Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Kumatok si Tatiana sa opisina ng kaniyang boss upang magpaalam na uuwi na. Mula kasi noong lunch ay hindi pa lumalabas ang mga ito at ngayon lamang siya magtatanong kung may ipag-uutos pa ang kaniyang boss.

Nauna na ang kaniyang mga kasamahan kaninang alas singko at dahil ayaw niyang masesante, hinintay niya na lumabas ang dalawa ngunit wala na siyang mahintay.

Walang sumasagot kaya binuksan niya na ito ngunit napaawang ang kaniyang bibig nang makita ang dalawa na naglalampungan sa ibabaw ng kaniyang lamesa.

Umirap ito at iniwas ang tingin sa dalawa. "Mauuna na akong umuwi kung wala na po kayong ipag-uutos, Mr. Lewis. Pasensya na sa abala." Paalam at paumanhin ni Tatiana. "Maaari niyo nang ituloy ang naudlot niyong lampungan."

Tumalikod na ito at dire-diretsong umalis sa huling palapag. Sumakay siya sa elevator at pugto ang kaniyang hininga nang makarating sa ibaba.

"Fuck, wala lang 'yon Tatiana. Namamalik mata ka lang." Usal niya at pinaypayan ang kaniyang sarili bago tumungo sa harap ng building at naghintay ng masasakyan.

Pasado alas sais na at wala pa rin siyang nahintay. Naglakad-lakad siya ngunit nahagip ng kaniyang mata ang sasakyan ng kaniyang boss kaya nagmadali itong maglakad.

"Hey, woman. Stop right there!" Rinig niyang sigaw ni Aslan.

Nagdiretso lamang ito sa paglalakad tila walang naririnig na tinig. Bakas ang iritasyon sa mukha ni Aslan nang hindi ito pansinin ni Tatiana. Itinabi niya ang sasakyan dahil patungo na sa madilim na bahagi si Tatiana. Hinabol niya ito dahil nakita niyang may mga lasing na makakasalubong si Tatiana.

"Hey, Tatiana. Let me drive you home!" Pagalit na usal ni Aslan.

"Huwag mo akong sundan, Mr. Lewis. Please lang, ihatid mo na lang ang girlfriend mo." Kalmado ang boses nito.

"Don't be stubborn, Tatiana. I will send you home!" Pamimilit ni Aslan.

Tumigil sila, hinarap siya nito. "Kaya kong umuwi mag-isa ng walang naghahatid sa akin."

Napakuyom ang kamao ni Aslan nang nagtuloy-tuloy ng lakad si Tatiana. Huminto ang dalawang lasing sa harap ni Tatiana na pilit nilang hinahawakan ngunit iniiwasan niya ito.

Lumapit siya sa mga ito at hinapit ang beywang ng kaniyang sekretarya. "Go away, idiots. She's mine!" Galit na singhal niya sa dalawang lasing.

"Ang ganda namang ng shota mo, pare. Patikim naman kami." Usal ng lalaki.

Galit ang namayani sa mukha ni Aslan. Sinuntok niya ang lalaki. "Anong sabi mo?! Bastos ka, ah!" Saad niya at sinusuntok ang lalaki.

Inaawat siya ni Tatiana dahil dumudugo na ang mukha ng lalaki pero ayaw paawat ni Aslan.

"Putangina mo, piliin mo ng mabuti ang sinasabihan mo ng kabastusan, tarantado!" Inis na singhal nito bago tantanan ng suntok ang lalaki.

"Aslan, tama na!" Sigaw ni Tatiana. "Ano ba?! Tumigil ka na."

Napatigil si Aslan. Tumayo ito na pawis na pawis. Hinihingal at tumataas baba ang kaniyang dibdib. Aambahan pa sana niya ng suntok ang kasama nito ngunit napigil iyon sa ere nang hawakan ni Tatiana ang kaniyang braso.

"Sa susunod na bastusin niyo ang babaeng ito, sa korte tayong lahat magkikita kita." Banta niya bago hilain sa beywang ang kaniyang sekretarya.

Nanatiling walang imik si Tatiana pagkadating nila sa kotse ni Aslan. Pabalibag na binitawan ni Aslan ang beywang nito at napahilamos sa mukha.

May bahid ng dugo ang kaniyang kamay at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Tatiana. Nais niyang hawakan ang kamay nito para linisin ang sugat ngunit hinawi iyon ni Aslan.

"Don't..." Malamig na pigil nito. "Don't touch it. It's nothing."

"But your hand is bleeding, sir. I'm just gonna clean your wound." Tatiana insisted.

Aslan sighed. "No thanks," he said, opening the passenger seat door. "Get in." Matigas na utos nito.

Hindi sumunod si Tatiana. Nanatili lamang itong nakatingin kay Aslan na walang emosyon.

"I said get inside the fucking car, Tatiana. Hindi mo ako magugustuhan kapag ginalit mo pa ako ng sobra, tangina!" Aslan is being frustrated by now.

Agad na tumalima si Tatiana dahil sa takot na baka saktan siya ni Aslan. Wala naman siyang magagawa kapag nagmatigas pa ito sa kaniyang boss. Pero labis ang kaniyang pagtataka na hindi kasama ng kaniyang boss ang girlfriend nito.

Natakot siya nang makita na walang bahid ng emosyon sa kaniyang mukha at sa pagalit na tono nito. Tatiana seated and sighed inside the car. Pabalibag na isinara ni Aslan ang pinto dahilan para magulat ito sa kaniyang kinauupuan.

Umikot si Aslan at sumakay sa driver seat. Bumuntong hininga ito bago paandarin ang kaniyang sasakyan.

Tahimik lamang sila sa biyahe. Nais magsalita ni Tatiana ngunit ramdam niya ang pagiging malamig ng kanilang paligid. Malamig rin sa loob ng sasakyan na tila magkakaroon ng nyebe sa loob nito.

Ilang beses pa siyang bumuntong hininga bago magsalita. "Sir Aslan...uh, ano salamat." Ani nito.

Hindi nagsalita si Aslan kaya tumahimik na lang siya at sumandal sa may bintana. Sa kabilang banda, pasulyap-sulyap si Aslan sa kaniyang sekretarya.

Rinig niya ang sinabi nito kanina ngunit ayaw niya itong pansinin dahil baka may masabi lang siya na hindi kanais-nais.

"Pasensya na sa abala...sana kasi hindi ka na sumunod, napahamak ka pa." Nauutal na sambit ni Tatiana.

Nagtataka rin ito kung bakit pa niya sinundan ang kaniyang sekretarya pero nang maalala niya ang bet ay doon lamang siya natauhan. Gusto niyang magpa-good shot sa kaniyang sekretarya para magawa ang bet.

Lihim siyang napangiti bago tumingin sa direksyon ng dalaga at nagsalita.

"Mas hindi ko gugustuhin na ikaw ang mapahamak, Tatiana." Saad nito habang seryoso ang mukha.

Bakas ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Tatiana. Umiwas ng tingin si Aslan at dumiretso ang mata niya sa daan.

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarating na sila sa daan patungo sa bahay nito. Inihinto niya ang sasakyan sa tabi at akmang baba ng sasakyan ngunit pinigilan siya ni Tatiana.

"Hindi mo na kailangan pa na ihatid ako sa bahay ko. Salamat na lang sa paghatid." Seryoso ang boses ni Tatiana habang naka-iwas ng tingin rito.

Kumunot ang noo ni Aslan. Nagkunwari na concern ito kahit ang totoo ay hindi naman.

"Ihahatid kita, baka may mangyaring masama sa iyo, konsensya ko pa."

Bumuntong hininga ang kaniyang sekretarya. "Sinabi ko ba na konsensya mo pa kapag may nangyari sa akin, Mr. Lewis?" Pabalang na tanong nito. "Huwag kang feeling concern, akala mo naman totoo. Stop being pretentious, it's not your forte. It doesn't suit you." Ngumiti ng mapakla si Tatiana at bumaba na sa sasakyan ng kaniyang boss. "Salamat at ingat na lang sa daan. Huwag ka sanang tatanga-tanga."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro