Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: They're Coming

TANGING kalansing ng kutsara't tinidor lamang ang maririnig sa hapag habang kumakain ang lahat. Walang kibo si Chantelle hindi tulad noong unang beses na sama-sama kaming dumulog sa hapunan.

Nakatuon ang aking tingin sa plato habang marahang ngumunguya. Malalim akong nag-iisip ng plano kung paano makaaalis ngayong gabi. Kailangan kong humanap ng kasagutan sa aking mga tanong.

"Genesis, here." Inabot sa'kin ni Gabriel ang isang basong tubig nang masamid ako. Napatingin ako sa p'westo ng supremo at nakita kong mariin itong nakatitig sa'kin.

"Salamat," wika ko kay Gabriel.

Ngumiti lamang ito at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit kanina pa nakatingin sa akin ang supremo. Hindi ko gusto ang pagtitig nito sa'kin, tila ba may nagawa akong masama sa kan'ya.

"Do you have anything to tell me, Supremo?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan ang aking sarili.

Sabay-sabay na bumaling ang tingin ng lahat sa akin nang itanong ko iyon. Ang lamig sa mata ni Lady Prim ay naramdaman ko maging ang kuryosong titig ng iba pang konseho.

Tumikhim si Chantelle at nagpunas ng labi. Tapos na siyang kumain at naghihintay na lang na matapos ang ama para makaalis na.

"You wish to become a Legionnaire. Why?"

Pinigilan ko ang aking sarili na umirap. Bakit kaya bigla siyang nagkaroon ng interes sa akin? Sinabi na niya noon na ako ang bahala sa nais kong gawin sa buhay ko, ngayon naman ay bigla siyang nagtatanong na tila ba may pakielam siya.

"I was born to become a Legionnaire. I don't see myself anywhere but in outer space."

Mataas ang aking minimithing pangarap. Hindi lamang basta-bastang bahagi ng Legions ang nakikita ko sa aking sarili. Higit sa pagiging martial o council representative ang nais kong maging.

"Tell me, what exactly do you wish to attain."

Why do you even care? Why are you suddenly curious about me, father?

"Captain of Space Legion, that's what I want to become, Supremo."

Tumaas ang sulok ng labi ni Chantelle habang ang ibang konseho naman ay awtomatikong napailing nang marinig ang aking tinuran. Para bang nakarinig sila ng isang biro sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita ang kanilang reaksyon.

"I wish to revive the mission of Project Xploration and continue searching new-life forms."

Agad na sumeryoso  ang itsura ng mga konseho. Natigil sa pagsubo si Lady Prim at itinuon sa'kin ang buong atensyon.

Did I hit a bull's eye? Why does it seem like I just did?

"How did you know about Project Xploration?"

"Research."

Sinalubong ko ng tingin ang malamig na mata ni Hendrick Martin. "I was inspired by the life of Mariot Lincoln on how he bravely explore the universe and boldly went to different galaxies where no one had ever gone before."

Dati pangarap ko lamang na maging bahagi ng Legion para sa aking ama-amahan. Gusto kong hanapin ang tunay na may sala at linisin ang kaniyang pangalan. Matapos iyon, hindi ko na alam.

Subalit ngayon, nadugtungan na ang aking nais gawin. Matapos kong linisin ang pangalan ni Señor Fidel, I'll fly above the clouds and leave this planet to seek new civilizations beyond this galaxy.

People in the 20th century were able to locate various planets that are also inhabitable, like Earth. But they failed to determine whether there's a life-form in those planets because of the catastrophes mankind had experience.

Only Alexander Gardner discovered that Octavia, the seemingly identical planet of Earth, is catering to a civilization of millions of species on that planet.

"Do you know why we decided to halt the Project Xploration despite the promising mission of this operation?"

Umiling ako sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung bakit nila itinigil ang proyekto. Natitiyak ko na kung hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy iyon, marami na sanang mga natuklasang bagong kaalaman ang mga tao.

After the discovery of Planet X, known today as Octavia, the project was dismissed. We also didn't make an effort to communicate with the Octavian citizens for unsolicited reasons.

All I know is that the leader of the said planet dismissed our signal as we attempted to communicate with them. They are unwilling to interact with our race, and when they shut us down, that's the end of the discussion.

No more news about them. It was as if they wanted to remain hidden in the vastness of the universe.

"It will be better to focus on the redemption of our race rather than to seek new-life forms. We are starting again. Our civilization is not as strong as before; we are barely adopting the new Earth. How could we possibly explore the universe if we're this weak?"

Hindi ko gusto ang tinutumpok ng usapang ito. "What are you really trying to point out, Supremo?"

Kung ang nais niyang sabihin ay itigil ko ang kahibangan ko sa pangangarap na maging bahagi ng Space Legion dahil hindi na maaaring ipagpatuloy ang eksplorasyon, then this discussion is over.

Umiling lamang ang supremo at tumayo, handa ng umalis sa hapag. Katulad niya, tumayo na rin ang mga konseho. Nakadirekta sa akin ang tingin ng mga ito na tila ba hindi nila gusto ang naririnig na mga salita mula sa'kin.

"I know what you are doing." Bumaling kay Chantelle ang titig nito. Umiwas naman ng tingin si Chantelle at napainom ng tubig.

"You better stop poking your noses on what already happened. There's nothing you can do to alter the past, but you can still change the future."

Matapos sabihin iyon ay umalis na ang supremo pati na rin ang mga konseho. Naiwan kaming apat na nag-iisip sa binitiwang pahayag ni Hendrick Martin.

The old man is really full of metaphors. Why can't he speak in a manner that we could easily comprehend?

"He's wrong," Chantelle muttered as her gaze directed on me, "he only wants us to remain ignorant as he continues his bidding with the devil."

"W-What are you saying, Chantelle?" Lorelei asked nervously.

Hindi pinansin ni Chantelle ang tanong na iyon. Tumayo ito at tumitig sa mga mata ko na tila ba determinado na siyang gawin ang naiisip.

"10 pm sharp, West gate border." Tumalikod na ito at iniwan kami nang sabihin ang mga katagang iyon.

Kunot na kunot ang noo ni Lorelei na tila ba wala siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ni Chantelle, habang si Gabriel naman ay nakatitig sa akin. Sinalubong ko ang mga mata nito at doon ko nakita kung gaano karaming tanong ang dumadagsa sa kaniya.

Nang lumipas ang limang minuto na wala ni isa sa amin ang nagsasalita, tumayo na ako at akmang aalis na para dumiretso na rin sa k'warto ko.

"You can't go in the West gate border, Genesis," saad ni Gabriel nang humakbang na ako paalis. Huminto ako ngunit hindi lumingon sa kaniya habang hinihintay ang sasabihin pa niya.

"There are guards all the time patrolling in the vicinity. We are highly restricted to go in the West line, you know that. You'll be in big trouble once they caught you sneaking on that area."

"I don't plan to get caught, don't worry."

"If you don't plan to get caught, then don't even try to come near that area."

"I don't need your approval, Gabriel."

Masyadong maraming nangyari sa araw na ito at pagod na ako. Gusto ko na lang ngayon na matapos ang araw na ito maging ang mga dapat kong gawin. Wala akong panahon na ipaliwanag sa kanila ang lahat.

"What? Iyon ba ang tinutukoy ni Chantelle?" si Lorelei na tila ngayon pa lamang nauunawaan ang binabalak kong gawin.

"Shit, no way!" Agad na tumayo si Lei at lumakad palapit sa'kin habang ang inis ay unti-unting nakikita sa mata nito.

"At the library this morning, iyon ba ang pinag-usapan ninyo kanina ng babaeng iyon? Kaya ba ayaw mong sabihin sa'kin?"

"Tell me you're not considering Chantelle's plan." Maging si Gabriel ay tumayo na rin.

Nanatili akong nakatalikod sa kanila at tikom ang mga labi. They will never understand why I'm doing this.

"This is stupid, Faye. That bitch only wants to bring trouble on you. If she wants trouble for herself, let her, but don't come with her!"

I didn't utter a response. They waited for me to assure them that I won't come near that area, but nothing came.

"Jesus, Genesis, come on." Mahigpit na hinawakan ni Gabriel ang braso ko nang magsimula na akong humakbang para iwan sila.

Frustration. Iyon ang naririnig ko sa boses nilang dalawa habang kinukumbinsi ako na 'wag ng tumuloy.

"Let go," nagtitimping usal ko.

"No."

Dahan-dahan nilingon ko si Gabriel. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. Matalim kong ibinalik sa mata ni Gabriel ang tingin dahil nauubos na talaga ang pasensya ko sa kaniya.

"Let go!" matigas kong ulit.

Umiling lamang ito at tinapatan ang intensidad ng tinging ipinupukol ko sa kaniya. "I said, no."

"What the hell do you want from me?" That's it. I'm done playing nice.

"Why are you so nosy? We barely know each other; we just met not a week ago, and here you are now trying to control whatever I want to do? What the fuck is wrong with you?!"

Just because I feel indebted to his family for helping me clean my father's name doesn't mean I'll let him interfere with my business.

He looked shocked upon hearing my words. His tight grip on my arms loosened, and his lips parted a bit. "I . . . I am just concerned about your safety, Genesis. I don't want to see you lose everything you have like your father."

"Fuck off, Gomez. I don't need your concern," madiin kong sambit sabay alis ng braso ko mula sa kaniya.

Nangingilid ang luha ko sa inis. Pinigilan kong nanginig ang boses ko dahil ayokong isipin niya na mahina ako. "What's more to lose on me? I already lost everything I have the moment I was born. There's nothing to lose anymore. I just want to know the truth behind every fucking lies they're spitting."

I'm done believing that my biological father is a hero. I know he committed a graveyard mistake that he and his council are trying to hide from us. They want us to look up to them as if they are all high and mighty, not capable of any vulnerabilities. That's just fucking bullshit.

"Hindi mo kailanman maiintindihan ang lahat sa akin, Gomez. Kahit anong titig mo pa sa mga mata ko, hinding-hindi mo mababasa ang mga tumatakbo sa isip dahil wala ka sa p'westo ko."

"F-Faye. . ." umiiyak na tawag ni Lei sa'kin. Akmang hahawakan niya ang balikat ko nang umiwas ako.

"No, Lei, stop. Please stop making it hard for me. You know in the first place what I want. You know why I'm here. You of all people should be there to push me to do what must be done; why are you now trying to hold me back?"

I just want to know the truth. Masama ba iyon?

Alam kong delikado. Alam ko ang mga risks at kapalit kung sakaling mahuli ako, pero handa akong harapin iyon alang-alang sa katotohanang ibinabaon ng mga nasa itaas sa hukay. Handa akong sumugal para malaman ang mga itinatagong sekreto sa akin dahil buong buhay ko, namuhay ako sa dilim.

"There's no more to lose, why will I be scared now?" ulit ko dahil gusto kong maunawaan nila na wala na akong ikinakatakot.

Being scared is for those people who have a lot of things to lose. To constantly feel that you need to be careful because if not, everything you worked hard for, everyone you love will be put in danger.

I don't have anything to lose. I don't have anyone to protect other than myself. 

"Gabriel." Binalingan ko ito at saka ako umiling. "We're basically just strangers to each other. Don't invest too much in me because I might not be able to give you anything but friendship. Kung magkamali man ako, then it'll be my problem to resolve not yours."

I know he has feelings for me. Hindi ako manhid para hindi iyon maramdaman. He's too kind to me as for someone who just barely talks to another person. Too affectionate for friendship.

Also, his friends' teasings could never escape from me. They gave away Gabriel, lalo na si Kaizer na kung ngumisi sa t'wing magkatabi kami ni Gab ay tila ba kinikiliti ng demonyo.

Sunod kong binalingan si Lei. Malalim akong bumuntong-hininga. "Lei."

Gusto ko na lang namang lumakad sa liwanag. Bawal ba? Dapat ba sa sulok lang ako palagi? Dapat lagi na lang akong nakatago?

Bullshit.

What's the point of living if that'll be the case?

"Mabuti pa si Chantelle, kahit na galit ito sa'kin, she's there to give me clues, but you?" Kunot ang noo ko at hindi makapaniwala kay Lei. "You only want me to stay still and do nothing. Are you really my friend? Or you're just someone who's with me to spy on me?"

"H-How could you say that, Faye? I . . . I would never ever do that, and you know it."

"Do I? Kasi sa totoo lang, napapaisip na rin ako, e. Pakiramdam ko all along you're just spying on me and reporting ny every move to your aunt, to Lady Prim."

Dahil sa sinabi ko, tuluyang bumagsak ang mga luha ni Lorelei. Tinakpan nito ang kaniyang bibig para pigilan ang pagkawala ng hikbi.

Masakit para sa'kin na bitiwan ang mga salitang sinabi ko laban kay Lorelei. Magkaibigan kami nang mahabang panahon. I owe her a lot. She was there when I had no one beside me. But I had enough. I'm done with all the lies. It's time for me to step up and do what I think is beneficial.

"T-That's not true, Faye!"

Umirap ako at tumalikod. "Oh, I bet it is."

Naglakad na ako paalis at hindi na muling lumingon. I'm sorry, Lei. This is the only way for me to stop you from meddling with my life. I'm sorry.

* * *
Third Person POV

MADILIM ang paligid tanging ang liwanag ng buwan sa kalangitan lamang ang nagbibigay liwanag sa binata habang mabilis itong tumatakbo sa gitna ng kagubatan. Inabot na siya ng gabi sa kakahuyan, kanina pa ito tumatakbo at umaasang makalabas na sa madilim na lugar na iyon.

Palingon-lingon ito sa paligid at pabilis nang pabilis ang pagtakbo. Tagaktak ang pawis at hinihingal na ito subalit hindi siya p'wedeng huminto man lang para magpahinga. Walang oras na dapat sayangin.

"Ah, fuck!" Napatid ito sa nakausling ugat ng puno. Ipinagpag niya ang palad nang mapuno ng dumi ang mga iyon matapos maitukod dahil sa biglaang pagkadapa.

"Konti na lang, kailangan kong bilisan, parating na sila."

Humangin nang malakas at napahawak ito sa kaniyang braso. Malalim siyang bumuntong-hininga bago muling magpatuloy sa pagtakbo; ilang beses itong muntik na madapa.

Nang makarating sa bungad ng kagubatan ay doon pa lamang ito huminto. Napaluhod siya at nagpunas ng pawis. Nang makabawi na ng lakas ay muli siyang tumayo at inilibot ang mata sa paligid.

Napangiti siya nang makitang nakalabas na siya sa madilim na kakahuyan. Makapapasok na siya sa s'yudad. Ang kailangan na lang niyang gawin ay akyatin ang napakataas na bakod at umiwas sa mga bantay. Hindi siya p'wedeng mahuli ninuman kaya dapat siyang mag-ingat.

"I just need to warn them. Kung makikinig sila sa akin o hindi ay bahala na sila," bulong niya sa sarili habang hinahanap ang lubid sa loob ng kaniyang bag.

Halos dalawang araw din siyang lakad-takbo lang ang ginagawa. Wala pa siyang matinong pahinga dahil sa loob ng paglalakbay niya, tanging idlip lang ang nagagawa niya. Hindi siya pinatutulog ng mga halimaw na nakikita niya sa kan'yang panaginip.

Ipinakat niya sa dingding ang hawak na electric simulator para saglit na mawala ang kuryente sa dingding. Mabibigyan siya nito ng sapat na oras para makaakyat sa mataas na bakod nang hindi nakukuryente sa electric fence. Ang problema lang niya ngayon ay kung paanong walang makakikita sa kaniya dahil batid niyang may mga umiikot na patrol sa loob ng lugar na iyon.

Mahigpit ang seguridad sa establisyemento kung saan naninirahan ang supremo. Wala pa siyang konkretong plano sa balak na pakikipag-usap kay Hendrick Martin, subalit buo na ang kaniyang loob. Panahon na para harapin ang lalaking kinasusuklaman niya.

"Ah, shit!" daing nito nang makuryente. Hindi pa kasi tuluyang namamatay ang boltahe ng kuryente na mayroon sa bakod. Nagsuot siya ng gloves at inihagis ang lubid. Isang hagis lang at kumawit na ang hook nito sa itaas, hinatak niya iyon at nakitang mahigpit naman ito.

Nang tuluyang nawala na ang kuryente sa bakod; hindi na ito nagsayang pa ng oras. Mabilis niyang inakyat ang bakod na may 49-talampakang taas at tumalon sa kabilang bahagi. Bumagsak siya sa lupa at napaungol sa sakit nang tumama ang braso niya sa bato.

Laking pasasalamat niya nang walang nabaling buto sa kaniya. Sanay naman na ito sa pagtalon-talon sa mga matataas na lugar dahil sa kinalakihang trabaho. Hindi na bago sa kaniya ang masugatan at mabalian ng buto. Ininda niya ang sakit ng pagkakabagsak maging ang dugong tumutulo mula sa siko niya. Pinilit niyang hinila ang sarili sa madilim na sulok nang makarinig ng yabag. May mga paparating na bantay!

"Operations of the electric fencing detected on the West gate area. High volts deactivated, switching on, now in three . . . two . . . one," wika ng isang patrol habang ina-activate na muli electric fence.

Nang makaalis na ang patrol ay saka pa lamang lumabas ang binata mula sa dilim. May kaunting liwanag na nagmumula sa mga ilaw hindi katulad kanina na tanging kadiliman lang ang naaaninag ng kaniyang mga mata.

"Now, where will I go?" Mula sa bulsa, kinuha niya ang nalukot na mapa. Ngumuso siya nang makitang malapit na siya sa kaniyang destinasyon.

Pumikit ito nang mariin at tumingala. Nang umihip ang hangin ay bahagyang nagulo ang buhok nito. "Father, I am now fulfilling your wish," malungkot na bulong ng binata.

Inunat niya ang kaniyang dalawang braso habang dinadama ang malamig na hampas ng hangin sa kaniyang balat. Tama nga ang kaniyang ama, iba ang simoy ng hangin sa lugar na ito kumpara sa kinalakihan niyang lugar.

"I just wish you're here with me, Dad."

Nang idinilat ito ay kusang nawala ang dumaang lungkot sa mata nito. Napalitan ito agad ng hindi maipaliwanag na emosyon; nakakuyom ang kamao nito, at mabigat ang paghinga.

"Bakit kailangan mo pa silang tulungan gayong pinabayaan ka nila noong panahong kailangan mo sila?"

They all deserve to die, yet here you are asking me to save their asses? Just . . . fuck them off.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro