Chapter 39
Nakatulala ako sa loob ng aking opisina, hindi ko alam ang aking gagawin, maging ang aking iisipin. Higit isang buwan na ang nakalipas buhat nang matapos ang relasyon namin ni Tatiana. And I wouldn't deny the fact that I badly missed her so much. I miss her scent, her objections and witty act.
"Shit, Tatiana. . ." bulong ko sa aking sarili. "Miss na kita," dugtong ko.
Tinitigan ko ang kaniyang resignation letter na nakalapag sa ibabaw ng aking lamesa, walang ibang salita ang lumalabas sa aking bibig.
That bet, I know that's Trent's purpose. He wants me to realize that love can never be a game to play. He wanted me to get hurt for me to learn little things around me and this is what I feel right now. I'm hurting and I break the woman I love.
Galit ako sa sarili ko. "Ang tanga mo kasi, Aslan!" Singhal ko sa aking sarili. "Kung sana sinabi mo ang totoo sa kaniya. . . kung sana inamin mo ang dahilan kung bakit ka lumapit sa kaniya, she won't leave you; she won't be gone in your life. . ." malungkot kong usal sa aking sarili.
Napailing na lang ako at sinubukang magtrabaho ngunit wala talaga, paulit-ulit lang akong napapatingin sa pintuan ng opisina ko, nagbabakasaling isang Tatiana ang pumasok roon.
"Shit!" mura ko.
Kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan ang numero ng munisipyo na pinapasukan ni Tatiana pero walang sumasagot. Sinubukan ko ulit ngunit ring lang ito nang ring kaya minabuti ko na lamang na tawagan si Radion.
"Sundan mo si Tatiana," utos ko sa kaniya.
"Ganda naman ng bungad natin, pare. Wala man lang magandang umaga?" pamimilosopo nito.
"Walang maganda sa umaga, Radion." Malamig kong turan sa kaniya.
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Hindi rin maganda ang umaga ko kapag ikaw itong kausap ko na mainit ang ulo." Giit niya.
"Wala akong pakialam, sundan mo na lang si Tatiana," walang emosyon kong utos sa kaniya. "Kung ayaw mong sumabog ang bahay mo sa loob ng limang minuto—" pinutol niya ang aking sasabihin.
"Oo na! Susundan na nga, e! Kakasakay ko lang sa kotse ko, titignan ko sa may munisipyo mahal na hari na wala namang bayag!" inis na sagot nito sa akin.
I raised a brow. "Stop the sarcasm, asshole," I mumbled, annoyed.
"Me? I am not making a sarcasm, mahal na hari na walang bayag!" sabi niya at pinutol ang tawag.
Napasapo na lang ako sa aking noo.
"Ang gago, mas wala siyang bayag." Bulong ko na lamang sa hangin.
Nanatili akong nakayuko habang kagat ko ang aking ibabang labi. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Radion at nanggaling daw sa munisipyo si Tatiana bago nagtungo sa isang ospital. Nagpadala pa ito ng litrato ni Tatiana na tila nagmamadali ang kaniyang itsura.
Muli akong napailing, isinandal ko ang aking ulo sa aking upuan habang minamasahe ang aking sentido. Parang gusto ko na lamang maglasing araw-araw pero hindi ko 'yon gagawin dahil gusto kong baguhin ang nakasanayan ko. Gusto kong maibalik si Tatiana sa akin at hindi dapat magulo ang buhay ko.
"Tangina, anong gagawin ko? Gusto na kitang yakapin..." sambit ko. "...pero ang hirap namang gawin dahil habang lumilipas ang mga araw, palayo nang palayo ka na sa akin." Dugtong ko at ipinikit ang aking mga mata.
ISINUBSOB ko ang trabaho ko sa buong araw, nagpipirma ako ng mga papeles na nakatambak sa aking lamesa nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Kunot-noo akong napatingin roon at handa na sanang ibato ang hawak kong papel ngunit tumambad sa akin ang mukha ni Arida.
"What the hell are you doing here, Arida?" malamig na tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. "Nabalitaan ko kasing wala na kayo ng wench na 'yon kaya nagpunta ako dito," aniya.
"Watch your words against Tatiana, woman," turan ko. "She's a decent woman compared to you. Lagi kang naghahanap ng away."
Tinaasan niya ako ng kilay ngunit tinapunan ko lamang siya nang masamang tingin.
"Ang kapal ng mukha mo, Aslan!" ani Arida.
"Mas makapal ang mukha mo, Arida!" sigaw ko. "Ilang ulit ko ba na sasabihin sa iyo, siya lang ang pipiliin ko. Si Tatiana lamang ang palagi kong pipiliin, kaya huwag mo nang dagdagan kung gaano kagago!" galit kong wika sa kaniya.
Putangina, sinong hindi maaasar sa kaniya? Paulit-ulit ko siyang ipinagtatabuyan pero pabalik-balik siya. Kulang na lang, ibalibag ko siya sa sahig nang matauhan ang gaga.
"You know what, why don't you just come back to me, instead of chasing that bitch? She's just nothing but a trying hard wannabe-" pinutol ko ang sasabihin niya gamit ang aking kanang palad.
Sinampal ko siya at wala akong pakialam kahit na babae pa siya. I gritted my teeth, my jaw clench. Napahawak siya sa kaniyang pisngi, masama ang tingin sa akin.
I pointed my forefinger at her. "Isang masamang salita pa ang sabihin mo sa kaniya... hindi ako magdadalawang-isip na sampalin ka ulit, kaliwa't-kanan na." malamig kong turan.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang hawak ang nasampal niyang pisngi. Ang kaninang masamang tingin ay napalitan ng panunubig ng kaniyang mga mata.
"H-Hindi mo ako... napagbubuhatan ng kamay dati, Aslan," nanginginig ang labi niya habang sinasabi 'yon.
"Dati iyon, Arida. Iba na ngayon, wala na ang dating tayo." malamig na wika ko. "Alam mong hindi kita pinagbubuhatan ng kamay dati, Arida... pero iba na ngayon," nanginginig pa rin ang aking kamay at pilit kong pinapakalma. "Masyado ka ng desperada ang kaso nga lang, wala na pa lang gamot ang pagiging desperada mo." dugtong ko.
Bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan, hindi 'yon nakaligtas sa paningin ko. Kahit isang awa, wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Masyado niyang sinagad ang pasensya ko at alam ko, kapag narito si Tatiana, ganoon rin ang gagawin niya. Isasampal na naman niya kay Arida kung gaano ako kahumaling sa kaniya, kung gaano ako hulog na hulog sa kaniya at kung gaano hindi na ako makaahon sa taglay niyang alindog.
"Ganiyan na ba ang epekto ng panggagayuma ng babaeng 'yon sa iyo?" tanong niya.
Namulsa ako, kinagat ko ang aking ibabang labi. "Siya lang ang gayuma na kaya kong tiisin, na hindi ko pagsasawaan at palaging kakahumalingan ko." sagot ko.
"Kaya kung puwede lang, Arida? Tumahimik ka na, lubayan mo na ako." malamig kong dugtong.
"At kapag hindi ako tumigil? Ano, sasaktan mo ako?" hamon niya.
"Hindi lang kita sasaktan, Arida. Kapag may ginawa kang ikakasakit ni Tatiana dahil sa kabaliwan mo, mahahawakan mo ang malamig na bakal sa likod ng mga rehas."
I saw how she gritted her teeth because of anger.
"K-Kaya mo akong ipakulong, Aslan? You know how powerful my family is." pagbibida niya.
Napairap ako. "Power... it can destroy you and your family." I mumbled, dangerously looking at her. "I am no king but I can manipulate everything in my power. Do not touch my woman or else; behind bars is waving and the mental hospital is waiting."
Umatras siya, bakas ang takot sa kaniyang mga mata. Nagmadali siyang umalis sa loob ng aking opisina. Doon lamang ako nakahinga ng maayos dahil sa pagpipigil ko ng galit.
Walang mananakit kay Tatiana. Lahat gagawin ko, may kapangyarihan man ako o wala, gagawin ko ang lahat para pabagsakin lamang ang mga taong mananakit sa babaeng mahal ko ng walang kaawa-awa.
"No one harm my woman; no one else can." I whispered out of the blue. "Subukan lang nilang hawakan miski dulo ng buhok mo, Tatiana... hindi ako magdadalawang-isip na ibaon sila sa hukay ng buhay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro