Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: Unidentified Mark

EVERYONE cheered when the master of ceremony final began the program. The blazing midday sun shone relentlessly directed on us as we stood still at the stadium.

Tagaktak ang pawis ko at ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Ubos na ang baon kong inumin. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako nang dahil sa tagal kong nakatayo sa ilalim ng init ng araw.

No one complains about the late arrival of the guests. Everyone feels elated to finally see the council members in person. They all cheer and clap their hands as the members sit in their designated place in the stadium.

"Finally," I whispered as I wipe the dripping sweat on my forehead.

Bumaling ang aking tingin sa itaas ng stadium nang lumabas ang bubong. Nagbigay ito ng lilim sa amin at tuluyang tinabingan ang matinding sikat ng araw.

Dahil ang dingding ay gawa sa metal, walang nakalulusot na liwanag. Nang tuluyang magsara ang itaas na bahagi ng lugar ay binalot ng dilim ang buong kumbensyon.

"Whoa!" manghang bulalas ng lahat nang lumitaw ang isang nakasisilaw na liwanag sa stadium.

The full 370-inches holographic screen appeared and showed the symbols of the four houses. The neon colors of the symbols radiate as they flashed.

I stared blankly at the symbol of the Legions. Just by looking at it, I could feel my heart that beats frantically due to excitement. I wonder what it feels when that neon green symbol is finally tattooed on my wrist.

Wala sa loob akong napahawak sa aking palapulsuhan. Hindi na ako makapaghintay na magkaroon ng markang iyon.

"Tss, here she goes again intimidating people on her scary glare."

Napabaling ang tingin ko kay Lorelei nang sabihin niya iyon. Nasa tabi ko na siya ngayon habang nakalabing nakatingin sa tiyahing nasa entablado. Sinundan ko ang linya ng kaniyang tingin. Dinala ako nito sa malamig na mata ni Lady Prim.

Tumaas ang kilay nito nang makitang hindi ako nag-iwas ng tingin, bagkus ay sinalubong at pinantayan ko pa ang intensidad ng kaniyang pagtitig. Kung ang mga taong nakasasalamuha niya ay natatakot na salubungin ang talim na tingin nito, ako naman ay tila ginagawa pa itong salamin.

"She really has that habit of throwing dagger look on me, eh?"

"Seems like her mannerism every time she sees you around."

Umiling ako at napangisi na lang. Bihira lang kami nitong nagkasama sa iisang silid, subalit matindi na ang galit na ipinararamdam nito sa akin. "Well, sorry na lang pero sa tingin ko ay mas dadalas na ang aming pagkikita."

Sa halip na ituon sa kaniya ang aking atensyon, ibinaling ko na lamang ito sa malaking holographic screen na ngayon ay nagpapakita na ng isang video presentation. Ipinakikita roon ang larawan ng mga konseho, kasama ang kani-kanilang mga natatanging kontribusyon.

Ang dating labindalawang konseho ay bumaba na lamang sa bilang na lima. Apat ang binawian ng buhay, habang ang tatlo naman ay tinanggal sa katungkulan dahil sa hindi pagsunod sa bagong sistemang itinatag ng kanila mismong organisasyon.

"Why do they still include the names of the banished council members? Hindi na dapat pang inaalala ang pangalan ng mga taksil na iyon. Dapat ay tuluyan na silang kalimutan at burahin sa lipunan," bulong ni Lei habang nakatuon na rin ang atensyon sa malaking screen.

"Maybe it is to send a warning to the next generation councilors. . . that if they try to commit negligence to duty and treason to the high chancellor, then they will have to pay the eternal prize."

"And that is?"

Mataman akong nakatitig sa larawang ipinapakita sa holographic screen, ang mukha ng unang konsehong dumungis sa kanilang samahan, si Heneral Lucio Andalio.

"To forever be remembered as shame and be blamed for the death of countless lives," dagdag ko.

Sa apat na taong pag-aaral sa institusyon, inubos ko ang karamihan ng aking oras sa loob ng silid-aklatan. Nagbasa ako ng samot-saring libro upang matuto. Hindi ko kailangan ng guro upang makabisado ang kasaysayan ng pagkabuo ng bagong sistema ng mundo sapagkat natutunan ko ito bata pa lamang ako.

Paulit-ulit na ikinukuwento sa akin ng kinikilala kong ina ang kadalubhasaan ng tunay kong ama. Kung paano niya naisipang bumuo ng apat na dibisyon nang sa gayon ay muling mapalakas ang nabuwag na sibilisasyon. Ito ang naging pundasyon ng mundo.

Ang apat na dibisyon, Erudite, Prudence, Legion, at Moxie. Nagkaroon ng central governance kung saan iisang tao na lamang, katulong ang mga konseho nito, ang mamumuno sa sangkatauhan. Dahil sa kaunti na lamang ang bilang ng populasyon ng mundo noon, hindi na nahirapang ipatupad ito.

Nakuha rin ng supremo ang tiwala ng lahat matapos ang ligtas na paglapag ng tatlong daang space shuttle sa kalupaan. Agad na itinatag ang bagong sistema at walang naging problema sa lumipas ang panahon.

"Wait, is that Chantelle?" gulat na tanong ng lalaking nakapansin sa babaeng tahimik na naupo katabi ang limang konseho.

"The high chancellor's daughter? What is she doing here?"

Lumakas ang bulungan ng mga kabataan habang nakatutok ang tingin kay Chantelle. Naagaw nito ang atensyong dapat ay nakatuon sa nagsasalita.

"Kung narito ang anak ng supremo, malaki rin ang posibilidad na dumalo ang ating supremo!"

Mas lalong dumagdag ang kagalakan at pagkasabik ng aking mga kasamahan. Hindi namin palaging nakikita ang supremo, tanging ang mga taong nasa matataas na posisyon lang ang nahaharap nito.

"Now, I present to you, the high chancellor!"

Masigabong palakpakan ang sunod na narinig ko kasabay ng pagkahati ng mga nakapilang kabataan. Bumukas ang pinto ng stadium sa dulong bahagi, pumasok ang kaunting liwanag kasama ang isang may katandaang lalaki.

Ang mga nakaupong miyembro ng konseho ay sabay-sabay na tumayo at yumuko. Awtomatiko ring yumuko ang ulo ng aking mga kasamang kabataang mamamarkahan sa araw na ito nang magsimulang humakbang papasok ang lalaki.

"I knew it!"

"He's here. I can't believe I will be given a chance to see him in person."

"The high chancellor came," nanginginig ang boses na wika ng lalaking nasa gawing kanan ko.

Hindi ko mapigilang hindi ikuyom ang aking kamao. Hindi tulad ng lahat, nakataas ang aking ulo habang direktang nakatingin sa paglalakad nito patungo sa harapan. Napakakinis ng suot nitong sapatos at plantsadong-plantsado ang damit.

Mayroon na itong puting buhok at kumukulubot na rin ang balat subalit hindi maitatago ang angking kakisigan. Suot niya ang isang makinang na badge kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan, Hendrick Martin.

"He came to see his daughter as she finally gets her mark," hula ng babaeng nasa likod ko.

Nangilid ang luha ko habang matalim pa rin ang tingin. Alam kong imposible na magkasalubong kami ng tingin dahil sa dagat ng tao sa lugar na ito.

Malaki ang hakbang niya at diretso lang ang tingin. Dahil sa nasa harap ako ng pila, malapit ako sa entablado. Kahit na madaanan niya ako, alam kong hindi niya ako susulyapan man lang sa takot nito na may makaalam na mayroon kaming ugnayan sa isa't isa.

"F-Faye," tawag sa akin ni Lei sabay hawak sa braso ko.

Alam niya ang sekreto naming mag-ama. Hindi lingid sa kaalaman niya na ako ang tunay na anak ng supremo. Ako ang tunay na kadugo subalit ipinamigay sa ibang tao at umampon ng ibang sanggol para angkining kaniyang anak.

Whatever reason he had back then, I could never forgive him. What he did is just exceptionally unacceptable. How could a father abandon his only daughter and adopt a random strange child?!

"I am fine," malamig kong wika sabay alis ng braso sa pagkakahawak ng kaibigan.

Tulad ng inaasahan ko, hindi nga lumingon sa gawi ko ang supremo. Dinaanan niya lang ako na para bang hindi ako kakilala.

Umakyat siya sa entablado at kinamayan ang konseho. Nang huminto sa tapat ng anak ay binigyan ito ng tapik sa balikat. Walang ngiting bumakas kay Chantelle, nanatiling malamig ang ekspresyon nito subalit tumango naman bilang pagtugon sa pagbati ng ama.

Nagpatuloy ang programa matapos noon. Nang sa wakas ay tapos na ang mga mensahe ng bawat bisita, oras na para ang markahan. Muli ay kumabog ang aking dibdib.

Naunang lumakad patungo sa biometric marker si Chantelle. Bumaba siya ng entablado at naglakad patungo sa nakapuwestong marker sa harap namin. Lumabas ang mukha niya sa malaking holographic screen.

Ang lamig ng kaniyang sulyap ay dumapo sa direksyon ko. Tumaas ang kilay niya at ipinatong ang kanang kamay sa ibabaw ng marker. Kusa itong umilaw at nabuhay, matapos lamang ang higit limang segundo ay lumabas ang isa pang holographic screen sa harap ni Chantelle.

Unidentified.

Iyon ang nakasulat doon. Marami ang nagulat nang makita iyon. Maski ako ay nagtaka subalit hindi ko ipinahalata sa aking ekspresyon. Bumaba ang tingin ko sa palapulsuhan ni Chantelle, wala pa siyang marka.

What the hell is happening?

Ano na namang pakulo mayroon ang mga konseho?!

"Do you know what's happening?" baling ko kay Lei.

Ngumuso siya at tumango. "That means she will have one week to assess her identity. If the system marked you as unidentified, it only implies that you are all in one."

Nagpatuloy ang pagmamarka matapos ni Chantelle. Nagsimula sa bandang kanan patungo sa kaliwa. Dahil nasa kalagitnaan ako't unahan ng pila, hindi gaanong matatagalan bago ako ang mamarkahan.

"All in one?" dagdag kong tanong nang hindi makuntento sa nakuhang sagot.

"Meaning, you qualify in four social divisions, but you can not claim it all. So, the council and the high chancellor will help you assess yourself. In seven days, you will be back here to get your final mark."

Agad na kumunot ang aking noo nang marinig iyon. "Bakit maghihintay pa ng isang linggo kung alam mo na sa sarili mo kung saan ka nararapat?"

Lorelei arched her left brows and smirked at me. "To quote what you just said, it is the mark who will choose its bearer, not the other way around."

Napapikit na lamang ako ng madiin at nagdasal na sana ay lumabas na ang aking resulta sa araw na ito. Hindi ko gustong maghintay pa ng isang linggo para makilala pa ang aking sarili gayong nararamdaman kong nakatadhana talaga ako upang maging Legionnaire.

Hindi nagtagal ay ako na ang mamarkahan. Hindi ako tumingin sa entablado dahil alam kong ngayon ay nasa akin ang atensyon ng mga konseho. Ramdam ko rin ang intensidad ng tingin ng supremo, dahilan kung bakit biglang nag-alab ang nararamdamang galit sa puso ko.

Habang naglalakad ako patungo sa biometric marker ay tila biglang tumahimik ang paligid. Ang maingay na usap-usapan ay natigil, nabalot din ng dilim ang aking paningin.

"Shit."

Nanlalambot ang tuhod ko ngayong nasa harap na ako ng teknolohiyang magsasabi kung saang dibisyon nga ba ako nabibilang. Bumaba ang tingin ko rito at nakita ang kulay asul ng ilaw. Umiikot ang mga pabilog na ilaw sa gitna na siyang nagbibigay pansin sa hand print.

Tila may pumasok na elektrisidad sa aking kamay at mabilis itong naglakbay sa iba't ibang parte ng aking katawan. Kalaunan, lumabas na rin ang holographic screen.

"Erudite," wika ko.

Aalma na sana ako ngunit mabilis na nagbago ang nakasulat at naging Prudence.

Tiningnan ko ang palapulsuhan ko kung alin sa dalawang simbolo ang nakatatak subalit wala pa rin akong nakitang marka.

Nagbagong muli ang nakasulat sa holographic screen hanggang sa maging Legion at Moxie.

"This can't be true." Galit akong bumaling sa likod at hinanap ng mata ang mga konseho at ang supremo. Subalit hindi ko pa naibubuka ang aking labi ay nagsalita na si Lady Prim.

"Looks like we have here another bearer of unidentified mark."

Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kaniya na sinuklian naman niya ng isang mapang-uyam na ngisi.

Hindi ko alam kung ano'ng balak ng mga konseho dahil sa mahabang panahon na nagdaan at nagdaos ng markahan, ngayon lamang ito nangyari. Tanging kung kailan lamang dumalo ang supremo, saka lamang nagkaroon ng unidentified mark kaya natitiyak ko na sila ang may pakana nito.

"The old pricks are playing a game, and unfortunately, I became part of it."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro