Chapter 37
Bagsak ang balikat ni Aslan na nagtungo sa isang club, lugmok at nasasaktan, sinisisi ang sarili. Nakita niya sa club ang kaibigan niyang si Trent kaya dahil sa galit at pagsisisi na nararamdaman, mabilis niyang tinawid ang pagitan nilang dalawa at basta na lamang sinuntok ang matalik na kaibigan.
"Tangina mo, Trent!" galit na mura ni Aslan. "Putangina, masaya ka na? Wala na kami ni Tatiana!" paninisi niya.
Itinulak siya ni Trent. "Ano ba, Aslan? Labas na ako sa relasyon niyong dalawa!" angil nito.
Kumuyom ang kamao ni Aslan, mas lalong nagkaroon siya ng rason para suntukin muli ang kaniyang kaibigan.
"Itinigil ko na 'yong pustahan na 'yon, Trent..." bakas pa rin ang galit nito, habol niya ang kaniyang hininga. "Okay na sana, e. Putangina, masaya na ako sa kaniya..." basag ang boses na banggit niya.
"Wala naman akong pakialam sa relasyon niyo, Aslan kasi sa simula pa lang dapat inamin mo na sa kaniya ang totoo," huminto siya at pinunasan ang dugo sa kaniyang labi. "na kaya ka lang lumapit sa kaniya kasi nagkaroon tayo ng pustahan." dugtong niya.
Lumupaypay ang balikat ni Aslan. Wala pang masyadong tao sa loob ng bar dahil maaga pa lang naman.
"Mahal ko, e..." sabi niya at halos bulong na lamang 'yon. "Trent, minahal ko pero naalala ko..." garalgal ang kaniyang tinig. "...naalala ko, mas matapang pa sa tigre ang babaeng minahal ko."
Lumapit si Trent kay Aslan at marahang tinapik ang balikat nito. "Ang mali lang kasi Aslan, hindi niya masyadong narinig 'yong ibang sinabi mo," sabi nito. "Ganoon naman minsan ang mga babae, nagpapadala na lamang basta sa kanilang emosyon at sarado na ang kanilang tainga para makinig pa sa mga paliwanag natin." pahayag niya.
Aslan shook his head. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag-resign na siya, pinirmahan ko na rin 'yon pero putangina..." malungkot at puno ng pagsisisi sa kaniyang tinig. "Paano ko pa 'yon pababalikin kung wala na rin dahilan para mag-usap kaming dalawa?"
"May pag-asa pa para bumalik 'yon sa iyo, pare..." saad ni Trent at muling tinapik ang balikat. "Maliban na lang kung binuntis mo."
Umangat ang tingin ni Aslan at pekeng ngumiti sa kaibigan. "Kung buntis man siya, mukhang ilalayo niya rin lang ang magiging anak namin."
Nagtaas ng kilay si Trent. "Payag ka no'n? Na ilayo niya ang bata at hindi ka hahayaan na makilala?" umiiling na tanong ni Trent. "Hindi 'yon pwede, Aslan, may karapatan ka kung sakali." dugtong niya.
"Oo, may karapatan ako," humugot siya ng isang malalim na buntong hininga. "Pero hindi ko naman ipagpipilitan 'yong sarili ko kung sakaling ayaw nila akong makasama."
Walang nagawa si Trent kung hindi ang tumahimik at hindi magsalita. Hinayaan niya ang kaniyang kaibigan na maglasing para mawala ng kaonti ang bigat na nararamdaman nito.
Mabilis siyang nagtype ng mensahe sa kaniyang telepono para ipaabot sa kanilang mga kaibigan.
*Racers-CEO*
Trent: Guys, Aslan niyo, brokenhearted. HAHAHA!
Nakuha pa talagang tumawa ni Trent para lamang papuntahin ang iba nilang mga kaibigan. Pagkaraan ng ilang minuto, nag-seen si Radion at Dave.
Radion: Totoo ba na wala na talaga sila ni Tatiana?
Dave: Nalaman ko lang rin na wala na sila.
Radion replied.
Radion: Ay tsismoso naman ng isang Dave riyan. Pasaring nito.
Trent: Mga gago pumunta na lang kayo rito at baka hindi ko kayang awatin ang lalaking ito.
Nagseen ang lahat ng magkakaibigan pero ni isa sa kanila ay walang matinong reply. Pero pagkaraan naman ng ilang minuto ay nagsidatingan na sila sa club at panay ang interview kay Trent.
"Oh, anong nangyari sa labi mo? Basag na basag ah." puna ni Radion. "Sinuntok ka ba nito ni Master Aslan?" tanong pa niya.
Sinipat naman ni Trent ang balikat ng kaibigan. "Malamang! Ako pa ang sinisisi niya." sagot nito.
Nagtawanan si Dave at Radion sa naging sagot ni Trent.
"Sabi ko na nga ba, may kinalaman ka sa hiwalayan ng dalawa," natatawang sambit ni Dave.
Lasing na lasing si Aslan, halos matumba na siya sa kaniyang kinauupuan dahil sa ilang bote ng alak ang kaniyang inubos hanggang sa umingay ang buong club at nagsayawan ang mga tao.
"Hoy!" Tawag ni Kael sa mga kaibigan.
Lumingon silang lahat sa gawi niya. "Ano na naman, Kael?" reklamong tanong ni Haris.
"Ihatid na natin itong gago!" sigaw niya. "Lasing ang putangina," dugtong pa niya.
Napairap na lamang ang mga magkakaibigan.
Lumapit si Trent kay Aslan para agawin ang bote ng alak maging ang baso.
"Tama na, pare."
Namumungay at namumula ang mukha ni Aslan. "H-Hindi ako lasing, mga pare..." saad niya. Tumayo siya para ipagyabang na hindi siya lasing pero muntik naman na siyang natumba mabuti na lamang at sinalo siya ni Radion.
"Tuwid pa ako maglakad," sabi niya. "Medyo may tama lang ako, pero hindi ako lasing, okay?" paninigurado pa niya.
"Tangina, bakit parang umiikot na 'yong paningin ko?" tanong niya at halos pumikit na rin ang kaniyang mga mata. "Radion, nasaan ang girlfriend ko? Si T-Tatiana..." huminto siya at sinubukang tumayo pero hinawakan ni Radion ang balikat niya.
"Si T-Tatiana... nariyan ba siya? K-Kausapin na ba niya ako?" nauutal na tanong niya. "Nasaan siya? Tawagan mo nga, Radion." utos pa niya.
"Pota," mura ni Dave. "Lasing ang gago, naghahanap sa taong wala."
"Hindi nga ako lasing! Kulit niyo!" inis na giit ni Aslan.
Napasapo na lang sa mukha ang mga kaibigan nito.
"N-Nasasaktan lang ako..." basag ang boses na sambit niya. "Gusto ko lang naman magpaliwanag sa kaniya... pero tinapos na niya ang relasyon naming dalawa." bakas ang luhang naglalandas sa pisngi niya.
Awang-awa ang mga kaibigan ni Aslan sa kaniya dahil parte sila ng pustahan na naging dahilan para malugmok sa sakit na nararamdaman ang isa sa kanilang kaibigan.
"Makikinig rin sa iyo si Tatiana, Aslan..." pagpapakalma ni Kael.
"Sarado ang utak at tainga niya, pero hayaan mo muna..." sabat ni Haris. "...nasaktan mo 'yong tao, kaya kahit anong paliwanag ang gawin mo, hindi ka niya papakinggan."
Inaalo ng magkakaibigan si Aslan sa labas ng club. They're waiting for Aslan to sober up with his drunk state.
Pagkaraan ng ilang minuto at mukhang ayos na si Aslan at medyo nawala na ang kaniyang kalasingan, pinasandal muna siya sa harapan ng kotse nito.
"I... I love her..." he said. "I won't love anymore if it's not Tatiana..." he added, sadly.
"Ang hirap pa lang ma-inlove," pailing-iling na sambit ni Kael.
"Mas mahirap kung iiwan ka ng taong mahal mo dahil lang sa isang pagkakamali," sambit ni Aslan.
Nagulat ang apat sa biglaang sinabi ni Aslan pero tumango-tango na lamang sila bilang sagot sa sinabi nito.
It's true. The most painful scene in a relationship was, you were left by the person you love with the few mistakes you made without listening to your explanations.
"Pero mas mahirap ang magpatawad." sabat ni Trent.
Aslan shook his head, feeling sober, he faked his smile. "Mas mahirap ang magpaalam."
Radion shrugged his shoulders, signaling his friends if Aslan's words were valid or not but he didn't get any answer.
"Paano mo nasabi?" usisa niya na lamang.
Tumingala si Aslan. "Kasi sa bawat pagpapaalam, mahirap burahin 'yong alaala na inukit ng dalawang tao sa isa't-isa. Mahirap magpaalam lalo na kung sobra mong minahal 'yong tao." pahayag niya.
"Mas masakit pa rin ang magpatawad..." giit ni Kael. "Kasi mabigat sa dibdib, mahirap patawarin ang isang tao lalo na kung sobra siyang nasaktan."
Nakikinig lamang si Haris at Dave sa bawat debate ng tatlo patungkol sa pag-ibig.
"Parehong masakit ang magpatawad at magpaalam, kasi ang pagpapatawad, hindi madaling ibigay lalo na kung sobra-sobra 'yong sakit na ipinaranas ng isang tao..." sambit ni Aslan gamit ang malungkot na tinig. "At mahirap magpaalam lalo na kung may nabuo na kayong alaala sa kaonting panahon na nagkasama kayo sa iisang relasyon."
"Katulad niyo ni Tatiana," Radion said. "Hindi mo siya mabitawan kasi sobrang na-attached ka na sa kaniya, kasi sobrang minahal mo na siya."
"At kung magpapaalam, parang hindi na babalik 'yong tao. 'Yong dating pinagsamahan." Saad naman ni Trent.
Tumango si Aslan bilang sagot sa sinabi ni Radion sa kaniya.
"Mahal ko si Tatiana, pero walang rason para sukuan ko siya..." lakas loob na sabi niya. "Mahihirapan siyang patawarin ako, alam ko naman 'yon pero kung talagang wala na... kung talagang ayaw na niya, sino ba naman ako para hindi huminto sa paghahabol sa kaniya?" malungkot at basag ang boses na sambit niya.
"Patatawarin ka niya, hindi man ngayon, malay mo sa next life mo pala." Kael joked to lighten up the atmosphere.
Nagtawanan ang ibang mga kaibigan ni Aslan pero nanatiling seryoso ang kaniyang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Kung hindi niya ako kayang patawarin... ako na rin mismo ang kusang susuko at magpapaalam..." humugot ng isang malalim na buntong hininga. "...kasi kung manananatili ako, baka patuloy ko lang siyang masasaktan. Kaya mas mabuti na lamang na lumayo ako at sumuko kahit mahirap... kahit masakit, pipiliin ko na lang na sarili ko ang masaktan kaysa 'yong babaeng mahal ko..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro