Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Joke lang pala 'yong sa July ako babalik para magsulat. Kaya ito, may update ako sa story ni Aslan at Tatiana. Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa kahit po slow update muna ako ngayon dito. 

**

Pumasok ako sa kompanya, bitbit ang resignation letter ko. Maaga ako kaya wala pa masyadong empleyado at sigurado akong wala rin si Aslan roon sa kaniyang opisina.

"Magandang umaga, Ma'am," bati ng security guard sa akin.

Ngumiti lang ako sa kaniya at huminto sa paglalakad. "Nariyan na po ba si Mr. Lewis sa kaniyang opisina?" tanong ko.

"Hindi ko pa naman siya napansin, Ma'am," sagot nito.

Tumango ako at nilampasan siya. Sumakay ako sa elevator at humugot ng isang buntong hininga. Masakit ang puso ko dahil sa katangahan ko. Nagpa-uto ako sa isang naturingan na playboy.

Ang tanga mo, Tatiana. Wala kang kasing tanga, isinuko mo pa ang perlas ng silangan. Sikmat niya sa kaniyang isipan.

Nakarating ako sa floor namin kung saan naroon ang opisina ni Mr. Lewis. Nakaramdam ako ng biglaang panghihina ng aking tuhod habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina.

Kaya ko ba? Paano kung nariyan siya sa loob? Paano ko siya haharapin? Papakinggan ko ba siya?

Marami akong tanong sa aking isip ngunit isinantabi ko na lamang at agad na binuksan ang pinto ng kaniyang opisina. Pero pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang nakakasulasok na amoy ng alak at nagkalat na basag na bote ng beer.

Nanlaki ang aking mata ngunit kumunot ang aking noo nang mapansin ko si Mr. Lewis na nakaupo sa kaniyang sofa habang tinutungga ang alak.

Ibig sabihin, hindi siya umuwi? Tanong ko sa aking isipan.

Tuwid akong tumayo bago tumikhim para kuhanin ang kaniyang atensyon. Lumingon naman siya sa akin, nanlaki pa nga ang kaniyang mata at nagmadaling tumayo pero natumba naman siya sa sofa.

Lasing siya, bakas iyon sa kaniyang mukha. Nanlulumo at nagsusumamo ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin. Isinara ko ang pinto ng opisina niya at naglakad patungo sa kaniya.

"T-Tatiana. . ." banggit niya sa pangalan ko. "B-Baby, let me explain, please. . ." he begged.

I scoffed. "No explanation at all, Mr. Lewis. I heard it loud and clear, galing mismo sa bibig ng kaibigan mo," nang-uuyam na sagot ko sa kaniya.

Ang kaninang mabigat na nararamdaman ko sa aking dibdib ay napalitan ng galit.

"Just let me. . . explain, Tatiana," makaawa niya. "Kahit ngayon lang, pakinggan mo naman ang paliwanag ko," pagsusumamo niya.

Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Wala ka ng dapat pang ipaliwanag, Aslan. Tama na 'yong nagpa-uto ako sa iyo, na niloko mo ako at pinagluran!" galit kong usal sa kaniya. "Na-i-kama mo na ako, ibinigay ko 'yon sa iyo kasi ang tanga ko dahil nagpaniwala ako sa mabulaklak mong mga salita!"

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan pero itinulak ko siya dahilan para tumama ang kaniyang beywang sa dulo ng kaniyang lamesa. Narinig ko pang humiyaw siya at nakaramdam ako ng inis sa aking sarili.

Tila natauhan at nawala ang kalasingan niya sa sakit na nararamdaman nito sa kaniyang beywang pero binalewala ko 'yon.

"Ilalapag ko lang ang resignation letter ko at aalis na rin ako sa kompanya mo," sabi ko. "Aalis na rin ako sa buhay mo kaya huwag mo ng pangarapin na papakinggan ko ang mapanlinlang mong paliwanag." malamig kong usal sa kaniya.

Kita ko ang malungkot na ekspresyon ng kaniyang mukha pero wala na akong pakialam.

May pilit na ngiti sa kaniyang labi. "S-Sana pala. . ." huminto siya, tila naghahanap ng salitang sasabihin. He's poking his tongue in the left corner of his cheeks then sighed. ". . . kung sana pala hindi ko na pinatulan ang putanginang pustahan na 'yon, baka hindi kita nakuha, baka hindi ko nakita 'yong mga matatamis na ngiti sa labi mo." dugtong niya.

I bit my lower lip and waited for his words again.

"Kung sana hindi ako tumupad sa pustahan na 'yon. . ." muli siyang huminto at bakas ang lungkot sa kaniyang tinig. ". . . hindi ko sana mararamdaman 'yong panandaliang saya habang kasama ka." basag ang boses na sambit niya.

I laughed, sardonically. "That was a bet, Mr. Lewis. A bet is always a bet. A playboy will always be a playboy. Like you." uyam ko sa kaniya. "Nagawa mong paglaruan ang damdamin ko kaya hindi na ako magpapaniwala sa mga salita mo." tugon ko.

"Matagal na akong nag-quit sa tanginang bet na 'yon, Tatiana!" he shouted. Ramdam ang bawat gigil sa kaniyang tono. "Putangina, itinigil ko na 'yon kasi ang saya ko tuwing kasama ka!"

Napakurap-kurap ang aking mata. Gulat ang ekspresyon na aking iginawad ngunit walang salitang lumalabas na salita sa aking bibig.

Masaya siya tuwing kasama ako?

"Pasensya ka na, Aslan. . ." kagat-labing sabi ko habang pinipigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. ". . . pero buo na ang desisyon ko, wala na tayong dapat pag-usapan, wala na rin ang salitang 'tayo'." sambit ko. "Wala ka na rin dapat ipaliwanag dahil hiwalay na tayo! Nakuha mo na ang gusto mo kaya tanggapin mo rin itong resignation letter ko dahil aalis na ako sa kompanya mo." pumiyok ang boses ko.

Yumuko na ako at palihim na pinunasan ang aking luha. Pero alam ko at ramdam ko ang kaniyang titig sa akin.

"Kung aalis ka rin lang sa buhay ko dahil hindi mo pinakinggan ang paliwanag ko. . ." napasinghap siya. "Patayin mo na lang rin ako, kasi ayaw kong mabuhay na wala ang mundong unti-unti kong kinakasanayan." sambit niya, basag na basag ang kaniyang tinig. "Kasi kung wala ka, wala na rin saysay pa ang buhay na binabago ko para lang sa iyo."

Tinalikuran niya ako, lupaypay ang kaniyang balikat. Ang kaninang lasing na lasing na Aslan ay bigla na lamang naglaho. Malungkot, bagsak ang kaniyang balikat at may bahid ng pagsisisi sa buo niyang pagkatao.

"Just leave your resignation letter in my desk. . ." he said, ". . . I'll sign it, I just need to refresh myself and accept that you're gone in my life." he added, flatly. "Kung gusto mong umalis, umalis ka na lang, wala na rin akong magagawa kung hindi mo ako pinakinggan." turan niya at nagtungo sa kaniyang banyo.

Kagat ko ang aking labi at pinanood kung paano siya maglaho sa aking paningin. Nanginginig ang aking mga kamay habang ipinapatong ang resignation letter ko sa kaniyang lamesa. Tumulo ang aking luha kaya tumalikod na ako para lisanin ang kaniyang opisina.

Napatingin ako sa aking relo at pasado alas otso na ng umaga. Nang makalabas ako sa opisina ay mayroon na ang iba kong ka-trabaho pero hindi ko na sila pinansin at nagtungo na lang sa aking lamesa para ayusin ang mga gamit roon at nang matapos ako ay nagpaalam na ako sa mga naging kaibigan ko bago tuluyang umalis sa kompanya niya.

Nang makarating ako sa ibaba, humarap ako sa matayog na building niya. I smiled bitterly as I reminisce the days and months I've been working.

"Paalam, Aslan. . ." mabigat na usal ko. ". . . ayaw na kitang pakinggan kaya lalayo na lang ako para paghilumin ang sugat na idinulot mo," bulong ko. ". . . masakit, mabigat at hindi ko maipapangako na mapatawad kita sa muli nating pagkikita, kung magtatagpo pa ang landas nating dalawa."

Pinahid ko ang aking luha at tumalikod na. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa isang parke. Pinanood ko ang mga ibang bata na naglalaro roon ngunit napagdesisyunan ko na lamang umuwi.

Naabutan ko si Ryan na kasalukuyang nag-aayos para pumasok sa eskwela.

"Oh, ano ang nangyari sa mata mo, ate? Umiyak ka ba?" tarantang tanong niya at agad na kumuha ng tubig.

Ngumiti ako sa kaniya. "Papasok ka na?" tanong ko para maiba ang usapan. "Nasaan ang mga kapatid mo?" tanong ko pa.

"Inihatid ko na sila sa eskwelahan, ate." sagot niya. "Pero bakit po namamaga ang mata niyo? Pinaiyak po ba kayo? At ang aga niyo rin pong umuwi. May problema po ba?" kuryusidad na tanong niya.

"W-Wala, medyo masama lang ang pakiramdam ko," giit ko.

"Gusto niyo po ba na hindi na ako pumasok para maalagaan ko po kayo?"

Umiling ako. "Huwag na, Ryan. Kaya na ni ate ito, pumasok ka na lang." sabi ko. "Wala lang ito, magiging maayos rin ako..."

Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga at tumango na lamang. Kinuha niya ang kaniyang back pack at isinukbit iyon sa kaniyang balikat at nagpaalam sa akin.

Naupo ako sa may sofa, hinayaan ko ang aking sarili na magpahinga. Ipinikit ko ang aking mata pero paulit-ulit pa rin sa aking sistema ang tungkol sa pustahan.

Dapat ba na talikuran ko siya at hindi siya pinakinggan? Paano kung totoo ang sinasabi niya na itinigil nito ang pustahan? He was eager to explain his side but I didn't listen to him.

"He's just a playboy, you shouldn't cry because of him. . ." I scolded myself. "Let him regret, beg for you, and play with him as he did to you."

ASLAN went out of the bathroom with his usual expression as he is fully sober. He's fixing his necktie while walking toward his table. He's sluggish and still, his head was throbbing.

His forehead knitted upon seeing a folded paper above his table beside the wooden plate of his name.

Mabilis niyang kinuha iyon at binuksan at halos malukot na ang papel dahil sa nabasang resignation letter ni Tatiana.

Kumuyom ang kaniyang kamao at pinunit ang papel. Gigil na gigil niyang itinapon 'yon sa basurahan at nakaramdam ng inis at galit sa kaniyang sarili.

Napaupo siya sa kaniyang swivel chair, kinuha niya ang wine at isang baso para salinan 'yon. Inisang lagok niya ang alak ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya roon at nabasag ang baso nang padabog niyang ilapag sa kaniyang lamesa.

Bakas ang pagsisisi sa kaniyang mukha at walang pakialam sa dugong umaagas sa palad niya. Mabilis niyang kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan at hindi ininda ang sugat ng kaniyang kamay.

Mabilis siyang lumabas sa kaniyang opisina at hindi pinansin ang kaniyang mga empleyado at dire-diretsong nagtungo sa kaniyang elevator at mabilis na pinindot ang ground floor.

Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan, umiigting ang kaniyang panga at mahigpit ang hawak sa manobela.

"Fuck that bet!" he cursed. "Shit, Tatiana, listen to me. . ." he prayed.

Dahil tirik ang araw at mahaba ang daloy ng trapiko, umikot siya para dumaan sa ibang ruta para makarating sa bahay ni Tatiana. Hindi na niya naayos ang pagkaka-park ng kaniyang sasakyan at bumaba na lamang siya roon.

Lakad takbo ang ginawa niya para lang makarating sa tapat ng bahay ng dalaga. Pinagpapawisan ang kaniyang noo, napatingin siya sa kaniyang kamay at halos mawalan na iyon ng kulay dahil sa dugong namumutawi roon.

Hindi niya 'yon inalintana, kinatok niya ng tatlong beses ang pinto. Pagkaraan ng tatlong segundo, nagbukas ang pinto at sinalubong siya ng masamang tingin ni Tatiana.

"Tatiana. . ." tawag niya. "Pakinggan mo naman ako," sambit niya.

"Umalis ka," malamig na taboy niya.

Umiling si Aslan. "Hindi. . . dito lang ako, magpapaliwanag ako." lakas loob na saad niya.

Hindi ako aalis, Tatiana. At kung umalis man ako, babalik at maghihintay pa rin ako sa iyo. Nais sabihin ni Aslan ngunit pinigilan na lamang niya ang kaniyang sarili.

Tangina, ikaw 'yong naging tahanan ko pero matatapos lang sa hindi ikaw ang pahinga ko?

Maraming gustong sabihin si Aslan pero nagpipigil siya dahil ayaw niyang mas lalong magalit ang dalaga.

Pinagkrus niya ang kaniyang mga kamay sa harap ni Tatiana para magmakaawa na pakinggan siya.

"P-Please, listen to me, baby. . ."

Tatiana knitted her forehead nang makita ang dugo sa kamay ni Aslan pero hindi niya 'yon pinansin bagkus mas naging malamig ang kaniyang ekspresyon.

"Umalis ka o ipapakaladkad kita sa barangay," malamig na turan niya.

"Magpapaliwanag ako, pakinggan mo lang ako. . ." pakiusap niya.

Tatiana tilted her head to the right side. "Explain. 1 minute," she said, flatly.

Nagkaroon ng pag-asa sa mukha ni Aslan kaya hindi na niya 'yon sinayang.

"Itinigil ko na ang pustahan 'yon kasi nahulog ako sa iyo, Tatiana. Fuck, kung 'yon lang ang dahilan para lumayo ka, patayin mo na lang ako, willing akong ibigay 'yong buhay ko." diretsong litanya niya.

"Putangina, mahal kita, e. Mahal na mahal kita kaya para matigil ang letseng bet na 'yon, kinailangan ko pang ibigay ang limang sasakyan ko para manahimik na sila!" sambit niya. "Mahal kita, Tatiana, kahit 'yon na lang ang paniwalaan mo."

"Tapos ka na?"

Tumango si Aslan.

"Makakaalis ka na, kung maaari huwag ka na rin magpakita pa," she paused. "Parang awa mo na, sawa na akong marinig ang mabulaklak mong salita."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro