Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

In His own expectation

This chapter is not yet proofread by the Author. Any similarities to other works are purely incidental.

Add this to your Reading List.

*  *  *

I wasn't so sure how I reacted or what happened when I learned the truth about the child. I didn't even understood the mixed emotions dwelling as I looked at the swollen face 'cause of guiltness. It's overwhelmingly painful, but, somehow, I understood the reason.

Kahit gugustuhin ko mang magalit at itapon lahat ng katanungan ko kay Aria, hindi ko rin magawa. Sa sitwasyong ganto, mas prinoproblema ni Aria kung saan na siya kukuha ng perang pang-gastos, siguro, nasa huli pang kaisipan niyang magpaliwanag sa akin. Limang oras ang nakalipas simula noong kinausap ko ang Doktor. Malaki ang kailangang pera para mas mapabilis na makahanap ng dugo para sa bata--- Limang oras na rin akong nag-iisip. At sa wakas, kailangan kong bigyang solusyon ang gulong nasimulan.

"Trevor. . ." Ramdam ko ang kutob, at nerbyos sa kanyang boses. Patuloy pa rin akong nakatalikod sa kanya habang kami ay nasa roof top ng Hospital. Sa tingin niya ba, naka-utang siya ng isang paliwanag sa akin?

"Ipagpapatuloy natin ang pagpapaliwanag mo kung maayos na ang lahat, sa ngayo'y gusto kong tanungin kung anong gagawin mo sa trabaho mo?" Pinatay ko ang nakasinding sigarilyo at nakapamulsang humarap sa kanya.

"Paano mo nalamang. . ."

"Hindi ko sinasadyang madinig kanina," agad kong sagot. Nawawalan na ako ng pasensyang maghintay sa sagot niya.

"May solusyon ako. Ikaw na ang bahalang mag-desisyon," napatingin ako ng maigi sa kanya. Mapayat siya, at nawawalan na ang tunay niyang kompleksyon. May mga itim na rin sa ibabaw ng mata niya.

"Dahil wala ka ng trabaho, gusto kong maging sekretarya kita. Titira kayong dalawa ni Ian sa bahay ko ng libre---"

"Pero---"

"Aria, kahit itago mo ang bata sa akin, walang magbabagong lahi ko siya---kabalahibo't kadugo," naka-ngaritngit ang aking ngipin dahil sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi na siya nakapagsalita at napapansin kong pinag-iisipan niyang mabuti. Napa-buntong hininga na lang ako bago ko sinabing may tatlong araw siyang mag-desisyon bago ko muling tatanungin.

Bumalik ako sa kwartong nakalagyan ni Ian. Hanggang ngayon, hindi ko pa ring makuhang tanggapin na akin ang bata... Para bagang naglahong kasiyahan, inis at lungkot ang aking nararamdaman. Natutuwa ba ako dahil akin ang bata? Naiinis ba ako dahil tinago ni Aria ang bata? O nalulungkot ako dahil hindi ko nasilayan ang paglaki niya? Hindi ko rin alam ang mga sagot sa aking katanungan kaya sa huli, pinagmasdan ko na lang kung gaano  kahimbing ang kanyang tulog na tila kinabukasan ay wala ng problema. No matter how I think alternative solution, wala na akong maisip na ibang solusyon kundi angkopin ang bata. Limang taong gulang pa lamang si Ian at nangangailangan siya ng isang Ama. Papayag man si Aria o hindi, pwersa ko silang aakupin sa aking silong. 

Agad kong tinawagan ang sekretarya ko, si Alexander, para maghanap siya ng bakanteng slot sa Secretarial office at ipasok si Aria sa kompanya. Agad namang nahanapan niya ito ng pwesto at habang nasa loob kami ng iisang kwarto, hindi ko mapigilang pagdudahan siya. . . Alam kong maling magduda sa kanya dahil kasalanan ko rin ang lahat, lalo na't ang batang pag-uugali ko noon ang nagtulak kay Aria para magdesisyong ilayo sa akin ang bata. Habang maamo niyang pinagmamasdan si Ian, namamasid din ako. Maraming pinagbago sa hitsura niya. Hindi lang sa nawawalan na ang mala-modelo niyang pananamit, ang mahabang buhok niya na rin ngayo'y naputol--pero, kahit na ganoon, ni-isang araw na nakita ko siya ay hindi nawala sa mga mata niya ang mapagmahal na tingin kay Ian-- para bang isang babasaging bagay ang bata, at dahang-dahan nitong pinaghahawakan. 

"Aria, hindi ko alam kung paano nating maibalik ang nakaraan pero sinsero ako noong sinabi kong babawiin kita sa akin," napatingin siyang pula ang mukha niya. Nagtagpo ang mga mata namin, at alam kong naramdaman niya kung gaano ako kaseryoso--- hanggang siya rin ang unang umiwas sa tingin. Tumayo ako para lumapit sa kung saan siya nakaupo, sa tabi ng kama. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya pero nanigas lang siya na parang may pag-aalinlangan. 

"Hindi ko ilalayo sa'yo si Ian, hindi ko siya kukunin," unang paliwanag ko. Naramdaman ko namang nakuha ko ang atensyon niya sa aking sinabi. Nakaramdam ako ng buntong-hininga sa kanya, "Hindi ako nangangako pero gusto kong mamuo ng magandang buhay-pamilya sa inyo---kasama ka." At the very moment, nanlambot ang puso ko. Nagbalik ang mga pagsisi ko sa nakaraan, mga kasalanang hindi dapat kalimutan ngunit gawing leksyon, at mga sandaling pinaluha ko siya. Naisip ko, ano kaya ang buhay na mayroon kami ngayon kung hindi ganoon ang nangyari sa nakaraan? Mga oras at panahong nawala sa amin. Wala siyang sinabi pero sa tingin niya lamang ay nangingiusap siya, at alam kong hindi pa buo ang tiwala niya sa akin. Nasa akin na para bawiin muli ang tiwala niya. Babaguhin ko ang lahat at magsisimula muling paibigin siya. . . kasama ang batang magiging anghel ng buhay namin. 

* * * 

Natagalan kami sa loob ng hospital ng halos mga tatlon oras. Naging successful ang surgery ni Ian. Nakuha na rin namin ang konsente ng Doktor na bumalik sa normal ang bata. Wala ng dapat ipag-alala. Ngayon din 'yung araw na bibigyan ako ni Aria ng sagot sa aking panukala. Ngunit, nakapag-desisyon man siyang lumayo, naka-tatak na rin sa aking isipang kung kailangang kakaladkarin ko sila, gagawin ko ngunit nagulat ako. . .

"May tatlong kondisyon ako, Trevor. Kailangan ko munang sumang-ayon ka," mukhang desidido siya kaya tumango ako na walang daing, "Una, sa harapan ni Ian, kailangang umakto tayong parang umiibig ng tunay," natanong ko sa sarili ko, bakit napaka-walang hiyang sinasabi ang mga 'yan? Pero tumango na rin ako bilang sagot. 

"Pangalawa, mag-tratrabaho ako sa kompanya mo pero hindi sa'yo mismo." Alam ko ng darating ang linyang 'yan kaya pinasok ko siya sa General Secretarial Office para maging assistant. Tinago ko na lang ang aking ngiti at tumangong ipagpatuloy niya ang pangatlong kondisyon niya. 

"Pang-huli, gusto kong magpanatili tayo sa relasyon nating ganito," napatawa ako sa pang-huling kondisyon niya, "At bakit ka natawa?" 

"Hindi ako sang-ayon sa pang-huli. Once you have agreed to live with me, we'll live as husband and wife. You fulfill your wife duties and I'll do mine," binaba ko sigarilyong walang sindi. 

"Pero walang skin-to-skin connections, unless. . . for public stunts only," muli niyang nilinaw. Matatawa sana ako dahil sa mga panibagong ekspresyong pinapakita niya sa akin ngayon. What happened to the Aria before? The feisty and willed Aria? 

"Then," lumapit ako sa kanya. Malapit masyado, 'yung tama lang na naabot ng kamay ko ang mukha niya. Nilabas ko ang maliit na kahong may kulay pula. Lalayo sana siya nang tinanggal ko ang Golden wedding band pero mas nahuli ko ang kaliwang kamay niya. 

"We have a deal. . ." pagpapatuloy ko sa aking pangungusap habang sinusuot ang sing-sing sa fingerman sa kaliwang kamay, "The civil marriage--is already arranged," on my flexes, hindi ko namalayang gumalaw ang dalawang kamay ko para iangat ang mukha niya sa akin. Sa huli, nakuha ko pa ring bigyan siya ng halik. 

I guess, I won't be religiously following those rules. . . 

to be continued. . .

* * * 

A/N : I'm very sorry for the slow update of this book! I'm doing my research (thesis) and it's really hard for me to manage my time. I still hope you like the update. Sana hindi kayo magsawang mangulit sa updates!

vote and comment for the next chapter : On her first night

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro