Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: Trevor and Aria [Edited]

This chapter has been edited and proofread by the Author. Any simililarities to other works are purely incidental.
* * *

"B-baby?!" bigla kong nasigaw kay Kuyang Hot. Nakakagulat talaga 'yun eh! Bigla ba naman akong tawagin na 'BABY'?! Which is not normal kasi di kami magkakilalala! SUPER DUPER NO-Pero, wait? I think he's familiar?

"TREVOR TITUS KINGSTON?!"

"Yoh, Baby," ang cool niya lang ah. Samantala, kulong-kulo ang dugo ko dahil sa lalakeng 'toh! Alam niyo bang may pagnanasa ata 'tong lalakeng saken eh! Hanggang dito ba naman susundan niya ako?! Stalker talaga siya! Grabe!

"A-Anong pinagsasabi mong pangit ka?!" actually, hindi naman siya pangit. Gwapo siya pero mas lalong gumwapo siya dahil napalitan yung hairstyle niya. Dati-rati kasi parang korean emo yung buhok niya pero ngayon naging messy light brown hair siya na mas lalong dumagdag pa sa kagwapuhan niya. Mayroon pa rin siyang ear piercings sa kaliwang tainga niya.

"Ay? Taken na pala siya?"

"Siya ba yung gf na naririnig natin?"

"Oo, siya nga ata?"

"Mukhang gulat na gulat si girlalo eh."

Wait! Just wait a minute! Hindi naman talaga ako gf ng demonyong 'toh eh. Ako ang mortal na kaaway niya!

TAKE NOTE: Mortal enemy since brith, OK?

Nagulat ako nang biglang akbayan ako ni Trevor. Waaaaah! Papatayin talaga kita Trevor dahil sa pananantsing mo sa akin!

"Yeah, sorry mga ate. Taken na po ako," nasabi bigla ni Trevor habang may ngiting tagumpay sa kanya mukha. Napaka-walang hiya po talaga ang nilalang na ito.

"Siya po ang girlfriend ko kaya kung maaari po, layuan niyo na ako," narining kong hirit pa niyang ani bago tuluyang nakombinsi ang mga grupo ng babaeng humahabol sa kanya. Gwapo lang naman si Trevor pero bagsak pagdating sa ugali.

"Hoy! Mas makapal pa talaga ang mukha mo kaysa sa-Uhhm!" ano ba! Hindi ko na tuloy na sabi yung susunod kasi biglang hinawakan ni Trevor ang bibig ko. Yung tinikop niya ba gamit ng kamay niya?

Ew! Pawis na pawis kaya ang kanyang kamay. Yuck.

"Sige po," bigla ba naman akong hilain ni Trevor papasok sa Men's shower room which is very banned! Babae ako eh, di lang talaga nagmumukhang babae pero... grabe naman na ito. On the second thought, makakakita ako ng mga abs.

Oh My God.

Abs.

"Hoy! Lalake! Ano bang pinagsasabi mong girlfriend dyan?!" nasa may locker kami ngayon na nakapaloob sa Men's shower room. Nilalabas niya ang kanyang towel sa may locker niya at biglang tinanggal yung varsity niya.

Napatalikod tuloy ako sa kanya ng di oras. Ang weird nito!

"Di bale, di naman ikaw ang type ko," ang angas niya ah! Siya na nga 'tong nagsasabi ng wala sa katotohanan kaya dapat ako lang ang may karapatang sabihin 'yun sa kanya! Ako lang!

"Hinding-hindi mo rin ako magugustuhan, hindi ba?" Bakit parang may kalungkutan sa tono ng boses niya? Hindi ko mawari kung ano ba 'yun?

"Kapal mo talaga kahit kailan, Trevor! Alam mo, sinundan mo ako dito sa UP ano?! Naging matino ang buhay ko simula nung nawala ka..." napasigaw tuloy ako. Buti, malakas yung ingay doon sa shower kaya hindi gaanong rinig yung boses ko.

But what made me curios was the hurt I saw in his eyes. Ano 'yun?

"At sino ba ang mas matanda sa ating dalawa?" O-kay? Halatang mas matanda ka naman!

"Ikaw," sagot ko na walang ideya kung anong konek nung pinagsasabi niya sa topic namin ngayon.

"Naman pala. Slow mo? Paano kita susundan dito sa UP kung mas nauna akong pumasok dito? Edi di ba, ikaw yung nagmumukhang stalker dyan?" sungbat nito sa akin. Ay, Oo nga pala. Speechless ako doon ah! 2 years older kasi siya sa akin. 16 years old pa lang ako, 18 years old na siya which is malapit na siyang mag 19. I think?

"Eh basta! Stalker pa rin kita!" hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya anoh!

"Tsaka, bakit mo ba ako sinama sa shower room niyo?"

"Kaya ka nakatayo dyan sa labas ng shower room namin para sumilip dba? Oh, nakapasok ka na dahil sa akin kaya dapat nga pasalamatan mo ako," sabay irap niya sa'kin. Bakla!

Hindi iyon ang motibo ko. Hindi ako green-minded. Pft. Inirapan ko nga.

"Hmpft!" makaalis na nga. Kaysa naman patuloy na umiinit ang ulo ko dyan sa manyak na 'yan, might as well, aalis na lang ako pero-pero! Teka.

Nasaan na nga pala 'yung lalakeng maghahatid sana sa'kin sa department namin?

Time check : 8:10 AM

Oh my god.

I'm almost 10 minutes late dahil kasi sa lalakeng bad trip na yun eh! Tsaka, mind you hindi ako stalker! Mag-iistalk na nga ako, sa lalakeng hate na hate ko pa! Edi mental na bagsak ko nun! Kung tatanungin niyo ba ako kung ano ang koneksyon ko sa pangit na 'yun, simple lang, mortal enemy ko sya, diba?

"Hoy!" napatingin ako sa lalakeng tumatakbong papalapit sa akin, "Saan ka na napadpad?" tanong niya sa'kin habang tinignan ko naman siya from head to toe and toe to head. Nakasuot na siya ng uniporme nila which is naka-pure white siya.

"Sorry Kuya, may demonyo lang kasing tumangay sa'kin," pagpapasensya ko na lang sa kanya. Eh totoo namang tinangay ako ng isang demonyo, dba?!

"Hala, kuya! Hinanap mo ba ako buong oras? Paano na yung klase mo?!"

"Wag kang mag-alala, 9 pa lang start ng klase ko. Eh paano ikaw? Your already 15 minutes late tsaka, 1st year student ka pa lang anoh?" aniya sa'kin.

"Oo nga po," tapos napayuko na lang ako, "Sa next class na lang po ako papasok, Kuya," kasalanan kasi ni Demon Trevor 'toh eh! Kung di lang siya nagpakita sa akin!

"Okay ka lang? Mukhang nag-iiba 'yang aura mo eh," halatang natatakot si Kuya sa akin. Paano ba naman kasi eh just a mere thought of that devil, pati yung black aura ko, makikita mo na!

Maghihiganti ako sa kanya. Ano daw? Gf? The thought made me smirk.

"Sige, Kuya!" sabay takbo akong palayo sa gwapong kuya na 'yun. Baka nursing student siya? Eh kasi naka-pure white siya ng damit eh. Diretsong cafeteria ako.

* * *

"OMG! Si Kuya Trevor?!" ano ba, Ynna! Anong nakakagulat doon?! Edi ba mas mainis ka sana dahil sa ginawa niya.

"Oy! Bakla, maswerte ka kasi sinabi 'yun ni Kuya Trevor. Alam mo bang sikat siya dito sa UP? Not to mention, may new hairstyle boyfriend mo."

Tse. Boyfriend daw? Wala akong pakialam kung sikat na sikat siya dito sa UP. Basta, demonyo pa rin siya.

"Ganoon? So ano naman sa akin kung sikat siya?" sarkastiko kong ani kay Ynna sabay subo sa burger na binili ko kanina, "Dahil sa kanya, di ako nakapasok sa 1st class ko eh!"

"Hay nako! So war pa rin kayo ni Kuya Trevor?" ay hindi ba obvious 'yun, Ynna?!

"Obvious ba?!" sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Alam mo, ang init talaga ulo mo sa kay Kuya Trevor, anoh?" may naiiritang tono na ngayon si Ynna. Eh sino ba naman ang matinong babae na hindi mag-iinit ang ulo kapag nalaman mong pinaglalaruan ka lang talaga ng taong mahal mo? Kayo ba ngingiti ng todo-todo kung malalaman mong di pala seryoso sayo yung lalakeng mahal mo? Kung iniisip niyong nagkagusto ako kay Trevor noon, Oo. Di ko 'yan madedeny, kasi talagang nagka-crush ako sa kanya noon pero alam niyo ang weird doon? Noong nalaman ni Trevor na crush ko siya, bigla na lang niya akong niligawan. Syempre, crush ko siya kaya super kilig ako noon pero noong nagtagal, nalaman ko ang totoong cause kung bakit napaligaw siya ng bigla-bigla sa akin, he just wanted the one he loves to be jealous. Oh di ba?

Manggagamit siya! Kaya ayun, since then naging mortal enemy niya ako kasi naglakas loob pa siyang maging mag-kaibigan daw kami pagkatapos ng ginawa niya! Di naman sa masyadong affected ako sa ginawa niya kasi hanggang crush lang ako noon sa kanya pero nasaktan lang ako kasi tinapakan niya yung pride ko!

"Kyah!" Biglang sigawan ng mga kababaihan sa cafeteria namin.

Sigh!

Kung alam ko lang si Trevor na naman 'yan? Kaya di na ako nag-abalang lumingon pa kasi nga nasisira araw ko sa lalakeng 'yan!

"Oy, yung boyfriend mo, papalapit na oh?" si Ynna 'yan pero wala akong pake-alam kung lalapit pa siya o hindi. Basta, pikit mata ako ngayon para di ko siya makikita tapos ilalagay ko na din 'tong ear phones ko para di ko maririnig ang mga sasabihin niya.

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro