Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: Unfold the Unknown

TAHIMIK akong nakatitig sa basong nasa harapan ko habang nakikinig sa presentasyon ni Lei. Pilitin ko mang magpokus sa sinasabi nito ay hindi ko magawa dahil kanina pa lumilipad ang isip ko sa pinaplanong gawin.

Mamayang gabi ay magkakaroon ng salu-salo para sa hapunan kasama ang mga konseho at ang supremo. Iyon ang naiisip kong panahon upang isagawa ang pagtakas sa dormitoryo. Ang tanging problema ko lang ay kung paano makaaalis nang hindi napapansin ng lahat ang aking pagkawala.

"Ayos ka lang? Nauuhaw ka ba?" tanong ni Gabriel nang mapansing nakatitig lang ako sa baso.

Agad akong umiling at ngumiti. "May iniisip lang."

Para mawala ang pag-aalala ng lalaki, minabuti ko na lamang na magkunwaring interesado sa pakikinig kay Lorelei. Hindi rin naman nagtagal ay nawala sa'kin ang tingin ni Gabriel. Tulad ko, nakatitig na rin siya sa harapan at tahimik na nakikinig.

Sa gilid ng mata, nakita kong malaki ang ngisi nina Kaizer at Jaxson habang nakatingin sa aming dalawa ni Gabriel. Binalingan ko ang mga ito at tiningnan nang masama, agad naman ako nila akong pinakitaan ng kamay na may korteng puso. Inirapan ko lamang sila at ibinalik na ang tingin sa harap.

Idiots.

"To summarize, Hayden Moris was the trusted companion of the Lincoln family. He became the leader of the Moxie before he joined hands with Alexander Gardner. The shreds of evidence of his allegiance with the latter were found at his office one week after humankind descended back to Earth."

Nakatapos na akong ipakilala si Mariot Lincoln. Sapat naman ang kaalamang naibahagi ko kaya hindi na ako nagisa ng mga taong ni Miss Wendy. Malaki rin ang pasasalamat ko sa impormasyong nakasulat sa papel na ibinigay sa'kin ni Chantelle. Kung hindi dahil doon ay hindi ko lubos na mauunawaan ang komplikadong buhay nito.

"Although the camp of Moris vehemently denied the allegation against him, after months of investigation, the trial ended after it was proven that Hayden Moris was guilty of his accusation. As a punishment, he was exiled from his village. All the privileges he received when he was inaugurated as Moxie leader was stripped from him."

Yumuko si Lorelei matapos ang kaniyang presentasyon. Kabado itong lumingon sa direksyon ng nakapikit na tagapagbantay ng aklatan. Kung titingnan ngayon ang itsura ni Miss Wendy, tila ba mahimbing itong natutulog habang kami ay nagsasalita sa harap.

"If Moris is restricted to step foot in his village, where does he stay after these years?" tanong ni Miss Wendy habang nagkukusot pa ng mata.

"At the Arab City, behind the mountain of death. The book I read indicated that after Moris and his family were thrown out of Moxie village, they flew to the North and caved in the said city. They are now living as merchants."

Tumango-tango naman si Miss Wendy. Nakita kong tila nakahinga na ng maayos si Lorelei nang mukhang wala ng idudugtong pang tanong ang matanda sa kaniya. Uupo na sana ito nang muling mag-usal ng tanong ang tagapagbantay.

"You said that the Morisses are a great companion of the Lincolns. Do you think the latter family influenced them to commit treason against the high chancellor? Or was it the other way around?"

Umawang ang labi ko sa narinig na tanong. Kusang lumipat ang tingin ko sa direksyon ni Miss Wendy, nakita kong seryoso itong nakatingin kay Lei. Nang maramdaman ang titig ko ay bumaling naman ito sa'kin.

"Who influenced who to betray the high chancellor? Both families were once known for being good friends with Hendrick Martin. It was only after we descended back on Earth did the allegations come out. Tell me the reason behind it."

Namutla si Lorelei nang marinig ang tanong sa kan'ya. Natutuliro itong tumingin sa hawak niyang papel para maghanap ng kasagutan sa tanong. Maging ako ay napaisip. Nakapagtataka na gano'n nga ang nangyari.

Kung tunay silang nagtraydor sa supremo, kung totoong sumapi sila sa samahan ni Alexander, bakit noong naganap ang digmaan sa Ark, nasa tabi lamang sila ng supremo at kasama nitong lumaban?

Bumaling ang tingin ng lahat sa gawi ni Chantelle nang magtaas ito ng kamay. Prente itong nakaupo sa kaniyang p'westo habang nakapangalumbaba pa. Kanina ay humihikab pa ito at walang gana sa pakikinig, ngayon ay nakataas na ang kamay niya.

Tumango si Miss Wendy sa kaniya. "Neither of them influenced each other. They did what they think was needed to do and what was right at that time."

Mababakas sa tono ni Chantelle na matibay ang kaniyang paniniwala sa binitiwang salita. Umayos ito ng upo at ikinrus ang braso sa dibdib.

"If I were to be asked if both families were guilty of the accusations, I would say they're not."

Sa sinabing iyon ni Chantelle, napangisi ang matanda at mukhang nagtagumpay na makuha ang interes.

"Explain," tipid na saad nito habang nakangisi.

"The evidence of the court against Mariot Lincoln should be invalidated. The claims didn't have solid proof, while the gathered testimonies came from baseless rumors." Kunot ang noo ni Chantelle habang sinasambit iyon.

Napapaisip tuloy ako kung bakit nagiging emosyonal ito sa t'wing mauugnay sa pamilyang iyon ang usapan. Alam kong hindi lang ako ang nakakapansin noon. Ang pagtaas ng tono ni Chantelle habang nagpapaliwanag ay tanda ng pagiging sentimenal niya.

"I don't know how the hell the then chief justice analyzed the pieces of evidence. It was so clear that Lincoln is not guilty of a crime, the same as the Morisses. If anything, they must be rewarded rather than punished," matigas na wika nito.

"Why does it seems like you are so invested in Lincoln's case? Do you know them personally?" Ibinulalas ni Miss Wendy ang tanong na nais naming ipukol kay Chantelle.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, nakita kong lahat ng mata ay nakatuon kay Chantelle at lahat ay naghihintay sa sagot nito.

"Oh, yes, of course, you have met them already. You are, after all, the high chancellor's only daughter." Malakas na tumawa si Miss Wendy matapos bigkasin ang pahayag na iyon.

Walang pagdadalawang isip na umikot ang mata ni Chantelle. Hindi man lang ito natakot sa sasabihin ng matanda.

"I don't need to be anyone's daughter to know the truth. Only those with nut-sized brains will believe the utterly lame decision of the court."

"So, you're saying that the councils and high chancellor are all shitheads?"

"Everyone looks up to them as their leaders. The high chancellor, together with his councils, is supposed to make our life safer by maintaining peace in all aspects."

Natahimik ang silid nang matapos ang tanungang iyon ng dalawa. Matalim pa rin ang tingin ni Chantelle at tila ba wala siyang planong tumigil sa pagsagot kung pupukulin pa siya ng tanong.

"How could they possibly do that if their actions scream war? They stir up trouble by shutting the voices of those who wish to be heard. No citizen would like a leader like that."

For a moment, all the differences between Chantelle and me seem to disappear. I always thought that we would never have the same opinion. Yet, upon hearing her views, I see no difference between the two of us.

I grew up thinking that the councils want nothing but good for the people they serve. They are founded all for one reason . . . to draw equity and justice.

Ngayong dumarami ang kaalaman ko sa mga bagay na tila itinatago sa amin, higit kong nauunawaan ang kamalian ng mga namumuno. Tunay nga na lahat ng tao ay nagkakamali; walang perpekto. Maski ang mga konseho na dapat ay palaging tama, hindi nakaliligtas sa kamalian.

"As you go through this journey of unfolding the unknown, you will learn the dark history of our race. We commit mistakes, all of us. Yet, not a single day we regretted our decisions in life because we know for a fact that it was for the sustenance and survival of our kind, never for greed."

Madilim ang emosyong ipinapakita ng mga mata ni Miss Wendy. Tinitigan ko iyon sa kagustuhang malaman ang iniisip nito subalit nabigo ako. Mahirap basahin ang isip ni Gwendolyn Montefolca, isa sa limang konseho ng supremo.

"If you want to be the next generation of leaders, kill your conscience. Guilt has no place in the world we live in. And a leader who cannot commit mistakes could never be fit for the position."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro