Chapter 5: False Rumor or Twisted Truth
WE roam around the imaging centers while wearing a long-sleeved laboratory coat with ribbed folds made from flame-retardant wool. Three guards are following us as we walk throughout the vicinity. They are deliberately watching us like we are suspected thieves.
We are obligated to wear this full-body protection. Both the apron and sleeves are chemical-resistant. All the devices inside the imaging and radiology center are used for diagnostic imaging services to patients.
"Only the medically trained Erudite chemists under the supervision of the high chancellor have access to this device. They perform the elective vaccination procedure to vaccinate the citizens."
Bawat isang mamamayan ay obligadong sumailalim sa taunang neurological vaccination. Buhat nang lumapag na muli ang sangkatauhan sa mundo, kinailangan na ang pagtuturok ng bakuna upang palakasin ang aming nervous system.
The toxicity of diversified pollution is not entirely wiped out. There is still radiation that could potentially damage our bodies. That is the reason why we are required to uptake vaccines and vitamins provided by the experts.
Kung walang mga bakuna at mga gamot, tiyak na hindi makatatagal ang sangkatauhan sa planetang ito. Nakalulungkot isipin na hindi na muling babalik sa dati ang mundo. Sinira ito ng mga nakaraang henerasyon. Ngayon, upang mabuhay ang mga tao, kailangan ng sakripisyo.
"Have you receive your vaccines?" Tumango kami sa tanong na 'yon.
"Lahat ng tao ay kailangang bakuhanan upang malabanan ang masamang dulot ng radiation sa utak, tama ba?"
Lumipat ang tingin ko kay Chantelle nang itanong iyon. Alam ng lahat ang sagot doon. Kung hindi mababakunahan ang tao, hihina ang resistensiya nito at ang radiation ay unti-unting bubulukin ang kalamnan ng tao.
The toxicity of diversified pollution is not entirely wiped out. The radiation can still damage our organ system once we fail to inject the vaccines supplemented by qualified biochemists.
"Yes, everyone will die once we stop taking the vaccines."
"Hmm, I guess what I heard is just a rumor then."
"What rumor?"
"That the vaccine you're infusing to the public is not made to shield us from radiation, but rather to neutralize our brain and keep us away from consciousness."
Kumunot ang noo ni Miss Berna nang sabihin iyon ni Chantelle. Ang tatlong bantay na nakasunod sa amin ay nagkatinginan din. Kita kong may dumaang pagkabahala kay Miss Berna nang magpatuloy pa sa pagsasalita si Chantelle.
"There's this rumor that says the scientist who invented the neurological vaccine died after completing the formula."
Pagak na tumawa si Miss Berna nang marinig iyon. Nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi na binigyang pansin pa ang sinabing 'yon ni Chantelle.
"The speculation is that someone from the higher-up must've hired a killer to murder the scientist that night."
"The supremo said his daughter is fond of reading fictional stories. Is that where you get all your ideas?" Miss Berna asked, then laugh.
Nakuha ng kuwento ni Chantelle ang atensyon ko. Kaya sa halip na tingnan ang mga nakamamanghang teknolohiya sa paligid, nanatili ang tingin ko sa kaniya para makinig. Si Miss Berna naman ay nagpatuloy sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na dapat naming malaman ukol sa mga kagamitan sa loob ng pasilidad.
"Why would they do that? Isn't the vaccine is purposefully made to immunized our brain from radiation exposure?" takang tanong ko.
Iyon ang sinabi sa amin kung bakit taon-taon, dapat na tumanggap kami ng neurological vaccination. Hindi ko alam kung bakit tila may parte sa akin na naniniwala sa mga lumalabas sa bibig ni Chantelle.
"They killed him so no one would spread the truth about what that vaccine is really all about. Lahat daw ng kasapi sa team ng doktor ay misteryosong nawala makalipas lang ang isang linggo."
Kumalabog ang dibdib ko nang marinig iyon. Walang basehan ang sinasabing ito ni Chantelle, pawang kathang-isip o kuwentong barbero lang.
She smirked at me and raised her eyebrow. "You know what's more interesting?"
Lumakad palapit sa gawi ko si Chantelle. Lumingon siya sa mga bantay na nakatingin sa kaniya at maging kay Miss Berna na huminto na ulit sa pagsasalita. Akmang lalapitan na nito si Chantelle nang bumulong ito sa tainga ko.
"They said that your foster father knows what happened that night. Someone tipped the council that one reportedly missing doctor is under the protection of Señor Fidel."
What the fuck?!
"The council thought that if they threatened him, he would eventually expose the location of the doctor. But they failed because Señor Fidel chose to conceal what he knows."
Lumayo ako kay Chantelle at tinapunan siya ng matalim na tingin. Kung nag-iimbento lang siya ng kuwento, hindi tamang idamay niya sa imahinasyon niya ang aking ama-amahan. Tila apoy na tinapunan ng gaas ang damdamin ko. Agad na rumagasa ang mga katanungan sa akin at gusto ko iyong mabigyang kasagutan.
"You know what happens next," dagdag pa nito sabay kindat sa'kin.
Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip ni Chantelle. Kung bakit niya biglang sinabi ang mga salitang iyon. Gusto ba niyang gumawa ako ng ikapapahamak ko gayong narito ako sa loob ng Erudite? Ang lugar kung saan, maraming mata ang sa akin ay nakasubaybay?
Pinili kong manahimik na lamang. Sa pagpapatuloy ang paglalakad namin sa loob ng pasilidad, hindi na muling nawala sa isipan ko ang mga narinig. Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Chantelle sa isip ko.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Gabriel matapos akong saluhin nang mawalan ako ng balanse sa paglalakad.
Ang braso nito'y nakaikot sa aking baywang bilang pag-alalay. Mabuti na lang at mabilis akong nasalo nito kung hindi ay tiyak na nahulog na ako sa hagdan.
Pumikit ako nang mariin at hinilot ang gilid ng noo. Ramdam ko ang pagkirot ng aking sintido at tila ba pinipilipit ang sikmura ko.
"Sumama lang bigla ang pakiramdam ko."
"Kaya mo pa bang maglakad? Namumutla ka na." Inilagay nito ang kaniyang palad sa aking noo. Pinunasan din niya ang pawis na tumulo sa leeg ko. Hindi ko namalayang pinagpapawisan na pala ako.
Hindi na ni Gabriel hinintay pa ang sagot ko. Malakas nitong tinawag ang pangalan ni Miss Berna. Nakuha niya ang atensyon ng lahat kaya ngayon ay nasa aming dalawa ang tingin ng mga kasama.
"Miss Bernadette!"
Bago ko pa ito mapigilan sa paglapit sa sekretarya ni Lady Prim ay nakatakbo na ito sa direksyon noon at nagsabi na ng kalagayan ko. Lumapit naman sa gawi ko Lorelei at nag-aalalang hinipo rin ang aking noo. Sa harapan ko ay nakita kong matalim na muli ang tingin sa'kin ni Chantelle bago nito ibinaling ang atensyon kay Gabriel.
"You're freezing, Genesis!" nagpapanik na sigaw ni Lei.
Hindi ako nito madalas na tawagin sa pangalan kong iyon. Palaging Faye ang tawag nito sa akin pwera na lamang kung galit o natatakot siya. Kahit nanlalabo na ang paningin ko pero nagawa ko pa ring makita ang pagbagsak ng luha ni Lei dahil sa labis na pag-aalala.
"G-Genesis!"
Unti-unti ay naramdaman ko ang pagbagsak ng talukap ng aking mata. Giniginaw ako at nanlalambot ang tuhod. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaganito gayong maayos naman ang kalagayan ko nang magpunta ako rito.
Bago bumagsak ang katawan ko sa sahig ay sinalo ako ng isang singkit, moreno, at matipunong lalaki. Wala na ang kinang sa mga mata na kanina lang ay nakita ko. Bagkus, napalitan ito ng labis na pag-aalala.
Gabriel Gomez.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro