CHAPTER LXIII: Royally Official (Fabienne)
FABIENNE
ANG SARAP imagine-in na may susundo sa 'yo papuntang school, 'no? 'Yong magbabatian kayo ng "good morning," 'tapos magkukuwentuhan kung kumusta ang tulog n'yo. 'Tapos sabay kayong maglalakad papunta sa building ng classes n'yo.
Lucky for me, I didn't have to imagine anymore. It's actually within my reach na.
Maaga akong nagising ngayong Wednesday kaya maaga rin akong nakaligo at nakapagbihis. Pagbaba mula sa 'king unit, nadatnan kong naghihintay si Priam sa lobby ng dormitory. Madali siyang nag-stand out sa crowd dahil sa suot niyang maroon blazer. Tanging USC officer gaya niya ang puwedeng magsuot n'on. Napaisip tuloy ako kung 'yon ba ang dahilan o kung naguguwapuhan din ang ibang estudyante sa kaniya kaya siya pinagtitinginan. Matikas ang tindig niya, wala nang walker na nakasuporta. Tuluyan nang bumalik ang lakas ng mga binti niya.
I couldn't pinpoint what it was exactly, pero may nagbago sa kaniya. Mas pumogi siya. Mas lumakas ang dating niya. Baka dahil mas maayos na ang pagkaka-style niya sa kaniyang buhok, 'tapos naging maaliwalas at magaan na rin ang aura niya? He no longer looked as serious and intimidating as before. Gano'n ba ang effect kapag na-in love?
"Good morning, Yen!" bati niya sabay lapit sa 'kin. "How's your sleep?"
"Good morning, Yam!" bati ko pabalik sabay beso sa kaniya. Merong nagtilian sa gilid namin habang pinanonood kami, 'yong mga estudyanteng nakasabay ko sa elevator pababa rito. "Maayos naman ang tulog ko. Ikaw, kumusta? Mukhang 'di na gano'n kalalim ang eyebags mo, ah?"
Nginitian niya ako. Mas pumogi pa siya sa paningin ko. Parang siya na nga ang pinakaguwapong lalaki sa campus. Ganda ng smile niya, eh. "I was told to sleep early, so I'm just following my doctor's advice."
"Aba! Napakamasunurin mo namang pasyente. Ang galing siguro ng doctor mo, 'no?"
Ilang araw na ang nakalipas mula no'ng naging officially kami ni Priam. Saktong January 1 nang sagutin ko siya, habang pumuputok at umiilaw ang fireworks sa paligid namin. 'Di ko ibinigay ang matamis at literal kong oo sa kaniya, but I said something to that effect.
Magmula no'n, gumaan na ang aking pakiramdam at nakahihinga na ako nang maluwag. Naalis na rin sa wakas ang mabigat na pasanin sa likod ko. Habang patagal nang patagal kasi, bumibigat 'yon kaya mabuti't wala na ngayon. 'Di na rin ako dinadalaw ng kaba na baka one day ay mabuking ang pagpapanggap namin. Natanggal na rin ang guilt na nararamdaman ko from time to time.
I was finally free from that burden. Wait! I wasn't the only one. We're free at last.
Sabay na kaming lumabas ng dorm at naglakad patungo sa Arts and Sciences building. Sinalubong kami ng mga titig at tili. Lagi niya akong hinahatid sa dorm, pero never pa niya akong sinundo mula ro'n. Pagkatapos niya kasing mag-ayos, deretso na siya at si Castiel sa USC office. Wala na siyang time para dumaan pa sa ibang lugar.
I wanted to hook my arm with his, kaso may anti-public display of affection policy pala sa campus. Ayaw kong labagin niya ang rule na siya mismo ang gustong magpatupad. Ayaw ko ring magmukha siyang hypocrite. Maybe if he'd known he'd have a girlfriend during his term, baka nagdalawang-isip siyang ipatupad 'yon. Since I couldn't be clingy to him in public, magtitiis muna ako. For now, enough na sa 'king magkasabay ang lakad namin.
"By the way, how's Cas?" tanong ko sabay sulyap sa kaniya. "Is he feeling better now?"
Kumibit-balikat siya. "He has no plans yet of returning to the USC. Hindi na nga niya isinusuot ang blazer at brooch niya. But he's doing better than in the last few weeks of December."
Nagawi sa ibaba ang tingin ko. Higit isang buwan na mula nang pumanaw ang kapatid ni Castiel. Hanggang ngayo'y dinaramdam pa rin niya ang pagkawala ni Cassidy. The good news? Pumapasok na raw siya sa klase kaya mukhang unti-unti na siyang umo-okay. But it might take some time bago siya fully maka-recover.
"Since he's on leave, Alaric has taken over as presiding officer of LEXECOM," dugtong ni Priam. "The old Cas would not let that happen, but the current him seems fine with it. Parang nawalan siya ng gana."
Sa sobrang tindi ng galit ni Castiel sa lalaking 'yon, baka nga mapatayo at mapasugod siya sa LEXECOM office kahit wala siyang cane basta mapaalis niya. Ang attitude niya ngayon ay complete 180 degree ng pagkakakilala ko sa kaniya no'n, pero naintindihan ko kung bakit bigla siyang nag-iba. He probably thought that he had lost his reason to fight.
"Maybe he needs more time and space to breathe." Muli akong napayuko at bumuntong-hininga. "Last year wasn't kind to him."
May atraso man siya sa 'kin, never kong naisip na deserved niya ang kaniyang pinagdaraanan ngayon. He had lost someone important in his life. No one deserved to be in so much pain kahit gaano pa kasakit ang ginawa niya sa 'kin. I'd rather offer him my sympathy than wish him ill.
"I hope so," tugon ng boyfriend ko. "I will wait for him to get better and return to the USC. There's still a place for him on the council once he's ready."
Speaking of the USC, may biglang sumagi sa isip ko. "Two months na lang, eleksiyon na, 'no? Nakapag-isip-isip ka na ba kung tatakbo ka ulit?"
Bumuga siya ng hangin, malalim ang pinanghugutan. "I want to focus on fulfilling my duties as USC president and not be distracted by reelection. Halos dalawang buwan din akong na-coma kaya kailangan ko pang bumawi. If I cannot bounce back, I do not deserve a second term."
Siniko ko siya sa tagiliran. Napa-ouch siya at hinawakan ang parteng tinamaan. "You've already done a lot for the student body! 'Wag mo na masyadong i-pressure ang sarili mo, okay? Just chill as you do your job."
"I have done a lot," ulit niya, "but not enough."
"Kailan mo ba masasabing enough na ang isang bagay?" tanong ko. "Kapag ba halos mawalan ka na ng malay sa sobrang pagod o kapag halos makuba ka na sa sobrang bigat ng pinapasan mo?"
Umangat ang tingin niya sa maaliwalas na kalangitan, magkahalong pag-asa at lungkot ang nagre-reflect sa mga mata niya. "That, I don't know. Basta alam kong marami pa akong magagawa at marami pa akong dapat na gawin."
"That's perfectly fine, basta 'wag mong isasagad ang sarili mo, ah?" paalala ko. "You won't be able to do more or what you think is enough kung magkakasakit ka. Take care of yourself, Yam. Always."
"I will." Kumurba ang mga labi niya. He looked more handsome talaga kapag ngumingiti siya. Dapat mas dalasan pa niya. "But it's definitely going to be challenging, now that we have returned to school. Siguradong may nakaabang na pressure at stress sa akin sa USC office."
"Kaya mo 'yan! Ikaw pa?" Nalagpasan nga niya ang impeachment trial, 'tapos naka-survive pa siya sa pananaksak at nagising mula sa coma. He'd been through a lot. Ano pa bang challenges ang mas titindi pa sa mga 'yon?
"By the way, are you going to do something this afternoon?" Sinulyapan niya ako. "Right after your classes?"
Nagawi ang tingin ko sa kanan, tila nakasulat do'n ang schedule ko para sa buong araw. "We have a script reading for Orosman at Zafira. Baka six o'clock na kami matapos mamaya."
"So you're also going to be busy in the next two months."
"But you're gonna be much busier than me," tugon ko. "I only have to perform in front of a crowd. Kung sino ang gustong manood, sila ang i-e-entertain ko. Meanwhile, you have to win a freaking election! Kailangan mong i-convince ang bawat estudyante na iboto ka. And I know that's not gonna be easy."
Siyempre, todo ang suporta na ibibigay ko sa kaniya kapag nag-umpisa na ang campaign season. Our relationship status had already changed, but my role as his First Lady hadn't. Tutulungan ko siyang manalo 'di dahil boyfriend ko siya, pero dahil lubos ang tiwala ko na mas deserved niya ang posisyon at confident ako sa kakayahan niya.
"How about you? Ano'ng gagawin mo ngayong hapon?" Ako naman ang nagtanong. "'Tapos na ba ang council business mo by six? Puwede na ba tayong mag-meet after n'on?"
"I have a meeting with the representatives of SALVo later," sagot niya. "They will probably invite me to join their party and run as their standard bearer."
"Wow!" Napapalakpak ako. "They're one of the two major parties, right? Kung tatakbo ka under sa kanila, paniguradong magkakaroon ka ng advantage! Matatapatan mo na si Alaric pagdating sa pangangampanya!"
Pero mukhang 'di siya masaya sa prospect na 'yon. His lips remained flat, refusing to crack a smile.
"Do you have any plans of joining them?" sunod kong tanong nang 'di siya nag-comment. "Are you interested in being their candidate?"
Muli siyang nagkibit-balikat. "Until now, I'm not sure if I should accept their offer. I ran as an independent before, and it gave me the freedom to advocate for certain policies without any restraint. Kapag sumali ako sa kanilang party, kailangan kong i-champion kung ano ang mga policy na kanilang sinusuportahan."
Napahaplos ako sa 'king baba. "Parang magkakaroon ka ng tanikala kapag sumali ka sa kanila, 'no? You can no longer think for yourself anymore. You will have to consider their inputs and follow them."
"The policies that I advocated for during my term align mostly with theirs," paliwanag niya. Sinubukan kong mag-focus sa sinasabi niya habang pinagmamasdan ang kaniyang guwapong mukha. "We believe that the student body should have more freedom and fewer restrictions. We believe our community should be more progressive rather than conservative. Out of ten policies, we agree on probably nine of them."
Napakamot ako ng pisngi. I tried to keep up with the latest political happenings in the university, pero may limit ang kaya kong i-process. "Gusto kitang bigyan ng advice, kaso 'di gano'n kalalim at kalawak ang kaalaman ko tungkol sa political parties at ideologies dito sa university. But I completely agree with your stance on giving the students more freedom and allowing us to be more progressive."
"Don't worry. This is not a burden you have to carry, anyway."
"Have you consulted Cas about it?" Muli akong bumaling sa kaniya. "Has he given you any advice? Kung may makatutulong man sa 'yo sa pagdedesisyon, walang iba kundi siya. Sigurado akong mas may timbang ang opinyon niya kaysa sa 'kin."
Sumimangot siya. Hayan tuloy, nabawasan nang kaunti ang pogi points niya. "I avoid bringing up the topic in the apartment. I want him to focus on his recovery and studies. Ayaw kong dagdagan pa ang iniisip o pinoproblema niya."
If I were in his shoes, gano'n din ang gagawin ko. Castiel was on his path to recovery. Baka maapektuhan ang kaniyang healing process kapag pilit siyang dinrag sa posisyon na sinusubukan niya munang iwasan. It's better to leave him alone for now.
"Good luck to us both, I guess?" Mabuti't bumalik na ang ngiti at liwanag sa mukha niya. Nginitian ko siya pabalik. "The next three months are not going to be easy for us."
Now that we're official, napaisip ako kung paano maiiba ang arrangement namin ngayon kumpara sa arrangement namin no'ng nagpapanggap pa kami. Kahit abala siya sa student council at abala rin ako sa theater, nagagawa pa rin naming isingit ang pagkikita at pakikipag-bonding sa isa't isa. Halos kapareho rin ang mga pagsubok na haharapin namin ngayong second semester—but with added difficulty.
Hinatid niya ako sa AS building. Saktong paakyat kami sa steps nang nakasalubong namin sina Belle at Colin, may dala-dalang drinks mula sa convenience store sa food hub. Sabay kaming napahinto sa tapat ng building entrance at nagkabatian ng good morning.
"Iba na talaga kapag may jowa, 'no?" parinig ni Belle, palipat-lipat sa 'kin at kay Priam ang tingin niya. "May tagahatid ka na, may tagasundo ka pa."
"Try mo rin para ma-experience mo," nakangiting biro ko. May mga nagtangka nang manligaw sa kaniya no'n, pero lagi niyang binabasted. Kaya ngayo'y single pa rin siya.
"First time ko yatang makita na ihatid ka ni Mr. President?" Nanliit ang mga mata niya. "Lagi ka niyang sinusundo sa auditorium, pero hinahatid dito? Parang never pa."
"Oh, really?" Sumulyap si Colin sa kaniya. Siguradong nakiliti na naman ang curiosity niya! Mabuti't official na kami ni Priam. 'Di ko na kailangang kabahan kapag may napapansin siyang bagay na posibleng magbuking sa 'min.
"Oo! I'd recall kung nakita ko na sila noon. Pero never pa talaga, eh."
"Baka 'di mo lang kami naaabutan at nakikitang magkasama," palusot ko. Umagang-umaga, gumagawa ng intriga ang kaibigan ko. Pero tama siya. This was the first time.
"By the way, it's nice to see you getting better, Mr. President," bati ni Colin sa boyfriend ko. Napansin niyang wala na ang walker nito. "Okay na ba ang mga binti mo? Hindi ka na ba nahihirapang maglakad?"
"Just call me Priam," sabi muna niya. "My legs are functioning well now, but I have been advised not to strain them. Fortunately, there isn't much physical activity in the student council."
"Speaking of student council, malapit na ang election, 'di ba?" tanong ng kaibigan ko. Ilang beses na sumabay ang pagtaas-baba ng mga kilay niya. "Is it true you're going to run for reelection?"
"I'm still thinking about it." Mabilis pero may alinlangan ang sagot ni Priam. "But if I do run again, I hope I can count on your support."
"Of course!" bulalas ni Belle. "Para sa jowa ng bestie ko, susuportahan kita all the way!"
"Let's see," saad ni Colin. "I have to know your election platforms first."
Was it just me or may kakaiba sa approach ni Colin kay Priam? Iba siya kung makatingin, parang may halong pagdududa. Tila may awkwardness din sa pagitan ng dalawa. Oh, never mind. Baka nag-o-overthink lang ako.
"Anyway," humarap na ang boyfriend ko sa 'kin, "I might be holding you three up, so I'm going to excuse myself now. Dadaan muna ako sa USC office."
"Sure! 'Kita tayong mamayang lunchtime." Nakipagbeso ako sa kaniya. A kiss would've been better, but maybe not here. Alam kong nag-kiss na kami dati sa harap ng maraming tao, pero iba na ngayong official na kami. "Good luck din sa meeting n'yo mamaya."
"Thank you, Yen," sabi niya bago lumingon sa classmates ko. "I will go ahead. Please look after her for me."
"Don't worry, Mr. President! Makaaasa ka sa 'min!" game na game na tugon ni Belle.
Kumaway muna si Priam bago siya tumalikod sa 'min at naglakad sa direksiyon ng admin building. I watched him walk away until he turned the corner. Parang 'di pa rin ako makapaniwala na kami na talaga. Baka nasanay ako sa dating arrangement na ang lahat ng kilos namin ay para sa Oplan First Lady.
"May kakaiba sa inyo ni Mr. President," bulong ni Belle. Nanindig ang mga balahibo ko nang dumampi ang hininga niya sa 'king balat. "Parang naging mas close kayong dalawa. Parang naging mas caring din siya. He even asked us to look after you! Never ko pang narinig 'yon mula sa kaniya."
"Gano'n talaga kapag may jowa." 'Di ko napigilang lumawak ang aking ngiti nang may dumaloy na kiliti sa katawan ko. "Siyempre, ilang months na rin kami. Dapat nagiging mas sweet habang tumatagal."
"May nangyari sa inyo nitong Christmas break, 'no?" Umangat-angat na naman ang mga kilay ni Belle habang marahan akong sinisiko sa braso.
"I had dinner with his parents on Christmas Eve. Then he had dinner with my family on New Year's Eve," kuwento ko. "Wala namang kakaiba ro'n, 'di ba?"
"T-talaga?!" Napatakip siya ng bibig. "Bakit 'di mo chini-chika sa 'kin no'ng nagka-chat tayo? Ikaw, Fab, ha? Natututo ka nang maglihim sa bestie mo! Kaibigan mo pa ba talaga ako?"
"'Di ka naman kasi nagtatanong specifically."
"Kailangan pa ba 'yon? I'm your friend kaya dapat automatic na ang subscription ng chika mo sa 'kin."
Nagawi ang tingin ko kay Colin. Kanina pa siya nakatitig sa 'kin, parang natulala na nga siya. There was something in the way he looked at me. Parang may kahulugan. Parang may gusto siyang ipabatid. But I couldn't figure it out by just looking back at him.
"Anyway, let's go na!" yaya ni Belle bago siya naunang maglakad papasok. "Baka ma-late pa tayo."
"Tara!"
Sabay na kaming pumasok sa AS building. I hoped our script reading later and Priam's meeting with SALVo would go well.
♕
NEXT UPDATE: Castiel returns to the game.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro