Chapter 44
Naalimpungatan si Tatiana nang makarinig ng isang kaluskos mula sa labas ng kaniyang silid. Mabilis siyang bumangon kahit na inaantok pa siya. Lumabas siya sa kaniyang silid at natagpuan ang isang sulat sa paanan ng kaniyang pinto.
Kumunot ang kaniyang noo at mabilis na pinulot ang isang kapirasong papel na nakatupi. Nakaramdam siya ng kaba sa kaniyang dibdib, nanginginig pa ang kaniyang mga kamay habang binubuksan ang sulat.
Napatigil siya at muling lumingon sa madilim na paligid ngunit walang bakas ng kahit na sino. Pumasok siyang muli sa kaniyang silid at isinara ‘yon. Binuksan niya ang maliit na lampshade sa gilid ng kaniyang kama at dahan-dahang binuksan ang sulat.
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang mabasa ang pangalan niya. Napalunok pa siya dahil sa labis na kaba.
Tatiana,
Kung nababasa mo na ito, sigurado, wala na ako riyan sa apartment na tinutuluyan ko. Naisip kong bumalik na sa lang sa syudad dahil alam kong nasasaktan lang kita sa bawat araw na lumipas kapag nariyan ako. Babalik na ako sa opisina dahil hindi naman ako habang buhay na mananatili riyan kung alam kong nasasaktan ko na ang damdamin mo. Tanggap ko na rin, na hindi ka na babalik pa, na hindi na kayo babalik pa sa akin.
Tumigil sa pagbabasa si Tatiana nang tumulo ang kaniyang mga luha. Naalala niya ang sinabi ni Trent sa kaniya mula sa text message dati. Sariwang-sariwa pa ‘yon sa kaniyang utak.
Sumusuko na ba siya? Tanong niya sa kaniyang isipan. Ganoon na lamang ba ‘yon? Hindi na niya ako hinintay na sabihin na mahal ko pa rin siya kahit na ginago niya ako?
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa habang umaagos ang kaniyang mga luha at hinahaplos niya ang kaniyang umbok na tiyan na tila sinasabi sa kaniyang anak na umalis na ang tatay niya.
I know it’s too late for me to chase you but it’s okay to be late than never, right? It’s alright to profess my love to you even if it’s too late for me to chase you. I know, you’re happy with him, I hope he will love you like I do, care for you like I always care for you. I’m sorry for the trouble. It was hard for me to go back in Manila but I can’t stay there any longer. Just remember, I, myself, will love and cherish you together with our son. Mahal kita at ikaw lang ang pipiliin sa habang buhay.
Love,
Aslan Yael
Humagulgol ng iyak si Tatiana matapos basahin ng buo ang sulat na mula kay Aslan. Wala siyang masabi dahil alam niya, sa sulat na ginawa ni Aslan para sa kaniya ay mabigat ang damdamin nito at ayaw niyang mawalay.
“Gago… ang gago mo talaga,” umiiyak na bulalas niya. “Kung kailan gusto kitang pahirapan, at saka ka umalis. Akala ko ba gusto mong patunayan na mahal mo ako? Na hindi mo ako susukuan? Akala ko ba aalagaan mo kami ng anak mo?” puno ng katanungan sa kaniyang isipan ngunit hindi niya kayang itanong lahat dahil wala na rin naman ang taong sasagot ng mga iyon.
Imbes na manatili sa silid niya ay lumabas siya habang umiiyak, hawak ang kaniyang cellphone. Lumiliwanag na rin sa labas kaya minabuti na lamang niyang magluto ng almusal kahit na mabigat ang kaniyang dibdib.
Nang matapos siyang magluto ng agahan ay maliwanag na sa labas. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagtipa roon ng mensahe para kay Aslan. Noong una ay ayaw pa niyang pindutin ang send button dahil nakaramdam siya ng hiya ngunit nilakasan niya ang kaniyang loob para ma-send ang mensahe.
To: Aslan asungot
Mahal kita. Mahal pa rin kita :(
Binitawan niya ang kaniyang cellphone at nagtimpla siya ng gatas. Habang nagtitimpla, nagsilabasan naman sa kanilang silid sina Ryan at mga kapatid niya.
“Magandang umaga, Ate.” bati ni Ryan sa kaniya.
Napansin nito ang pagiging tahimik niya kaya sinilip siya nito sa kaniyang mukha. “Oh, bakit ganiyang ang mga mata mo, Ate? Umiyak ka ba? May masakit ba sa iyo? Gusto mo ba na tawagan namin si Kuya Aslan?” tanong ni Ryan.
Tatiana shook her head. “Hindi… hindi na babalik ang Kuya Aslan niyo…” mahina at malungkot na usal niya.
Nanlaki ang mga mata ni Ryan maging ang dalawang kapatid niya. “Ha? Sabi niya, babalik lang siyang Manila dahil may importante siyang gagawin.” imporma ni Ryan.
Pilit na ngumiti si Tatiana. “Kasalanan ko rin kasi… naging matigas ang puso ko sa kaniya. Kasalanan ko kung bakit siya umalis, kasalanan ko kung bakit hindi na siya muling babalik.” puno ng pagsisisi ang kaniyang boses at muling tumulo na naman ang kaniyang mga luha.
“Kasalanan ko kasi hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo…” huminto siya at pinunasan ang kaniyang luha. “…na mahal na mahal ko pa rin siya kahit ginago niya ako. Kahit na nasaktan niya ako ng sobra. Mahal ko pa rin siya.”
“Sabi ko naman sa iyo, Ate, na kapag dumating sa punto na sumuko ang isang tao kakahabol, doon lang natin pagsisisihan, doon natin mare-realize na mahal pa natin ito.”
Tatiana looked away. “He chased me back, he followed me… he followed us here in Baguio but I hurt him too. Sinaktan niya ako tapos sinaktan ko rin siya. Hindi ako nakinig sa paliwanag niya. Ang tanga ko… sobrang tanga ko sa part na hindi ko siya pinakinggan, na hindi ko man lang nakita ‘yong mga effort niya.” mahabang sabi niya.
“Tahan na, Ate… makakasama sa baby mo ‘yan. Narito naman kami, papasayahin ka namin katulad ng pagpapasaya mo sa amin, aalagaan ka rin namin ng mabuti katulad ng pag-aalaga mo sa amin at mamahalin ka namin ng buong-buo na parang isang tunay na Ina dahil itinuring mo rin kaming mga anak mo.” pagpapagaan ng loob ni Ryan.
Niyakap siya ng mga bata at niyakap rin niya ang mga ito pabalik. Wala na siyang masabi kung hindi tanging pagsisisi na lamang.
Ang tanga mo kasi, Tatiana. Ang tanga mo. Kung kailan siya bumalik sa syudad, at saka mo naman siya hahanapin. Kung pinakinggan at pinatawad mo na lang sana, hindi siya aalis. Sermon niya sa kaniyang sarili.
Pinakain niya ang mga bata ngunit hindi siya kumain at nagtungo na lamang sa sala ng apartment. Tinitigan niyang muli ang kaniyang cellphone, nagbabakasakaling may mensahe mula kay Aslan ngunit wala siyang natanggap kahit na isa.
Halos dalawang oras na siyang nakaupo, nakatitig sa kawalan. Hindi niya namamalayan na tumutulo na naman ang kaniyang luha at iniisip si Aslan.
Lumipas ang mga oras ngunit wala pa rin siyang natatanggap na mensahe mula kay Aslan. Tatayo na sana siya para pumasok sa kaniyang silid nang may biglang kumatok sa may pinto, magka-kasunod at malakas ang pagkatok na tila nagmamadali.
Kumunot ang kaniyang noo, dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto. Walang gana niyang binuksan ang pinto at nakatungo lamang siya at isang mahabang biyas na naka-suot ng rubber shoes ang nasilayan ng kaniyang mga mata.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at muling tumulo ang luha niya nang makita si Aslan na nakangiti, bitbit ang isang bag pack sa kaniyang balikat.
“A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal at baks ang gulat sa kaniyang tinig.
Ngumiti lamang si Aslan. “Bumalik ako, kasi may nakalimutan ako,” malumanay na sabi niya.
Mabilis na dinambahan niya ng yakap si Tatiana. Ang kaniyang ulo ay nakapatong sa balikat ng dalaga habang uumiiyak. Walang salita na lumalabas sa kaniyang bibig. Nang makabawi siya mula sa pagkakagulat ay napayakap na rin siya ng tuluyan kay Aslan.
“Nakalimutan kong dalhin ‘yong magiging mag-iina ko,” dugtong niya at banayad pa rin ang kaniyang boses. “Isasama ko na pala kayo sa pagbalik ko… dahil hindi ko kakayanin kung hindi ko kayo kasama sa araw-araw na pamumuhay ko.”
Isang mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nilang dalawa. Nangungulila sa isa’t-isa at halos ayaw nang humiwalay ni Tatiana mula sa yakap ni Aslan.
“Mahal rin kita,” bulong ni Aslan sa kaniyang tainga. “Sobrang mahal na mahal kita para pakawalan ka pa.” dugtong niya.
Tatiana’s heart flushes. “B-Bumalik ka…” hindi pa rin makapaniwala na usal ni Tatiana.
Humiwalay siya ng yakap at tinitigan si Aslan sa kaniyang mga mata. Nakatitig lang silang pareho sa isa’t-isa, habang lumuluha at tanging mga pintig ng kanilang mga puso na lamang ang naririnig.
Aslan wiped Tatiana’s tears with his thumb, smiling at her. “I came back for you… because I wanted to have you in my arms again, I take the risk even if your feelings won’t be mutual but when I read your text message… I realized,” he paused, bit his lower lip and continued. “I realized that I’ll be lifeless and couldn’t live without you and the kids in my life.” he added, softly. “I want you back, so please, come with me in Manila. Live with me and I’ll make you the happiest woman in the world.”
Tatiana’s mind was blank. She couldn’t think properly.
Tanga mo, Tatiana, nasa harap mo na, gusto ka na niyang makasama. Ano pa ang hinihintay mo? Singhal niya sa kaniyang sarili. Bumalik siya kasi mahal ka niya, kanina, noong wala siya para kang namatayan pero ngayon tulala ka, walang masabi.
“I… I want to be with you too,” nauutal na sabi niya.
Aslan pressed her lips using his thumb. “I know, you’re crying earlier. Ryan told me.”
“W-What…”
“I have communication with Ryan. He texted me and told me that you are crying, that you regret not listening to me.” putol ni Aslan sa sasabihin ni Tatiana.
Tatiana swallowed hard and suddenly, she reached for Aslan’s nape and pulled him for a hug.
“Sorry… huwag mo akong iiwan, mahal kita. Sorry, nagsisisi na ako.” umiiyak na usal ni Tatiana. “Huwag mo akong iiwan, Aslan… huwag mo kaming iiwan ng magiging anak natin. Sorry, kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit sumuko ka… kasalanan ko kung bakit umalis ka ulit.”
Aslan was caressing her back, calming her. “Shh, it’s alright, love. I won’t leave you.” pagpapakalma niya. “Bumalik na ako, yakap mo na ako, hindi na ako aalis sa tabi niyo. Aalagaan ko kayong mag-iina ko at sabay-sabay tayong babalik sa magiging bahay natin.”
Humiwalay si Aslan sa yakap ni Tatiana at pinunasan ang mga luha nito. Halos madurog ang puso ni Aslan nang muling magsalita si Tatiana at basag na basag ang kaniyang boses.
“Napatawad na kita… mahal kita, Aslan. Sorry, ang tanga ko, kasalanan ko… sorry kung napagod ka, sorry kung sumuko ka…” aligaga ang boses nito na tila hindi alam ang kaniyang gagawin.
Aslan cupped her face, looking at her gently and lovingly.
“Hindi ako napagod, love... kailan man ay hindi ako mapapagod,” wika niya. “Hindi ako sumuko, naisip ko lang kasi na mas nasasaktan kita kapag malapit ako pero hindi ko naisip na kapag lumayo ako, mas lalo kitang masasaktan kaya bumalik ako… hindi ako napagod at hindi ako susuko sa iyo, mahal ko.”
“M-Mahal na mahal kita… paano na lang kami ng mga bata kung wala ka? Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin ng tuluyan-”
“Fuck, I’m in love with you, love.” he mumbled, sweetly and kissed her forehead. “I’m in love with you to the point that I want to risk it all for you. You’re the only woman who made me crazy and you’re my addiction. It’s only you, love.”
Bago pa magsalita si Tatiana ay siniil na siya ng halik ni Aslan. Isang madamdamin, mapag-angkin at sabik na sabik ang halik na iginawad ni Aslan kay Tatiana.
“Fuck, I love you, love. I’m crazy in love with you.” he stated, truthfully.
Nagulantang si Tatiana nang lumuhod si Aslan at hinalikan ang kaniyang bilugang tiyan. Ilang buwan na lamang ay manganganak na siya kaya napangiti na lamang siya dahil excited na rin siyang masilayan ang magiging anak nila ni Aslan.
“At mahal na mahal ko rin ang baby na nasa tiyan ng babaeng mahal ko…” sabi ni Aslan at muling kinintalan ng halik ang umbok na tiyan ni Tatiana.
Muli siyang tumayo at tinitigan si Tatiana.
“Pack your things, come with me, love.” he said and intertwined their hands.
Tatiana smiled. “Of course, I’ll pack our things and I’m excited to home with you, love.” Tatiana said and kissed Aslan on the lips.
Aslan smiled at her and looked at their intertwined fingers.
“Damn it, I love you so much, love that I want to taste your wetness using my tongue…” Aslan muttered with heavy breathing. “But, I’m stopping myself because I don’t want to hurt our son.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro