying me, making me as your other half. I vow to love, cherish, and protect this marriage until our last breath. No matter what problems we were facing, don’t let this magical marriage be ruined. I love you, Aslan, for my whole lifetime. You’ll always be the part of me, even if you played with my heart before but now, we are the one playing with our fate together. Let’s fight for our love and make it stronger. I will love you always, love.”

Aslan was a little bit distracted with Tatiana’s vow but it made him smile. It made him happy and he felt a thousand reasons to cherish their marriage.

It was God’s perfect gift. They have a family to build, friends to be acknowledged. Sons and daughter to be loved and lessons to learn.

Their love story wasn’t easy. It is full of pain, hardship, whirlwind relationship but even if it’s not easy, they end up with each other.

“I am not a perfect man, I had flaws and mistakes but I promised to respect, love and cherish you until my last breath. I promise to be your shield, to be your knight, and  to be your king that will stand beside you.” Aslan added as he bit his lower lip to suppress his tears. “Mahal kita, love. Habang buhay lang kitang mamahalin kahit pa sa kabilang buhay…” Finally, Aslan end his vow.

Itinaas niya ang belo ni Tatiana, sinimulan niyang haplusin ang pisngi nito at dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha.

Banayad ang halik na iginawad niya at punong-puno iyon ng pagmamahal na halos walang tutumbas na kahit ano.

“I marked you, I married you,” Aslan whispered. “You’re my Queen, who will I follow. You’re the ruler of me, and I am a knight, a king to obey you, my love.”

As the ceremony ended, it’s time to party. A happy hour for the newlyweds. Buhat-buhat ni Tatiana ang kaniyang baby Asle habang ang tatlo niyang anak ay masayang nakikipagtawanan sa mga bisita nila.

Lumapit sa kaniya si Aslan at pasimpleng hinaplos ang kaniyang beywang.

“Masayang-masaya ako na makasama ka sa habang buhay, love.” Sabi ni Aslan.

Ngumiti si Tatiana at tiningala ang asawa. “Masaya rin akong ikaw ang kasama ko hanggang sa dulo ng ating walang hanggan. Mahal kita.”

Sabay nilang pinagmasdan ang mga importanteng tao na naging parte sa buhay nila. Mga kaibigan at ang kanilang mga anak na nagkakatuwaan.

“I love you so much, Mrs. Lewis…” Aslan whispered in between their kisses. “I will always love the four of you.”

—End—

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro