CHAPTER VIII: Royal Restraint (Fabienne)
FABIENNE
ALL ALONG, I thought tapos na at naibaon na sa limot ang fake issue ko no'n. Parang nabuksan ulit ang sugat kong 'di pa tuluyang naghihilom. Muli na namang sumakit. Muli na namang nanariwa sa isip ko ang trauma. How? By reading the latest issue of The Herald. Halos mapunit ko sa dalawa ang diyaryo habang binabasa ang bawat paragraph.
CCS-CSC chair, officers involved in fake news spread —USC report
No'ng pumasok ako kaninang umaga, 'di ko masyadong pinansin ang pinamimigay na newspaper sa circulation station ng Herald. 'Di rin kasi ako mahilig magbasa ng diyaryo at wala rin ang pangalan ko sa headline. If Belle didn't bring it to my attention, 'di pa ako magkakainteres.
"Okay ka lang ba, Fab?" tanong ni Belle habang hinahaplos ang likod ko. Nasa backstage kami ng auditorium, naghihintay na matapos ng ilang kasama namin ang kanilang scenes sa stage.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. I took three deep breaths just to calm myself down. Nang unti-unting humupa ang namuong inis at galit ko, do'n ko na muling iminulat ang aking mga mata.
"I'd lying if I say na I'm one hundred percent okay," I replied bago itinupi ang diyaryo. 'Di ko natapos basahin ang buong article, pero sapat na ang nabasa ko para magkaroon ng idea kung ano'ng laman n'on.
"Grabe pala ang Chevy na 'yon!" Napapalatak si Belle habang iniiling ang ulo. "CSC chairperson 'tapos isa sa mga nagpapakalat ng fake news?"
I met Chevy during the team building. Hindi man kami masyadong nakapag-interact no'n, ramdam ko namang madali siyang pakisamahan at kalog kapag naka-close siya. Kaya nga 'di ko in-expect na magiging isa pala siya sa mga maninira sa 'kin.
"Siguradong hihingan ka ng comments ng ilang campus reporters," dugtong ng kaibigan ko. "Ano'ng balak mong sabihin?"
"Siyempre iko-call out ko siya," matapang kong sagot. 'Di na option sa 'kin ang manahimik lang. "Baka manawagan din akong mag-resign na siya out of delicadeza kung meron man siya n'on."
"Kung hindi siya magre-resign, kakaladkarin ko siya palabas ng kaniyang office. Hindi niya deserve na maging student leader at role model."
"Kung isa siya sa mga nagpakalat, kilala kaya niya kung sino ang nag-start nito?" Biglang sumulpot sa likuran namin si Colin. Kanina pa pala siya nakikinig sa 'min. "Hindi naman siya magiging involved sa pagpapakalat n'on kung walang nag-utos sa kaniya."
"Hindi niya kilala kung sino'ng nagsimula ng tsismis," pailing-iling kong sabi. "Malamang nakisakay lang siya sa hate train sa 'kin sa utos ng sinumang gusto akong siraan."
Kung may mastermind sa fake scandal na 'yon, walang iba kundi si Castiel. Hay, naku! Kumukulo na naman ang dugo ko sa kaniya. Bumabalik na naman ang trauma na ibinigay niya sa 'kin for the sake of his plan. Siyempre, 'di ko puwedeng sabihin kina Belle at Colin ang katotohanan. Ayaw ko na ring maging mas komplikado pa ang sitwasyon. Baka lumpuhin pa ni Belle si Castiel kapag nalaman niyang siya ang nagsimula ng fake news.
"Paano ka nakasigurong hindi niya kilala?" Pinaningkitan ako ni Colin. "May ideya ka ba kung sino ang nagsimula nito?"
Napalunok ako ng laway habang nakikipagtitigan sa kaniya. Na-bad trip na nga ako sa article, mukhang gusto pa niyang dumagdag. Kailangan kong maingat sa sasabihin o ikikilos ko kasi paniguradong susubukan niyang basahin 'yon.
"Feel ko, gano'n ang isasagot niya kapag tinanong siya—"
"Fabby?"
"Yes?" Agad akong lumingon sa likuran. Bumati sa 'kin ang nakangiting mukha ng publicity manager namin. Thanks to Priscilla, naputol ang usapan namin ni Colin. Mukhang katatapos pa lang niyang basahin kung anuman ang naka-display sa kaniyang phone screen.
"To coordinate all of our internal publicity efforts, I've asked the student publications to communicate directly with me regarding requests for interviews or statements from you."
"And?" Kumunot ang noo ko. Ramdam kong may kasunod pa 'yon.
Ngumuso siya sa hawak kong diyaryo. "Because of The Herald's article, may ilang pub na gustong hingin ang statement mo. I strongly suggest that you say nothing at all."
"What?" Lalo pang lumalim ang pagkunot ng noo ko. "Balak kong i-call out ang mga involved sa pagpapakalat ng fake news tungkol sa 'kin. Muntikan na akong ma-sideline dito sa theater dahil sa kanila!"
She put her hand on my shoulder. "I understand how you feel, Fabby. What happened to you is tragic. But at this point, you must practice restraint. Saying nothing is better than saying something."
What? Gusto niyang balewalain ko ang bagay na halos dumurog sa reputasyon at pagkatao ko? Kung gano'n, 'di niya naiintindihan kung ano talaga ang nararamdaman ko!
"Teka, Priscilla!" Itinaboy ni Belle ang kamay nito sa balikat ko. "Bakit parang kinokontrol mo ang freedom ni Fab na magsalita? Hindi nga related sa theater o sa production natin 'yong issue na itatanong sa kaniya."
"I also think that's a bit too much," Colin seconded with a nod. "If the issue is about the play, I would understand kung bakit kailangang maging cautious sa sasabihin hindi lang si Fab kundi pati ang ibang cast at crew member. Pero hindi, eh."
Priscilla rolled her eyes as she let out a sigh. "You can't see it from my perspective kaya hindi n'yo naiintindihan ang posisyon ko. Let me explain. The College of Computer Studies is involved in this issue, one of the nine colleges in our university. If Fabby calls out their duly elected chairperson—who was supported overwhelmingly by almost seventy percent of their college—we run the risk of alienating them. And that will affect the sales of our play."
Halos matulala ako at malaglag ang panga ko sa kaniya. Tama ba ang dinig ko? Mas importante ang sales kaysa sa nararamdaman ko?
"Respectfully, Priscilla, you also can't see it from my perspective," I shot back. 'Di ako basta-basta tatahimik dito at susundin ang utos niya nang 'di 'yon kinukuwestiyon. "I almost lost this lead role not only because of the person who started the rumor, but also because of the ones who spread it. 'Tapos ngayon malalaman kong sinadya ang pagpapakalat n'on? Do you expect me to just pretend it's okay and that I've already moved on?"
Sumeryoso ang titig niya sa 'kin. "I want you to do what you do best—act. Act as if it's water under the bridge already."
"No, I won't." Tatlong beses akong umiling nang mabagal. "I must have the courage to tell them what I honestly think. 'Di ko palalagpasin ang pagkakataong 'to."
"Courage?" natatawang ulit niya bago muling nagseryoso. "You know what takes real courage, Fabby? Pretending that everything's okay even if it's not. So no, I'm discouraging you from speaking about your feelings to the campus press. That's an order."
"Paano kung 'di ko sundin ang utos mo? What are you gonna do? Iki-kick out n'yo ba ako bilang Juliet at papalitan ng understudy ko? After all the magazine feature and media interviews that I've done in the past few months?"
"So you think you can do as you please just because you're a star of the show and you're irreplacable? Ganyan ba kataas ang tingin mo sa 'yong sarili?"
"I'm not doing as I please," may kumpiyansa kong sagot. "I'm only doing what I believe is right."
"What you believe is right may not be appropriate at the time," kontra niya. "Personally, I feel for you and support you in calling out those bastards. But you're one of the two faces of this play. Whatever you say or do inside and outside the theater may or may not affect us. It's my job to ensure that we maintain a good image to the public and to encourage more people to watch our play. We can't achieve that goal if you're coming after our potential audience."
"Are you telling us that we can't say and do anything in public without your approval?" Colin asked with furrowed eyes. Kahit sinong makarinig sa pinagsasabi ng publicity manager namin, talagang mapapatanong. "Because that's too much. Hindi lang sa theater umiikot ang student life namin."
"This is for the best. Trust me," Priscilla assured him. "Ayaw ko talaga kayong pigilang sabihin o gawin kung anuman ang gusto n'yo. But I have to do my job. I have to look after you and the numbers. At the end of the day, we all want this production to be a success—"
"But not at the expense of our freedom to express ourselves." 'Di ko na siya pinatapos pa. "Puwede naman nating masiguro ang success ng play nang 'di natatapakan ang kalayaan namin."
"Tama si Fab!" segunda ni Belle sabay akbay sa 'kin. "Hindi naman opinion niya ang bibilhan ng ticket ng mga tao, kundi ang performance niya, ang performance namin. I-separate natin ang personal niyang opinion at ang kaniyang performance. Mahirap bang gawin 'yon?"
Sandaling natahimik si Priscilla, palipat-lipat ang tingin sa 'min. It's three versus one. Magaganda rin ang arguments namin. Sana'y nahimasmasan na siya.
"Let's say na pagbigyan ko ang balak mong gawin," sabi niya sa 'kin. "Mag-e-establish 'yon ng precedent na malaya kang sabihin kung ano ang gusto mo. Paano kapag natuloy ang impeachment complaint laban sa boyfriend mo? I-e-express mo rin ba ang opinyon mo kahit napaka-controversial ng issue na 'yon? Mas divisive ang gano'ng topic compared dito sa CCS."
"That's just a what if—"
"No, it will happen." Ako naman ang hindi niya pinatapos. "Paano kung hindi nagustuhan ng ilang estudyante ang statement mo tungkol sa boyfriend mo o sa impeachment? Paano kung isipin nilang isa kang enabler ng USC president na secretly ay isa palang tyrant? Paano kung may manawagang i-boycott ang play natin? Sino'ng talo sa huli? Tayo."
"Masyado mo naman yatang pinapangunahan ang potential audience natin?" komento ni Colin. "Not all of them will think that way."
"I'm not a Psychology student, but I have an inkling on how the market thinks and what they consume. Everyone in this production must be above controversies, political or otherwise. That's the only way we can preserve our image."
"So if the impeachment happens..." my voice trailed off.
"I will ask you to distance yourself from the USC president," she finished. "Hindi ka puwedeng mabahiran ng dumi niya. He will surely understand your predicament if you explain it to him nicely."
Kumuyom ang mga kamay ko. No, this isn't about the play anymore. Meron siyang ulterior motive kaya tinatangka niyang busalan ang bibig ko. This must be part of Alaric's plot to take down Priam! Whatever influence I had on campus, ayaw niyang magamit ko 'yon para magpahayag ng suporta sa USC president.
Hindi lang pala si Castiel ang nakabubuwisit sa university na 'to.
Kasabay ng aking pagbuntong-hininga ko ay ang pag-relax ng mga kamay ko. "I understand. Kung 'yan ang ikabubuti ng play natin."
"Fab!" sabay na bulalas nina Belle at Colin. 'Wag kayong mag-alala. Wala akong balak na isuko ang kalayaan ko para sa ticket sales. 'Di ako gano'n kababaw at kadaling paamuhin. Our publicity manager wanted to play a game, so I'd play along.
"I expect your full cooperation," Priscilla said with a smile. "Now, let's get back to work."
PRIAM AND I were not scheduled to meet after rehearsals today. Nagiging busy na ako sa theater habang nagiging busy na rin siya sa posibleng impeachment trial. May laman ang mga sinabi ni Priscilla sa 'kin kanina kaya 'di ko naiwasang mangamba. So I decided to pay my fake boyfriend a visit in his office. 'Di na 'to part ng script namin, pero feel ko'y kailangan kong gawin.
Alam ko na ang schedule ni Priam kaya sigurado akong nando'n siya, lalo na ngayong may problema silang kahaharapin. When I arrived at the entrance of their office, the door slid open before I could even press the bell. Bumungad sa 'kin ang isang familiar na mukha.
Nasira na agad ang gabi ko. Sa dami ng makasasalubong ko, bakit siya pa? He's the last person that I'd want to see today.
Sandaling nagtagpo ang tingin namin ni Castiel. Kumuyom ang mga kamay ko. Muli na namang nanumbalik ang inis at galit na nararamdaman ko sa kaniya, lalo na't muling naungkat ang issue tungkol sa fake rumor ko. Walang "hi," "hello" o "good evening." He must have felt na wala ako sa mood para makipagbatian sa kaniya. Agad naming iniwas ang aming mga mata.
He limped his way out of the office. Hinayaan ko na siyang mauna. Nang nalagpasan na niya ako, do'n na ako humakbang papasok.
"Fabienne."
Nakaiisang hakbang pa lang ako, napahinto na agad ako sa tawag niya. I looked straight ahead and chose not to turn in his direction. Sapat nang tumigil ako sa paglalakad. 'Di ko na sana siya papansinin at tutuloy ako sa loob. Pasalamat siya't binigyan ko siya ng katiting na atensiyon. After what he did to me? He didn't deserve even a second of my time.
Ano ba 'yan? Parang mag-jowa kami na 'di amicable ang ending ng love story namin!
"I know you still hate me—"
Mabuti't alam niya. I could forgive people who threw pebbles at me, but not those who stabbed me in the back. Bakit? Dahil ang mga taong tanging makagagawa n'on ay ang mga malalapit sa atin. You couldn't stab someone if you're meters away from them, so you had to be close.
"And I know you won't listen to me anymore. But just this once, let's both protect Priam. Even Val."
My eye twitched. 'Di ko na natiis kaya humarap na ako sa kaniya. "Kung 'di dahil sa 'yo, 'di siya malalagay sa ganitong sitwasyon. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nanganganib ang posisyon niya at ng buong USC. Baka nga madamay pa ang scholarship ko. Na-realize mo na ba ngayon ang consequences ng mga plano mo? Pati ang mga tahimik, pati ang mga inosente, nadadamay."
He was looking at me over his shoulder at first, 'tapos ay hinarap na niya ako. "You can lecture me all you want, but nothing's going to change our situation—even if you repeatedly point out what I did in the past."
Lalo pang bumaon ang mga kuko sa aking mga palad. Halos lumabas na ang mga pangil ko. "Priam thought you're capable of change. Sinuspend ka na nga para bigyan ng time na mag-reflect, pero mukhang wala ka pa ring pinagbago—"
"Two weeks isn't enough for a person to change—"
"Maybe he was wrong about you all along," lakas-loob kong sabi.
"Maybe he was." Humakbang siya palapit sa 'kin. Lumikha ng clank ang cane niya. Napahakbang ako paatras. "But it doesn't matter right now. What matters is the impeachment. If Priam loses, we all lose. Only Alaric wins. Do you want that to happen?"
"Maybe Alaric has to win to humble you. Maybe he's the only one capable of putting you in your place and making you realize how terrible you are."
"You're not serious about that, are you? Paano na ang scholarship mo kapag napatalsik si—"
"'Di mo na magagamit na pang-uto 'yan sa 'kin," agad kong sumbat sa kaniya. Nagkatitigan kami, mata sa mata. "I'm no longer your puppet, Cas. I've already cut the strings you attached to me. I hope Priam does, too."
"You can't see it, can you?" pabulong niyang tanong. "What I did before will benefit us now—"
"Yen?"
Castiel and I turned to the person who spoke behind me. Kalalabas pa lang nina Priam at Valeria mula sa conference room. Ni-relax ko na ang aking mukha at mga kamay.
"I'll take my leave," paalam ni Castiel bago siya tuluyang naglakad palayo. Mabuti pa nga't umalis na siya. Never na akong naging comfortable kapag nandiyan siya sa tabi-tabi.
But the uneasy feeling didn't leave me alone. Nandyan pa kasi si Valeria na parang minamata ako. I hadn't done anything yet, but she was already judging me.
"What are you doing here?" Priam asked me. "We don't have any scheduled date today, do we?"
"Yeah." Tumango ako't ilang beses na napakurap. "Naisipan kong kumustahin ka lalo na't usap-usapan ngayon ang possible impeachment—"
"Mauna na ako sa inyong dalawa." Dere-deretsong naglakad palabas ng office si Valeria. Bago ako malagpasan, binalingan niya ako ng mapanghusgang tingin. Parang may nagawa akong kasalanan. Masaya na siguro ang araw niya kaso biglang nasira nang makita ako.
"Lalabas ako para kumain," sabi ni Priam kaya nabalik sa kaniya ang atensiyon ko. "Gusto mo ba akong samahan?"
"Sure! Wala rin akong gagawin bago bumalik sa dorm."
Sabay na kaming lumabas ng USC office at nilakad ang pavement papunta sa food hub. Halos sarado na ang mga kainan dito, pero may iilang bukas pa para ma-cater ang mga estudyanteng may night classes.
"Do you want to eat anything?" he asked. Mabagal naming nililibot ang mga stall sa ground floor na bukas pa rin hanggang ngayon. "I know you're on a strict diet—"
Napahawak ako sa aking tummy na biglang kumalam. 'Tapos nakita ko ang stand ng street foods. "Parang gusto kong kumain ng gano'n. Nagke-crave ako ng kwek-kwek at kikiam."
"But aren't those unhealthy?"
Nahinto ako sa paglalakad at napaangat ng tingin sa kaniya. See how the tables have turned? "Mukhang ikaw na ang mas health conscious sa 'ting dalawa, ah? Baka nagkukunwari kang health conscious kapag magkasama tayo. Baka kapag wala na ako sa tabi mo, puro ka fast food."
"I have not eaten any fast food in two weeks. No burgers, no fries, no pizzas."
"Really?! Itinatakwil mo na ang instant pero unhealthy na pagkain?"
"I listen to my nutritionist," natatawang tugon niya. Bihira ko siyang makitang tumawa o ngumiti kaya naa-appreciate ko tuwing kumukurba ang mga labi niya. "But do you really want to eat street food?"
Muling nagawi ang tingin ko sa stall. Halos maglaway na ako nang makita ang bagong lutong kwek-kwek. "Minsan lang 'to, promise! Medyo stressed ako sa news then sa theater. 'Tapos nakita ko pa si Cas kanina. Kailangan ko ng comfort food."
Lumapit na kami sa street food stall. Dahil iilan na lang ang estudyante sa ganitong oras, iilan na lang din ang mga napatitingin sa amin. Bilang sa mga daliri ang mga nagtangkang kumuha ng picture. Mas gusto ko kapag ganito, wala masyadong intriga at tsismis.
Tumambay kami sa harapan ng stall. Inilagay ng tindera sa lalagyan ang in-order naming tig-isang stick ng kwek-kwek at kikiam. I poured some sauce para maging mas masarap ang bawat subo. Minsa'y napasosobra na ang diet ko kaya nakalilimutan ko nang enjoy-in ang mga ganitong pagkain.
"So Cas is back, huh?" tanong ko bago ngumuya ng kwek-kwek.
Tumango si Priam matapos nguyain ang isinubong kikiam. "His two-week suspension isn't over, but we need him back in the USC office to prepare our defense against impeachment."
Tinitigan ko ang mga mata niya at sinuri ang kaniyang eyebags. Lalong lumaki at umitim ang mga 'yon. "Mukhang stressed ka rin recently. Nakatutulog ka pa ba nang maayos?"
"Final exams and USC duties plus possible impeachment complaint is never a good combination."
"Kung kailan patapos na ang semester, do'n pa magpapasabog ang Alaric na 'yan, ah? Pero 'wag mong kalilimutan na kasalanan 'to ni Cas," I reminded him. "Kung 'di siya napasobra sa tricks niya, 'di malalagay sa peligro ang posisyon mo."
"What's done is done. We have to face what's in front of us."
"Whatever happens, I'm on your side," pangako ko sabay taas ng aking kanang kamay. "Sa totoo niyan, pinagbabawalan kami ng publicity manager namin na mag-comment ng anything related sa campus politics. Baka raw maapektuhan ang ticket sales kapag na-involve kami sa gano'ng controversial topic. But I can't just stay silent and not support my boyfriend, can I?"
His dry lips stretched into a forced smile. "You do not have to do that, Yen. The student body's opinion is going to be messy and brutal. Baka ikasama mo pa at madamay ang play n'yo. The fact that you believe in us and you support me is enough. We can handle this issue on our own."
"No." I shook my head. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago siya muling tinitigan sa mata. "You were there for me when my whole world was crashing down. I'll be there for you in these trying times. Besides, you can't win a chess game without moving your queen, right?"
Ngumiti na naman siya. But this time, it was genuine and more relaxed.
I meant what I said. I wouldn't let Priam fall to anyone—not to Alaric or even Castiel.
♕
NEXT UPDATE: The impeachment battle is about to begin.
If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #PlayTheKingWP!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro