Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Ripped Integrity of Fidel Laurent

"Always bring this card. It will serve as your pass until you receive your marks."

Inilagay ko ang inabot na card pass sa amin sa aking bulsa. Narito kaming apat sa opisina ni Lady Prim. Maaga kaming ipinatawag upang masabihan ng mga gagawin sa araw 'to.

"My secretary will tour you in the headquarters of Erudite. Berna will discuss everything you need to know about the Erudite system," wika ni Lady Prim.

Kung maaaring huwag na akong sumama sa pagpunta sa headquarters ng Erudite sa araw na ito ay nagpaiwan na sana ako. Hindi ko gustong maglakad man lamang sa kanilang establisimyento.

"You will be given an hour to explore the area on your own. You are free to visit the offices and rooms of the Erudite facility, except in the vaccine laboratories at the west wing."

Mahigpit ang mga Erudite pagdating sa seguridad. Minsan na kasing may nagtangkang magnakaw ng mga files nila. Buhat nang mangyari iyon ay nagsimula na ang matinding seguridad sa kanilang lugar. Walang sinumang hindi miyembro ng Erudite ang p'wedeng makapasok sa kanilang pasilidad.

"Follow the protocols and don't make anything stupid. Do not touch any technology nor leave your handprints. Once you do that, you will be dragged by the vigilantes in the courtroom for inspection and thorough evaluation to see if you're in any way connected to shadow society."

Isa-isa kaming tiningnan nito habang nakaupo siya sa kaniyang swivel chair. Nagtagal ang titig niya kay Chantelle. Walang mabakas na ekspresyon sa mata nito subalit nang lumipat sa akin ang tingin ay kusang tumalim iyon.

Tinaasan ko siya ng kilay at sinalubong pa ang talim ng kaniyang tingin. Alam ko ang iniisip niya. Siguradong magtatalaga siya ng bantay upang manmanan ang kilos ko.

"Many eyes are watching your every move. As soon as you step your foot in Erudite, the CCTV cameras are following you."

Siniko ako ni Lei at ngumuso nang makita niyang sa akin lang nakatingin ang tiyahin niya habang sinasabi iyon. Walang pagdadalawang isip kong inirapan ito.

I don't care if I look rude. She deserves that treatment.

"Let's go?"

Agad na umangkla ang braso ni Lei sa braso ko matapos sabihing maaari na kaming umalis. Hinatak na niya ako palabas ng opisina ng tiyahin niya nang walang paalam.

Hindi nagtagal nakita kong lumabas na rin ng opisina ang sekretarya ni Lady Prim kasama si Chantelle at ang isang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.

Diretso ang lakad namin patungo sa labas ng pasilidad kung saan may naghihintay na van sa amin. Ihahatid kami nito sa Erudite village at susunduin din para ihatid naman pauwi sa dormitoryo.

"You know what's one thing I hate about myself?" Lei asked out of nowhere.

"Your nosiness?"

Ngumuso si Lei at mahina akong siniko. "I'm not nosy, you prick. I am just a concerned and curious friend."

Sumakay kami sa van at pumwesto sa likod. Maya-maya lang ay sumakay na rin ang iba pa naming kasama. Pansin ko na kanina pa tingin nang tingin sa gawi namin 'yong nag-iisang lalaking kasama namin.

"Lady Prim crossed the line again. I'm sorry you have to deal with my aunt," saad ni Lei habang ang tingin ay nasa kuko niya.

"The only thing that I despise within me is the fact that I have her blood running through my veins." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

Pagod. Iyon ang nararamdaman ko habang sinasabi niya ang mga katagang binitiwan. Alam ko kung anong paghihirap ang araw-araw na kailangang pagtagumpayan ni Lei. Mahirap mapabilang sa kanilang pamilya sapagkat bawat araw, kailangan mong patunayan ang sarili mo.

"Most of the time, people wish to be me because I am directly related to Lady Primrose. They didn't know what hell I've been going through because of the bloodline that I am carrying." Yumuko si Lei at pinaglaruan ang kaniyang daliri.

"Your life sucks, Lorelei," sabat ni Chantelle nang hindi nakatingin sa'min.

Mas pinili ni Lei na ignorahin ang komento ni Chantelle. Hinawakan nito ang kamay at at matamang tumitig sa akin. "Nahihiya ako sa inasal niya kanina. Alam kong binabato ka niya ng panghuhusga dahil sa kasalanan ni Señor Fidel."

Kumuyom ang kamao ko nang marinig ko 'yon. Ito ang iniiwasan kong mangyari kaya ayaw kong maugnay sa Erudite. Hindi ko nais pa na muling ungkatin ang nakaraan.

"Anong kasalanan ang tinutukoy mo, Lei? Wala akong alam na mayro'ng nagawang kasalanan ang señor."

What I remember is that there's an injustice. Someone framed up Señor Fidel for a crime he did not commit. Erudite leaders accused him of stealing the confidential files and attempted arson of the whole Erudite village.

Hinatulan ito ng sampung taon na pagkakakulong at kamatayan sa oras na matapos ang sintensiya nito. Tinanggal ang lahat ng ari-arian sa pangalan nito at ipinatapon sa malayong lugar ang lahat ng malapit na kaanak.

My foster father, Señor Fidel, pleaded to exclude me from the exile. Unfortunately, the high chancellor grants his plead. As a show of mercy, he allowed me to keep one of the señor's properties where I could live alone.

Hindi ako maaaring makipag-usap o magkaroon ng ugnayan sa malalapit na kamag-anak ng señor. Sa oras na magkaroon ako interaksyon sa kanila, ipatatapon din ako at aalisan ng karapatan na mamarkahan.

"He was falsely blamed for a crime he never commits. He was never found guilty. There was insufficient evidence, but to close the case and calm the rage of the public, they pinned the blame on the innocent, righteous man."

Look how fucked up the government and the leaders we have. Just because they couldn't find the culprit, they punished someone else and ripped off that person's valued integrity.

"How could that man do such heinous crime when he was the chief justice at that time? He wouldn't be the head of Prudence justice circa for nothing!"

"I-I'm sorry, Faye."

Hindi ko na nagawang tingnan pa si Lei. Itinikom ko na rin ang labi ko nang sa gayon ay hindi na muli ako makapagsalita pa. Hindi ko intensyon na singhalan ang aking kaibigan. Nadala lang talaga ako ng emosyon dahil tulad niya, alam ko na iyong insidenteng 'yon din ang tinutukoy ni Lady Prim.

The reason why I like to be part of the Legion is somewhat connected to that incident. I will find the real culprit and drag him in front of the councils and prosecutors to clean the name of my foster father.

I need to do that before the señor's prison sentence ended. I can't let him die in the public execution for the false accusation. Whoever's behind that fucking incident will pay big time for ripping the senor's reputation.

"Genesis Faye Laurent, daughter of Señor Fidel Laurent, the conspicuous head of justice circa a few years ago."

Nilingon ko ang lalaking sumabay sa akin sa paglalakad. Nakababa na kami ng van at papasok na sa pasilidad ng Erudite. Hindi na nakadikit sa akin si Lorelei, nasa likuran na ito at naglalakad kasabay noong sekretarya ni Lady Prim.

Yumuyuko ito at umiiwas sa tuwing magkakasalubong kami ng tingin. Nakita kong namumula ang ilong nito at nangingilid ang luha. Hindi ko gustong pagbuntunan ng galit si Lorelei subalit hindi ko napigil ang sarili kong ipagtanggol ang aking ama-amahan.

Sa halip na lumapit, minabuti kong hayaan muna na magkalayo kami. Lilipas din naman ito at bukas ay tiyak na babalik na ulit siya sa pangungulit sa akin.

"My father used to be viceregal of your father. It's a pleasure to meet you, Miss Laurent."

Inilahad nito ang kaniyang kamay sa akin. Tiningnan ko ito nang matagal bago ko itaas ang tingin sa mukha ng lalaki. Nakangiti ito sa akin at nakabandera ang dalawang malalim na dimples sa pisngi.

"Axl Gabriel Gomez," pakilala nito.

Tila mahikang pumasok sa alaala ko ang pamilya Gomez. Isang prominenteng miyembro ng justice circa na minsang pinamunuan ni Señor Fidel.

Inabot ko ang kamay nito at kinamayan ang lalaki. Nakita kong kumislap ang mga mata nito at mas lumaki ang ngisi matapos kong tanggapin ang nakalahad niyang kamay.

Ang chinito nitong mata ay mas lalong lumiit dahil sa pagngisi nito sa akin. Moreno ito at matangkad. Sigurado na kung maputi ito ay makikita ang pamumula ng pisngi niya ngayon.

"Rodrigo Miguel Gomez is your father?"

Tumango ito sa akin nang itanong ko iyon. Doon ko na kumpira na siya nga ang lalaki sa kabilang klase noong nasa institusyon ako. Matunog ang pangalan niya dahil sa popularidad ng kanilang angkan.

Kilala sila bilang miyembro ng circa sa Prudence. Nang matanggal sa pagiging punong mahistrado ang aking ama-amahan ay ang viceregal nito ang humalili sa kaniya.

"Yes, I am sorry for what happened to your father, Miss Laurent. Ever since my father stepped up in the circa rank and became the chief justice, he never stops working to help Señor Fidel to clean his name."

Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa pasilidad. Nanatili akong nakikinig lamang sa kaniya. Kilala ko ang ama niya, ni minsan ay hindi ito nagpakita ng kasamaan sa aking ama-amahan.

"Despite the multiple threat he's receiving, he never back down. He has been a loyalist to the señor since the moment he was proclaimed as member of the Prudence league. Matindi ang paghanga niya sa'yong ama, they are good friends."

Batid namin ang katapatan nito kaya ang marinig na hindi tumitigil si Sir Miguel sa pag-aaral upang mapawalang-sala si Señor Fidel ay nakagaan sa aking pakiramdam.

"Thank you. It's a pleasure to meet you," tipid kong wika.

Pumasok na kami sa loob pa establisimyento ng Erudite. Sa bungad pa lamang, sasalubungin ka na ng malaking rebulto ng supremo kasama ang limang konseho.

"This area is where the history, plaques, certification, and important announcement is displayed."

Kumunot ang noo namin nang makitang wala namang nakalagay sa dingding bukod sa mga marka ng kamay. Walang nakasabit na kung anumang teknolohiya o mga kuwadro sa parteng 'yon.

"You are using an eye technology to conceal this part on the eyes of non-Erudite," saad ni Chantelle.

Lumapit ito sa dingding at umakmang hahawakan iyon. Agad namang idinikit ni Miss Berna ang kaniyang kamay sa dingding. Doon pa lamang lumabas ang mga nakasabit roong mga kuwadro.

Nagmistulang exhibit area ang kaninang walang buhay na dingding. Doon namin nakita ang isang malaking kuwadro kung saan nakaukit ang kasaysayan ng Erudite.

"Do not touch anything, Miss Martin. The whole facility is protected by technologies that could potentially kill you once you lay a finger on it."

Dati ko pa naririnig na maraming teknolohiyang nagpapaikot-ikot dito sa Erudite upang bigyang seguridad ang lugar. Nakamamanghang tingnan ang ang kaninang walang buhay na dingding.

The holographic certificates as well as the information board are posted on the seemingly naked wall. The faces of the top-notch Erudite members are flashing together with their board of regents.

"Domus Dei victores suos," basa ni Lei sa malaking calligraphy sa tuktok ng dingding.

"Home of the conquerors." Nagkatitigan kami ni Chantelle matapos sabay na i-translate ang Latin phrase na iyon.

The Erudite believes that the edge to win every battle is to possess wisdom that lasts. They hone their mind and sharpen their critical thinking skills as they try to live their division's motto.

"Once you acquire Erudite mark, you will eventually forget what it feels to fail. Erudite is a clan of leaders and conquerors, failure should never be known."

I could never live like them. All through my life, I have been committing mistakes that shape me into who I am today. I anchor all the successes in the downfalls I surpass.

Señor Fidel taught me that mistakes are part of man's nature. Nobody is made perfect. We all commit mistakes and choose wrong choices. But you know what makes a person greater than the other?

It is when that person can transform negative choices into progressive results. If he manages to rise amidst the faulty options he chose.

That's how he could be a great leader and a powerful conqueror.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro