Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Isang buwan na ang lumipas buhat nang maghiwalay ang magkasintahan. Ilang linggo na rin nakakalipas nang makaramdam si Tatiana ng biglaang pagsusuka at panghihilo. Hindi niya sinabi ang tungkol rito dahil umalis na siya sa kompanya ni Andrey. Takot rin siyang magpunta sa ospital para magpatingin sa doctor.

Sa nakalipas na ilang araw, sinubukan niyang mag-apply sa munisipyo at tinanggap naman siya roon kahit papaano. Maliit ang kaniyang kita kaya sapat na iyon para sa araw-araw nila ng mga bata.

Mainit ang kaniyang ulo sa tuwing pumapasok sa munisipyo at kawawa ang ibang department lalo na kung nasusungitan niya ang mga ito at pinipilosopo katulad na lamang ngayon.

"Bakit kailangan ako pa ang mag-balance niyan? Wala ka bang mga kamay?" inis na untag niya kay Sarah na mula sa agriculture department.

Kinunutan siya nito ng noo. "Bakit ba ang sungit mo? Nakakaasar ka na! Daig mo pa ang babaeng buntis sa sobrang sungit!" masungit na bulyaw nito sa kaniya.

"Ano naman ang pakialam mo? Sinabi ko ba na maasar ka sa akin? At kung masungit ako, wala ka ng pakialam roon kasi sarili ko naman ito." Giit ni Tatiana. "Kung naaasar ka sa akin, lumayas ka sa harap ko, gawin mo ng mag-isa ang trabaho mo! Huwag mo sa akin i-asa dahil hindi porket bago ako rito at matagal ka na sa trabaho mo, mauutusan mo na ako!" Singhal niya kay Sarah.

Matalim na tingin ang ipinukol niya kay Tatiana at padabog na umalis sa harap niya. Tatiana didn't know why she feels like that, why she was irritated in just a sudden beat. Nakaramdam na naamn siya ng pagkahilo kaya napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido at napangiwi.

"Sh*t!" she cursed.

Nakalipas ang ilang oras ay tumunog ang telepono sa kaniyang tabi at agad niya itong inangat.

"Hello, who's this? I'm busy and you disturb my peace!" she said, annoyed from the other line.

No one speaks off. Nanatiling tahimik ang kabilang linya. Kumunot ang kaniyang noo at tila para siyang pinagti-tripan ng kung sinong ponsyo pilato.

"Tangina, kapag hindi ka pa nagsalita, ibababa ko na ang tawag!" Singhal niya. "Huwag mong dagdagan ang init ng ulo ko, putangina mo!" dugtong niya.

"It's me," boses lalaki. "It's me, Aslan, baby..." dugtong nito.

Lalong nagsalubong ang kilay ni Tatiana at napahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono.

"Putangina! Tigilan mo na ako, Aslan!" inis na asik niya. "Paano mo na naman na-uto ang numero ng munispyong pinapasukan ko? Huh?"

'Kasi ako si Aslan Yael Lewis, na kayang gawin ang lahat para mahanap ka, Tatiana,' malamig na usal nito mula sa kabilang linya.

Tatiana smirked. "Huwag ka ng magparamdam, Aslan, tapos na tayo, ginago mo na ako!" malamig na sagot niya.

"I-I'm sorry, baby. I'm. . . I should've told you the truth," he said.

"Magagamit ba ng sorry mo ang nararamdaman kong galit s aiyo, Aslan?" pamimilosopo nito sa kaniyang kausap ngunit naroon pa rin ang malamig niyang tinig.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Aslan. "Kausapin mo naman ako ng maayos, Tatiana... pakinggan mo naman ako, o..." pakiusap niya.

"Maayos akong kausap, Lewis. Ang gusto ko lang, tantanan mo na ako kasi wala na akong gana pang makipag-usap sa gagong kagaya mo!" huling sambit niya at ibinaba na ang tawag.

Padabog na itinuloy ni Tatiana ang kaniyang trabaho at hindi pinansin ang telepono na paulit-ulit na tumutunog. Maghapon niyang tinapos ang ilang reports na galing sa engineering department dahil kailangan iyon sa susunod na linggo. She was literally pissed off when her phone vibrates again and again.

Nang dumako ang pasado alas sais y media, natapos na niya ang mga reports na kakailanganin sa para sa isang inauguration sa kabilang bayan. Muling tumunog ang kaniyang cellphone ngunit binalewala niya lang iyon pero napakunot ang kaniyang noo nang makita ang attached video sa mensahe.

She opened her chat box and it has a video and photo of Aslan, wasted in a club and there's a woman who approached him but he shoos the woman away from him, saying that he has already a girlfriend. Halos tawanan ng kaniyang mga kaibigan ang naririnig sa video bago sumingit ang mukha ni Radion na namumula.

"Hey, Tatiana! Look how wasted the playboy before because of you!" Rinig niyang sigaw ni Radion mula sa video na pinapanood niya. "Na-ulol ang gago sa kagandahan mo! Kawawa nga lang kasi iniwan mo!" dugtong ni Radion at nawala na ang kaniyang mukha sa video bago itutok muli kay Aslan.

"Tangina, itigil mo nga ang pag-video, Radion!" Galit na angil ni Aslan mula sa video. "...hindi rin makikita ni Tatiana 'yan kasi kahit makita niya... lalo lang niya akong kakasuklaman!" namumula ang tainga nito at namumungay ang kaniyang mga mata.

Tatiana bit her lower lip and suppress her emotions. The video and photo were taken yesterday. She turned off her phone at iniligpit na niya ang kaniyang gamit bago nagmadaling umalis sa munisipyo.

Dumaan muna siya sa Mercury Drug at bumili ng tatlong pregnancy test bago dumiretso ng uwi sa kaniyang bahay. Pasado alas syete nan ang makarating ito roon at naabutan niya ang mga bat ana masayang nanunuod ng telebisyon habang may kinakain.

Kumunot ang kaniyang noo, pamilyar rin ang pagkain na nakikita niya. Mabilis siyang lumapit roon at tila naaghugis puso ang kaniyang mga mata nang makita ang medium size ng French fries mula sa McDo at chicken fillet.

Nagulat ang mga bata sa kaniyang inakto kaya naman pabalik-balik ang kaniyang tingin sa mga ito. Nanlaki ang kaniyang mata nang matanto niya ang hawak na pagkain.

"S-Sorry, gutom lang ako..." nahihiyang usal niya sa mga bata.

Nagtataka si Ryan sa inakto ni Tatiana kaya tumango na lamang siya.

"Hindi ka ba... kumain ate?" tanong ni Ryan. "Mukhang gutom na gutom ka nga..." naiilang na sabi nito.

Ngumiwi si Tatiana. "Pasensya na," nakayukong paumanhin niya. "S-Saan niyo pala kinuha itong McDo? Sino ang nagbigay sa inyo?" tanong niya.

Nagkatinginan ang tatlong mga bata at tila ang kanilang mga mata ang ginagamit nilang komunikasyon para sagutin ang tanong ni Tatiana. Inilapag ni Tatiana ang kinakain at humalukipkip.

"Saan galing mga ito, Ryan?" kapagkuwan ay naging seryoso ang kaniyang tinig.

Napakamot sa ulo si Ryan. "K-Kay... kuya Aslan po," nakayukong sagot niya.

Kumunot ang noo ni Tatiana. "At bakit siya nagbigay nito? Kailan?" usisa pa niya.

Napalunok si Ryan at imbes na sasagot ito ay sumingit si Riza at naka-pout ang kaniyang labi.

"Ate, ibinigay niya po 'yan kanina. Hinahanap ka nga po niya kasi hindi ka na raw pumapasok sa kompanya niya..." sagot ni Riza. "At saka po, para po siyang lasing at walang tulog, ate. Ang lungkot rin po ng mukha niya, hindi katulad dati na maaliwalas."

Tatiana raised a brow. "Hayaan niyo siya. Sa susunod, huwag na kamo siyang magbibigay ng pagkain dahil wala na tayong pakialam pa sa kaniya." Matigas na sambit niya. "At kapag tinanong niya ang tungkol sa akin, sabihin niyo sa kaniya na wala na siyang pakialam pa." dugtong niya at umakyat patungo sa kaniyang kwarto.

Sinubukan siyang tawagin ng tatlong bata ngunit hindi na lumingon pa si Tatiana at dire-diretso lang sa pag-akyat sa kaniyang silid.

Nakatulala si Tatiana sa tatlong pregnancy test na hawak niya, umiiyak at nananalangin n asana ay hindi siya buntis dahil ayaw niyang magkaroon ng anumang alaala mula kay Aslan. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi ng makita ang result anito.

"Tangina..." mura niya.

"Positive..." she whispered. "B-Buntis ako..."

Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, sa tatlong pregnancy tests na ginamit niya, lahat 'yon ay nagsasabing buntis siya. Wala siyang masabi, gusto niya lang umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ang kaniyang mga mata.

"May buhay sa loob ng sinapupunan ko..." basag ang boses na sambit niya at mahigpit na hinawakan ang pregnancy tests. "A-Ang gago. . . nag-iwan pa ng alaala..."

Tumayo siya sa pagkakaupo sa bowl at hinarap ang salamin habang pinapahid ang mga luha sa kaniyang mga mata. Pagkatapos, hinaplos niya ang kaniyang tiyan at pinagmasdan ito.

Magiging matatag tayo, anak. Kakayanin ko lahat para sa atin. Bulong niya sa kaniyang isipan. Huwag kang magalit kay mama, kung hindi ako handa na maging nanay mo pero lahat gagawin ko para sa iyo, anak. Kapit ka lang kay mama.

Ikaw na lang ang tanging kakapitan ni mama ng lakas kaya manatili ka sa akin, anak. Manatili ka lang sa akin kasi lalong hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa.

"Kung sakali man na hindi tayo tanggapin ng tatay mo kapag nalaman niyang ipinagbubuntis kita, hayaan mo anak, tanggap ka naman ni mama. Tatanggapin at mamahalin kita kasi biyaya ka kahit na ginago at tinarantado ako ng tatay mo." Bulong niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro