Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34: Home Sweet Home

A/N: Updates will no longer be daily, but every other day.

FABIENNE

DATI, WEEKLY akong umuuwi sa 'min sa Angeles City. As soon as my Friday classes were over, sumasakay ako sa bus service mula sa campus at bumababa sa jeepney terminal papunta sa lugar namin. Sunday evening or early Monday morning naman ako bumabalik sa university.

But since I got busy with academics and theater, hindi na napadadalas ang pag-uwi ko. Monthly na. Magastos din kasi ang biyahe. Mas mabuti kung gamitin ko sa pagkain sa weekend at pandagdag na allowance sa susunod na linggo. Tinatawagan ko na lang sina Mama at Kuya para mangumusta sa kanila. I still kept in touch para hindi nila masabing nilamon na ako ng college life.

The last time I went home was in early August. It's the week before the two-day team building. Dahil wala akong pending schoolworks ngayong weekend at walang assignment sa 'kin si Castiel, naisipan ko munang umuwi. Ayaw kong masyadong magpa-miss sa family ko. At na-miss ko na rin ang pusa at ang kuwarto ko.

Umalis ako ng campus bandang alas-siyete at nakarating sa bahay lagpas alas-otso. Kahit hindi na madalas ang pag-uwi ko, mabuti't kilala pa ako ng tricycle drivers sa may kanto. Sasakay lang ako sa sidecar 'tapos alam na nila kung saan ako dadalhin.

Balak kong i-surprise si Mama kaya hindi ko sinabi sa kanyang uuwi ako today. Maingat kong binuksan ang aming gate para hindi masyadong lumikha ng kaluskos. Pagtulak nito, bumati ang orange na pusa namin na nag-meow nang mahina habang nakatingala sa 'kin. Kinarga ko siya sa aking bisig at hinaplos ang ulo niya para manahimik at umamo. Thank goodness, kilala pa ako ni Kahel. Obvious naman siguro kung bakit gano'n ang ipinangalan ko sa kanya, 'no?

"Yen, ikaw ba 'yan?"

Nagti-tiptoe pa ako patungo sa pinto nang bigla itong bumukas. Bumungad ang mukha ni Mama. Maiksi ang kanyang buhok na abot hanggang panga. She's in her late forties, pero hindi masyadong halata dahil flawless pa rin ang mukha niya. Kanino pa ba ako magmamana? Ngumiti ako habang napaangat ang tingin ni Kahel sa kanya.

"Good morning, Ma! Na-miss mo ba ako? I'm home!" Hinalikan ko siya sa may pisngi at niyakap ng isa kong kamay (hawak pa rin kasi ng kabila si Kahel).

"Aba, siyempre naman!" Nakangiti rin siya sa 'kin. Hinaplos niya ang ulo ko habang nakatitig sa mga mata ko. I could see my future self to look exactly like her. "Lalo yatang gumanda ang prinsesa ko?"

I tucked some strands of hair behind my left ear. "Ma, naman! Umagang-umaga, binobola n'yo na ako."

Natawa siya. "Nag-agahan ka na ba?"

Napahawak ako sa aking tummy. My stomach let out a growl. "Hindi pa po, eh. Dumeretso kasi agad ako rito pagkaligo para maaga akong makauwi."

"Sakto, katatapos ko lang magluto ng sinangag at itlog! Kain ka na muna."

Kahit on diet ako, hindi ko matatanggihan ang luto ni Mama. Ibang-iba kasi ang lasa kapag siya ang nagluto. Pang-five star restaurant ang level! Sobrang na-miss ko rin kaya talagang susulitin ko. Bahala na ang diet-diet na 'yan! Mababawi ko naman sa exercise pagbalik ko sa campus.

Itinulak ni Mama ang pinto at pinatuloy na ako sa loob. Hindi gano'n kalaki ang bahay namin. It's a single detachment house with three bedrooms—one for mom and dad, one for me, and one for my brother. Wala rin 'tong second floor kaya deretso ang layout. Unang bumungad ang sala namin, 'tapos nasa likuran ang dining area at kusina.

Ibinaba ko na si Kahel na sumunod sa 'kin sa dining table. She was rubbing her body against my leg. Nang umupo na ako, umupo rin siya sa sahig, nakatingala pa rin sa 'kin.

"Ma, pinakain mo na ba si Kahel?"

"Oo naman." Pumunta si Mama sa kitchen para kunin ang platter ng fried rice at plato ng sunny side up eggs. Inilapag niya ang mga 'yon sa mesa. "Huwag mo nang bibigyan ng food 'yan. Kita mo ang taba-taba na niya? Baka magkasakit 'yan kapag sobra ang pinapakain natin."

"Meow~"

"Diet ka muna, ha?" sabi ko kay Kahel bago hinarap ang pagkain. Tatayo sana ako para kumuha ng plato at utensils, pero pinaupo ako ni Mama at siya na ang kumuha n'on.

"Ano'ng gusto mo, coffee o choco?" tanong niya sabay kuha ng mug at hawak sa vacuum flask.

Sandali akong napaisip. "Coffee na lang, Ma." Na-miss ko ang tamang timpla niya ng kape.

Iginala ko ang aking tingin sa loob ng bahay. Wala pa ring pinagkaiba no'ng huling umuwi ako rito. Malinis at maayos pa rin gaya ng dati. Hindi hahayaan ni mama na kumalat at dumumi. Wala siyang work kaya ang pagma-manage sa bahay ang inaasikaso niya araw-araw.

"May work ba today si Kuya?" tanong ko nang nagawi sa pinto ng isa sa mga kuwarto ang tingin ko. "O baka tulog pa siya?"

"Kaaalis lang niya kani-kanina," sagot ni Mama sabay lagay ng mug na may steam sa harapan ko. Paulit-ulit niyang inihalo ang kape hanggang sa alisin na niya ang kutsara. "Baka mag-overtime daw siya mamaya. Understaffed ngayong weekend sa hospital na pinagtatrabauhan niya."

"Sayang! Akala ko pa naman makikita ko na ulit agad siya. Siguradong na-miss na ako n'on."

"Oo nga, eh. Lagi niyang tinatanong kung uuwi ka ba raw sa weekend."

Dalawa lang kaming anak ni Mama: ako at si Kuya Fabrice. My brother, who was four years ahead of me, also studied in Elysian University and took up Nursing as his course. Dahil nag-i-struggle kami financially, kinailangan niyang mag-working student para maipagpatuloy ang pag-aaral niya. Meron pa nga siyang part-time job maliban do'n. Kung may inspiration man ako sa buhay, walang iba kundi si Kuya. He showed me that through hard work, maaabot ang mga pangarap namin basta huwag susuko.

Sinimulan ko nang kumain habang umupo sa tapat ko si Mama. Nakapatong ang mga siko't braso niya sa mesa. Medyo na-conscious ako dahil pinanonood niya ako. "Kumusta naman ang school mo? Pati na ang part-time job mo?"

Muntik na akong mabilaukan sa unang subo ko. Agad niya akong kinuha ng baso ng tubig.

I hadn't told Mom or Kuya about my dilemma. Ayaw ko kasi silang stress-in sa mga problema ko. Ayaw ko na ring makaragdag sa mga iniisip nila. The only time na sasabihin ko sa kanila ay kapag nagawa ko na ang lahat ng kaya kong gawin pero wala pa ring magandang results. Thankfully, I didn't have to tell them anything because Castiel offered me the First Lady job. I averted the crisis kaya wala na akong ikinuwento sa kanila.

"Pasado ang grades ko sa prelims," sagot ko nang makainom na. "Magpe-prepare na kami niyan for midterms. Tungkol naman sa part-time job ko, naikuwento ko na ba sa inyong nag-resign na ako sa cafe? Ay, hindi pa? May conflict kasi sa sched ko kaya kinailangan kong i-let go."

"Kailan pa?" follow-up question ni Mama. "Bakit hindi mo sinabi sa amin? Kumusta ang allowance at pang-tuition mo? Paano na ang pang-midterms mo?"

"Don't worry, Ma! Nakahabol ako sa application ng USC scholarship," tugon ko matapos sumubo ulit. Iba talaga ang lasa ng fried rice niya compared do'n sa ino-order ko sa food hub. "One hundred percent ang grant nila at hindi gano'n kahirap ang requirements. Wala na akong babayaran na kahit singko. Allowance at pambayad sa dorm na lang ang iniisip ko ngayon."

"Talaga? Salamat naman kung gano'n!"

I remembered Castiel's reminder to not tell anyone about Oplan First Lady. Hindi naman niya sinabing bawal sabihin ang tungkol sa USC scholarship, lalo na sa parents o family ko. He had nothing to worry about. I wouldn't tell mom about the conditions. Enough nang malaman niyang wala na akong babayaran na kahit magkano.

"Also . . ." Napayuko ako't bahagyang humina ang aking boses. Ibinaba ko rin ang spoon at fork ko. "I got the lead role in our upcoming theater performance. I'll be playing Juliet sa modern adaptation namin ng Romeo and Juliet."

Natahimik sa mesa, tanging ang mahinang pag-meow ni Kahel ang bumasag nito. Nanatili akong nakayuko nang ilang segundo. After a while, nagkatapang akong iangat ang aking tingin kay Mama. Naging malamlam ang mga mata niya at wala nang ngiti sa kanyang labi.

Siguro, kung ibang parents ang sinabihan ko n'on, halos magtatalon na sila sa tuwa. Big deal na makuha ng kanilang anak ang lead role. Sa dami ng nag-audition, hindi gano'n kadaling masungkit 'yon.

Siguro, kung 'yong mama ko five years ago ang sinabihan ko nito, baka tuwang-tuwa na siya para sa 'kin at walang tigil ang pag-congrats niya.

Pero iba na si Mama ngayon. Hindi na niya ikinatutuwa ang mga ganitong balita. Kaya nagdalawang-isip din akong i-share sa kanya. I couldn't tell her over the phone because I couldn't find the courage to do so. Mas nagkaroon ako ng tapang nang nagkaharap na kami.

"Second time ko nang makakuha ng lead role," nag-aalangan kong dagdag. "Una, si Mulan. Tapos ngayon, si Juliet. Magkaibang direktor pa ang nakapili sa 'kin. Hindi naman siguro coincidence o suwerte 'yon."

Umiwas ng tingin si Mama. "Hindi mo pa rin pala isinusuko ang pangarap mong 'yan."

Napayuko na naman ako. Sabi ko na nga ba, maling idea na i-bring up ko 'yon lalo na't kakikita pa lang ulit namin.

"Alam kong naging passion mo na ang acting," dugtong ni Mama, nakaiwas pa rin ang tingin sa 'kin. "Pero sana, maging realistic ka. Sigurado bang magkakatrabaho ka agad pagka-graduate mo ng college? Magiging malaki ba ang salary mo?"

My eyes kept on looking down. Nagpigil akong sagutin si Mama.

"Kung sanang privileged ang pamilya natin, susuportahan kita all the way. Kaso hindi, eh. Mapakakain ka ba ng passion mo? Mapasusuweldo ka ba niyan? In demand ba ang mga graduate ng course mo para mabigyan ka ng work immediately after graduation?"

Hindi na ako nakatiis. "Pero Ma, hindi natin alam kung ano'ng naghihintay sa 'tin sa future. Malay n'yo, 'di ba? Dahil sa pag-arte ko sa teatro, may biglang maka-discover sa 'kin 'tapos bigyan ako ng big break. Baka 'yon na ang magpapabago sa buhay natin."

"Anak, hindi natin pwedeng ipaubaya sa walang kasiguraduhan ang kinabukasan mo. Hindi ito lotto na tumataya ka at umaasa ka lang sa suwerte. Kailangan mong magpakatotoo. Kailangan mong i-consider kung may patutunguhan ba ang lahat ng ginagawa mo ngayon sa hinaharap mo. Baka kasi nagsasayang ka ng oras na hindi mo na mababawi. You won't get any younger, Yen."

Natikom ang aking bibig. Ilang beses ko nang narinig ang mga sermon niya. Ilang beses ko na ring narinig ang mga sentimiyento niya tuwing pinag-uusapan namin 'to. It's like a song that was on repeat.

"Nakalimutan mo na ba, Yen?" tawag ni Mama, dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kanya. "Ilang taon tayong umasa. Ilang taon tayong nangarap. Pero may nangyari ba? Wala. Nasayang ang panahon na ginugol natin sa pangarap ko para sa 'yo. Wala namang pinatunguhan sa huli."

My mom, who raised me and led me to this path, was no longer as supportive to my acting career as she was years ago. Dahil 'yon sa sunod-sunod na disappointment. I had mentioned before na kahit bata pa lang ako, nag-o-audition na ako sa commercial at nag-a-attend na ako ng acting workshops. Tuloy-tuloy 'yon mula elementary hanggang high school. But I never landed a major kid or teen role. I wasn't the face of a commercial. I wasn't the lead star of a TV series or movie. Laging extra o nasa background, 'tapos sobrang baba pa ng talent fee.

Malaki ang investment niya sa 'kin at sa acting ko, pero makalipas ang ilang taon, pakiramdam niya siguro'y nalugi siya. And I couldn't blame her for thinking that way.

"Sabi ng Kuya mo, hayaan kita sa landas na napili mo," dagdag ni Mama matapos ang ilang sandali ng katahimikan. "'Yon mismo ang ginawa ko, kasi gusto ko ring enjoy-in mo ang college life mo. Pero sana'y i-manage mo ang expectations mo, Yen. Sana'y maging realistic ka sa tatahakin mo. Baka sa huli, labis ang pagkadismaya mo at magsisi ka sa mga oras na sinayang mo para sa isang bagay na walang return sa 'yo."

Hindi naman masamang mangarap, 'di ba? Hindi rin naman masamang bigyan ng oras at effort ang mga bagay na nagpapasaya sa 'kin. Hindi rin naman masamang umasa na balang-araw ay may malaking pay-off ang lahat ng paghihirap ko. Oo, alam kong umaasa ako sa suwerte at sa pagkakataon, pero wala namang masama ro'n, 'di ba?

I didn't want to argue with my mom kaya tahimik kong inubos ang breakfast ko. Lumapit sa 'kin si Kahel at ikinaskas ang katawan niya sa aking kanang paa, tila sinusubukan akong i-cheer up. She would not understand what my mom was talking about, pero ramdam niya sigurong hindi ako masaya sa takbo ng discussion.

Nang natapos na akong kumain, hinugasan ko na ang aking plato at mug, maging ang spoon and fork. Lumabas muna si Mama para diligan ang mga halaman niya sa maliit na garden namin. Ako nama'y pumunta sa kuwarto ko na halos isang buwan ko ring hindi nakita. It's still the same, halos kasing-laki ng dorm unit ko. Pansin ko na bagong palit ang bedsheet at ang pillowcases. Maybe Mom changed it yesterday, should I come home this weekend.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na higaan. Oh, how much I had missed the comfort of my own bed! Dagdag pa ang mabangong amoy ng unan at bedsheet.

I looked up at the ceiling and stretched out my right hand. Parang may inaabot ako na hindi ko maabot. Hindi ko naiwasang mapaisip sa sinabi ni Mama, na ilang beses na niyang isinermon sa 'kin. Masayang-masaya at nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko ngayon. Pero aminado ako, hindi ko alam kung may sigurado 'tong patutunguhan sa hinaharap. Not everyone in my class would be given a big break kapag g-um-raduate na sa course ko.

Then I turned my body around and buried my face in between my two pillows. Ayaw ko munang isipin ang future. Masyadong uncertain at unpredictable. Ayaw kong magkaroon ng anxiety sa kaiisip kung may mapapala ba ako sa passion ko o wala.

Naalala ko ang sinabi sa 'kin ni Priam no'ng team building: "Castiel once told me that I shouldn't worry too much about the future and focus on enjoying the present."

He's right. All I wanted was to enjoy the present and make it memorable for me.



I SPENT the whole day with my mom in the living room. Iniwan ko ang aking phone sa kuwarto at sinamahan si Mama na manood ng TV o maghanda ng tanghalian namin. Today's family day for me, ayaw kong may ibang mang-istorbo sa 'kin. We spoke and acted as if hindi namin napag-usapan ang theater career ko. Mas okay kami kapag hindi nagiging topic 'yon.

For lunchtime, ang iniluto namin ay sinigang na baboy. Dinamihan na namin ang sahog at laman para abot na hanggang mamayang gabi. I liked observing kung paano magluto si Mama. She used to be a cook in a Pinoy-themed restaurant. Dahil sa kanya, I learned how to cook nilaga, bulalo, menudo, afritada, kare-kare and other Pinoy ulam. Sayang dahil hindi ko maluto sa dorm. Wala kasi akong ref do'n kung saan pwedeng i-stock ang mga karne at wala ring market na pwedeng pagbilhan ng ingredients.

Seven o'clock was our dinnertime. Tinulungan ko na si Mama sa paglalagay ng mga plato at utensils sa mesa. She put a large bowl of sinigang on the center of the table. Saktong papaupo na kami nang may narinig kaming kaluskos mula sa gate. Kahel quickly ran outside para batiin ang taong kapapasok pa lang.

"Surprise!" I greeted my Kuya Fabrice whose eyes widened at me.

"Yen!" he exclaimed. Nakasuklay sa isang side ang buhok niya. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan. I wasn't sure kung hindi siya masyadong nakakakain dahil sa work o sadyang may mine-maintain siyang figure. Kapag ipinagtabi kaming dalawa, hindi raw halatang magkapatid kami. Well, I resembled my mom while my brother resembled my dad. Pero pareho kami ng kulay ng mga mata at hugis ng mukha.

Nakasuot si Kuya Ris ng white nurse suit at naka-backpack. He's working as a nurse at Clark Medical Center for two years now. Mukhang nag-e-enjoy naman siya sa kanyang work lalo na't mahilig talaga siyang tumulong at mag-respond sa needs ng iba. Ako nga na kapatid niya, tinulungan niya ako sa education ko kahit hindi niya ako responsibilidad.

"Miss me?" tanong ko. Lalapitan ko sana siya, pero iniharang niya ang dalawa niyang kamay sa 'kin.

"Let me just take a shower, okay? Baka may virus na dumikit sa katawan ko 'tapos mahawa pa kita. Ayaw kong magkasakit ang sissy ko."

Dumeretso siya sa kanyang kuwarto bago pumunta sa comfort room. Habang nagso-shower siya, kumuha pa ako ng additional na plato at spoon and fork, pati na baso. Pinagsandok na kami ng kanin ni Mama.

It took my Kuya ten minutes bago siya lumabas ng banyo at nagbihis ng damit na pambahay. Sinusuklay pa niya ang kanyang buhok habang papunta sa mesa. He took the seat next to me habang nasa kabila si Mama. Isa-isa na kaming kumuha ng sabaw mula sa bowl.

"Kumusta ang duty mo today?" tanong ni Mama matapos humigop ng bagong init na sabaw.

"Hayun, busy pa rin!" may buntonghiningang sagot ni Kuya. "May biglang nag-leave sa mga kasama ko kaya kinailangan kong mag-overtime today."

"'Di ba no'ng minsan, nag-overtime ka rin?" tanong ko. Naalala ko ang conversation namin over the phone. "Hindi ka pa ba napapagod?"

Tumango siya. "I'd be lying kung sasabihin kong hindi nakapapagod. Pero worth it naman, lalo na kapag may natutulungan akong patient. Imagine kung wala ako roon. Baka hindi agad naasikaso 'yong iba."

"Basta huwag mong i-overwork ang sarili mo, ha?" paalala ni Mama. "Baka ikaw ang susunod na kailangang dalhin sa ospital kapag na-overfatigue ka."

"Don't worry! Malakas yata ang resistansya ko!" pagmamayabang ni kuya. Bigla siyang napasimangot. "Remember 'yong na-mention ko before na binabantayan kong patient na na-comatose? Hindi pa rin siya nagigising until now. Mag-iisang taon na yata siya roon."

"Paano ang bills nila?" tanong ko bago sumubo. "Sure na mataas na 'yan kung gano'n na katagal."

"Mahirap lang 'yong family ng patient, pero sustentado naman sila ng mabait na sponsor," sagot ni Kuya. "Teka, maiba ako. Tama na muna ang usapan tungkol sa work ko. Kumusta ka naman, Yen? Mabuti't naisipan mong pumasyal dito? Akala ko nakalimutan mo na kami."

Natawa ako nang mahina, muntik ko nang mabuga ang iniinom ko. "Ano ka ba naman, Kuya? Makalilimutan ko ba kayo? Medyo naging busy lang ako nitong nakaraan. Wala akong masyadong ginagawa this weekend kaya naisip kong umuwi."

Ngumisi si Kuya, tila may pang-iintriga. "Wala ka bang update sa amin?"

Naningkit ang mga mata ko. "Update? Ah!" Nabaling ang tingin ko kay Mama bago ibinalik kay Kuya. "Nakuha ko 'yong role ni Juliet sa upcoming play namin. Manood ka, ha? Dapat may moral support ako from my family."

"Uy, congrats!" Tinapik niya ako sa braso. "Alam mo namang number one fan mo ako, eh. Sure na manonood ako. Pero . . . hindi 'yan ang update na hinihintay ko."

Sabay kaming napatingin sa kanya ni Mama. Ano ba'ng tinutukoy niya at bakit mas may alam pa siya kaysa sa 'kin? 'Yon lang ang update na pwede kong i-share sa kanya. Ah, teka! Meron pa pala.

"USC scholar na pala ako, kaya wala na akong babayaran sa tuition until next semester."

"Uy, good news! Pero hindi pa rin 'yan ang update na hinihintay ko."

Lalo pang kumunot ang noo ko. Napasubo ako ng kanin at ngumuya nang mabagal. "Deretsuhin mo na kasi ako, Kuya. Wala akong idea kung ano'ng gusto mong marinig sa 'kin."

"May boyfriend ka na raw?"

Muntik ko nang maibuga ang kanin sa mukha niya, mabuti't natakpan ko agad ang bibig ko. Mabilis akong uminom ng tubig at lumunok nang malalim.

"Boyfriend?" pag-uulit ni Mama sabay tingin sa 'kin. Nahinto siya sa pagkain. "Totoo ba 'to, Yen? May boyfriend ka na?"

I glanced at my Kuya. Paano niya nalaman? Sa CampuSite lang kumalat ang pictures namin ni Priam. Walang access ang outsiders do'n!

"Nabanggit sa 'kin ng isang junior ko sa College of Nursing noong nagkita kami last week," kuwento ni Kuya. "Sa Clark Medical Center kasi siya nag-i-intern 'tapos nalaman niyang Lucero ang surname ko. I'm not sure kung kilala mo siya, pero he's the chairperson ng CON student council."

Chairperson? Hindi ako familiar sa CSC officers kaya hindi ko alam kung sino o ano'ng itsura ng tinutukoy niya. I might have seen him in the team building—Wait, that meant . . .

"Sumama ka rin daw sa team building nila no'ng isang weekend," dagdag ni Kuya, may pang-iintriga pa rin ang boses. "Ang sabi pa sa 'kin, sweet daw kayong dalawa ng boyfriend mo. First Lady pa nga ang tawag sa 'yo kasi mismong USC president ang jowa mo."

I tried to keep my smile kahit nanginginig na ang bibig ko. I didn't know that my Kuya would find out about it! Sa dami pa naman ng pwedeng pag-intern-an ng chairperson na 'yon, bakit do'n pa sa pinagtatrabauhan ng kuya ko?

"Aba, may nakabihag na talaga sa puso ng anak ko?" nakangiting tanong ni Mama. Hindi halatang masaya siya sa development. "Bakit hindi mo naikukuwento sa amin?"

"Hindi lang kung sino-sino 'yan, ha?" dugtong ni Kuya. "High profile pa sa university ang jowa niya. Sobrang haba naman ng hair ng kapatid ko!"

I didn't tell them because it's just a pretend relationship. I also couldn't tell them about it for the same reason! Maybe I should have told them because they're family, right? Pero tinandaan ko ang reminder sa 'kin ni Castiel na huwag ipagsabi kahit kanino. I assumed na kasama ro'n maging ang magulang at kapatid ko.

What should I do?

Pwede akong maging honest sa kanila at sabihing fake relationship ang meron sa 'min ng USC president. But I should also tell them na 'yon ang condition sa nakuha kong USC scholarship. Kaso that would violate the terms of the agreement. Hindi ko rin matantiya kung paano magre-react sina Mama at Kuya kapag nalaman nila ang katotohanan.

Dapat ba mag-play along ako? Dapat ko bang panindigan ang relationship namin kahit alam kong fake? Pwede kong gawin 'yon para mag-match sa alam ng kuya ko at hindi magkaroon ng contradiction. Kaso alam kong may consequences kapag 'yon ang pinili kong sagot.

What should I do? What choice should I make?

Ugh! Bahala na nga! I would go for the most convenient solution.

"His name is Priam Torres," sagot ko matapos mapalunok. "Tama si Kuya. He's the incumbent USC president. Hindi ko nasabi sa inyo kasi hindi naman kayo nagtatanong, eh."

"Priam? Pangalan pa lang, ang gwapo na!" komento ni Kuya bago sumubo. "Sigurado akong gwapo talaga 'yan kasi hindi ka naman siguro pipili ng pangit bilang jowa. Sa ganda mong 'yan?"

I chuckled nervously. Wala naman sa itsura ang true love. Kahit hindi gano'n kagwapo ang isang lalaki, walang rule na nagbabawal sa mga gaya ko na maganda—my Kuya's own words—na ma-fall sa gano'n.

"Pwede mo ba siyang imbitahan dito sa bahay?" tanong ni Mama. "Baka pwede niya tayong samahang mag-dinner?"

"Eh?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Ang boyfriend mo. Gusto ko siyang makilala sa personal at makilatis nang maigi. Ikaw ang prinsesa ko. Dapat dumaan sa matinding screening ang lalaking 'yan."

"I agree!" gatong ni Kuya na may pagtango. "Gusto ko siyang makita at gusto kong malaman kung anong klaseng lalaki siya."

"Baka pwede siya next weekend? O next, next weekend? Basta kung kailan siya available," sabi ni Mama. "Ipagluluto ko siya ng pinakamasarap kong luto. Sa sobrang sarap, baka makalimutan na niya ang kanyang pangalan. O, Ris. Naunahan ka pa ng kapatid mo. Wala ka pa bang ipakikilalang girlfriend sa 'min?"

"Relax lang kayo, Ma! Being in a relationship is not a race."

"Ay, sus! Baka mauna pa akong bigyan ng apo ni Yen kaysa sa 'yo."

Pilit akong ngumiti at nakitawa. But I was internally screaming. I didn't expect that they would ask me to invite him over! I also couldn't turn the invitation down dahil baka maging suspicious. Mukhang kailangan kong i-consult si Castiel at kausapin si Priam tungkol dito.

Hay! Ano na naman ba 'tong pinasok ko?

★ ★ ★

Next chapter is on 03/23, Wednesday.

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by tweeting with the hashtag #PlayTheQueenWP!

Special thanks to raze_dali and imthecentralorgan for the illustrations!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro