Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologo

FILIPINAS, 1896

MULA sa malayo ay natatanaw ni Leonardo ang paghihinagpis ng mga taong naroroon.

Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa patungo sa libingan.  Ayaw niyang paniwalain ang sarili na wala na ang kaniyang pinakamamahal na lolo na si Don Matias Romero, isang mayamang haciendero sa kanilang bayan at tanyag na manunugtog ng piyano.

Ang tanging lolo lamang niya ang tanging nakakaintindi sa kaniya at dahilan kung bakit isa siya sa pinakamagaling na piyanista ng lungsod.

Walang anuman ang lumabas na luha sa kaniyang mga mata na tila namanhid na siya sa lahat. Mas umuusbong ang kaniyang galit at poot sa ginawang pagtataksil nila sa kaniyang lolo. May kutob siya na may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng matanda.

Nang matapos ang libing ay hindi kumibo si Leonardo sa kanila. Napansin naman iyon ng kaniyang ama na si Don Anghelo at ang kaniyang madrasta na si Rosita.

"Bueno, wala na ang lolo mo... Pwede mo ng lisanin ang iyong pagiging piyanista at ilaan mo ang iyong sarili sa pag-aaral ng abogasya," Wika ng ama nito sa kaniya.

Palihim na napayukom ng kamao si Leonardo, hindi niya lamang ito pinapahalata sapagkat maraming bisita at kamag-anak ang nasa kanilang tahanan ngayon.

"Musika ang tanging sandalan ko, ang pagiging piyanista ay ang nag udyok sa akin kung paano ko nakilala ng husto ang aking sarili!" Mariin na saad ni Leonardo, pero kahit ganoon ay kalmado pa rin ang kaniyang mukha.

Napahinga na lamang ng malalim ang kaniyang madrasta at napataas ng kilay habang nagpapaypay ng abaniko.

Napapunas ng bibig ang Don at tumayo. Pumasok ito sa isang silid.

"Mukhang nais ng iyong ama na kayo'y mag-usap sa kaniyang opisina," saad ni Rosalia.

Walang nagawa si Leonardo kundi ang sundan ang ama.

"Huwag mo akong ipahiya sa kanila! Wala na ang iyong lolo na magtatanggol sa kahibangan mo!" Diretsong sabi ni Don Anghelo.

"Hibang kung tatawagin? Pero ang pagiging piyanista ni lolo noon ang dahilan kung bakit natatamasa mo ang marangyang buhay ngayon!"

"¡Cállate!" (shut up!)

Nagulat si Leonardo nang bigla siyang kinwelyuhan ng kaniyang ama.

"Mamili ka, ipagpapatuloy mo ang pagiging piyanista at walang mana ang mapapasayo? O ang pag-aabogasya na siyang susi para ikaw ay maging mayaman? Sa iyong napiling hilig ay hindi iyan uubra sa mga mayamang binibini!"

Napapikit si Leonardo sa inis, "Ang gusto ko ay ipagpatuloy ang nasimulan ni lolo, ayaw kong matulad sa inyo na kurapsiyon ang pinapairal sa utak!"

"Ang pagiging kurap ko ang nagpakain sa'yo!" Galit na tugon ni Don Anghelo sa anak at muling lumabas ng silid.

Naiwan na lamang si Leonardo na ngayon ay hindi na mapigilan ang galit kung kaya ay nasuntok niya ang pader.

Hindi maaring magwakas, kahit sa kabilang buhay ay mag-aalab ito ng kusa na maaring makapagpamulat sa kanilang mga damdamin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro