Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

5 months later...

**

"Aslan, limang buwan ng wala si Tatiana!" Singhal ni Radion sa kaniyang kaibigan.

Kaharap nito ang mga bote ng alak, nagpapakalango dahil hindi pa rin niya mahagilap si Tatiana. No traces of her. Wala siyang iniwan na kahit anong bakas para mahagilap siya nito.

Namumungay ang mga mata ni Aslan, bakas rin sa mukha nito ang lubos na pangungulila.

"L-Limang buwan... limang buwan, Radion..." tumawa siya ng mapakla. "Putangina, limang buwan na siyang wala sa piling ko. Kahit ilang beses akong pumasok sa kompanya na matino, siya pa rin 'yong naiisip ko. Siya pa rin 'yong palaging inaabangan ko!" sagot niya pabalik.

"Tangina ka pala, e! Kung ganiyan ka magiging ka-miserable, putangina, tingin mo babalik sa iyo si Tatiana? Mindset ba, mindset pare."

Aslan scoffed. "Kahit na baguhin ko ang sarili ko... sa tingin mo magpapakita siya sa akin? Babalik sila sa akin?" nangunguyam na tanong niya. "Kung babaguhin ko sarili ko, wala rin babalik sa akin."

"Alam mo bang buntis siya, Aslan?" Kapagkuwan ay tanong ng kaibigan.

Nagulat si Aslan sa sinabi nito. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. "B-Buntis... buntis siya?" nag-aalangang ulit niya. "Buntis siya kasi isinagad ko, ibinuhos ko ang lahat ng katas ko sa loob niya." dugtong niya na hindi man lang pinansin kung anong kahalayan ang lumalabas sa bibig niya.

Tumango si Radion. "Limang buwan nang buntis si Taitana, pare. At oo, kaya siya buntis kasi isinagad at ibinuhos mo ang lahat ng katas mo sa sinapupunan niya." Radion mimicked what his friend said.

"P-Paano mo nalaman? Wala man lang akong kaalam-alam, wala man lang siyang pasabi."

"Nalaman ko lang noong nakaraan dahil pinasundan ko siya... kasi alam kong hahagilapin mo kung nasaan siya."

"Kahit baliktarin ko pa ang mundo para hagilapin siya, Radion... gagawin ko para lamang bumalik sila sa akin." seryosong usal niya.

Putangina, buntis ang babaeng mahal ko? Tanong ni Aslan sa kaniyang isipan at hindi pa rin makapaniwala.

Radion sighed. "I don't know but I just followed her whereabouts in the hospital," he trailed off. "I just pull some strings to know why she's in the OB clinic that time," he added.

"At saka, hindi ko sana ito sasabihin kung hindi ka lang kawawa sa lagay mo ngayon..." huminto siya at tinapik ang balikat ng kaibigan. "...pero kahit tarantado ka, deserve mo pa rin malaman ang totoo." dagdag pa niya sa kaniyang sinabi.

Aslan drink his wine. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, nagtatalo ang kaniyang utak at puso kung hahanapin ba niya o hihintayin ang babaeng mahal niya.

Napasinghap si Aslan, umayos siya ng upo at mahigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang baso at hindi man lang niya namamalayan na nabasag ito dahilan para magkaroon ng sugat sa kamay niya at dumugo.

Kung hindi lang napansin ni Radion iyon ay malamang malalim ang pagkakabaon ng nabasag na baso sa kaniyang palad.

"Gago, pare!" sigaw ni Radion.

Natawa na lamang siya ng mapakla. "Kahit na ilang beses kong saktan 'yong sarili ko, manhid na rin lang, pare. Sobrang manhid na ng katawan ko at ultimo siguro bala ng baril ay ibaon ko sa ulo ko..." may tumulong luha sa kaniyang mga mata. "... wala akong mararamdaman at kulang pa 'yon sa sakit na idinulot ko sa kaniya."

Aslan looks miserable. In his drunk state, Radion knows, that he wasn't okay and that he's having a hard time.

"Tutulungan ka namin, Aslan na mahanap sila Tatiana. Ipahinga mo muna ang sarili mo kasi kailangan mo 'yon." payo niya.

"K-Kung magpapahinga ba ako... magiging maayos ako, pare?" nauutal at nangungusap ang kaniyang mga mata.

Matagal bago sumagot si Radion. "Time can heal, Aslan. Hindi lahat ng bagay ay hawak natin at basta na lang babalik sa atin." paliwanag niya. "Hindi naman dahil nasaktan mo si Tatiana at humingi ka ng tawad sa kaniya ay magiging ayos na ang lahat. Hindi ganoon ang pagmamahal, pare."

"Totoo naman kasi ang ipinakita ko sa kaniya, pinahalagahan ko siya... putangina!" madiin na usal niya at napahilamos na lamang sa kaniyang mukha. "Iningatan ko naman siya, e. Minahal ko naman siya ng sobra, pero nagkanda-gulo na lang lahat at hindi man lang niya ako pinakinggan." malungkot na litanya niya.

"Kahit na iniingatan mo siya at pinahalagahan, hindi pa rin kasi maaalis sa kaniya 'yong tungkol sa pustahan..." Radion said in a low tone. "Hindi naman natin siya puwedeng diktahan kung gusto niyang lumayo. Nasaktan siya, e. Kasi akala niya pustahan lang ang lahat. Alam kong nasaktan ka rin pero hindi ibig sabihin niyon ay susuko ka na."

Aslan smiled, bitterly. "Dapat sinabi ko na lang noong una... para hindi ako ganito ka-miserable na wala siya." mahinang sambit niya.

"That brought you a lesson in life, Aslan. Someone will come into your life and make you happy, but someone will leave you once they felt hurt and betrayed. It's easy to forgive but the scars you give, it wasn't easy to forget; it wasn't easy to heal."

Humugot ng isang malalim na buntong hininga si Aslan at pinunasan ang duguan niyang kamay. He closes his eyes and think of the future will be; his future with Tatiana and his unborn child.

"Babaguhin ko ang sarili ko para sa babaeng mahal ko... at para na rin sa magiging anak namin," determinadong sambit niya. "Ibabalik ko siya sa buhay ko, kahit pa baliktarin ko ang mundo, bumalik lang siya sa tabi ko." dugtong niya.

Radion smiled at his friend and tapped his back, comforting him. To the rescue talaga siya tuwing may problema ang mga kaibigan niya pero mas malapit siya kay Aslan kahit na hindi siya ang pinaka-bestfriend nito.

"Umuwi ka na, pare para makapagpahinga ka," sabi nito. "Bukas ng umaga ay sisimulan kong hanapin ang lokasyon ni Tatiana."

"Salamat, pare. Nakita mo pa kung gaano ako ka-miserable. Babawi ako sa iyo." nakangiting usal ni Aslan. "Kung may kailangan ka, kahit tarantado ako, tutulungan kita."

Napasulyap si Radion kay Aslan. "Gusto ko maging bestfriend tayo," sabi niya habang nakanguso.

Natawa naman si Aslan sa inasta ng kaniyang kaibigan. "Ulol, kalokohan mo, Radion." natatawang sambit niya.

"Gago, ayusin mo na ang buhay mo, para pagbalik ni Tatiana, may balikan pa siyang matino," payo niya. "At sana lang hindi manahin ng anak mo ang kagaguhan mo este pambabae mo!" asik niya.

Binatukan siya ni Aslan. "Tanga, mamanahin lang ng magiging anak ko ang mukha ko pero seryoso..." humugot siya ng isang malalim na buntong hininga. "Buntis talaga si Tatiana? Nabuntis ko talaga siya? Nasaan ang pruweba?" hindi pa rin siya makapaniwalang tanong niya.

Napailing si Radion at may kinuha sa kaniyang bulsa. Isang ultrasound picture at may sulat sa likod nito.

"Ito ang patunay, pare. Buntis si Tatiana kaya huwag mong pagdudahan." sabi niya at iniabot ang ultrasound picture. "Baka isipin mo pa na anak ng ibang lalaki ang dinadala ni Tatiana? Malala ka na kung ganoon, pare. Dadalhin ba kita sa mental?" sarkastikong dugtong niya.

Baby Asle Taslan;

- Ito ang ipapangalan ko sa iyo anak kapag lumabas ka na sa sinapupunan ko, kasi kombinasyon 'yan ng pangalan namin ng tatay mong tarantado:)

Nanlalabo ang mga mata ni Aslan, hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa ultrasound picture matapos basahin ang nakasulat. Kahit na nasaktan niya si Tatiana, ginawa pa rin niyang kombinasyon ang pangalan nilang dalawa para sa magiging anak.

"Putangina, ang pangit mo umiyak, pare." tudyo ni Radion.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan at pinahid ang kaniyang luha. Lumukob ang tuwa sa kaniyang puso pero naroon pa rin ang pangungulila.

Wala akong ibang choice kung hindi ang maging okay na lang, kahit masakit na wala siya sa tabi ko...kahit na iniwan niya ako dahil sa katarantaduhan ko.

"Kaya huwag mong sukuan, Aslan. Ang pagmamahal ay hindi lang naman tungkol sa palitan ng nararamdaman, hindi sa hihilingin mong suklian ulit 'yong pagmamahal mo, pero ang pagmamahal nakakaramdam ng sakit, ng takot na mawala ang taong 'yon sa iyo kaya kahit masakit, ipaglalaban mo pa rin."

Why would I give up on her when I can make it up to win her back? Why would I walk away and move on when I can do something to make us together back? Why would I give up, if it is just the beginning?

"Ang dilim ng mundo ko, kung wala sila sa tabi ko..." bigkas niya. "Putangina, pipiliin kong intindihin ang galit ng babaeng mahal ko... kaysa isuko na lang siya kung puwede ko pa naman ipaglaban itong nararamdaman ko para sa kaniya." humugot siya ng isang malalim na hininga.

"At bakit ko susukuan 'yong babaeng mahal ko kung may nabuo na kami sa kaniyang sinapupunan."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro