Chapter 35
Maganda ang mood ni Tatiana na pumasok sa trabaho. Halos dalawang linggo na ang nakalipas buhat nang may mangyari sa kanila ni Aslan sa isang sikat na hotel pagkatapos ng race nito.
At sa tuwing naaalala niya ang bawat senaryong iyon ay nakakaramdam siya ng hiya. Sino ba naman ang hindi mahihiya kung isang Aslan Yael ang kumain sa kaniyang fresh na tilapia.
Masarap at nakakapagpatirik ng mata.
Naaalala niya kung paano siya bigyan ng matinding sensasyon sa katawan ng kaniyang nobyo maging sa kung paano nito halikan at markahan ang kaniyang buong katawan hanggang sa bigla na lang itong magliyab na parang apoy at hindi matupok-tupok.
Masarap sa pakiramdam ang ginawa nilang pagtatalik. Hindi siya nagreklamo na ibinigay niya ang kaniyang sarili kasi lahat naman ng tao may libog sa katawan.
Flashbacks was in her mind, how sensual and hot their scene is while making love. How their body heat in just a snap and on how Aslan took her deeply and hard.
Pagkarating niya sa kaniyang lamesa ay tahimik ang lahat ng mga kasama niya. Kumunot ang kaniyang noo at napansin ang siwang sa pinto ng opisina ng kaniyang nobyo.
Maingat siyang naglakad patungo roon at may naririnig siyang kausap ng kaniyang nobyo. Mas lalong kumunot ang kaniyang noo dahil pangalan niya ang naririnig.
"Tatiana was just a bet, Aslan. Why suddenly gets serious?"
She heard Trent, asking her boyfriend. Just a bet? Her eyes widened, her mouth formed an 'o' reaction.
I'm just a bet
I'm just a bet
I'm just a fucking bet!
Paulit-ulit niyang sinabi sa utak niya ang mga katagang sinabi ni Trent. Mas lumapit pa siya sa pintuan para marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"I'm dead serious, Trent. That was before. I made a bet but I quit!" Aslan defended. "Putangina, seryoso ako sa kaniya, matagal ko ng pinutol ang pustahang 'yon!"
"Natikman mo lang ang katawan niya, nabaliw ka na pare," sarkastikong sagot ni Trent. "Akala ko ba hindi ka ma-i-inlove sa isang babae? Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin?"
Aslan's jaw clenched. "Kakaibang babae siya, Trent. Hindi siya katulad ng ibang babae sa tabi-tabi lang," sagot ni Aslan gamit ang seryosong tono.
Nanikip ang dibdib ni Tatiana ngunit mabilis rin itong tumibok nang marinig ang naging sagot ni Aslan.
"Yes, she's just a bet before but I'm happy with her," Aslan said, sincerely. "She's the bet I wanna play with to win her." He added, meaningfully.
Dahil hindi na makayanan ni Tatiana ang lubos na hinanakit sa kaniyang dibdib. Binuksan niya ang pinto ng opisina ni Aslan.
Napalingon ang dalawa sa kaniya at iritable ang mukha ni Trent at bakas naman ang takot sa mukha ni Aslan.
"Tatiana, let me explain—"
"Explain, what? Huh?!" Tatiana shouted. "Pustahan lang pala ako kung ganoon, Aslan?" Nanginginig ang boses at bakas ang galit nito.
"It's not what you think... hear me out, babe." Aslan tried to speak but Tatiana stops her using her hand.
"Rinig na rinig ko, Aslan. Hindi ako bingi, malinis ang tainga ko. Pustahan lang ako?!"
Sinubukan ni Aslan na lumapit sa kaniyang nobya pero muli g nagsalita si Tatiana.
"Huwag mo akong lalapitan, Mr. Lewis. I'm mad at you! Kinasusuklaman kita!" Madiin na saad niya. "Katawan ko lang pala ang habol mo na dapat ay siya ang gagalaw sa akin sa pustahan niyo..." Basag ang boses na usal niya habang nakaturo ang kaniyang isang daliri kay Trent. "Ang kapal ng mukha niyo para gamitin ako sa panandaliang pagkaraos niyo sa sarap at init ng katawan!"
Galit na galit si Tatiana, pabalibag niyang isinara ang pinto ng opisina ni Aslan pero muli siyang bumalik habang may luha sa kaniyang mga mata.
"Peke pala ang lahat, Mr. Lewis." She uttered, trembling. "From now on... I'm breaking up with you! Pwede naman magkaroon ng break-up 'yong pagpapanggap at sa pustahan niyo, hindi ba? O panalo ka na." At muli, pabalibag niyang isinara ang pinto at patakbong nagtungo sa kaniyang lamesa para hablutin ang kaniyang bag at mabilis na nagtungo sa elevator.
Mabigat ang kaniyang pakiramdam, masakit ang kaniyang puso dahil sa narinig. Isa lang siyang pustahan na dapat ay ma-ikama.
Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko! Sambit niya sa kaniyang isipan.
Mabilis siyang umalis sa kompanya ng gagong si Aslan at balisang naglakad patungo sa kung saan. Para siyang nasa jsang teleserye na lugmok sa pagkawasak ng kaniyang puso.
"Kung pinigil mo sana ang sarili mo, Tatiana..." Mahinang singhal niya sa kaniyang sarili. "Hindi 'yong nagpadala ka at nasabik ka sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya." Dugtong pa niya at sinipat ang sariling ulo.
Nasa gilid siya ng kalsada, hindi niya alam kung saan siya papunta hanggang sa matagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili sa isang parke.
Nagliwaliw siya roon, pinanood ang mga batang naglalaro. Matirik ang araw dahil pasado alas dos pa lang naman ng hapon. Nakatulala siya at hindi namamalayan na basa na ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang mga luha.
"Ate! Ate! Ate!" Pagtawag sa kaniya ng isang bata pero hindi niya 'yon pinansin. Tila nainis ang bata sa kaniya at niyugyog na nga ang kaniyang balikat. "Ate!" Sigaw ng bata.
Nanlaki ang mata ni Tatiana. "A-Ano?! May sunog ba?!" Tarantang sagot niya.
Nagitla siya nang malakas na tumawa ang bata. "Wala naman, ate..." Nahihirapang sagot ng bata habang pigil pa rin ang kaniyang pagtawa. "Tulala po kasi kayo at hindi niyo namamalayan na umiiyak ka." Dugtong ng bata nang maka-recover ito mula sa kaniyang pagtawa.
Nagtataka naman si Tatiana kaya mabilis pa sa kabayo na hinawakan niya ang kaniyang pisngi. Pinunasan niya ang kaniyang luha at pilit na ngumiti.
"Tears of joy lang, bata." Simpleng sagot niya.
The kid pouted. "Baka tears of pain 'yan?" Asik ng bata. "Mukha niyo po kasi, parang sawi sa pag-ibig."
"Masakit nga," saad niya. "Sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag..."
Naupo sa harapan niya ang bata, nakalaylay sng kaniyang balikat at humugot ng isang malalim na paghinga.
"Sa umpisa, masakit. Habang tumatagal, 'yong sakit na idinulot ng tao sa iyo ay unti-unting mawawala, unti-unting maghihilom..." Pahayag ng bata. "At isa pa, kahit nasasaktan ka sa taong mahal mo pero alam mong niloko ka, alamin mo pa rin 'yong dahilan... 'yong katotohanan. Pakinggan mo ang paliwanag kasi baka na-misinterpret mo lang ang narinig o sinabi niya."
Tila eksperto ang batang kaharap niya habang nagsasalita ito. Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya alam kung ano ang kaniyang iisipin.
"Ate, kung nasasaktan ka, hayaan mo 'yong nanakit sa iyo na hanapin ang halaga mo. Hayaan mo siyang mahirapan at isipin ang babaeng sinayang niya na parang isang dyamante."
Umiyak si Tatiana. Sobrang sakit ng puso niya dahil sa kaniyang amo na naging nobyo niya. Nagpadalos-dalos siya ng desisyon, hindi niya man lang naisip ang mga dahilan na maaari siyang masaktan.
"M-Minahal ko lang naman siya, e... pero bakit ang sakit naman niyang mahalin? Dahil ba sa playboy siya, ituturing niya ako katulad ng mga babae niya?" Litanya nito.
"Minahal mo pero pinili niyang saktan ka, kaya hayaan mo siyang magdusa. Kasi kung mahal ka niyan, hahanap at hahanap ng dahilan ang lalaking 'yon para mabalik ka lang sa tabi niya. Kung mahal ka niya talaga, kahit saktan mo siya sa pisikal, tatanggapin niya kahit na masakit rin para sa kaniya na umiiyak ka dahil sa kagaguhan niya..."
Tatiana closed her eyes, as she cries a lot. "Gago siya, e. Mukha pa lang niya, talagang gago na. Pero minahal at nagustuhan ko 'yon. Nagpadala ako sa mga matatamis niyang salita dahil akala ko totoo ang lahat..." Umiiyak na sambit niya. "Akala ko mahal niya ako, pero pinagpustahan lang pala nila ako ng mga kaibigan niya. Putangina, hindi naman ako isang laruan para paglaruan," dugtong pa niya.
Magdadapit-hapon na at magsasalubong na ang dilim at liwanag ngunit naroon pa siya sa parke, nakatulala at nag-iisip kahit walang pumapasok na kahit ano sa utak niya.
UMIIYAK, naglalakad sa kawalan at madilim na parte ng kalsada si Tatiana. Hindi niya alam kung saan siya paroroon dahil sa bigat at sakit na nararamdaman niya.
Pinaglaruan, pinagpustahan lamang siya ng mga kaibigan ng kaniyang nobyo. She's stupid and fool para maniwala sa mabulaklak na salita ng kaniyang boss. Nagpadala siya sa mga halik at sa mga haplos ni Aslan.
"Tangina!" mura niya. "Ang tanga mo, Tatiana. Kung bakit naman kasi naakit ka sa mabulaklak na bibig ng gagong iyon." Inis na singhal niya sa kaniyang sarili. "Mas malupit pa, ibinigay mo ang sarili mo sa lalaking hindi naman pala sinsero sa mga pinapakita niya. Ang laki mong tanga, Tatiana."
Huminto siya sa paglalakad at hindi man lang niya namalayan na bubuhos ang malakas na ulan. Napatawa na lamang siya ng mapakla, naglakad siya sa gitna ng ulan. Hindi inalintana ang lamig at basa nitong katawan.
Nasa gilid ito ng kalsada at isang sasakyan ang huminto sa tabi niya. Nagtuloy-tuloy siyang naglakad at walang pakialam sa lalaking tumatawag sa pangalan niya.
Hahakbang na siyang muli nang may humigit sa kaniyang braso kaya tuluyan siyang napaharap rito. Tumalim ang kaniyang tingin at nakaramdam siyang muli ng galit nang makita si Aslan na basa na rin dahil sa ulan.
"I'll take you home, Tatiana and let's talk!" Matigas na usal ni Aslan at hinila siya patungo sa sasakyan nito.
Nagpumiglas si Tatiana. "Huwag mo akong hawakan, Mr. Lewis! Wala na tayong dapat pag-usapan!" sigaw niya sa lalaki.
"I-uuwi kita sa ayaw at sa gusto mo, Ms. Morgan." malamig na sambit ni Aslan.
Hindi halata ang mga luhang dumadaloy sa mata ni Tatiana dahil sa ulan. "Para saan pa, Aslan? Pinaglaruan mo na ako, nakuha mo na ang pagkababae ko, ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Ano gusto mo pang umisa? Hindi ka ba nakontento?" Nangunguyam na tanong nito sa lalaki.
"Putangina, Tatiana!"
"Putangina mo rin, Aslan!" sigaw niya pabalik. "Ang sakit lang Aslan, kasi nagpakatanga at nagpatangay ako sa mabulaklak mong salita. Totoo nga ang sabi nila, kaya walang nagmamahal sa iyo dahil wala kang kwentang tao." sabi ni Tatiana at marahas na inagaw ang kaniyang braso mula sa pagkakahawak ni Aslan.
Tumalikod siya at itinuloy ang paglalakad ngunit muli na naman siyang hinabol ni Aslan kaya sinampal niya ito ng magkabilaan.
"Stop pretending that you're in love nor concern at me," Tatiana's voice cracked, "...you choose to play my feelings. Then, well played, Mr. Lewis. You had my virginity but don't expect me to forgive you," she uttered coldly. "You're a heartless and arrogant man without balls, anyway."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro