Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Nasa kaniya-kaniyang silid sina Aslan at Tatiana dahil nagpumilit itong maghiwalay sila ng kwarto sa kadahilanang ayaw nitong makasama ang lalaki at hindi iyon propesyunal tignan.

Katatapos lang maligo ni Tatiana nang may biglang kumatok sa pinto nito. Dahil hindi na siya nakapag-bihis, madali siyang nagtungo sa pintuan at binuksan iyon.

Bumungad sa kaniya ang mahalimuyak na bango ni Aslan, nakaputing t-shirt ito at khaki short na pinaresan ng simpleng tsinelas.

Nabigla ito at napalunok. Isasara na sana niya ang pinto ngunit naiharang na ni Aslan ang kaniyang paa sa pintuan. Ngumisi ito sa kaniya at hindi naman nakawala sa paningin ni Aslan ang pamumula ng pisngi ng sekretarya.

"You wear nothing inside that robe, don't you?" Aslan smirked at her.

Iniharang ni Tatiana ang kaniyang dalawang kamay sa dibdib at masamang tinignan ang kaniyang boss.

"Dukutin ko kaya ang mga mata mo, Mr. Lewis? Baka sakaling magtanda ka dahil sa kamanyakan mo!" Angil nito. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Para sabihin ko sa iyo, Sir Aslan, mamayang alas nuwebe pa magsisimula ang conference. Bakit hindi ka na lang magliwaliw kaysa istorbohin ako?"

Napatawa si Aslan. "Unang-una, wala akong makikita sa dibdib mo kasi wala namang laman. Pangalawa, hindi ako manyak, nagsasabi lang ako ng totoo. Pangatlo, kakain lang tayo ng agahan at kung ayaw mo naman akong saluhan sa pagkain..." Huminto si Aslan at nagkibit-balikat, "bahala kang magutom sa tatlong oras na conference. Pang-apat, hindi ako nsgtungo rito sa Cebu para magliwaliw, trabaho Tatiana. Trabaho ang aatupagin rito... depende na rin kung gusto mong atupagin kita."

"Tumahimik ka na nga! Satsat ka nang satsat. Makasalanan talaga dila mo, Mr. Lewis."

Tumango-tango si Aslan. "Mas lalong magiging makasalanan kapag dinilaan ko tilapia mo," huminto ito at nag-isip pa ng sasabihin. "at saka, ipinanganak na akong makasalanan."

Dahil sa inis, sinipa ni Tatiana ang tuhod ni Aslan at pinagbagsakan ng pintuan.

"Magaling na naman ang kumag kaya kabastusan na naman ang lumalabas sa bibig. Kaasar!" Inis na saad niya bago bumalik sa banyo at magbihis.

"Dapat pala lagi na lang may sakit oara tahimik at hindi iba ang lumalabas sa makasalanan niyang bibig." Naiiling na saad nito bago muling pagbuksan ang pinto.

"Lumabas ka pa talaga," nangunguyam na usal ng kaniyang amo. "nakakainip kang hintayin. Sumunod ka na nga! Kilos-pagong kasi."

Nagpanting ang tainga ni Tatiana sa narinig mula sa kaniyang amo. "Kung hindi mo na lang kaya ako hinintay, e hindi sana nagwawala mga bulate sa sikmura mo!" Sigaw ni Tatiana.

Since kubo style ang mga silid, hindi nakaligtas sa pandinig ng ibang tao ang pagsigaw ni Tatiana.

Napakagat labi naman ito at umatras na lamang at pabalibag na isinara ang pinto. Hindi na ito sumunod sa amo niya, hinanda na lamang niya ang sarili para sa conference na magaganap sa isang function hall ng resort.

Nagugutom na siya ngunit ininda na lamang niya iyon at akma na sana siyang aapak sa may pinto nang makita niya ang isang styro na nakalapag roon.

Kumunot ang noo niya at saka pinulot ito. Naamoy naman niya ang mabangong amoy ng pagkain. Isinara niya ang pinto bitbit ang styro bago siya naupo sa isang bench at kinain iyon. Napangiti siya nang wala sa oras habang kinakain iyon at iniisip na may kabaitan rin pala ang kaniyang amo ngunit napawi ang ngiting iyon nang maalala na walang puso ang lalaki.

"Magpapasalamat pa sana ako kaso huwag na lang," saad niya. "Baka lalong lumaki ulo niyon at lalong manigas. Nakakatakot pa man rin siya, nanunuklaw." Dugtong niya.

Hinanap niya ang function hall at sa hindi inaasahang pangyayari, nakabunggo siya nang tao kaya nahulog ang hawak nitong mga dokumento.

"I'm sorry, Miss. You're blocking my way," mayabang na usal ng lalaki. "Sayang, seksi mo pa naman kaso tatanga-tanga ka." Dugtong nito.

Nagpanting ang tainga ni Tatiana at walang gana niyang tinignan ang lalaki. Moreno ito, matangos ang ilong at may matikas na pangangatawan. Kinunutan niya ito ng noo at saka pekeng ngumisi.

"Sorry, ang lawak ng daan, hindi ba?" Nangunguyam sa saad ni Tatiana. Inilibot pa nito ang tingin sa paligid, "malawak ang daan mukhang bulag ka, ah." Masungit na sambit nito.

"You know what, Miss-whoever-you-are, I'm out of this." Sapo-sapo ng lalaki ang kaniyang mukha na tila naiinis.

Aba! Siya pa itong may gana na magsungit, siya nga itong nakabunggo sa akin. Maturuan nga ng leksyon.

"Oh, nasa labas ka naman. May nakikita kang pinto?" Sarkastikong usal ni Tatiana. "Hindi ba, wala? Makakaalis ka na pero kung gusto mo pang makipag-argumento sa akin, umuwi ka na lang kasi wala kang laban sa akin." Kinindatan pa ito ni Tatiana bago humakbang paalis sa harap ng lalaki.

Ngunit bago ito makalayo, narinig niya ang sigaw ng lalaki dahilan para lumingon.

"You're such a bitch!"

"And you're a jerk! Bagay man 'yan sa atin pero hindi ka babagay sa akin. Gwapo ka, mayabang naman. Makalaglag panty ang mukha mo, pero ugali mo laglag na." Sigaw pabalik ni Tatiana. "And oh! By the way, I'm bitch, hell yeah!"

And with that, she walked straight with annoyed face. Nakarating siya sa function hall. Nakita niya agad ang amo niyang nakakunot ang noo. Lumapit siya rito at akma sana niyang babatiin ngunit naunahan na siya.

"Nakipaglandian ka pa kaya ka natagalan?" Nangunguyam na tanong ni Aslan. "Where's the man you are flirting with?" Nakataas kilay na tanong pa nito.

Nakakunot ang noo ni Tatiana. Naiinis siya sa kung anong pinagsasabi ng amo niya. Nagsukatan sila ng tingin bago siya nagsalita. "Hindi ako nakipaglandian, Mr. Lewis. May nakaharap kasi akong tao na kasing-ugali mo. Akala niyo i-kinaguwapo niyo ang pag-aakusa." Malamig na sagot nito. "nakaabot naman ako hindi ba? Hindi pa naman nag-uumpisa ang conference."

"But you flirted? Imbes na na-review ko na ang mga dokumento na i-pi-prisinta ko, hindi-" pinutol nito ang sasabihin.

"Sana naalala mo noong nagtungo ka sa cabin ko," seryoso at malamig na sagot nito. Lumingon siya sa ibang direksyon at bumalik ang tingin nito kay Aslan na siyang nakakunot ang noo. "Matalino ka hindi ba? Mayabang ka rin, kaya ano pa ang ipinuputok ng butsi mo?"

Naupo si Tatiana na may bahid ng inis sa kaniyang mukha. Minsan, naisip niya na bobo rin ang kaniyang amo minsan.

"Gatas ang ipinuputok ko na kayang bumuo ng bata sa sinapupunan mo," mapaglarong sagot ni Aslan.

Napalingon si Tatiana ngunit magsasalita pa sana siya nang magsimula ang conference. Maraming businessman ang naroon at namataan na naman niya ang lalaking nakabunggo niya kanina.

Pabulong-bulong ito ngunit isinantabi niya ang kaniyang inis at nagsimulang maglista sa mga importanteng bagay na sinasabi ng ibang speaker.

Aslan is one of the speaker of the conference. She's watching him while delivering his presentation in front without flaws and loopholes. She's also observant on the whole conference but one thing caught her attention, his boss is looking at her direction all through out the presentation.

Nag-iwas siya nang tingin dahil hindi niya kayang makipagtitigan sa amo. Lumingon siya sa ibang direksyon, hindi siya mapakali sa kaniyang upuan.

Napailing siya at kinalma ang sarili. "Wala lang ang tingin na iyon, Tatiana. Baka kinakabahan lang siya." Lihim niyang pinaypayan ang sarili.

Makalipas ang ilang minuto, naramdaman niya na may umupo sa katabi nitong upuan. Nakayuko siya kaya tanging sapatos lamang nito ang nakikita.

"Look up, Ms. Morgan," isang baritono at malamig na boses ang narinig niya.

Kinagat lamang nito ang ibabang labi at hindi sinunod ang amo. Ayaw niya itong tignan dahil iba ang tingin nito sa kaniya.

"Ayoko, Mr. Lewis," mahinang usal ng kaniyang sekretarya.

Lumapat ang naglalagablab na palad ni Aslan sa ibabaw ng hita ni Tatiana. Nabigla ito kaya umangat ang tingin niya. Palipat-lipat sa ibang direksyon ang kaniyang mga mata dahil baka may makakita sa ginagawa ng kaniyang amo.

Ramdam nito ang paghigpit ng hawak ni Aslan roon sa kaniyang hita, tinapunan niya ito tingin.

"Ang kamay mo, Mr. Aslan Yael Lewis," banggit ni Tatiana.

Nilingon siya nito, "feel that? It's on fire, Tatiana." Mahinang usal nito at tila nahihirapan. "Nag-iinit ako nang dahil sa iyo." Dugtong nito.

Hindi naman makapagsalita si Tatiana. Pigil hininga itong tinapik-tapik ang kamay ni Aslan sa kaniyang hita.

"Tanggalin mo na kasi, sir. You're harassing me already."

"I'm not harassing you, Tatiana..." Saad ni Aslan at hinaplos ang hita nito, "If harassing you means I'm desiring you, then be it. I'll lust you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro