Chapter 3: What an Irony!
INIKOT ko ang aking paningin sa loob ng silid. Simple subalit elegante ang disenyo ng kuwartong ibinigay sa'kin. Walang gaanong gamit bukod sa malaking kama, lamesa, at mahabang sofa.
Bukod pa ro'n ay mayroon din dalawang pinto. Isa para sa walk-in closet at isa para sa banyo. Sakto lamang ang laki ng silid para sa'kin.
Ang kulay ng dingding, sapin ng kama, at kurtina ay magkakamukhang puti. May iisang burdang nakadisenyo ro'n kaya mahahalatang isa lamang ang nanahi ng mga ito.
Dito ako mamamalagi sa loob ng isang linggo. Ang dormitoryong ito ang pansamantalang magiging tahanan ko habang wala pa akong marka.
Isa ito sa mga patakarang nabanggit ng supremo bago magtapos ang markahan. Ang pananatili sa dormitoryo kung saan nakatayo ang mga tanggapan ng konseho ay katabing gusali lamang ng aming tinutuluyan.
"Sobrang tahimik dito. Mukhang mawiwili ako rito kung palaging ganito katahimik ang paligid."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malambot na sofa. Naglakad ako patungo sa walk-in closet. Umawang ang labi ko nang makita ang maraming klase ng sapatos, kasuotan, at mga alahas sa loob nito. Kinuha ko ang isang kumikinang na kuwintas, itinapat ko 'yon sa aking leeg at humarap sa malaking salamin.
"Nagustuhan mo ba ang kuwarto mo?"
Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil kilala ko ang boses na 'yon. Isinoli ko ang kuwintas na kinuha at ibinaling naman ang atensyon sa mga damit.
"I asked Lady Prim to give us one room so we can be together. Hindi pa man ako nakatatapos magsalita ay tinanggihan na agad niya ang hiling ko," nakangusong saad ni Lei.
Kinuha ko ang isang kulay maroon na uniporme. May burda ng simbolo ng Erudite ang kuwelyo nito. Sa manggas ay roon nakasulat ang pangalan ng kanilang dibisyon. Itinapat ko ito sa aking katawan at muling humarap sa salamin.
"Hindi maganda sa akin ang kulay ng unipormeng 'to," wika ko.
"Kausapin mo kaya ang supremo, Faye? Baka kung ikaw ang magsabi ay pagbigyan tayo na magsama sa isang kuwarto."
Umiling ako sa sinabing iyon ni Lei. Gusto ko nga ng tahimik na paligid tapos ay pangarap pa niyang magkasama kami sa kuwarto?
No way.
"Why are you really here, Lorelei? You're not supposed to get an unidentified mark, yet here you are in front of me telling me that we should stay in one room."
I don't think it's just a huge coincidence. Something's not adding up.
Hindi ko alam kung bakit malakas ng kutob kong may kinalaman ang mga konseho sa naging resulta ng aming markahan. Ngayon pa lamang nagkaroon ng unidentified na marka, hindi kailanman nagkamali ang teknolohiyang 'yon sa pagmamarka.
Isinarado ko ang pinto ng closet at naglakad papunta sa balkonahe. Binuksan ko ang pinto kaya naman sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin. Sumandal ako sa barandilya at humarap sa kaibigan.
"Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkaroon ng ganoong marka. Pero masaya ako dahil doon ay makakasama kita sa isang buong linggo na ito!"
Bakas ang kagalakan sa boses nito nang sabihin niya 'yon. Hinanap ko ang mata niya at tinitigan ito ng mataman. Unti-unti, nabura ang malaki niyang ngisi.
"I don't know anything, Faye. I swear."
Tumango ako, hindi pa rin kumbinsido. "Kung gano'n, paano mo nalaman ang tungkol sa unidentified mark?"
Malalim na bumuntong hininga si Lei. Naglakad siya palapit sa akin, sumandal din 'to sa barandilya habang nakatagilid. Ang kan'yang paningin ay nakatuon sa malayong lugar.
Natahimik muli ang silid nang hindi magsalita si Lei. Nakatingin ako sa kaniya at naghihintay ng sasabihin niya. Kahit na kailan, hindi pa nagsinungaling sa akin si Lei.
Wala siyang inililihim sa akin. Lahat ng nasa isipan niya ay sinasabi niya sa akin.
"Narinig ko ang pag-uusap ng konseho ilang araw bago ang markahan."
Bumuntong hininga ito at hinagod ang mahaba niyang buhok. "Nalaman kong ilan sa mga mamarkahan ay magkakaroon ng kakaibang marka. Ang mga mapipili ng konseho ay magkakaroon ng isang mahalagang gampanin."
Tama nga ang hinala ko. Hindi nagkataon lamang ang mga lumabas na resulta. Imposibleng ngayon lamang nagkaroon ng ganitong pangyayari.
Ilang taon ng ginaganap ang seremonya ng markahan, wala kahit isa ang nakaranas ng kung anong naranasan namin.
"Ang ibig sabihin ay pinili na agad ng konseho ang mga makakukuha ng ganoong marka? Bakit nakasama tayo?"
Sa pagkakataong ito ay humarap na sa akin si Lei. Pinantayan niya ang intensidad ng aking tingin. "Hindi na nakapagtataka na nakasama ka, Faye. You are the top student in the institution. You aced all the intelligence and agility tests, you are truly the high chancellor's daughter."
Inalis ko ang tingin sa kaniya. Hinarap ko na lang din ang tanawing pinagmamasdan niya kanina.
"I achieved all of that because I worked hard for it. Stop giving the supremo credit for all of my success. He has nothing to do with it," malamig kong sagot.
Walang kontribusyong naibigay ang lalaking iyon sa buhay ko. Hindi siya naging ama sa akin. Kahit na kailan, hindi niya ako itinuring na anak kaya bakit ang tagumpay ko ay naikakabit pa rin sa kaniya?
"You resemble his greatness so much. I can't help thinking of him whenever I see you, Faye."
"Then maybe the best thing you can do to resolve that issue is to stop seeing me." Bakas ang sarkasmo sa aking tono.
Umirap ito sa akin at umiling. "Minsan hindi ko na alam kung dapat pa ba akong matuwa o masaktan dahil sa mga sinasabi mo. "
Tumaas ang gilid ng labi ko nang sabihin niya iyon. Umiling na lang din ako sa kaniya at hindi na ibinalik ang usapan tungkol sa nangyari sa markahan.
Hindi nagtagal ay ipinatawag na kami para sa hapunan. Dahil nasa dormitoryo kami, sama-samang kakain ang mga naririto.
Umupo ako sa dulo, tumabi naman sa akin ang kaibigan. Nakapuwesto na ang iba nang dumating kami ni Lei sa dining area. Mahaba ang lamesa at puno na iyon ng masasarap na pagkain. Hinanap ng mata ko si Chantelle, nakita kong nasa harapan siya, katabi ang upuan ng supremo.
"Ito ba ang unang beses na makasasama mo sa hapag-kainan ang papa mo?" bulong na biro ni Lei.
Sa halip na sumagot ay tiningnan ko lamang siya ng masama. Ngumisi naman ito sa akin at hinawakan na ang kaniyang kubyertos.
Kung puwede lang akong tumanggi sa hapunan na ito, ginawa ko na. Ayokong makasama sa pagkain ang lalaking kinamumuhian ko. Gaano man nakatatakam ang mga putahe, hindi ako makaramdam ng gutom.
Tumayo kaming lahat nang dumating ang mga konseho kasama ang supremo. Hinintay naming umupo sila bago kami umupo na rin. Pagkaupo ay agad na lumapit ang mga tagasilbi. Bawat isa sa amin ay may nakatalaga na magsisilbi.
Napairap ako dahil doon. Hindi ako sanay sa ganito. Maayos naman ang naging buhay ko sa mga kumupkop sa akin, hindi kami ubod ng yaman, subalit hindi rin naghihirap.
Sa pagkain, kani-kaniyang silbi kami pero masaya naman kami. Hindi tulad ngayon, pakiramdam ko ay isa akong presong pinagsisilbihan.
Sobrang tahimik ng hapag, walang maririnig na ingay bukod sa mga kalansing ng kutsara't tinidor. Hindi ko itinataas ang aking tingin, diretso lang ang atensyon ko sa kinakain.
"Papa," rinig kong tawag ni Chantelle.
"Kilala mo ang kaibigan kong si Genesis, hindi ba?"
Bitch.
Napadiin ang pagtusok ko sa pork steak nang marinig ko ang bungad na salita ng bruha.
Hindi sumagot ang supremo. Narinig kong tumikhim si Lady Prim at napatingin sa gawi ko. Nagpatuloy naman sa sinasabi niya si Chantelle.
"Siya ang nangunguna sa institusyon. Hindi na ako nagtaka nang mamarkahan siyang unidentified." Inosenteng wika nito at tumawa pa.
Hindi ito nag-aral sa institusyon katulad ng normal na tao. Kahit pa ganoon, alam pa rin niyang ako ang nanunguna dahil madalas akong maipatawag sa kanilang tahanan at noon. Binibigyan ng pagkakataon ang mga mahuhusay na mag-aaral na makasalamuha ang high chancellor bago matapos ang semestre.
I was always present during those days. I had multiple photos with the high chancellor while holding my plaque and certificates. In every picture, never did I showed my smile. I am grateful for the award, but not for the prize.
"Alam niyo po bang pangarap niyang mapabilang sa Legion? I haven't seen her use weapons, but I bet she's good at it."
Pinipigilan ko ang sarili kong paliparin ang hawak na tinidor patungo sa direksyon ni Chantelle. Napakadiin nang pagkakahawak ko ro'n. Pilit kong itinikom ang aking bibig dahil sa oras na may lumabas na salita rito, tiyak kong hindi nila magugustuhan ang maririnig.
"What do you think, papa? Matalino si Gen, dapat sana ay sa Erudite o sa Prudence siya pero ayaw naman niya ro'n."
Bumagsak ang hawak na kubyertos ng supremo. Napatigil ang lahat sa pagsubo ng kinakain, maging ako ay napataas ang tingin. Lumipad ito patungo sa direksyon ng mag-ama.
Nakita kong muli ang lamig sa mata ni Chantelle at ng supremo. Kung iisipin ay para talaga silang dalawa ang magkadugo dahil pareho sila kung umasta. Natikom ang bibig ni Chantelle subalit hindi naman bumakas ang pagsisisi sa mukha niya.
"I think it is good that she knows what she wants to do in life. But at some point, she has to prepare herself, presuming that she doesn't get what she wants or be in a place where she wishes to be."
Nagtiim ang aking bagang habang nakikinig sa sinasabi nito. Pilit kong kinakalma ang isip ko dahil kung ano-anong gumagulo roon.
Tumango na lamang ako para kunwari ay wala lang sa akin iyon. Kinuha ko ang kopita, agad namang lumapit ang tagasilbi at naglagay ng wine. Ininom ko iyon nang isang lagok lang.
"Have you prepare yourself for the possibility of not getting the Legion mark, Genesis? Do you think you can accept that?"
Siniko ako ni Lei. Kita ko sa mata nito na maging siya ay napipikon na rin kay Chantelle dahil sa ginagawa nito.
"Of course, why can't I?" diretso kong sagot sabay salubong sa titig nito.
"I have learned to accept that in life, you don't always get what you want. Sometimes, you will have the privilege to choose, but not the power to create a choice."
Muling sinalinan ang kopitang hawak ko. Ibinaba ko roon ang tingin. Itinaas ko sa harapan ko ito at pinaikot.
"The only option you could choose is those that are part of the choices created by others for you. That's a fucked up irony, don't you think?" dugtong ko pa sabay pakawala ng tawa.
Tumaas ang sulok ng labi ni Chantelle. Kinuha naman niya ang tubig, itinaas iyon na para bang nag-aaya ng toast. "It's not irony. What you said is the truth about the reality we are living. Life is indeed a blur and full of bull."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro