Chapter 6
"O baka naman ihahanap pa kita ng babaeng papasukan niyang saging mo?"
Aslan felt embarrassed and annoyed upon Tatiana's mouth.
"Wala talagang preno bibig mo, ano?" Sarkastikong tanong niya.
Sinamaan siya nang tingin ni Tatiana. "Mukha bang sasakyan ang bibig ko?"
"Hindi, pero mukhang machine gun." Pang-asar ni Aslan.
Natigilan si Tatiana, ikinuyom nito ang kaniyang kamao at tinalikuran na lamang ang amo niyang ubod ng yabang. Hindi na niya alam kung bakit ganito siya i-trato ni Aslan samantalang noon ay hindi naman siya nito pinapansin.
Naiwan si Aslan na may pilyong ngiti sa labi. Napailing na lamang siya at nagtipa na lang sa kaniyang laptop. May meeting pa siya mamaya kaya naman inutusan niyang muli ang sekretarya niya na ipagtimpla siya ng kape.
"Coffee, please," saad niya sa intercom.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Tatiana at ibinaba ang tawag. Ngumisi ulit ito nang makapasok si Tatiana na may na kape.
"Kape mo, Mr. Lewis."
Pabalang na ibinagsak ni Tatiana ang kape at kamuntikan pa na tumilapon sa kaniyang kamay. Kumunot ang noo ni Aslan dahil doon.
"What the fuck, Tatiana! Be careful naman!" He shouted.
Tinaasan siya ng kilay nito. "Kung makasigaw ka, akala mo kung nasa bundok ka. Kaharap mo lang ako, sir. Wala ka sa kabilang ibayo."
"Baka gusto mong ikaw ang bayuhin ko?" Nanghahamon na usal ni Aslan.
Napairap si Tatiana sa pagiging bulgar ng kaniyang boss. "Kung ikaw lang rin naman ang babayo sa akin, sasayaw na lang ako sa club."
Bahagyang nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ni Tatiana. Hindi niya lubos kagustuhan na iba ang bumabayo sa sekretarya niya. "Subukan mo lang, Tatiana. I will not just sit here just to watch you being fucked by other men." Malamig na sambit nito.
"Dream on, Mr. Lewis. Hindi ka makaka-isa sa akin kahit kailan. Lumuhod ka man o umiyak ng dugo."
Aslan smirks. "If I did, ikaw ang paluluhurin ko at sigurado akong iiyak ka sa sarap."
Tinalikuran siya ni Tatiana at inis na nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Hinigop na lamang niya ang kape na tinimpla ni Tatiana at iyon na yata ang kapeng hinahanap ng dila niya.
"Hmm, tastes good." Usal niya.
Nagsimula ang meeting nito sa loob ng conference room at pinag-uusapan nila ngayon ang tungkol sa mataas na sale ngayong buwan. Nakikinig lamang siya ngunit hindi niya maiwasan na hindi tumingin sa gawi ng sekretarya niya.
Nakaisip siya ng paraan upang angatin siya nito nang tingin.
"I think my secretary has a suggestion about that, Mr. Wesley." Usal nito at binalingan ng tingin si Tatiana na bakas ang gulat sa mukha. "Ms. Morgan, might share with us your opinion?"
Bakas sa mukha ni Tatiana ang pagkabigla ngunit sumeryoso ang tingin niya at binalingan si Aslan bago ito inirapan.
She clears her throat, it is her time to shine baka mapromote pa siya. "I think, magagamit siya para maging donasyon sa mga bahay ampunan. You know, humanity is all about giving and sharing something we have."
"Humanity..." Banggit ni Aslan na tila nagkaroon ng ideya sa sinabi ni Tatiana. "Yes! That's it! It's a month of giving and it is worth sharing our blessings right?" Aslan said. "List all the orphanage in the country, so we could provide them a donation that will help orphan kids." Usal pa niya bago balingan si Tatiana. "Meeting adjourned."
Nagsilabasan na ang mga board members at akmang lalabas na si Tatiana ngunit nagsalita si Aslan kaya napatigil ito sa pagbukas ng pinto.
"Tatiana, prepare the financial statement that needed in the orphanage." Utos nito.
"Hindi ko ba puwedeng gawin bukas, sir?" Bakas ang pagiging sarkastiko sa boses nito.
"Do what I say, Tatiana. You're not gonna leave this building until you didn't submit the statements I need to review." May pinalidad sa boses nito.
Nagkibit-balikat si Tatiana. "Kunwari na lang na iyon talaga ang rason," bulong ni Tatiana, sapat para hindi marinig ni Aslan.
"Ano pa ang hinihintay mo? Makakalabas ka na, masyado mo naman ng dinama ang lamig."
"Bakit nilalamig ka? Gusto mong magpainit?" Nangangahulugang tanong nito. "O, edi humanap ka ng magpapatanggal lamig sa katawan mo, tarantado." She sounded bitter ngunit hindi na lang siya pinansin ni Aslan.
Pasado alas sais na pero hindi pa rin tapos si Tatiana sa pinapagawang financial statement sa kaniya. Umuwi na rin ang mga katrabaho niya dahil alas singko naman ang off nila sa trabaho.
Siya lang ang naiwan at hindi pa niya namataan ang amo niyang arogante na lumabas sa opisina nito. Umiling na lamang siya kahit na medyo inaantok na ang kaniyang mata.
She couldn't balance the statements kaya nahihirapan siya. Kanina pa siya paulit-ulit roon ngunit hindi niya pa rin makuha.
Napayuko siya dahil ramdam nito ang antok. Sinubukan niyang ipikit ang kaniyang mata nang biglang bumukas ang opisina ni Aslan dahilan para mapaayos siya ng upo.
Tinapunan siya ng tingin ni Aslan ngunit hindi ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator. Napatawa ng mapakla si Tatiana sa kaniyang kinauupuan.
"Parang hangin lang, e." Usal nito sa sarili. Makalipas ang ilang minuto, nakarinig siya ng yabag kaya umangat ang tingin nito sa hallway. Nakita niya si Aslan na naglalakad patungo sa direksyon niya at napakagat labi ito ng tumigil sa harap niya.
"What took you so long, Ms. Morgan?" Malamig na tanong niya.
Hindi naman mahinuha ni Tatiana ang ibig sabihin nito. "Ano na naman, Mr. Lewis?! Bakit hindi ka na lang umuwi!" Inis na sambit nito sa amo.
"Because I want to. Nakalimutan kitang isama, e." Sambit nito at nag-iwas ng tingin.
Ano ito? Nagpapa-good shot? Bakit? Para saan? Naguguluhan na tanong ni Tatiana sa kaniyang isipan.
"Umuwi ka na lang, sir. Hindi naman siguro tama na sumakay ako sa kotse mo dahil baka iba ang isipin ng mga tao na nakapalibot sa mundo mo."
Napahilamos si Aslan sa kaniyang mukha. He looks frustrated. "Ano naman ang pakialam ng mga tao sa akin? Sa iyo? Kung sumakay ka sa kotse ko? Ihahatid lang kita, hindi naman siguro ilegal iyon!"
Tatiana scoffed. "Iyon ang mali, sekretarya lang ako kaya may mali sa paningin ng tao." Mahinang usal niya.
"Mas importante pa ba iyon sa iyo kaysa ang makauwi ng ligtas? Pasado alas syete na, wala ka ng masasakyan pauwi. Isasabay kita, huwag matigas ang ulo mo! " Matigas na saad ni Aslan.
"Mas matigas ang ulo mo, sir! "
Napangiwi ito. "Parehong matigas ang ulo ko sa taas at baba, Ms. Morgan. Iligpit mo ang mga gamit mo ngayon o sa opisina kita dadalhin? Mamili ka, matulog ka rito kasama ako o i-uuwi kita pauwi sa bahay mo."
Pabalang na tumayo si Tatiana."Fine! Nag-insist ka, e. O, edi gagawin kitang driver."
"It's fine with me, as long as you're safe and secured to go home." Aslan said out of nowhere.
Inirapan niya ito. Ayaw niya ang pagiging mabulaklak na salita ng kaniyang boss. Hindi siya sanay na ganoon ang trato na ipinapakita nito. Sa isang mapaglarong kagaya niya, hindi siya dapat magpabitag.
Anong laro ang pinapasok mo, Aslan Yael Lewis? Huwag mo akong paglaruan dahil hindi ako mahuhulog kailanman sa bitag mo.
"O nakatayo ka pa riyan? Akala ko ba ihahatid mo ako?" Masungit na usal ni Tatiana at nilampasan ang kaniyang amo.
Namulsa si Aslan at napailing bago sinundan ang sekretarya niya. Pasara na ang elevator at mabuti na lang naabutan niya ito.
"Sa kabila ka, ayaw kitang kasabay kasi nakakairita ka." Masungit na usal nito.
Dahil matigas ang ulo ni Aslan. Pumasok siya sa loob at hindi pinansin ang sinabi ni Tatiana sa kaniya.
"Sasabay ako, o kaya baka gusto mong sabay rin tayong labasan." Mapaglarong sambit ni Aslan.
Napasandal si Tatiana. "Bastos talaga ng bibig mo, Mr. Lewis. Sana pinatahi mo na lang."
"Kapag tinahi ang bibig ko, hindi mo matitikman ang labi ko at hindi ko makakain ang tilapia mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro