Chapter 8: Trilogy of the Damned Earth
MALAWAK na tanggapan ang sumalubong sa'min nang pumasok kami sa isa sa mga silid. Nakahilera ang tatlong lalaking nakasuot ng uniporme ng Prudence. Lumawak ang ngisi ng dalawang lalaking nasa gilid ng punong mahistrado nang makita kami.
Nang sumarado ang pinto, sabay-sabay kaming yumuko upang magbigay galang sa lider ng circa. Naglakad ito palapit sa kinatatayuan namin at isa-isang tinapik ang aming balikat.
"Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay nakikita ko lamang kayong mga paslit at patakbo-takbo subalit ngayo'y halos manliit na ako kung itatabi sa inyo!" Malakas na humalakhak ito at tiningnan kami isa-isa.
Naglahad ito ng kamay sa harap ni Chantelle. Malaki ang ngisi nito at tila ba natutuwa na makaharap ang anak ng supremo.
"Finally, nakaharap na rin kita, Miss Martin," saad nito.
Nagtagal ang kamay ng punong mahistrado sa ere nang hindi iyon tanggapin ni Chantelle. Mula sa mata, bumaba nang dahan-dahan ang tingin nito sa kamay ni Sir Rodrigo. Tila ba nandiri siya nang makitang nakalahad ang kamay nito sa kaniyang harapan.
"Show your respect to the chief magistrate, Chantelle." Maging si Lorelei ay hindi na napigilan pang magsalita.
I don't know what's wrong with Chantelle. She's been a total ass since this morning. She became reticent after she heard that we'll visit the Prudence league. If I looked irritable yesterday, she's way more pissed than I was.
"Respect must be earned. It is not something you should beg for, Miss Brown." Hindi lumipat ang talim ng tingin nito kay Lei, bagkus ay bumalik iyon sa mata ng punong mahistrado.
"Ayokong madumihan ang kamay ko sa pakikipagkamay. Pasensya na, punong mahistrado," sarkastikong sambit nito sabay ikot ng mata.
Mahinang tumawa si Sir Rodrigo Gomez nang makitang walang balak na kumamay ang anak ng supremo.
"Mukha yatang hindi maganda ang gising ng anak ng supremo. Huwag kang mag-alala dahil tiyak na bubuti ang pakiramdam mo dahil sa mga aktibidad na gagawin ninyo ngayon."
"Really? I doubt that."
Napailing na lamang ako dahil sa ipinakitang pag-uugali ni Chantelle.
The hell is wrong with her?
Hindi nagtagal ay lumipat naman sa anak niya ang tingin, tumango ito at muling tinapik ang balikat. "Sana talaga ay namarkahan ka na, Gabriel. Walang duda na rito ka rin naman mauuwi."
"Of course, dad. I was born to be a part of your circa," sagot ni Gabriel sabay baling sa akin.
"Anyway, Miss Laurent is here with us. Do you remember her?"
Nabakas ang gulat sa mukha ng ama nito nang marinig ang tinuran ng anak. Muli nitong iginala ang mata, unang dumapo ang tingin kay Lorelei, saka pa lang ako. Bumalik ang malaking ngiti sa mukha nito at maging ang mata ay naningkit.
Alam ko na ngayon kung saan nakuha ni Gabriel ang kaniyang mga mata.
"Pardon me for not recognizing you, Genesis. I didn't know you have an unidentified mark." Agad itong lumapit sa akin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko iyon at ngumiti rin pabalik sa kan'ya.
"I thought you became an Erudite since your name was not on the Prudence list. How are you, iha?"
Umiling ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Madalas akong tinatanong kung kumusta na ako. Sa tuwi-tuwina, ang nagiging sagot ko ay katahimikan lamang.
Paano nga ba sagutin iyon? Kung iisipin ay napakasimpleng tanong lang nito pero bakit hindi ko mahanapan ng tamang salita?
Should I say I am fine since I am physically healthy? Or should I say I am not since I am emotionally and mentally drained? I don't even know how to assess myself anymore.
My life is so exhausting that I always feel tired. I'm in a constant battle for survival. Saying I am not okay is an understatement.
"I heard what you did for my father, Sir Gomez. Thank you."
Mas mabuting huwag na lang sagutin ang tanong niya. Wala rin namang magbabago kung sasabihin ko ang tunay kong nararamdaman.
Naunawaan naman ng punong mahistrado ang aking pag-iwas. Tumango lamang siya at tinapik din ako sa balikat. Nakita ko ang dumaang pagkahabag sa kaniyang mata. Agad siyang umiling at iwinaksi iyon.
"I'll do anything for Fidel. I will not stop digging for evidence just prove his innocence. You can count on me, Miss Laurent."
Hindi na rin nagtagal ang kumustahan namin. Ipinaliwanag niya ang mga gagawin namin para sa araw na ito at ipinakilala rin ang dalawang magiging gabay namin sa loob ng establisimyento. Marami siyang mga paalalang binanggit at sinabihang magkakaroon kami ng pagsusulit bago matapos ang araw.
Ang dalawang lalaking kasama niya ay mga batang miyembro ng circa. Napag-alaman kong mga kaibigan pala iyon ni Gabriel. Nang makaalis ang punong mahistrado sa silid kung nasaan kami, agad na sumabog ang malakas na tawanan mula sa dalawang lalaki. Nabura ang istriktong awra na kanina ay ipinakikita nila.
"Sa wakas nakasama mo na rin ang crush mo, Gabriel!" wika ng isang lalaking kulot at matangkad.
Inakbayan ng isa pang lalaki si Gabriel at pabirong kinurot sa gilid. Nakanguso na ngayon si Gabriel at hindi makatingin sa akin. Pasimple nitong inaalis ang kamay ng dalawang kaibigang nakadikit sa kaniya.
"Did you tell her how obsessed you are with her?" Dumapo ang tingin ng lalaking may kulay abong mata sa'kin. Nakataas ang sulok ng labi nito at nagawa pa akong kindatan. "She's cute," dagdag pa nito.
"Fuck off, Kaizer," inis na turan ni Gabriel.
"Oh, the bastard is blushing! WTF?!" Mas lalong lumakas ang halakhak ng dalawang lalaki habang patuloy na ginugulo ang buhok ni Gabriel.
Pare-parehas silang matatangkad at may itsura. Hindi ako pamilyar sa Kaizer, pero iyong kulot ay minsan kong nakita noon na kasama sa pagpupulong nina señor. Sa pagkakaalam ko ay intern pa lamang ito noong mga panahong iyon.
"So, ano? Mag-aasaran na lang ba kayo r'yan?" iritadong wika ni Chantelle.
Natahimik ang ingay ng dalawang lalaki nang marinig iyon. Nilingon nila ang kunot-noong si Chantelle at napayuko. Nahiya yata sa mga inasal nang mapagtanto na narito ang anak ng high chancellor.
Tumikhim si Gabriel at tuluyang kumawala sa kapit ng dalawang kaibigan. Pilit niyang inayos ang sarili at nang sa wakas ay mawala na ang pamumula ng pisngi, nagsalita na rin.
"I apologize for the interruption." Tiningnan ni Gabriel ang kulot na lalaki sabay inilahad ang kamay para ipakilala ang kasama. "This is Jaxson Writs. He's a junior associate justice, currently on his final year before he becomes an official member of the circa."
So, he's still in his junior year. Bakit ang bagal yata ng pag-angat niya sa p'westo? Ang alam ko ay mahusay naman siya at may potensyal. Minsan itong kinagiliwan ng aking ama-amahan dahil sa pagiging aktibo at maalam nito sa mga gawain.
"And this one is Kaizer Jones. He's also a junior associate, currently in his third year."
Unlike Jaxson who simply let out a small smile, this Kaizer guy waved his hands and even fixed his hair as his flirty stare darted to Chantelle's eyes, then. . . he winked.
Matapos ang pagpapakilala ay nagsimula na kaming umikot sa pasilyo ng lugar. Itinuro sa amin ang lugar kung saan ginaganap ang mga mahahalagang pagpupulong. Ipinakita rin sa amin kung saan nila inilalagay ang mga data records ng bawat sibilyan.
Ang Prudence ang nangangalaga ng impormasyon ng publiko. Anumang pagkakakilanlan mo ay nakasulat sa isang talaan. Hindi ito isang libro o kuwaderno na kung saan nakasulat o nakaimprinta ang aming mga impormasyon. Isa itong teknolohiya na tanging ang mga nasa pinakataas na ranggo lamang ang may kakayahang maka-access.
Ligtas ang record mula sa mga outsider na nais nakawin ito. Marami rin ang nagtatangkang sirain at burahin ang kanilang pagkakakilanlan nang sa gayon ay tuluyan na silang maging anino sa mundo. Subalit hindi iyon hinahayaang mangyari ng mga namamahala.
"That is the Globe vis," turo ni Jaxson sa talaan.
Hindi kami maaaring makapasok sa loob dahil wala kaming access para ro'n. Maging ang dalawa naming kasama ay hindi rin makalalagpas man lang sa barricade. Kung pipilitin namin, tiyak na wala pang isang segundo'y napalilibutan na kami ng militar.
"It is powered by millions of nanochips connected to every electric-generated gadget and internet-connected device of the people. It monitors the movement and transaction made by everyone as it taps the account of the citizen to ensure the sustained safety."
Pamilyar ako sa kayang gawin ng teknolohiyang ito. Lubha itong makapangyarihan na kaya nitong makabuo at makawasak ng buhay. Ang mga impormasyong nilalaman nito ang nagsisiwalat sa pagkakakilanlan ng tao. Ito ang nagsisilbing mata ng mga namamahala upang bantayan ang kilos ng lahat.
"The data inside this gigantic holographic globe is 100% accurate. Once a threat is monitored, or once it locates a suspicious email, the military and intelligence bureau will be alerted," paliwanag naman ni Kaizer.
Ang Prudence, bagamat sumusunod sa batas, ay mayroon ding kasiraan. Sila ang nakikita kong mayroong kakayahang mamuno sapagkat hindi sila kurakot at hayok sa kapangyarihan tulad ng mga Erudite. Sa kabila ng malinis nilang reputasyon, sila ang tinaguriang ikatlong mata ng sibilisasyon.
Sa kagustuhang mapanatili ang kapayapaan, nais nilang malaman ang lahat. Walang sikretong dapat nakakubli. Walang nagtatago sa dilim.
"Its main purpose is to collect, analyze, evaluate, and disseminate both local and foreign communication as well as the intergalactic intelligence, and to carry out covert operations."
Covert operations.
What they mean to say is tracking civic engagement technology worldwide. No one can hide from the Globe vis. Once your name and biometrics are imprinted on the system, there's no way it'll be deleted. You could never escape from the eyes of those in authority.
They are watching everyone's move. Spying day and night, tracking rebels, dragging their captives to the court, and giving lawful judgment. Once you got branded as a traitor or somehow related to the shadow society, you are better off dead.
Jaxson cleared his throat before he speaks. "Ito rin ang ginagamit na pangunahing source ng mga Legionnaires. Konektado ang kanilang mga kagamitan sa Globe vis. Ito ang nag-uugnay sa dalawang dibisyon."
Kaya naman pala matibay ang ugnayan ng dalawang dibisyon dahil sa tulungang nagaganap. Sila ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa katiwalian o kaguluhan sa Legion, habang ang nasabing dibisyon naman ang kikilos upang mapanatiling nasa kaayusan ang lahat.
Tuta ng mga mapagpanggap; katawagang ibinansag ng mga hambog na Erudite sa Legion. Mababa ang tingin ng mga ito sa Legionnaire dahil nakaasa ang mga 'to sa teknolohiyang nagmumula sa katunggaling dibisyon.
Nakatatawa na ang samahang itinatag upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng mundo ang siya mismong nagbabanggaan. Iisa ang hangarin, subalit iba-iba ang paraan.
Nagpapataasan at nagbabangayan. Paano nga ba makakamit ang minimithi kung hindi nagkakaisa ang apat na dibisyon?
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sunod kaming dinala sa isang napakalaking silid na puno ng mga aklat. Halos mahilo ako katitingin sa itaas na palapag ng aklatan, tila walang katapusang bilang ng libro ang naririto.
"Ang silid-aklatang ito ay mayroong 50,000 na aklat at iba pang mga materyales na mahihiram, mula paperbacks at mga picture books sa wikang Ingles, Latin at iba pang mga wika. Dito madalas na naglalagi ang mga katulad naming junior associates."
Puro mga pang-akademikong babasahin ang makikita. Kanina pa nagrereklamo si Lei dahil sa kawalan ng fictional books, partikular na ng mga romance and erotic novel sa aklatang ito. Habang inaakyat namin ang hagdan patungo sa ikalimang palapag kung nasaan ang opisina ng namamahala ng aklatan, naagaw ng isang seksyon ang aking atensyon.
"That shelf consists of the books published by the circa members. My favorite handbook is the one created by the previous circa leader, Sir Fidel Laurent."
Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala si Jaxson. Katulad ko ay nakatingin din siya sa isang seksyon kung saan wala ni isang nagbabasa. Hindi ko alam kung bakit nakuha noon ang atensyon ko subalit tila may nagtutulak sa'kin na pumunta sa gawi ro'n.
"What's the name of the book? I want to read it too."
"The Missing Formula."
Tumaas ang kilay ko kay Jaxson. Akala ko ba ay bawal ang fictional books dito? Bakit tila nakapuslit ang sa señor?
"It's a scholastic book that tackles the justice system in the 21st century. The formula represents the legal ideals of justice and equality, and the book seems like a case history. It emphasizes how lewd the courtroom in the past and how justice favors the rich and neglects the poor."
Hindi ko pa man din nababasa ang aklat, namamangha na ako. Napakatapang ng señor para ilathala ang ganitong uri ng libro. Hindi ko alam na dati palang nadumihan ang reputasyon ng batas. Mabuti sa panahong ito, wala na ang gano'n.
No one weighs more significant than the other. As long as you have the complete evidence to prove your innocence, you have nothing to worry about. The Prudence leaders will listen to you, and they will give a fair judge.
Hindi nababayaran ang batas na pinamumunuan ng Prudence. Hindi nabibili ang hatol sa korte. Hindi rin pinapanigan ang may kapangyarihan. Isang matibay na halimbawa na rito ang nangyari sa aking ama-amahan.
"It is a great source of inspiration for those wondering why the law is important and why rights must be protected. You must read the book once you received your Prudence mark, Miss Laurent."
Nang pumasok kami sa loob ng opisina ng namamahala ng aklatan hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang librong iyon. Sinalubong kami ng amoy ng mga lumang aklat na sinamahan pa ng aroma ng itinitimplang kape. Tahimik ang paligid, tanging ang kalansing ng tasa at kutsarita ang nagbibigay ingay sa malawak na opisina.
"Kanina ko pa kayo hinihintay. Bakit kayo natagalan?" istriktang tanong ng matandang babae. Siya marahil ang namamahala rito.
"Pasensya na, Miss Wendy," sabay na saad ng dalawang kasama naming lalaki.
"Kung saan-saan niyo pa siguro inilibot ang mga 'yan, wala namang magandang makikita rito sa Prudence. Dapat dito niyo na agad sila idiniretso dahil may aktibidad silang tatapusin ngayong araw."
Nagkatinginan kaming magkakasama nang sabihin iyon ng matanda. Ito na ba ang sinasabi ni Sir Rodrigo? Akala ko ay mamaya pa bago kami umalis sa lugar na ito magaganap ang aming unang aktibidad.
Ibinaba ng matandang babae ang dala niyang tasa sa mahabang lamesa. May hawak itong makalumang pamaypay na dati'y sa mga babasahin ko lamang nakikita. Hindi ko akalaing may nagmamay-ari pa ng abanikong pamaypay sa panahong ito. Maging ang suot nitong bestida'y hindi na rin makikita sa panahong ito.
"Ano'ng tinitingin-tingin ninyo r'yan? Halikayo rito at magsiupo kayo, kailangan ko pa bang idikta ang lahat ng dapat ninyong ikilos?"
Napakurap-kurap ako nang inis kaming binulyawan ng matanda. Dahil sa pag-iinit ng ulo sa'min, padaskol niyang pinaypayan ang sarili. Ang wirdo ng matandang ito, may aircon naman ang buong opisina subalit nagpapahangin pa siya gamit ang kaniyang abaniko.
"Hindi ko gusto ang paraan mo ng pagtitig." Pinukpok ako nito sa ulo gamit ang pamaypay. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil hindi ko inasahang makatatanggap ako ng palo nang walang sabi-sabi.
"Lola, bakit mo ginawa iyon?" Napahawak si Lei sa akin at nag-aalalang tiningnan ako, maging siya ay nagulat sa ginawang pamumukpok ng matanda.
"Ayos ka lang ba, Faye? May masakit ba—" Naputol ang sinasabi ni Lei nang maging siya'y nakatanggap ng gatok sa matanda.
"Aray!" Nanlalaki ang mata nitong binalingan ang matanda habang nakabukas ang labi nang dahil sa gulat.
"Huwag mo akong pinagtataasan ng boses higit akong nakatatanda sa'yo."
Mula sa sulok ng aking mata, nakita kong nagpipigil ng tawa ang mga kasama namin. Humahagikhik si Kaizer at Jaxson sa likod ng matanda, nakakagat labi si Gabriel para pigilan ang pagtaas ng sulok ng labi, habang si Chantelle naman ay malapad ang ngisi. Tuwang-tuwa ang bruha na kami ang napagbubuntunan ng galit.
"Bakit naman po kasi bigla-bigla kayong nananakit? Hindi naman kasi tama 'yon," reklamo ni Lei habang nakanguso at nagsisimulang mamula ang ilong.
Wait, don't tell me she's about to cry?!
Naningkit ang mata ng tagapamahala ng aklatan dahil sa pagsagot ni Lei. Balak ko sanang patahimikin na lang ang kaibigan para hindi na ito magsalita subalit sumagot pa rin siya kaya naman muli itong nakatanggap ng palo, sa pagkakataong ito ay sa braso naman. "Talagang sumasagot ka pang bata ka, ah.
Nararamdaman kong marami pa sanang sasabihin ang matanda ngunit nang maglakad na palapit si Gabriel ay natigil ito. Kumislap ang mata ng lola at lumabas ang malapad na ngisi. "Gabriel!" Nagagalak na tawag nito.
"Miss Wendy, h'wag ninyo sanang gaanong pahirapan ang aking mga kaibigan," maamong pahayag ni Gabriel.
Tumaas ang aking kilay nang makitang tumango ang matanda. Hinawakan nito ang braso ni Gabriel at pinisil iyon na para bang nanggigigil. Mas lalo kong narinig ang tawa ng dalawang lalaki matapos masaksihan ang pagbabago ng mood ng tagapamahala ng aklatan.
"Ginagamit na naman ni Gabriel ang kaniyang panlalambing kay Miss Wendy," hagikhik ni Kaizer at umapir pa kay Jaxson.
"Sana'y sinabi mong mga kaibigan mo sila. Hindi ka naman kasi agad nagsalita, akala ko tuloy ay hindi ka kasama sa grupong ito."
Umiling si Gabriel at mahinang tumawa. "Hindi ko nga rin po akalaing mapabibilang ako rito."
Pakat na pakat ang masayang ngiti sa labi ng kaninang nanggagalaiting matanda. Wiling-wili itong nakatitig sa dalawang malalalim na dimples sa pisngi ng binata, tila nalimutan na niyang narito kami buhat nang makausap si Gabriel.
Sinamantala ko ang pagkakataon para ilibot ang aking paningin sa loob ng opisina. Kakaiba ang atmospera dito kumpara sa labas. Malalanghap ang amoy ng mga lumang libro na tila ba ilang daang taon na buhat ng mailathala. Sa opisinang ito nakatago ang mga mahahalagang artikulo at mga aklat na mas nakagaganyak na basahin.
Sa pag-ikot ng aking mata sa silid, dumapo iyon sa isang kabinet na may tatlong makakapal na libro. Nakakandado ang kabinet subalit makikita ang mga ginintuang pahina ng libro, kakaiba ito sa mga librong nadaanan namin kanina.
"That's the book of Genesis," biglang sambit ni Chantelle na kanina pa pala ako pinagmamasdan.
"Have you already read that book?"
Umiling ito habang seryoso akong tinitingnan. "With the provision of the high chancellor, the councils sealed that book as they prohibited the new generations are from acquiring it. Only those in high ranking position could read the Trilogy of the Damned Earth."
Damned Earth?
"Why did they prohibit us to read those books?"
Umiling si Chantelle at ipinaling ang ulo. "I don't know, maybe those books keep the deepest and darkest secrets of our so-called leaders? And maybe they don't want the new generations to find out how bad they fucked up in the past."
Ibinalik ko ang tingin sa kabinet kung saan nakakandado ang tatlong sagradong libro. Kung ganoon kaimportante ang mga librong iyon, bakit dito lang nila itinago iyon? Ganoon ba sila kakampante na mapangangalagaan ng tagapamahala ng aklatan ang mga iyon?
"If what your saying is true. . . " I equaled the intensity of her stare then continued, "Why in the first place did they publish the books if it will only cause chaos and damage to their name?
It doesn't make any sense.
They shouldn't have let it imprinted in paperback. They should just burn all the copies and make sure that the truths behind the words in the book are concealed forever.
"Hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong mo, Genesis. Katulad mo ay marami ring gumugulong tanong sa isipan ko." Lumipat ang tingin nito sa aming mga kasama. Kausap pa rin ni Gabriel si Miss Wendy, si Kaizer at Jaxson ay nakalapit kay Lei na para bang tinatahan ito dahil nangingilid ang luha.
"Tutal narito na rin naman tayo, bakit hindi natin hanapin ang kasagutan sa libro?"
Awtomatikong kumunot ang aking noo nang marinig ang suhestiyon ni Chantelle. Nababaliw na ba siya? Siya na mismo ang nagsabi, mahigpit na ipinagbabawal ang basahin iyon!
I rolled my eyes on her. "You're crazy."
If she wants trouble, then go ahead create one for herself. I don't want to put myself in a tough spot and challenging situation. I don't think it will benefit me anyway.
"Maybe I am, but do you know who's crazier?" Nakangisi na siya ngayon sa'kin. Ang daliri niya ay naglalaro sa lamesa, paulit-ulit niyang isinusulat ang letrang A.
"The author of the trilogy."
"And who's that?" interesado kong tanong.
"Alexander Gardner."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro