Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: The Broken Link

"Pamilyar naman siguro kayo sa pangalang nabunot ninyo, hindi ba?" Muli niyang hinipan ang tasang hawak niya at saka sumimsim. Ang kaniyang paningin ay nakatuon sa kapeng iniinom, bumaling lamang ito sa'min nang hindi makarinig ng sagot sa kan'yang itinanong.

"Lucio Andalio, ang pinakaunang konseho na dumungis sa samahan," wika nito habang nakatuon ang tingin kay Chantelle. Siya ang nakabunot sa pangalang iyon kaya naman siya ang nakatalaga na aralin ang buhay at naging kaso nito.

"Mariot Lincoln, the former adviser of the high chancellor who died in a war." Natigilan si Miss Wendy ng ilang segundo matapos banggitin iyon. Tumikhim ito at tila may iwinaksing alaala bago s'ya nagpatuloy.

"And the two ex-council named Hayden Moris and Connor Buenavista. You will narrate their contribution and what happened to them twenty years ago."

Hindi ko alam ang dahilan ni Miss Wendy kung bakit niya gustong ipaaral sa'min ang lahat ng ito. Lahat ng apat na konsehong nabanggit niya ay wala na sa kanilang posisyon. Either they died from the war or they were banished from civilization.

Lahat ng nalalaman namin tungkol sa kanila ay limitado lamang sapagkat hindi lubos na tinatalakay ang kanilang naging buhay. Hindi kasama sa mga pinag-aaralan namin kanilang mga k'wento at saloobin. Tanging ang kanilang mga akda o inilathalang pang-akademikong babasahin lang ang naiwan nila sa mga makabagong henerasyon.

Dati pa ako kuryoso sa buhay ni Heneral Lucio. Batid kong mahusay siyang sundalo, sa mundo man o sa kalawakan. Tunay na kahanga-hanga ang kaniyang husay sa pakikipagtalastan at ang mga inilathala niyang editoryal na tumutuligsa sa shadow society ay nakapupukaw ng damdamin.

Kung hindi lang siya nagtraydor sa sangkatauhan, tiyak kong siya pa rin sana ang namumuno sa Legion.

"I don't think I still need to dig the general's profile and criminal records. He's too popular for me not to know him." Mababakas ang kawalan ng interes ni Chantelle sa taong nakatalaga sa kaniya. Nakasimangot siya habang pinupunit ang papel na hawak.

"Are you sure you already know him?" mapanghamong tanong ng matanda.

Tumaas ang sulok ng labi ni Chantelle at kampanteng tumango. "Yes, I do. You may ask me now if your questions are ready."

"Tss, ang hangin talaga," pasaring na saad ni Lei. Siniko ko ito para patahimikin. Hindi ko gustong mapagalitan siyang muli ni Miss Wendy at baka pahirapan pa siya sa aktibidad ngayong araw.

"I've been reading the biography of these people for years. Do you think the high chancellor won't require me to do that?" baling nito kay Lei at saka sinuklay ang kaniyang mahabang buhok gamit ang daliri.

"Then you probably know that he was the one who initiated the revolt on your father?"

"Everyone knows that. His first attempt to kill my father failed. All because of Mariot Lincoln, the supremo's right hand. Prior to his negligence to duty, he also enunciated that Lincoln plans to betray my father because Alexander Gardner secretly hired him. He told everyone that he was not trying to kill Hendrick, instead, he's protecting him."

Bumalik ang aking tingin sa hawak na papel. Nakasulat doon ang pangalang binanggit ni Chantelle, Mariot Lincoln.

Hindi ako pamilyar sa pangalang iyon maging sa mga katagang binanggit ni Chantelle. Sa apat na taon ko sa institusyon hindi kailanman nabanggit ang pangalang iyon. Isa ba siya sa mga konsehong binawian ng buhay? O isa sa mga ipinatapon sa piitan dahil sa kan'yang kasalanan?

Biglang nabuhay ang kuryosidad sa akin. Kanina'y wala akong kainte-interes sa nabunot kong pangalan, subalit ngayon, para bang gusto ko na agad magsimula sa pag-aaral tungkol sa naging buhay niya. Totoo nga ang sinabi nila, higit na lalawak ang kaalaman ko sa oras na makapasok ako sa Prudence.

"Mukha ngang marami ka ng nalalamang mga pangyayaring hindi itinuturo sa mga pangkaraniwang mag-aaral ng institusyon." Tumango-tango si Miss Wendy. Kinuha niya ang tinidor at sumubo ng panghimagas bago magpatuloy.

"Ang gusto kong pagtuunan mo ng pansin ay ang naging koneksyon ng heneral sa shadow society. Paanong ang mahusay na heneral ay nagkaroon ng kasunduan sa kabilang panig gayong kilala itong tapat na tagasunod ng supremo?"

Sa mga librong nabasa ko, sinabi nga roon na tapat sa tungkulin si Heneral Lucio. Malamig itong makitungo sa iba, subalit maiinit ang kamay nitong maglingkod sa bayan. Kabaliktaran sa ipinapakitang ugaling ang lamang ng kaniyang puso.

"Anong kasunduan ang namagitan kay Lucio at Alexander. Paanong nahikayat ng huli ang tapat na heneral?"

Ang tingin ko ay nakadirekta kay Chantelle. Nakita kong nakuha ni Miss Wendy ang kaniyang interes dahil tumango-tango ito na para bang maging siya'y nais malaman ang kasagutan sa mga tanong na iyon. Mukhang hindi pa rin niya alam ang dahilan kung bakit nga ba nagtraydor ang mahusay na heneral.

Hindi na kami nag-abala pang tumulala at magmuni-muni. Nang sabihin ni Miss Wendy na maaari na kaming umikot sa aklatan para isagawa ang pagsisiyasat at agad kaming tumalima. Ang dalawang bantay namin, sina Jaxson at Kaizer ay nakasunod lang ng tingin sa'min. Sa tingin ko ay alam na nila ang lahat ng sagot sa aming mga gagawin ngayon.

Lumabas ako ng opisina at bumaba sa ikatlong palapag. Naroon ang seksyon ng mga libro tungkol sa kasaysayan. Hindi ko alam kung ang libro sa aklatang ito ay kakaiba ba sa mga librong naroon sa institusyon. Kung magkamukha lamang ang nilalaman ng mga libro dito at doon ay wala na akong dapat pang balikan sa kasaysayan dahil kabisado ko na ang lahat.

Walang mapupulot na mga clue sa aklat na nabasa ko noon. Lahat ng kaalamang nakaimprinta sa history book mula sa institusyon ay limitado lamang ang nakalagay. Bagamat napagtagpi-tagpi nila ang nangyari sa nakaraan, alam kong may mga bagay silang sinadyang hindi isulat sa libro. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng kaganapan pero batid kong may mali.

I don't know what that is, but I am going to dig deeper and unfold the history.

"Where are you?" bulong ko sa'king sarili habang sinisipat angmga libro sa shelf.

"Why are you here? The books you're supposed to be looking for is on the fourth floor." Napatalon ang balikat ko sa gulat nang biglang magsalita sa likod ko si Jaxson. Hindi ko namalayang nakasunod pala siya sa akin.

"Miss Wendy didn't restrict us to search other books aside from those that are on the fourth floor. I just need to check something here." Hindi ko ito nilingon at nagdiretsong na hanapin ang aklat.

Hindi ko alam kung ano'ng libro ang hinahanap ko, basta alam kong kapag nakita ko iyon malalaman kong iyon na nga ang hinahanap ko. Instinct, maybe?

"I've read all the books in this section, I am pretty sure you're just wasting your time here."

Umirap ako nang marinig ang sinabi niya. Sa halip na sumagot ay diretso ko pa ring hinanap ang libro. Nakarating ako sa ikalimang shelf at nanlaki ang mata nang mabasa ang pamagat ng isang aklat.

"Got it," masayang anunsyo ko.

Kunot ang noong kinuha ni Jaxson ang libro at binasa ang pamagat no'n. "A Little History of the World in 2100." Bumaling ang ulo niya at saglit na natulala sa libro na para bang may naalala.

"Ano'ng hahanapin mo r'yan? I read that book a few years ago, it's just a history of how the world almost got wiped out in that year. There's nothing special in that book."

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng libro. Dalawang libro ang hinahanap ko na alam kong makatutulong sa'kin para masagot ang naipon na tanong sa'king isipan. Malakas ang kutob kong sa araw na ito ay mabibigyan na iyon ng kasagutan.

"Saan nakalagay ang mga libro tungkol sa paglikha ng supremo sa space station?" tanong ko nang hindi nililingon ang lalaking nakasunod sa'kin.

Malalim na buntong-hininga niya ang narinig ko kaya naman nilingon ko siya nang nakataas ang kilay. "Come on, I don't have time to explain what I am trying to look like. I'll tell you later once I confirm it."

"Nagsasayang ka lang ng oras, Miss Laurent. Pawang mga walang koneksyon kay Sir Lincoln ang mga hinahanap mo."

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Malalaman natin mamaya kung nagsasayang nga ba ako ng oras o nasa tamang tahakin ako. Sa oras na malaman ko kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa nakaraan, higit kong makikilala si Mariot Lincoln."

Labag sa loob na naglakad patungo sa direksyon ng librong hinahanap ko ang lalaki. Umiiling-iling ito na tila ba naiinis sa'kin. "Bakit ang tigas ng ulo mo?"

"Because I am a Laurent, hindi ba't ganito rin ang dating lider ng circa?" Lumaki ako sa puder ni Senor Fidel Laurent, kanino ko pa nga ba makukuha ang ugaling mayroon ako ngayon kung hindi sa kaniya?

Nakarating kami sa kabilang dulo ng aklatan. Nabasa ko na ang seksyon na ito ay pawang may kinalaman sa hinahanap kong pagkabuo ng space station. Nagsimula na ako ulit sa paghahanap ng libro. Minsan kong narinig sa aking ina-inahan ang k'wento niya tungkol sa mahusay na pagpaplano ni Hendrick Martin sa pagbuo ng space station.

Walang naniwala sa kaniya noong una na posibleng mawasak ang mundo at mawalan ng tirahan ang mga tao. Pinagtawanan at binalewala ang kaniyang mga babala subalit mayroong isang taong tumulong sa kaniya. Mayroong naglahad ng kamay sa supremo dahil nagtiwala ito sa kayang gawin ng supremo.

Iyon si Mariot Lincoln.

Nais kong basahin ang lahat ng naging plano nilang dalawa. Kung paano nila nalaman na masisira ang mundo at kung paano nila napagtagumpayang isalba ang sangkatauhan. Hindi ako nagtitiwala sa mga librong nabasa ko noon dahil ni isa sa mga iyon, hindi nabanggit na may katulong ang supremo sa paglitas sa sangkatauhan.

All the history books are about only one hero, Hendrick Martin. They only mentioned Mariot Lincoln as his viceregal who deceived him and sold him off to Alexander Gardner for a few million grand. History didn't elaborate on his greatest contribution to humanity, they labeled him as a thief.

Mariot Lincoln was convicted of selling off the blueprint of the space station to Alexander Gardner. As a punishment, he was tossed out of the ship and sent to a dying planet only to die alone. His contributions didn't pay off, but rather it was forgotten because he committed a grave threat to public safety.

For years, I believed what was written in the books. I hated Alexander Gardner for he selfishly wants to attain power amid great starvation and chaos. He even revolutionized and started a riot that ended up a war inside the gigantic space station. He was the reason why many died that year. I blamed my father for not conducting a thorough investigation before they tossed Mariot Lincoln out of the ship.

Subalit nang magkaroon ako ng sariling pag-iisip, unti-unti pumasok sa aking isipan ang mga katanungan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nagkaroon ng kuryosidad ukol sa tunay na dahilan ng hidwaan ng supremo at ng lider ng shadow society.

"The Creation of the Ark," basa ko sa hawak na libro.

"What exactly are you trying to find, Miss Laurent?"

Naglakad ako patungo sa isang lamesa at agad na umupo ro'n at nagbasa. Hinanap ko ang pahina kung saan unang nabanggit ang pagkawasak ng mundo.

"The time will end soon. Mankind no longer has five billion years to prepare because, in a few years now, the Earth will die, including all species within it," malakas kong pagbanggit sa mga salitang nakasaad sa libro.

Ito ang mga salitang binitiwan ni Hendrick Martin sa isa niyang conference noong taong 2089. Alam kong nangyari na itong lahat sa nakaraan subalit ang kilabot ay nanuot pa rin sa akin nang basahin ko iyon.

"I accept that with the affirmation that humanity and the planet are indistinguishable, Earth truly will mend itself as most scientists theorized. Hence, the duty falls on society to address past movements that have jeopardized the one natural surroundings we as a whole offer."

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at pag-aaral. Hinanap ko ro'n ang ugnayan ni Hendrick at ni Mariot. Malakas ang kutob ko na mayroon silang mas malalim pang ugnayan na tanging sila lang ang nakakaalam. Inubos ko ang higit tatlong oras na pagbabasa para hanapin ang nawawalang koneksyon.

"Fuck, I knew it!" Napatayo ako at napahilamos ng mukha. Nanlalaki ang mata ko dahil sa wakas ay nakita ko rin. Mula sa pagkakahimbing ay nagising naman si Jaxson. Pupungas-pungas itong tumingin sa akin.

"You're done?" Kinusot nito ang mata at naghikab. "You still have one hour before you present your research to Miss Wendy."

Agad akong umiling sa kaniya dahil hindi pa ako tapos. I am just getting started and I know how to end this research with a boom.

"I found the broken link. Now, I need to find the shattered pieces of information. I don't know if one hour will be enough for me to do that, but I'll try."

Tinapunan ako ni Jaxson ng hindi makapaniwalang tingin. Katulad ko ay tumayo rin siya at pinantayan pa ang aking mata. Lukot ang mukha nito at nawawalan na sa'kin ng pasensya.

I didn't ask him to look out for me while I do my assignment. It was his own choice to stick around me. Kung hindi nga lang kakapalan ng mukha na isiping may gusto ito sa'kin dahil sa pagdikit-dikit niya sa'kin ay baka ganoon na nga ang naisip ko!

"I need to go now. You may continue your sleep, or you may lookout for other members, I don't care. Do your thing, and I'll do mine."

Tumakbo na ako paakyat sa ikaapat na palapag nang hindi nililingon ang lalaki. Alam kong nakasabunot na ito sa kaniyang buhok dahil sa frustration sa akin. Hindi man niya nauunawaan pa ang ginagawa ko, sa oras na ipaliwanag ko na ito sa harap mamaya ay tiyak kong papalakpakan niya ako.

Only I could understand my seemingly senseless actions now, but this is my strategy. This has always been how I discover things. This is my way of solving mysteries; a way that others could never fathom. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro