Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: Which Division Do You Belong?

TAHIMIK akong nakapila habang nagbabasa ng libro. Hindi inaalintana ang ingay ng mga tao sa paligid. Puro mga kabataan ang narito para sa araw ng markahan. Ang kanilang mga magulang ay nasa labas ng arena, naghihintay sa kanilang mga anak.

Maraming sumubok na kausapin ako subalit mas higit na napukaw ng librong binabasa ko ang aking atensyon. Pumatak ang pawis na mula sa noo ko at nabasa noon ang libro.

"Bakit kasi walang bubong ang lugar na ito?" inis kong bulong sabay punas ng pawis.

Labag sa loob kong isinara ang libro at itinago sa dalang bag. Kinuha ko rin ang baon kong inumin. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako dahil sa sobrang init. Tumingala ako at doon nakitang matindi ang sikat ng araw sa umagang ito.

Ngayon ang araw ng markahan kung saan malalaman namin kung saang dibisyon kami mapabibilang. Matagal na panahon kong hinintay ang araw na ito.

I will be a Legionnaire.

Hindi ako aalis dito nang hindi napabibilang sa dibisyong iyon. Alam kong doon ako nararapat. Hindi sa Prudence at mas lalong hindi sa mayayabang na mga Erudite.

"Faye!"

Napairap ako nang marinig ang matinis na boses ng aking kaibigan. Bago pa ito makalapit ay mabilis na akong humakbang paalis sa pilang kinatatayuan ko.

"Hey, wait up!"

Hindi ko pinansin ang bawat tawag ng kaibigan. Mas binilisan ko pa ang paglalakad patungo sa harapan ng pila.

"Fuck!" galit kong sigaw, napahawak sa likod ng ulo matapos tamaan ng ibinatong sapatos.

"What the hell, Lorelei?!" angil ko nang makitang nakangisi pa ito. Nakataas ang kilay at nakakrus pa ang braso sa dibdib na para bang nang-uuyam.

"The fuck is your problem? Bakit ka nandito?!"

Ang sabi niya ay hindi siya dadalo sa markahan. Kuntento na raw siyang maging isang elitista at wala siyang interes na magkaroon ng posisyon sa konseho pagdating ng araw.

Masaya na ako nang marinig ko ang sinabi niyang iyon dahil buong akala ko'y matatahimik na ang buhay ko. Siya lang naman kasi ang gumugulo sa akin sa loob ng apat na taon ko sa institusyon.

"I changed my mind. I suddenly realized that I can't live a day without seeing you, my friend. Kaya kahit ayaw kong mamarkahan, narito pa rin ako." Nakanguso pa ito nang sabihin iyon at saka umakbay sa akin.

Inis kong inalis ang braso niya sa balikat ko matapos ay lumayo sa kaniya. Hinagod ko ang aking buhok pa kanan at tiningnan siya gamit ang mapanghusgang sulyap.

"Liar," saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Sumunod naman ito sa'kin habang tumatawa-tawa pa. "What? Totoo ang sinabi ko, Faye."

"Tss, shut up. Alam kong si Lady Prim ang nag-utos sa'yo na dumalo."

"What made you think na susundin ko ang matandang 'yon kung siya nga ang nagsabing dumalo ako? She has no control over me," mayabang na wika nito.

Mas minabuti kong huwag ng kumontra sa sinabi niya. Batid kong mas hahaba lamang ang usapan namin kung sasagutin ko pa siya. Masyado ng mainit ang sikat na araw, ayoko na maging ang ulo ko ay uminit din.

Nang makarating kami sa unahan ng pila ay hindi ako nahirapang sumingit. Walang nagreklamo nang lumagay ako sa unahan kahit na higit na maaga sa akin ang karamihan.

"Lorelei Brown?" tawag ng isang babae sa aking kasama.

Lihim akong napangisi nang sa wakas ay nawala na rin sa akin ang atensyon ni Lei. Dahil sa kilala siyang pamangkin ng tanyag na miyembro ng council, Primrose Modesca Brown, o kilala sa katawagang Lady Prim, sanay na si Lei sa atensyon ng publiko.

Kahit saan siya magpunta ay nakikilala siya. Marami ang lumalapit sa kaniya para makipagkaibigan dahil sa kagustuhang mapalapit sa kaniyang tiyahin.

Tanging ako lamang ang nakagagawang tanggihan ang pakikipaglapit sa kaniya. Iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang dumidikit sa akin.

Sabi niya'y tuwing hindi ko siya binibigyan ng atensyong nakukuha niya sa iba, natutuwa siya. Nais niyang maging kaibigan ko dahil alam niyang ako lamang ang walang intensyong makipaglapit sa kaniya para lang sa impluwensya.

"No doubt, you'll be part of Prudence or Erudite, Lorelei. Your maternal relatives are all in the Erudite house, while your paternal relatives are part of the Prudence justice circa!"

Hindi ko sinasadyang makinig sa kanilang usapan subalit maski ako ay kuryoso kung ano'ng dibisyon ang napupusuan ni Lorelei. Mauulinigan ang inggit at pagkamangha sa boses ng babae nang banggitin ang mga salitang 'yon.

Hindi ko ito masisisi kung hinahangaan niya ang pamilya ni Lei. Tunay na matataas ang katungkulan mga kamag-anak nito sapagkat lahat sila ay mahuhusay sa kani-kanilang mga piling larangan.

"I have no interest in taking the roads my family has made for me. I like to create my path. Isa pa, tingin ko ay mas gusto kong maging bahagi ng Moxie."

Yeah, I see your future in the Moxie division, Lei. Your ability to socialize with the public, plus your talent and crafty hands, created you perfectly for that class!

"Moxie? But they're the lowest rank in the four divisions, Lorelei. You don't belong there!"

Maraming umalma nang sabihin ni Lei na gusto niya sa dibisyong napili. Bukod kasi sa wala sa pamilya niya ang naging bahagi ng house of the Moxies, iyon din ang pinakahuling dibisyon sa apat na klaseng nabuo.

Ang Legion, o mga kilalang space warriors at land police, ay naglalaro sa pangatlo. Hindi nila binibigyang pansin ang ranking sapagkat higit na mahalaga sa kanila ang pagsasanay at pagpapanatili ng katahimikan sa mundo.

Sa loob ng apat na dekada, buhat nang itatag ng gobyernong namumuno sa bansa ang mga dibisyon, nanatiling pang-apat ang Moxie. Ang Prudence at Erudite ang palaging nag-uunahan sa itaas.

Kap'wa matatalino ang mga nagiging kasapi ng Prudence at Erudite, ang kaibahan lang ay ang kanilang estilo at paniniwala.

The Prudence division follows the law they created. They value integrity and honor more than intelligence. They are competent and are bound to lead in the future- well, that's just my opinion, though.

While the Erudite division? They are cunning and are never willing to accept defeat. They will rather have their names erased on the global citizens' list than fail in the aptitude and intelligence test. They will do everything to remain the more topnotch in the ranking.

"You think so lowly to the Moxie division. Don't you know that among the four classes, they're the most skillful and most needed?"

Kahit na nakangiti si Lei nang sabihin iyon, mahahalataan na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae. Mabait ang kaibigan kong si Lorelei, madali siyang lapitan, subalit mabilis na maputol ang kaniyang pasensya at interes.

Sa oras na ito, alam kong nasa blacklist na niya ang babaeng nangmaliit sa mga Moxie.

"How about you, Genesis? Which division is your choice?" patay-malisyang baling sa akin ng babae.

Napairap na lamang ako bago humarap sa kanila. Akala ko ay hindi niya mapapansin ang presensya ko subalit nagkamali ako.

Tinitigan ko sa mata ang babaeng nagtanong. Nakangiti ito noong una, ngunit nang makitang walang bakas ng ngiti sa mukha ko, unti-unting nabura ang matamis niyang ngiti.

"Four years in the institution. . ." Ngumuso ako para pigilan ang nagbabadyang pagngisi. Ayokong magmukhang suplada subalit higit kong ayaw ang mga taong mangmang.

"You stayed that long in the institution only to learn nothing?" Tumaas ang kilay ko nang itanong iyon.

Sa sulok ng mata ko, nakita kong nakangisi na muli si Lei. She probably knows that I am about to smash this girl.

"H-Huh?"

Ang mga nakarinig sa usapan namin ay tuluyan ng humarap sa aming direksyon. Nakiusisa sila sa usapan namin at nakatutok sa kung ano'ng susunod na mangyayari.

Great - I hate the attention, but here I am making a fucking scene!

"We have been taught that the mark will choose its bearer, not the other way around."

Matagal ng itinatak sa aming isipan ang bagay na iyon. Maaaring piliin ko ang maging parte ng Legion, subalit kung hindi ako pipiliin ng simbolo, wala akong magagawa.

But in my case, I will be a fucking Legionnaire. I won't accept any houses but the Legion.

"Our fate has been written way before we were born. Therefore, we clearly have no choice to make."

Tila tinakasan ng buhay ang babae matapos marinig ang aking tugon. Namumutla ito at pinagpapawisan. Maya-maya'y tumalikod at walang imik na umalis.

"Whoa, that's my Faye!" masayang sigaw ni Lei sabay palakpak nang makitang nagpupunas ng luha ang babae.

I shrugged my shoulders and raised my left brow before I turned my back. I did nothing wrong, I simply stated the fact.

She's so foolish to think that she has the power to pick her destiny.

"Don't you think you are a bit harsh? Papa won't like that attitude."

There she goes. She really came.

People around the arena will be shocked to know that Her Highness came out of her palace just to attend the marking ceremony. Who would have thought that the daughter of the high chancellor will attend the ceremony when all her life, she spent it inside her room?

Hindi ako nag-abala pang lingunin siya. Kahit na hindi ko makita ang kan'yang mukha ay kilala ko ang boses nito.

Hindi kami lumaki sa iisang bubong, subalit nakalakhan ko ng naririnig ang malamig niyang tinig. Kahit minsan, hindi ko pa narinig ang pagiging malambot nito. Kahit pa kausap niya ang ama niya nananatili siyang pormal at malamig ang pakikitungo.

"I don't care. I am not here to impress your father," tugon ko.

Nagpakawala ito ng maikling tawa saka hinawakan ang dulo ng aking buhok. "You mean, our father?" pagtatama nito.

Nagtiim ang aking bagang nang ibulong pa nito ang huling salita sa aking tainga.

She really knows how to piss me off.

Minsan na lamang kami magkita, palagi pa niyang sinasagad ang aking pasensya.

"Piss off, Chantelle."

Tinapik nito ang aking balikat habang nakalapit pa rin sa aking tainga. Kahit na maingay ang paligid, puno ng kuwentuhan at tawanan mula sa mga kabataang naghihintay na mamarkahan, malakas at malinaw kong narinig ang kaniyang pang-uuyam.

"Accept it, Gen. You are also his daughter. You may loathe him for abandoning you and adopting me in exchange, but the truth won't bend that you are still the supremo's one true heiress."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro