
In His Own Accord
This chapter is not yet proofread by the Author. Any similarities to other works are purely incidental.
Follow me because there might be Chapters that Wattpad may Private.
Add this to your reading list to be notified for the upcoming chapters.
* * *
Trevor's P.O.V
Sino ang bata? Naghalo-halong emosyon ang biglang naramdaman ko nang makita siya... Kasama ang bata. Anak ba niya ito? Lahat ng aking kaisipang mapa-sa akin muli siya ay biglang naglaho nang dahil sa isang bagay. May pamilya na siya sa ibang lalake.
"Bruno, paandarin mo na ang sasakyan. Ihatid mo ako sa mansyon," agad kong utos sa aking drayber. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero may lahong kalungkutan. Huli na ba ang lahat? Pinaandar nga ni Bruno ang sasakyan at kinurba ito National High Way. Ang huling nakita ko na lang ay ang masayang mukha nila na parang may hinihintay. Hindi ko na siya pwedeng habulin pa. Naramdaman ko ang mapag-alalalang mga tingin ni Bruno sa harapan ngunit mas pinili kong di na lang pansinin ang mga tanong sa tingin niya.
Sa loob ng limang taon, sinikap ko... Nagsikap ako para mabalikan siya. Sa walong taon na ang nakalipas mula noong iniwan ko siya para lang buhayin ang Zeus Incorporated sa biglang pagbagsak ng economiya ng kompanya. Ilang taon ko rin siyang hinanap... Hindi ko lang inaakalang may pamilya na siya. Babalikan ko siya, pinangako ko sa sarili ko 'yun sa araw na iniwan ko siya. Isa na ako sa kinikilalang pinaka-impluwensiyal na tao sa buong mundo. Kilala ang pangalan ko sa US, UK, Australia at iba pang kontinente. Nakapagtayo rin ako ng mga kompanya sa iba't ibang lugar ng buong mundo kaya hindi kadu-kadudang kilala ako. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nalaman kong may anak na si Xena. Hindi ko na muling inabala siya o nagbalak na balikan pa siya.
"President, CEO Ben Valdez is currently on the line. He wishes to speak with you," biglang imporma ng aking sekretarya. Naputol tuloy ang aking ginagawang mga pinapapirmang papeles. Sinagot ko ang telepono.
"President Kingston speaking," diretsong bati ko habang pinagpapatuloy ang pagrereview sa mga notes na binigay. Mas mahalaga na naman dahil nagkaroon ng Offer of Treaty of Allegiance ang isa sa pinakamalakas na Tycoon sa Russia sa kompanya namin.
"President Kingston, I genuinely sorry for disturbing you but..." Narinig ko ang buntong hininga ng CEO habang kinakabahan ito, "The contract... Would you still follow up the investment?" Hindi ko lang mawari kung bakit personal call pa ang ginawa kung pwede namang nag-e-mail na lang siya. Napa-buntong hininga ako habang minamasahe ang aking mga tempolo. I pressed the hold button para makapag-isip. May pagdududa kasi sa aking isipan. Agad kong tinawag ang sekretarya ko para gumawa siya ng schedule patungkol sa Investment. Siya na rin ang patuloy na kumausap sa CEO. Ngayong alam ko na ang lahat, wala na akong rason para habulin pa siya. Nawalan ako ng dahilan at pag-asa.
* * *
Beep! Beep! Beep!
Napakalakas na busena ng sasakyan ang biglang gumising sa aking pagpapahinga sa loob ng sasakyan ko. Naka-idlip ako ng mga ilang minuto mula noong lumabas kami sa Kompanya. Nilibot ko kaunti ang aking paningin at halos hindi kami umusad dahil sa traffic jam.
Napatingin ako sa kapaligiran habang hindi pa gumagalaw ang sasakyan. Eksakto kasing natapat kami sa Children's Park na kung saan may makikita kang mga batang naglalaro at may mga mag-nyoba't nyobo ding namamasid. Maya maya'y may mga batang nagsimulang nagtakbuhan sa playground na kung saan mo makikita ang mga See-Saw, Sliding, at iba pang mga play toys na nakikita doon. Sa dinami-dami ng mga batang naglalaro ay sa iisang pamilyar na bata naakit ang aking mata.
Kahit saang angulo mo siya tinitignan ay makikita mo't makikita mo ang mukha ng kanyang ina. Nakasuot siya ng uniporme ng PNES, madumi na rin ang kanyang puting polo na may itim na tsaleko. Basang-basa na rin ang buhok niya dahil sa pawis nito pero mukhang nag-eenjoy siya sa paglalaro sa dumi. Muling umusad ang sasakyan pero hindi gaanong umusad siya.
"Iparada mo ang sasakyan sa kahit saan. Baba lang ako sa Play Ground..." Pagkasabi ko sa aking Drayber ay agad akong lumabas sa sasakyan. Dumiretso ako kung saan naroroon siya. Hindi ko alam kung anong rason pero nagkaroon ako ng malakas na pakiramdam para kilalanin ang bata.
Ayaw kong gulatin ang bata kaya't umupo muna ako saglit sa isang bench at pinagpatuloy na pinanood silang naglalaro ng Thief and Police. Hindi ko makuha ang konsepto ng laro ngunit naintindihan ko rin ito habang nagtagal ang aking panonood.
"Psst. . ." Mahinang sitsit ko sa bata nang nakatago siya sa likod ng malaking puno, malapit lang sa aking kinauupuan.
"Ako po?" Mahinang tanong niya habang tinuro ang sarili. Tumango ako bilang sagot.
Tumayo't naglakad ako papunta sa kanya, "Anong pangalan mo?" Tanong ko habang nakaluhod para mapantay ko ang eye level naming dalawa.
Bigla niyang tinago ang mukha niya at mukhang nahihiya siya. Sa oras na to, gusto kong tumawa dahil sa naging reaksyon ng bata.
"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ko ulit at hinaplos ang buhok niya.
"Ian po. . ." Mahina niyang sagot. Mukhang nakalimutan na niya ang mga kalaro niya.
"Ian, hindi ba sinasabi ng Nanay mo na umuwi kaagad pagkatapos ng klase niyo?" May tonong nagbabanta ako pero hindi naman ako galit sa bata. Ngumiting nagloloko ako sa kanya habang tahimik lang siya. "Ilang taon ka na, Ian?"
"A-anim taong gulang po," maikling sagot niya. Hindi ko mawari kung nahihiya ba siya sa akin o sadyang matipid lang siyang sumagot. Marespeto siyang sumagot kumpara sa normal na batang ka-edad niya. Masyado rin siyang seryoso para sa kanyang edad.
"Nasaan ang Mommy mo?" Tanong ko ulit.
"Nagtratrabaho po siya pero hinihintay ko po si Mommy Ynna kasi siya po ang kadalasang nagsusundo sa akin," pagpapaliwanag niya. Hindi naman sa nagulat ako pero nabigla ako sa pagbabanggit niya kay Ynna.
"Siya ang Mommy mo ba, Ian?" Sa kanyang sagot, umaasa akong tama ang sagot niya.
"Hindi po. Kaibigan lang po siya ng Mommy ko. Ayaw niya po kasi na tinatawag ko siyang Tita kaya po. . ." Muling sagot niya. Gusto kong tawanan ang aking sarili dahil umasa muli ako. My life is so screwed.
"Anong oras darating Mommy Ynna mo?" Hinaplos ko ulit ang buhok niya at tumayo sa aking pagkaluhod. "Gusto mong kumain ng Ice Cream?" Pagyayaya ko nang makita ko ang Ice Cream vendor sa kabilang daan. Agad naman siyang sumama sa akin. Bumili ako ng dalawang vanilla ice cream at Bavarian Donuts. Naghanap na lang kami ng bakanteng bench sa play ground habang kumakain kami.
"Maraming salamat po. Ano pong pangalan nila?" Nagulat ako sa biglang pagtatanong niya. Nakalimutan ko ngang ipakilala ang aking sarili. Napatingin ako sa kanya habang kinagat ang Donut ko.
"Pwede mo akong tawaging Tito Trevor," sagot ko, "Kaya mo bang bigkasin ang Trevor?"
"Tito Trevor," pagbibigkas niya sa aking pangalan. Ngumiti at hinaplos ko muli ang kanyang buhok para itago ang malakas na pakiramdam kong tawagin niya akong Daddy. Ano ang pakiramdam na 'to?
"Nagtratrabaho ba ang Daddy mo?" Nagkaroon ang ng malakas na pagtataka kung anong trabaho ng tatay niya. At kinailangan pang magtrabaho si Aria kung pwede naman niyang bantayan ang kanyang anak.
"Hindi ko po alam," maikling sagot niya. Bumalik muli ang pagkaseryoso niya, "Simula noong nagkaroon ang ng alam sa mundo, kahit minsan ay hindi binanggit sa akin ni Mommy kung sino ang Daddy ko."
Natigilan ako sa pagkakain ko ng Donut dahil sa impormasyong narinig ko. Hindi pa niya kilala ang Daddy niya? Naghalong tuwa at pagtataka ang naramdaman ko. Natutuwa dahil hindi pa niya nakikilala ang bastardong Ama niya at nagtataka rin ako kung bakit tinatago ni Aria ang Tatay ng bata. Hindi naman tamang ipagka-it niya ang bata. Pero ang tanong, paano niya nakuha ang bata? Aksidente ba siya. . . Pero hindi naman ganoon kadaling magpabuntis si Aria.
Hindi ba. . .
Nagkaroon ako ng malakas na kutob hanggang sa narinig ko na lang ang pagbagsak ng bata sa damuhan.
"Ian!"
to be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro